Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Unexpectedly In Love
Unexpectedly In Love
Unexpectedly In Love
Ebook212 pages3 hours

Unexpectedly In Love

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Nagkakilala sila sa isang club kagaya ng madalas na nangyayari sa mga romance novels. They were about to hook up, but Aria bailed out. Naduwag siya sa huling sandali at kahit na hindi maalis sa kanyang isipan ang lalaking nagparamdam sa kanya ng mga bagay na inakala niyang mga heroine sa romance novels lang ang nakakaramdam, hindi niya inasahan na magkikita sila uli.

Wala naman sila sa loob ng isang romance novel para mangyari iyon. But they did see each other again. Kailangan nito ng daycare para sa isang baby at napili nito ang daycare na kanyang pinagtatrabahuhan.

He was a single dad. A very hot single dad.

Puwede ba niyang paniwalaan na ibinigay si Jonathan ng universe sa kanya? Someone to be with. Someone to love and someone who would love her in return. Could she keep him and his daughter?

 

LanguageTagalog
PublisherEmma Belle
Release dateMay 3, 2023
ISBN9798223416661
Unexpectedly In Love

Read more from Emma Belle

Related to Unexpectedly In Love

Related ebooks

Reviews for Unexpectedly In Love

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

6 ratings2 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Grabe, nakakaiyak.
    I'm so happy Aria has Jon ❤️
    Thank you, Jon, for loving Aria.

    Thank you so much po Ms Belle ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Another great story to read.Looking forward for more stories to read.

Book preview

Unexpectedly In Love - Emma Belle

Prologue

SHE HAD NO IDEA WHY she went to a place like this. She felt like a fish on Mars, not just a fish out of water. She was very out of place. She was also a little scared.

Naitanong na naman niya sa sarili kung ano ang gusto niyang patunayan. Ano ang gusto niyang mangyari? Ano ang inaasahan niyang ma-accomplish sa pagpasok sa ganoong lugar?

How did she get here?

She looked up at him. He was already looking at her. Sigurado siya na may dahilan ang pagparoon niya. Sigurado siya na may sense ang anumang mga dahilan na iyon. Mga dahilan na hindi niya maalala sa kasalukuyan dahil abala siya sa pagtitig sa magagandang mata ng lalaking kaharap.

His eyes were smoldering. Smoldering. She had been familiar with the word. She had used it so many times. She just had never used it on a man looking at her. She had never felt so wanted, so desired.

How did she get here? Hindi lang sa lugar na iyon kundi sa sitwasyon din na iyon.

His head dipped lower. Mas bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naghahalo ang pananabik, takot at arousal. Hindi pa niya naramdaman ang ganoong uri ng kumbinasyon hanggang nang mga sandaling iyon. Hindi niya naisip na mangyayari iyon sa kanya, na mararamdaman niya sa totoong buhay ang ganoon.

She was certain about his plans for her. Malinaw na sinasabi ng mga mata nito ang intensiyon. Maaari niyang hayaan at maaari rin siyang umatras at tumakbo palayo. She knew she wasn’t ready for that kind of thing. But she also knew she wanted to experience passion and sensuality.

They had sexual tension and explosive chemistry. She was almost certain this was going to be so good. His eyes held promise. Ano nga ba ang sinasabi nila tungkol sa mga mata? Eyes were the portals to the soul.

Napatingin siya sa mga labi nito. They looked inviting and delicious. Come and get me. Iyon ang parang ipinahiwatig ng mga labing iyon. Malinaw na malinaw.

So she tipped her head up and parted her lips a little. It was the only invitation he needed. Ganap nang bumaba ang ulo nito at mabilis na pinaghugpong ang kanilang mga labi. Halos wala sa loob na naipikit niya ang mga mata. Bigla ang salakay ng sensasyon na mabilis na kumalat sa buo niyang katawan. Napakapit siya sa mga balikat nito dahil ramdam niya na panlalambot ng kanyang mga binti. Pumaikot sa kanyang baywang ang braso nito at hinapit siya palapit.

He captured her mouth with hungry urgency. Mas ibinuka niya ang bibig at sandali lang nakontento sa pagiging passive. Nagsimulang gumalaw ang kanyang mga labi at tumugon sa halik. She sipped on his mouth and suckled those sweet delicious lips, absorbing his essence.

