Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Unbelievably in Love
Unbelievably in Love
Unbelievably in Love
Ebook117 pages1 hour

Unbelievably in Love

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Secret lang, pero in love ako kay Rocco mula pa man noong seven years old pa ako. Pero nag-migrate ang kanyang pamilya sa U.S. noong teenagers na kami kaya akala ko talaga, hindi ko na siya makikita kahit kailan.

14 years later, at single pa rin ako, nagbalik si Rocco na isang biyudo. Hot na biyudo, ang guwapo-guwapo. Matapos ang medyo alanganin naming reunion, mukhang gusto na rin niya ako. Halata sa halik. Ang init-init. Ang problema ko lang, bakit pabalik-balik nang bisita sa kanya ang sister-in-law niya? May nangyayari ba na hindi ko alam? Nagtu-two-time ba si Rocco? Pero bakit naman nag-panic siya noong inakala niyang binibigay ko na sa iba ang atensyon ko?

Magtitiwala ba ako sa kanya? O uupakan ko na ba ang asungot na babaeng iyon para wala na kaming problema?

LanguageTagalog
Release dateJan 1, 2021
ISBN9780463247105
Unbelievably in Love

Read more from Elena Parks

Related to Unbelievably in Love

Related ebooks

Reviews for Unbelievably in Love

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Unbelievably in Love - Elena Parks

    Chapter One

    Chapter Separator

    Novalee

    MUMUKAT-MUKAT akong nagising ng umagang iyon pero nang maalala kung saan ako pupunta, nagtakip ako uli ng unan sa aking ulo at umungol. Pero mataas na ang sikat ng araw at bumangon ako saka pumasok sa banyo para maligo.

    Pauwi ako sa Sta. Rosa sa Laguna, my hometown. May dadaluhan din akong birthday party ng isa sa mga amigas/sisters ng Mommy ko.

    At, sigurado, marereto na naman ako sa kung sinong napili ni Mommy at ng Sisterhood (mga childhood friends ni Mommy at hindi totoong mga kapatid pero parang magkakapatid na ang turingan) na kandidatong maging husband ko.

    Kaming mga supling ng mga sisters, mula pa sa unang regla, ay ginawa na nilang business ang love lives. Kailangan ay kilala nila ang kung sinong manliligaw, vouched nila mismo, o kaya kailangang makapasa sa kanilang standards kung kami ang mismong may kilala.

    Kaya hindi kami makareklamo? Kasi wala pang palpak ang mga sisters. Sa huli, ako na lang ang natira. Happily married na sila lahat. Sabi nga, hangga’t hindi pa ako nasasakal mananatili akong bad sa kanilang record.

    At ngayong twenty-seven na ako, hindi na sa boyfriend material naka-focus ang mga hitad kundi sa husband na. Ang nakakainis pa, lagi naman ngang may nakikita ang mga ito. May mga binata, matandang binata, biyudo, Intsik, Bombay at mestizo.

    Pero wala talaga akong gusto! Ayokong magbo-boyfriend na hindi ako ang pumili. Sino ba ang may gusto nang ganoon?

    Iyon nga lang – bakit nga ba kahit kailan ay wala pa rin akong magustuhan? It’s not like I haven’t been meeting good men. Hindi din ako tomboy. Maganda ako, ha? Like confidently-beautiful-wala-akong-pakelam-kung-may-mas-maganda-pa-sa-ken. I love myself.

    Iyon na yata ang problema. I loved myself too well, kapag naaasiwa ako sa lalaki uurong ako. Kasi nakakatakot. You would open yourself to someone whose opinions and attentions matter too much. Ayoko pa.

    Unless it was worth it.

    Pero sino nga ba ang worth it?

    It wasn’t like I hadn’t tried. I did, too. Twice. Pero noong sasagutin ko na, I couldn’t go through with it. Laging kulang ang kilig. Laging… kulang.

    Kung anu-ano tuloy ang iniisip nang iba. Na-heartbroken ako in the past nang hindi nila alam – nope. Oh my God, na-harass or naabuso ba ako sexually nang hindi nila alam – nope. Ayoko nang pinipilit – check. Refer ba nang iba ang lalaki kaya ayoko – check!

    Kaso, ang mga sisters ay para ko na ring mga aunties. I loved them to pieces. Kahit nakaka-traumatize na nga minsan ang mga pinaghihihila nila kung saan-saan ay tinitiis ko na lang.

    They wanted me to be happy, kasi all of them had happy marriages sa mga brothers. Yes, there was a Brotherhood, equivalent ng Sisterhood. We were all extended families to each other, mga mag-asawa at mga anak na nakatira sa iisang subdivision, ang Saint Eugenia, mula nang mabuksan iyon about thirty-five years ago.

    Nae-excite din naman ako kapag pauwi ako sa probinsya. Nami-miss ko na sila lahat lalo na sina Daddy at Mommy. Sinilip ko kung kumpleto na ang mga pasalubong ko sa aking mga nieces and nephews at sa mga pseudo-cousins. Check! Ang costume ko para sa performance ko this afternoon plus the 1970’s pumps. Check!

    Isinukbit ko ang overnight bag ko. Matapos ang isang sulyap pa sa salamin ay bumaba na ako at sumakay sa aking Kia Sportage para mag-drive pa-Laguna.

