Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Itinakdang Pag-ibig
Itinakdang Pag-ibig
Itinakdang Pag-ibig
Ebook104 pages1 hour

Itinakdang Pag-ibig

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Nasanay nang magpanggap na isang lalaki si Toni magmula pagkabata kaya laking gulat niya nang mahulaan agad ni Ethan na babae siya. Lalo na nang mapaibig siya...

Dapat ba niyang pagkatiwalaan ang estrangherong may planong sumira sa kanilang kabuhayan?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 5, 2018
ISBN9780463034866
Itinakdang Pag-ibig
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Itinakdang Pag-ibig

Related ebooks

Reviews for Itinakdang Pag-ibig

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Itinakdang Pag-ibig - Romantique

    CHAPTER ONE

    Ilang beses na ba siyang nagdaraan sa kalsadang ito? Hindi na mabilang ang mga pagkakataong natatanaw ng kanyang mga mata ang mga wasak at yupi-yuping bubungan ng mga bahay na nilamon ng lahar. Ngunit sa tuwina, nagsisikip ang kanyang kalooban.

    Ang pinakamatigas niyang opinyon ay ang tungkol sa 'ang bahay ay ang pinakaimportanteng pangangailangan ng tao'. Pangalawa lamang ang pagkain, tubig at kuryente. Alam niya ito dahil ganito ang naging karanasan niya -- matagal na panahon na ang nakakaraan.

    Ipinilig ni Ethan ang ulo. Nakaramdam siya nang kaunting pagkaliyo. Ganito palagi kapag sumasagi sa kanyang gunita ang nakaraan niya. Ito ang lihim niyang kahinaan. Ayaw niyang magbalik sa dati ang kanyang buhay.

    Bumitiw ang isang kamay niya sa manibela para masahihin ang batok niyang nagsisimula nang manigas dahil sa pagod. 

    A, minsan ay naiisip niyang mas maganda pa siguro noong mahirap lang siya. Wala siyang gaanong problema kundi ang kakainin niya kinabukasan at ang bayad sa renta ng kanyang kuwarto ay palaging nakapauna.

    Napasulyap ang kanyang mga matang nanghahapdi na sa bukas na porfolio. Nandoon ang resulta ng imbestigasyong ginawa ng kanyang assistant na si Jun Sergio. Kumbaga, huling hataw na itong ipinagawa niya. At para siguradong hindi na dadaplis pa, siya na mismo ang magsasagawa ng panibagong istratehiyang naisip niya.

    Nasa ibabaw ng manipis na folder ang isang letrato na kinuha sa loob ng isang madilim at lumang motorist's bar. Ang sentro ay ang mismong bar. Magugulat nga ang sinumang unang makakakita dito dahil maayos at malinis ang counter at ang mga bote ng alak, pati na ang mga basong kristal. Halatang alaga sa punas ang makintab at makinis na ibabaw ng bar.

    Hindi rito nakatutok ang pansin ni Ethan. Kundi sa tatlong mukhang nakatawa sa kanya. Bakas ang pagiging matapat at mapagtiwala sa mga mata ng dalawang matandang nakapagitna sa binatilyong anak ng mga ito.

    Magandang araw sa 'yo, amang! Ano'ng maipaglilingkod namin sa inyo?

    Anak o apo na? Mahirap tantiyahin ang edad ng kabataan dahil sa enigmatikong ekspresyon ng mga matang tila singtanda ng edad ng mga kasama.

    Napapiksi si Ethan nang mamalayan ang direksiyon ng naglalayag niyang isip. Wala siyang pakialam sa edad o kawalan ng edad ng nangungunang sakit ng ulo ng kanyang kumpanya. 

    Ang dapat niyang pag-isipan ay kung ano ang magandang pasok sa sitwasyon para hindi na ito lumala pa.

    Muling inisa-isa ni Ethan ang mga puntos ng kinakaharap na suliranin. Kung tutuusin, napakaliit at napakadali lang nito. Mataas na presyo lang ang katapat ng ilang ektarya ng lupang kinatitirikan ng gigiray-giray na bar na may mga palayan sa palibot. Naging interesante ang bahaging ito dahil nakaharap sa highway.

    Ayon sa impresyon at konklusyon ng report ni Jun, kaya panay pa rin ang pagtanggi ng mag-asawa ay dahil naiinpluwensiyahan ng naturang kabataan ang disposisyon ng mga matatanda.

    Napailing-iling na lamang siya nang magsimulang sumikdo ang kirot sa kanyang ulo. Kinayayamutan niya ang mga kahinaan ng kanyang katawan ngayon. Ang kamay na nasa kanyang batok ay gumapang pababa sa kanyang bulsa sa suot na blazer na itim. Nandoon ang ekstrang botelya ng gamot niya sa migraine. 

