Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hibang na Pag-ibig
Hibang na Pag-ibig
Hibang na Pag-ibig
Ebook80 pages57 minutes

Hibang na Pag-ibig

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Maraming taon na ang nakalipas magmula nang matutong mahibang ang puso ni Dylan sa isang lalaking singtayog ng langit ang layo sa kanya.

At nang muli silang magtagpo ni Bien, hindi pa rin pala nawawaglit ang pagkabaliw niya... Hindi pa rin pala siya nakakalimot...

Paano magagamot ang hibang na pag-ibig?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463989630
Hibang na Pag-ibig
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Hibang na Pag-ibig

Related ebooks

Reviews for Hibang na Pag-ibig

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hibang na Pag-ibig - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Mabigat ang backpack na nakasukbit sa magkabilang balikat ni Dylan. Gayundin ang manual camera na nakasabit naman sa leeg niya. Pero di niya alintana ang anuman, maliban sa 'subject' na pinag-aaralang kunan ng letrato.

    Isang babae na may kargang sanggol ang namataan -- at umagaw sa atensiyon -- niya. Para bang may naantig sa kalooban niya, nang makita ang tanawing puno ng masuyong pagmamahal.

    Matapos magpalakad-lakad habang kinakarkula sa isipan ang iba't ibang anggulo at timpla ng liwanag, hinawakan niya ang kamera para silipin ang mag-ina sa lens.

    Ilang sandali pa, sunud-sunod na ang pagpindot ng daliri niya sa buton. Kinunan niya ang maraming anggulo upang maraming pagpilian kapag na-developed na ang film.

    Nang maubos na ang ikinargang rolyo, hindi pa rin umalis sa lugar na iyon si Dylan. Nakatitig pa rin siya sa babae at sanggol.

    Paano'y nakakapanaghili ang tagpong napapagmasdan. Parang napakapayapa ng daigdig ng dalawang nilalang na ito. Sa gitna ng magulo at hungkag na mundo, iyon ay isang himala.

    'Himala,' ulit ni Dylan sa sarili. Gusto rin ba niya ng himala?

    Napangiti siya sa imposibleng tanong. Ngunit agad ring naglaho ang ngiting iyon.

    May nadanggil kasing sensitibong bahagi sa kanyang kalooban. Matagal na kasing kabagut-bagot ang buhay niya. Matagal na rin siyang naghahanap ng bagay na pupuno sa lumalaking guwang ng lumbay.

    Isang anak kaya ang makakapagpabalik ng nawawalang saya at kakuntentuhan sa kanyang puso? Hindi pa rin maligaya kahit nagbunga na ng maraming tagumpay ang mga pagsisikap niya. Wala kasi siyang anak na mapapag-ukulan ng mga resulta ng pagsisipag niya.

    Pero ayaw naman niyang mag-asawa. Hindi siya naniniwalang kailangan niya ang isang lalaki para lang mabuhay sa mundo.

    Isa siyang 'manhater' at 'feminist'.

    Nung bata siya, nasaksihan niya ang kalupitan ng lasenggong ama sa martir na ina. Na ikinamatay ng huli.

    Kaya hanggang sa nagkaisip at nagdalaga, nanatili sa kanya ang poot laban sa mga kalahi ni Adan. At nung iskolar pa siya ng kursong Potograpiya, naging aktibo siya sa mga samahang kababaihan na may kinalaman sa pagsugpo sa brutal na puwersa ng kalalakihan.

    Nang maging prupesyonal at international photographer, medyo lumawak na ang pananaw niya. Nitong nagdaang mga taon, habang naglalakbay siya sa iba't ibang bansa, nakakita siya ng maraming mukha ng kalupitan. Nadiskubre niyang hindi pala esklusibo sa mga lalaki ang maging mapanakit at bayolente.

    Ngunit parang napakatagal na panahon na iyon. Ngayon pa lamang niya napapagtanto na unti-unti na palang binura ng panahon ang mga sugat ng nakaraan.

    'Oo, gusto niyang magkaanak.' Bigla na namang sumulpot mula sa kaibuturan ang kahilingang iyon.

    Paano?

    Kailangan niya ang isang lalaki, para makatuwang sa paglikha ng anak. Kahit na isang magdamag lang...

    May lalaki ba namang papayag na maging babymaker?

    Meron siguro--sa tamang presyo. Moderno na ang panahon ngayon. Kung sa tamang lugar siya maghahanap ay tiyak na may matatagpuan siya. Pero gusto ba niya ng lalaking may mumurahing pagkatao?

    Bakit hindi na lang siya magpabuntis by artificial insemination?

    Agad niyang pinalis ang ideya. Napaka-impersonal naman ng paraang iyon.

    Ang nais sana niya ay makapamili ng lalaking may mga katangiang mamanahin ng magiging anak. Tutal, minsan lang.

    Saan naman kaya siya maghahanap ng ganoong klaseng lalaki?

    HANGGANG sa mga sumunod na araw at linggo, ang naturang ideya ay nanatili sa loob ng utak niya. Ayaw mapalis kahit na sabihing ridikuloso at hibang ang gusto niyang mangyari.

    Kahit na abalang-abala sa kanyang trabaho. May pinaghahandaan kasi siyang isang major photography exhibit, kaya palaging pata ang buong katawan sa araw-araw na paglilibot upang maghanap ng mga 'subjects' na kukunan ng larawan.

    Pero hindi ang kanyang isipan. Nagiging obsesyon na niya ang layuning magkaroon ng anak.

    Kaya naman nagiging interesado na siyang tumingin sa mga lalaking nakikita sa paligid. Ang bawat isa ay nagmimistulang kandidato na hinahanap niya para maging ama ng kanyang unica hija. Ang ibig niyang maging anak ay babae.

    Sisiguraduhin niyang babae ang magiging supling.

    Sa malas naman, wala siyang magustuhan sa mga kalahi ni Adan na nakakadaupang-palad.

    Wala yatang lalaking papasa sa mataas na sukatan niya!

    Nasa loob siya ng darkroom, nang tumunog ang telepono sa salas. Nagde-develop siya ng ilang rolyo ng film, pero papatapos na kaya hinayaan munang mag-ingay ang mekanismo. Kung importante ang pakay, tiyak na tatawag uli ang caller.

    Matapos iipit ng mga plastic clips ang mga bagong developed na pictures sa wire na mistulang sampayang nagsalimbayan sa isang panig ng silid na may pulang ilaw, lumabas siya at nagtungo sa kusina upang magtimpla ng orange juice para sa sarili.

    Two-storey ang townhouse unit na binili kamakailan lang. Ang buong second-floor ay ginawa niyang studio. Pinalagyan niya ng sky-roof para palaging maliwanag. Sinadyang kaunti lang ang mga kasangkapan upang maging maluwang lalo sa tingin. Sa dulong bahagi, kungsaan hindi sakop ng mga salaming bubungan, ay nakasabit sa bawa't ispasyo ng dingding ang mga naka-framed na blown-up pictures ng nagbigay ng mga tropeo at plakeng napanalunan sa mga kumpetisyon.

    Ang bedroom, living room, dining room, at kitchen ay pawang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1