    MARAMI NANG nakaparadang sasakyan sa harapan ng bahay ni Tita Lenny, ang birthday celebrant, noong dumating ako. Galing na ako sa bahay namin na tatlong kanto lang ang layo dito. Alam kong sikip na ang mga sasakyan sa bakuran at sa kalsada sa labas kaya hindi na ako nagdala ng kotse. Nauna na syempre sina Daddy at Mommy dito kasi nakitulong sila sa paghahanda pa lang.

    Nag-retouch lang ako at nagpalit ng damit bago sumunod. You know – nagpakapal todo ng make up, nagpalit ng colorful (too colorful!) flower-printed long dress, pinalitan ang normal kong frames ng old-fashioned na ni hindi susuotin kahit ni Mommy, at nagsuot ng jewelry na makikita mo lang sa mga nagpapanggap na witchy or myembro ng kulto ng mga mangkukulam.

    Nag-evolve na nga ako, eh. Dati gangsta pa ang palabas ko. Before iyon, goth look na hindi nauubusan ng gum sa bibig. Tapos fake tattoos. Blue hair.

    Nag-mellow na ako, ha?

    Marami ng mga bisita. Isang hakbang pagpasok sa pinto at napalibutan ako agad ng mga pseudo-cousins ko at ingay. Syempre, ch-in-eck nila uli ang get up ko. Dyowknes na ang gimik kong ito sa kanila at entertainment sa mga pseudo-cousins na matagal nang sumuko sa mga sisters.

    Ang dating mga klasmeyts ko sa Husband Hunting 101, puro may isang pares na boy and girl na. Mga nasakal, este, nakasal na.

    At ang bunga ng kanilang weaknesses, hayan, mga yumayapos sa mga hita ko!

    Tita Lee! Pasalubong! Pasalubong!

    Agad na na-dispose ang mga bags of goods para sa kanila. Nagkagulo pa until ang panganay na apo ni Tita Melba, inayos ang mga bata at siya na ring nag-distribute ng mga pasalubong. Pinapila. Sheng was nine years old.

    Si Avie, anak ni Tita Claire, nasa third term na ng pagbubuntis sa kanyang ikatlong baby. May nginunguso siya sa likod ko.

    Si Tita Verona, Lee. Get ready na.

    Nang pumihit ako, magkasalubong ang mga kilay ni Mommy habang lumalapit. Nakapameywang siya. Ang mukha niya, parang hindi alam kung matatawa o maiinis.

    Novalee, ano na naman ‘yang pakana mong ‘yan? sita niya, na nag-prompt sa mga nakapaligid magtawanan lalo. May harina ka ba sa mukha? Pintura ba ‘yang nasa labi mo? Ano ka ba naman?! Isang araw, magsisisi ka sa pinaggagagawa mo.

    Mommy naman, kung makapula sa efforts ko.

    Nakurot niya ako agad sa tagiliran.

    Aray…! Mommy naman, eh! Ang laki ko na, ha?! As in ang bilis. Talent niya iyon. Kumurap ka lang, may latay ka na. At ang pula!

    Pero hindi ka pa rin umaaktong malaki na. Nakakahiya!

    Masaya naman sila, nguto ko sa gitna ng mga bungis-ngisang hindi agad matapos-tapos.

    Naku, kayo. Kaya namimihasa ito kinukunsinti n’yo kasi! siya ni Mommy sa mga psudo-pamangkins.

    Kasi ang cute, Tita, tumatawang sabi ni Jing-Jing, anak ni Tita Laila.

    Sana ganyan ako ka-creative noon, ani Calvin, saka tumatawang umiwas sa palo ng asawa.

    Hinila na niya ako palayo hanggang sa sulok na walang masyadong tao. Saka niya sinubukang punasan ang mukha ko ng tissue.

    Mommy naman. Ano veyyy?!

    Punasan mo ‘yan! Nakakahiya! Ang tino-tino nang ipapakilala namin sa ‘yo ngayon tapos ganito?

    Uh-oh. May drama na sa boses. Sino na naman ba? How old this time? tanong ko sabay mura sa sarili ko sa isip lang.

    Hindi mo ba talaga kayang sabihin na lang na ‘Tumigil na kayo o hindi na ako uuwi!’

    Hindeh. Sana noon pa, stupid.

    Twenty-seven din gaya mo, may kaya at abogado, patuloy ni Mommy kasi syempre hindi niya naririnig ang inner away sa utak ko. Pero biyudo, dagdag niya sa reluctant na tinig. Lampas isang taon nang namatay ang asawa. Balikbayan siya.

    Biyudo? Mommy, are you kidding? Kabababang-luksa lang? Mommy naman—

    Kilala mo siya. Kilala mo naman ang mga Gonzalez?

    Napatitig ako sa kanya. Iisa lang ang Gonzalez na kasing-tanda ko sa pagkakaalam ko.

    ‘Yong mga kapitbahay natin dati na nag-migrate sa America noong highschool ka pa? patuloy niya habang hinihila na naman akong parang isang bulag na hindi alam kung saan pupunta. Si Rocco. Magkasingtanda kayo pero noong panahong ‘yon mostly home-schooled siya dahil may heart disease ang ina niya and he’s always cutting classes to be home with her. Nagniningning ang mga mata ni Mommy na parang nakikinig-kinita na niya sa isip niyang naglalakad ako sa isle patungo sa isang Mama’s Boy sa saliw ng The Wedding March.

    Pero aminado ako, ang sweet talaga ni Rocco sa Mommy niya noon. Ang mean ko lang talaga sa kanya.

    Nag-decide siyang dito na uli tumira d’yan sa dati nilang bahay na hindi naman nila binenta at hinabilin lang kay Pareng Preston. Si Tito Preston, na

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1