    Sumulyap rin siya sa nakabukas na mapa sa dashboard. Ilang kilometro na lamang ang layo niya sa destinasyon. Malapit na siyang makapagpahinga.

    Dakong alas nuwebe nang mamataan niya ang iba't ibang ilaw ng karatula: 'Wild Wild North Bar'. Hindi niya namalayang napaismid siya nang mabasa ang mga kataga.

    Napuna niyang tatlo lang yata ang mga sasakyan na nakaparada sa unahan ng gusaling may dalawang palapag.

    Ilang sandali pa siyang nanatili muna sa loob ng kanyang sasakyan matapos pumarada sa dakong malapit sa dobleng pintuan. Inayos niya ang loob ng briefcase, kung saan nakatambak ang mga papeles na dapat niyang pag-aralan nang husto. 

    Sa karaniwang empleyado, nakakabagot ang hitsura ng mga plastic na folder. Ngunit hindi siya empleyado lang dahil sarili niya ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Alaga niya ito sa atensiyon kaya napakabilis lumaki at lumago.

    Dinukwang niya sa likuran ng upuan ang overnight case na dala niya. Binitbit niya ito at ang briefcase sa kanang kamay habang papaibis ng kotse. Tiniyak niyang sarado ang mga bintana at pinto bago niya ito iniwan para pumasok sa maingay na bar.

    Hinanap ng kanyang paningin ang binatilyong kailangang tutukan ng deternminasyon. Natanawan niya itong nagtitimpla ng inumin sa likod ng counter, kung saan may matataas na stool sa harap. 

    Ang mangilan-ngilang kustomer sa gabing ito ay nakaupo sa ilang lamesang korteng bilog, kung saan nakaipon ang mga basyong bote ng beer.

    Marahan siyang humakbang palapit doon habang sinisipat ang magiging katunggali sa pagbibilihan. Napansin niya ang malinis na hugis ng mataas na pisngi at determinadong panga na natapos sa bilugang baba, pati ang tila porselanang hipo ng makinis na balat. 

    Napakunot-noo si Ethan. Inaatake ng pagtataka ang kanyang utak na pinarurusahan na ng migraine.

    Kahit na isang anggulo pa lamang ang nabibistahan niya, natitiyak niyang babae ang nasa likod ng bar. Kahit na makapal at maluwang pa ang suot nitong jacket na maong, kita niya ang paraan ng madulas na pagkilos ng mga kamay at braso na sa babae lamang napupuna.

    Eksperto sa babae si Ethan Buena. Magmula pagkabata, may karisma na siya sa mga anak ni Eba. Masasabing nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakarating siya rito sa kanyang kinalalagyan dahil sa kakayahan niyang magpaamo ng mga kliyenteng babae. 

    Simula nung ahente pa lamang siya habang nag-aaral hanggang sa ngayon na presidente na siya ng Buena Land Developer, Inc.

    Muli siyang nagpatuloy sa paghakbang matapos ang unang estado ng kanyang obserbasyon sa paligid ng establisiminto. At parang munting hayop na nakaamoy ng panganib na papalapit ang 'binatilyo' nang ilang yarda na lamang ang layo niya rito. 

    Pabigla ang paglinga nito sa direksiyon niya.

    Nagkaroon si Ethan ng ilang sandali ng kakatwang karanasan nang magtama ang kanilang mga paningin. Para bang mayroong maliit na kamay na sumakal sa tubong hingahan niya kaya kinapos ng oksihena ang kanyang puso, sanhi para mabago ang tempo ng pagpintig nito. 

    Inisip niyang kaya siya nagkaganito ay dahil sa mga matang malalalim na puno ng lihim at kasalukuyang nakatutok sa kanya. 

    Pakiramdam niya, malulunod siya kung tatangkain niyang arukin ang kaluluwang nasa likod ng mahahaba at makakapal na pilikmata.

    Bahagyang ipinilig ni Toni ang ulo. Naglaho ang maingay na ugong na pumuno sa kanyang mga teynga at nawala ang bisa ng mahika. Pero hindi ang epekto nito. Medyo bumuway ang kanyang paglakad dahil sa kaunting panlalambot ng mga tuhod.

    Ang naging sabi-sabi sa kanilang baryo, anak si Toni ng isang Amerikanong sundalo sa isang kalapating mababa ang lipad. Nalito at natakot ang di-nakilalang ina sa responsibilisdad kaya naghanap ito ng mapapag-iwanan sa kanya.

     Sanggol siyang nakabalot sa kumot, kasama ng kanyang sertipiko at liham mula sa ina, nang matagpuan ng mag-asawang Benito at Cita Guiao sa ilalim ng bar counter. 

    Nakita pa ng matandang babae ang kustomer nitong may dalang malaking bag na naupo sa pinakadulong stool at umorder ng

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1