He wasn’t passive either. Tinugunan nito ang lahat ng ibinigay niya. He sipped and suckled back. He kissed her as though he couldn’t get enough. He was hungry—voracious. He angled their heads again and again for better access.

If eyes were the portals to the souls, lips were definitely the corridor to the mind.

She had only imagined this kind of kiss. Hindi niya inakala na maaaring mangyari sa totoong buhay niya. She had been convinced this kind of kiss—this kind of chemistry with someone only existed on romance novels. May dahilan kung bakit may malaking market ang romance novels sa buong mundo.

When breathing became a little difficult, they had to stop and let go for a while. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Naglalagablab sa mga mata nito ang paghahangad at pagnanasa. Mas tumaas ang temperatura ng kanyang katawan. Alam niya na nakikita nito na pareho sila ng nadarama.

Would she be able to give what they both wanted? Nang walang pag-aatubili? Kaya ba niyang huwag pansinin ang takot na kahalo ng pananabik at pagnanasa? Kaya nga ba niyang talagang pakitunguhan ang mga mangyari hindi lang ngayong gabi kundi hanggang sa kinabukasan?

Chapter One

NAPAUNGOL SI JONATHAN nang marinig ang pag-iingay ng kanyang phone. He was in bed sleeping. Ibinaon niya ang ulo sa malambot na unan at sinubukang huwag pansin ang ingay. Titigil din ang sinumang gustong gumambala ng kanyang tulog. He needed his sleep—a complete six to eight hours—to function well.

He didn’t need sleep to be pretty, he needed sleep to be pleasant. Iyon ang biro sa kanya ng kanyang assistant minsan. Very accurate.

Hindi niya mapagtagumpayang huwag pansinin ang pag-iingay ng phone dahil mukhang walang planong sumuko ang caller. Mukhang paulit-ulit nitong ida-dial ang kanyang number hanggang sa sumagot siya.

Napapabuntong-hininga na bumangon siya at tiningnan nang masama ang phone na nakalapag sa kanyang bedside table katabi ng kanyang relo. Eleven-thirty na ng gabi. Siguro ay maaga pang maituturing ng ibang tao ang oras na ganoon pero hindi kay Jonathan. Gusto niyang deretso ang tulog niya mula alas-diyes ng gabi hanggang sa alas-singko ng umaga.

Inabot niya ang phone na patuloy pa rin sa pag-iingay. Muli siyang bumuntong-hininga nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Ang kanyang pamangkin na si Jax. Sinagot niya ang tawag habang pababa ng kama. Sinimulan niya ang paghahanda dahil malamang sa malamang na kailangan niyang lumabas sa gabing iyon.

What is it now? tanong niya, malapit nang maubusan ng pasensiya wala pa man. God knew he loved his nephew so much. He had spoiled him too much. But he could be a real pain in the ass sometimes. Malakas ang kanyang pakiramdam na hindi magandang balita ang hatid ng tawag na iyon. He had to get him out of trouble, bail him out on something. Jonathan had been doing that since Jax was seventeen.

Jax was twenty-three years old now. A college dropout and an aspiring actor. Aktor kung hindi nito nakakalimutang magtungo sa mga audition na dapat nitong puntahan. He had been in three commercials and two afternoon TV dramas as extras.

Jax loved partying and traveling. Hindi niya kailanman minenos ang pangarap ng pamangkin. He honestly thought he had a shot at being an actor. He had the looks and he had the talent. Talent na hindi nahahasa dahil sa may katamaran ito. Hindi rin naman masasabing walang mga oportunidad na dumarating dahil marami, mas pinipili lang nitong magbulakbol at mag-party.

Nasapo ni Jonathan ang noo. Siguro ay hindi iyon ang panahon para pakaisipin niya ang mga ganoong bagay. Alam niya kung bakit nagkaganoon ang pamangkin. Alam niya na kahit na paano niya pagsumikapan, napabayaan nila ito. Nabatid niya na tahimik ang kabilang linya.

Jaxson?

Help me, sabi ng pamangkin sa munting tinig.

What happened? Ganap nang umusbong ang pag-aalala sa kanyang dibdib. Kahit na munti ang tinig, kaagad pa ring mapapansin ang takot sa tinig na iyon. No, hindi lang basta takot. Jaxson was terrified.

Help me, sabi nito uli imbes na ipaliwanag sa kanya ang nangyari. It was clear that he was beginning to panic.

