Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Pag-ibig sa Tamang Panahon
Pag-ibig sa Tamang Panahon
Pag-ibig sa Tamang Panahon
Ebook108 pages1 hour

Pag-ibig sa Tamang Panahon

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Wala pang nakapagpatibok sa puso ni Richelle kaya wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Silang dalawa na lang mag-ina ang magkasama kaya naman hindi siya nag-alinlangang bumalik sa probinsiya para maalagaan ang nanghihina nang magulang.

Ngunit may itinakda pala para sa kanya ang kapalaran. Pero hindi niya magawang pagkatiwalaan agad ang iniaalok na relasyon ni Rino.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463743256
Pag-ibig sa Tamang Panahon
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Pag-ibig sa Tamang Panahon

Related ebooks

Reviews for Pag-ibig sa Tamang Panahon

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Pag-ibig sa Tamang Panahon - Romantique

    CHAPTER ONE

    Anak, natutuwa ako nagpasiya kang dito na tumira at magtrabaho, ang masayang pahayag ni Aling Menang sa anak na si Richelle. Nayapos pa nga nito at nahagkan ang dalagang mas matangkad kaysa sa tipikal na Pilipina.

    Ngumiti rin si Richelle. Naging posible lang po iyan dahil may nakita ako dito, Inay. Mabuti na lang, natanggap ako sa ospital ni Dr. Rino Briñas, pahayag niya habang hinahagod ng isang kamay ang likod ng ina. Maaalagaan ko na nang masahe at hilot ang inyong pilay sa balakang at mga hita.

    Kaya siya napauwi mula sa Maynila, kungsaan naglilingkod siya sa isang pribadong ospital doon bilang Senior Physical Therapist, ay dahil naaksidente ang matandang ina habang sakay ito ng traysikel. Hindi naman grabe kaya lang ay ininda nito nang husto ang pagkabugbog ng ibabang bahagi ng katawan.

    May dalawang buwan na siyang namamalagi dito sa bayang sinilangan, ang Siloan, nang mapagpasiyahan niyang magbitiw na sa trabaho at lumipat na lang dito.

    Itinuturing niyang suwerte ang pagkakatanggap sa kanya sa nasabing ospital. Nag-iisang pribado ito sa panig na ito ng lalawigan ng Laguna. Hindi pati matatawaran ang mga modernong instrumento at kasangkapan sa panggagamot at eksaminasyon ng mga sakit.

    Naku, kabalitaan sa pagiging mabait at maginoo ang duktor na iyon, iha. Tiyak na madali kang mawiwili sa bagong trabaho mo, wika ni Aling Menang. Siyang-siya ang mukha nito. Wala talagang paglaygan ng kaligayahan.

    Napatawa si Richelle. Tutoo ang sinabi ng kanyang ina. Na-interview na siya ng butihing manggagamot na ubod nang yaman kaninang umaga. Hindi lang ang mga naunang katangian ng lalaki ang napuna niya habang nag-uusap sila sa opisina nito, bilang administrador.

    Aywan kung bakit bigla na lang nag-init ang mga pisngi niya habang nagsisikip ang kanyang dibdib, nang unang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking pinaka-guwapo at pinaka-simpatiko sa mga nakita na niya.

    Sa kanyang medical na propesyon, maraming kalalakihan ang malinis tingnan. Mga mestisuhin at tipong artistahin, ngunit medyo babaklain din. O di kaya'y sobrang pino ang pagkilos.

    Marahil naapektuhan ang pagkalalaki habang pinag-aaralan ng mga ito ang pagtatago ng mga emosyon...

    Ngunit hindi si Rino Briñas...

    Akala ni Richelle, sa libro o sa pelikula na lang niya makikita ang mga lalaking sinasabing: 'Oozing with sex appeal': Iyon pala, may isang nagtatago dito sa sariling bayan niya.

    Magluluto na ako, anak. Paalam ng ina sa kanya ngunit bahagya na lang niya narinig ito.

    Opo, Inay. tugon niya, halos wala sa loob.

    Sinikap niyang iwaksi ang kanyang nadaramang pasinasyon para sa magiging amo. Sinermunan niya at kinagalitan ang sarili hanggang sa pagtulog.

    Kinabukasan, medyo kontrolado na niya ang kanyang yumayabong na paghanga. Wala namang masama sa nagiging interes niya para sa lalaki pero hindi dapat ang ganito dahil magka-trabaho sila. Hindi normal ang sitwasyon, kumbaga.

    Puwede ka bang mag-umpisa bukas, Miss Sandoval? Tanong ni Dr. Briñas sa kanya nang matapos ang pormalidad na interbyu.

    Or course, sir, tugon niya, walang gatol.

    Good. Your duties start at eight o'clock sharp. Would that be okay for you? Ngumiti ang lalaki na para bang nasiyahan sa kanyang tugon.

    Yes, sir. Ngumiti rin siya pero matipid. Pormal ang kanyang anyo dahil ayaw niyang ipahalata ang nararamdamang admirasyon para dito.