Okay, try to relax.

I can’t!

Jax, tell me where you are.

I’m at my condo.

Okay. I’ll be there as soon as I can.

Hurry. Hindi ko alam kung ano ang gagawin! He was ready for a full on panic mode.

Don’t do anything stupid, paalala niya bago niya tinapos ang tawag. Mabilis siyang nagsuot ng pantalong maong. Siniguro niya na nasa katawan niya ang mga kailangan. Susi ng sasakyan, wallet at phone. Hindi na muna niya gustong mag-alala nang husto kay Jaxson. He was going to be fine. Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi sa sarili.

May mga pagkakataon na pinuntahan niya si Jaxson sa ospital at kulungan dahil nasangkot ito sa gulo. Hindi naman seryoso ang mga pagkakataon na iyon. Hindi ito ang nakaratay sa ospital o ang nasa loob ng kulungan. Mayroong pagkakataon na kailangan lang nitong makauwi at hindi magawa dahil sa sobrang kalasingan.

Iba sa pagkakataon na iyon, malakas ang pakiramdam ni Jonathan. Ngayon lang niya narinig ang ganoong lebel ng takot at panic sa tinig ng pamangkin. Sa ilang mga pagkakataon ay naging suwerte si Jaxson. Maaari bang naubos na ang suwerte na iyon?

Hindi siya maaaring lumabas ng bahay nang hindi muna sinisilip si Braelyn, ang kanyang sixteen-year-old daughter. Kumatok siya sa pinto.

You’re still up? aniya pagkabukas ng silid nito.

Mabilis nitong hinubad ang suot na headset at napatingin sa kanya. Pumasok si Jonathan sa loob.

You should be sleeping, sabi niya habang sinisilip ang ginagawa nito sa harap ng computer. She was watching something. It’s late.

Itinirik ni Braelyn ang mga mata. It’s Friday.

And...?

Gosh, get a life, my dear father.

He was fully aware how teenagers could be. His daughter had been thirteen when she started to change. She used to be such a sweet girl. She could be a monster especially when it was that time of the month. May mga pagkakataon na halos hindi na niya makilala ang sweet girl na pinalaki niya. Hindi naman niya sinasabi na awful si Braelyn. She could still be sweet and lovely. May mga pagkakataon lang talaga na hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa anak. May mga pagkakataon na hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito, ang mga hindi nito sinasabi pero inaasahan nitong makukuha niya.

Teenage years. He was told it was going to pass. He had been waiting for it to end. Hoping it would be soon. Sometimes, he felt as though he had been waiting forever.

I have a life, he patiently said. Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi nitong masyado siyang boring. It revolves around you.

Nangunot ang ilong nito. Dad...

Hindi napigilan ni Jonathan ang matawa sa kabila ng pag-aalala niya kay Jaxson. Nilapitan niya ang anak at hinagkan ang ibabaw ng ulo nito. I have to head out. Go to sleep.

You’re going out? Bahagyang nagliwanag ang mukha nito. Date?

No, honey. Wala nang date na magsisimula sa ganitong oras.

Gosh, you’re so old.

Kailangan kong puntahan ang Kuya Jax mo.

Oh. Is he okay? Kabisado na nito si Jaxson.

I hope.

Okay then. Off you go. Please be careful.

That was the sweet girl he had raised. `Love you.

Daddy, please...

Natatawang lumabas na siya sa silid nito. May pagkakataon na kaagad na may tugon na I love you, too ang kanyang I love yous. Naunawaan naman niya na medyo nahihiya na si Braelyn. Alam naman niya na mahal pa rin siya nito. May mga pagkakataon lang na gusto pa rin niyang marinig ang mga salita.

Matulog ka na, bilin niya bago siya ganap na lumabas sa silid nito.

Bumaba siya pero hindi siya kaagad lumabas ng bahay kahit na alam niyang naghihintay sa kanya si Jaxson. Hindi lang talaga siya makaalis ng bahay hanggang sa hindi niya nasisiguro na magiging maayos ang anak na iiwan.

Kinatok ni Jonathan ang pinto ng kasama nila sa bahay na si Myrna at nagbilin. Mapagkakatiwalaan niya ang ginang pero hindi mawala ang unease na nadarama habang paalis. Kung hindi si Jaxson ang kailangan niyang tulungan ay hindi siya aalis ng bahay at iiwanan ang anak sa kalagitnaan ng gabi.