    Masigla siyang nagbihis para makapasok nang mas maaga kaysa sa takdang oras para mahiratian agad niya ang panibagong posisyon.

    Nauna siyang dumating kaysa sa duktor, kaya naghintay muna siya sa reception area.

    Darating na raw siya, Richelle, pahayag ng nars na dati niyang kaklase nung hayskul, si Noela. May nanganak sa Paagahan, kaya nandoon siya.

    Nagtaka si Richelle. Hindi ba't nasa bundok ang bahay ni sir?

    Nagbigay ng radyo ang ospital sa mga baranggay halls  na mula rito hanggang sa inuuwian niya, kaya madaling nalalaman ang mga emergency cases, pahayag ni Noela. Tumingin ito sa labas ng kubikulo nito. Ayan na si Doc, o, anito habang itinuturo ang kotseng kulay puti na pumarada sa tapat ng malaking pintuan ng ospital.

    Tumindig si Richelle upang maghanda sa pagsalubong sa ama. Dinampot niya ang kanyang handbag na itim. Naka-blusang puti at paldang puti rin siya, ngunit hindi ito ang kanyang uniporme. Naka-stocking na puti at sapatos na itim siya.

    Ang kanyang mahabang buhok ay naka-pusod, katulad kahapon. Suot niya ang kanyang salamin sa mata, ngunit walang mataas na grado iyon kaya puwedeng hindi niya isuot. Ginamit lang niya ngayon para gawing taguan.

    Good morning, sir. Bati niya sa lalaking naka-polong kulay asul at slacks na kulay cream. Kaswal at preskung-presko tingnan kaya agad na napalunok si Richelle.

    Good morning, Miss Sandoval. Sorry to keep you waiting. Natanggap mo ang message ko sa radyo, Noela?

    Opo, sir. Dito ko na po pinaghintay si Richelle. Naging magkaklase po kami niyan sa hayskul, sir, pagkukuwento ng dalagang nars.

    Ngumiti ang duktor. Ganoon ba? tubo ka rin pala rito, sabi nito habang bumabaling sa kanya. Halika ka na. Naipalinis ko na ang magiging opisina mo, pati ang Therapy Room.

    Pinauna siya ng magalang na lalaki sa pag-akyat. Pati sa pagpasok sa malaking kuwarto sa mga kagamitang pang-masahe.

    Hindi niya maitago ang pagkamangha habang inililibot ang paningin sa paligid.

    I am very impressed, sir. Nilapitan niya ang de-kuryenteng muscle toner.

    I'm glad, ani Rino. Ipinakita nito ang tanawin sa labas ng bintana. Matatanaw mo mula dito ang buong plasa.

    Napilitan siyang lumapit sa tabi nito upang tingnan ang ipinakikitang bahagi ng bayan sa kanya.

    Nabalitaan ko ang ospital na ito noon. Madalas ko rin makita kapag umuuwi ako pero hindi ko akalain na kumpleto at moderno ang lahat ng mga kagamitan, wika niya para mawaksi ang pagkailang niya sa lalaki.

    Salamat, Miss Sandoval. Ipinagmamalaki ko ang ospital na ito ngunit ikinalulungkot kong sabihin na kalahati pa lang ito sa pangarap kong itayo. Kaunti pa lamang ang natutulungan sa ating mga kababayan. May mga kaso pa na kailangan pang iluwas para magamot sa Maynila, paliwanag nito habang hinihimas ng isang kamay ang gilid ng panga na bagong ahit. Clean cut ang buhok nito na pulos itim pa at bahagyang umaalon.

    Sobra-sobra na ang maitutulong ng ospital sa lahat. Mas mabuti naman kaysa sa wala, salo ni Richelle.

    Tumawa nang mahina ang lalaki. Bakit ba ganyan ang palagi kong naririnig kapag nagrereklamo ako na kulang pa ang lahat? tudyo niya sa sarili. Wala kaya akong kakuntentuhan?

    Bahagyang namula ang mga pisngi ni Richelle. Pasensiya ka na, sir. Sinasabi ko lang iyan dahil ganyan ang mga pananaw ng mga tao dito. Malaki raw ang naitulong ng mga radyo para mapadali ang pagpapadala ng mga impormasyon at mensahe. Naging mabilis ang komunikasyon kaya naiiwasan ang paglala ng mga sitwasyon, lalo na kapag may kalamidad, pahayag niya. Napahaba lang dahil bigla siyang nalito nang mangitian na naman siya ng lalaki.

    Gusto niyang kurutin ang sarili para mapalis ang kanyang reaksiyon na para lang sa mga tinedyer na bago pa lamang nakakaranas ng crush at infatuation.

    Mabuti na lang, may tumawag sa duktor. Naiwan siyang mag-isa para makabawi ng kontrol...

    Naging madali ang paglipas ng maghapon na iyon sa unang araw niya sa trabaho. Dalawang pasyente ang naka-confine doon na nangangailangan ng kanyang serbisyo at atensiyon. Isang batang babae na edad sampu at isang binatilyo

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1