Nagpasalamat siya na wala nang gaanong traffic sa mga oras na iyon. Mabilis siyang nakarating sa condo ng pamangkin. Condo na nakapangalan sa kanyang nakatatandang kapatid na babae.

Kumatok si Jonathan. Jax? pagtawag niya habang kumakatok.

Bukas `yan! narinig niyang sigaw mula sa loob.

Pagbukas pa lang ni Jonathan ng pinto ay kaagad niyang narinig ang isang ingay na inakala niyang hindi niya maririnig sa loob ng unit na iyon. Uha ng sanggol.

Humakbang siya papasok sa loob ng bahay at hinanap niya ang pinagmumulan niyon. Phone? Computer? Surely, hindi galing sa totoong sanggol kahit na parang galing iyon sa totoong sanggol. It had been a while for him but he could still clearly remember how it was having a baby.

Tumambad kay Jonathan ang pamangkin sa isang larawan na hindi niya kailanman inasahan. He expected the worst, prepared himself a little for it. Pero hindi niya inasahan ang ganitong eksena. Sa loob ng ilang sandali ay hindi siya makapagsalita, hindi malaman kung ano ang sasabihin o gagawin. Napatanga na lang siya kay Jaxson na may hawak na baby—isang umiiyak na baby.

W-what is that? tanong niya nang makahuma. Obvious ang sagot sa tanong na iyon at hindi na siguro siya dapat na nagtanong pa, pero parang ayaw gumana ng kanyang isipan. Parang mabagal ang pagproseso ng mga bagay-bagay.

A baby, tugon ni Jaxson. He was panicking and starting to get pissed.

Nagawa na ni Jonathan na mas lumapit kay Jaxson. Nakikita na niya nang mas malinaw ang sanggol na nasa mga bisig nito. It was a cute baby girl. He had forgotten how little they were. Sa palagay niya ay mahigit tatlong buwan pa lamang ito. Her whole face was pink from crying.

Obviously it’s a baby, sabi ni Jonathan. Kinuha niya ang sanggol mula kay Jaxson. He was holding her wrong at nag-aalala siya. It felt a little weird holding another baby. It had been a while. Hindi na siya sanay. Ang ibig kong sabihin ay bakit may baby ka rito sa condo mo? Kanino siyang baby? Banayad niyang isinasayaw-sayaw ang karga, inaalam kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito bukod sa kaalamang nasa isa itong hindi pamilyar na kapaligiran kasama ang mga hindi pamilyar na tao.

Puwede bang mamaya na ang mga tanong? Make her stop crying first.

She’s hungry, kalmadong sabi ni Jonathan. Inilibot niya ang paningin sa magulong paligid. Medyo nakahinga siya nang maluwag nang makita ang isang malaking baby bag. Maghanap ka ng gatas at feeding bottle sa bag na iyan.

Tumalima si Jaxson. Binulatlat nito ang bag at nahanap naman kaagad ang kanyang mga sinabi niya. Here!

He looked at him, exasperated. I’m holding the baby. You prepare the milk.

I don’t know how to!

Okay, you hold the baby.

Umiling-iling si Jaxson at mabilis na umatras palayo na para bang takot na takot na hawakan uli ang baby. No, no, no.

Bumuntong-hininga si Jonathan. Hindi niya sigurado kung matatawa o maaawa siya sa pamangkin habang nakatingin sa mukha nito. Jaxson looked panicked and terrified. Nanlalaki ang mga mata nito at namumutla ang buong mukha. Alam na alam niya kung ano ang nararamdaman nito sa kasalukuyan. He was once at his place. May pagkakataon din sa buhay niya noon na hindi niya alam kung ano ang gagawin sa isang sanggol.

Gusto niyang malaman ang kuwento, kung ano ang talagang nangyayari, pero kailangan niyang mas unahin ang pangangailangan ng sanggol. He instructed Jaxson on what to do. Habang inihahanda nito ang gatas, inihiga niya sa sofa ang baby at tsinek ang diaper nito. Kailangan nito ng bagong diaper at nagpasalamat siya na nasa bag ang lahat ng kanyang kailangan. Mukhang talagang nagugutom ang baby dahil hindi ito tumigil sa pag-iyak.

Enjoying the preview?
Page 1 of 1