Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Takas sa Atraksiyon
Takas sa Atraksiyon
Takas sa Atraksiyon
Ebook91 pages1 hour

Takas sa Atraksiyon

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Mas mahalaga kay Mica ang seguridad kaya determinado siyang magsikap at magtiyaga upang umasenso. Ayaw niyang bigyan ng atensyon ang pag-ibig na sumibol sa maling panahon.

Natagpuan ni Race ang babaeng itatangi ng puso habambuhay. Ngunit ang dalaga ay naglahong parang bula. Pero dahil nakatakdang magkurus uli ang mga landas nila, wala na siyang inaksayang pagkakataon.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 31, 2018
ISBN9780463315293
Takas sa Atraksiyon
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Takas sa Atraksiyon

Related ebooks

Reviews for Takas sa Atraksiyon

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Takas sa Atraksiyon - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Naghahanda si Mica sa pagpasok tuwing sasapit ang alas singko nang hapon. Bandang alas sais ang kanyang pag-uumpisa sa trabaho. Umaalis siya sa bahay tuwing magtatakipsilim -- pero hindi siya si 'Nena', ang babaeng g.r.o. sa kanta.

    Napangiti si Mica sa repleksiyon niya sa salaming kaharap. Sa kanyang opinyon, hindi siya bagay na maging katulad ng kanyang kasambahay na si Bunny. Ito ang tutoong GRO o guest relation officer, na mayroong mataas na sahod sa 'class' na nightclub. Ang tawag ng ibang tao sa ganitong trabaho ay hostes o prosti. 

    Mica! Ano ba? Ang tagal mo naman sa banyo ngayon? Kinatok siya ng kasambahay. Inip na inip na.

    Nagulantang siya kahit na sanay na siya sa ugaling mataray ni Bunny. Nabitawan niya ang hawak na suklay.

    Sandali lang, tawag niya habang kinukuha sa ilalim ng lavatory sink ang nalaglag na gamit.

    Ikaw talaga, mamayang alas otso pa naman ang pasok mo, hindi ba? aniya nang makalabas. Nakatapis lang siya ng tuwalya dahil silang dalawa lang naman ang nakatira sa kuwarto. Sinusuwerte siyang matiyempuhan noon na naghahanap ng kahati sa upa si Bunny.

    May dalawang taon na silang magkaibigan. Habang tumatagal, lalong tumitibay ang kanilang samahan. Bagama't magkabaligtad ng pag-uugali, magkasundung-magkasundo naman sila sa maraming bagay. Ang una nilang nagustuhan sa isa't isa ay ang kawalan ng ere sa katawan.

    Marangal na trabaho ang kay Mica at mababa naman ang kay Bunny, ngunit pareho silang disenteng babae. Palaging umiibig ang huli dahil malapit sa lalaki at lapitin din naman. Samantalang si Mica, palaging sa malayo lang nagmamahal kapag mayroong nakakatawag-pansin ng kanyang pihikang panlasa.

    Hindi naman kasi siya malapit at lapitin ng mga lalaki.

    Subukan mo kasing mag-ayos ng sarili mo, Mica. Para kang losyang na losyang diyan sa mga suot mong pantalon na ubod nang luwag. Paminsan-minsan, magsusuot ka naman ng mga palda at blusa na medyo hapit sa katawan mo, panenermon nito habang nagbibihis siya.

    Ssh, huwag mong masyadong ilakas ang boses mo, Bunny. Baka marinig ka na naman ng ating kasera. Nag-iisip na iyon na hindi tayo nagkakasundong dalawa dito sa itaas dahil palagi ka raw katak nang katak.

    Tse! Pakialam niya kung daldal ako ng daldal dito? pagtataray naman ng kaibigan niya. Ang importante, hindi naman tutoong nag-aaway tayo.

    Bumuntunghininga na lang si Mica. Hindi na lang siya sasagot para hindi na hahaba ang usapan. O, paano, mauuna na ako, ha?

    Nakasimangot si Bunny nang umalis siya. Susunod na rin ito sa paglabas, para pumasok na rin sa trabaho. Kinabukasan na sila magkikita uli. May sari-sarili silang susi sa pintuan kaya wala nang gisingan kapag umuuwi sila.

    Malimit na nauuna sa pag-uwi si Bunny, dahil mayroon itong mga manliligaw o kustomer na may kotse. Nagpapahatid ito.

    Samantalang si Mica, kinakailangan pang mag-istambay sa opisina ng ahensiyang dyanitoryal para maghintay ng umaga upang hindi na delikado sa pag-uwi.

    O, Delos Reyes, may panibagong destino ka, salubong ng kanyang amo nang dumating siya sa opisina. Nanalo tayo sa bidding sa Galvano Computer, Inc. Doon ka na magmula ngayon. Okey?

    Natuwa si Mica. Mas makakatipid siya ng dalawang piso sa pamasahe niya magmula ngayon. Para sa kanya na mayroong masinop na karakter, malaking bagay na ang dalawang piso. Sisenta pesos ito isang buwan. Pambayad na ng share niya sa water bill ng boarding house.

    Salamat ho, Mr. Darius. Dadalhin ko na ho itong papeles at ang bagong I.D. ko doon?

    Tumango ang matandang amo. Tinawag na nito ang susunod na grupo ng mga dyanitor para bigyan ng panibagong destino. Tila umaasenso na ang maliit na kumpanya ng Darius Cleaners.

    Ikinatutuwa niya ito kung gayon nga. Ibig sabihin ay mas magiging matatag ang kanyang trabaho. Hindi siya basta-basta mawawalan ng hanapbuhay.

    Madilim na nang marating nila ang mataas na gusali. Sampu silang lahat na sakay ng service van. Lima lamang silang bababa. Sa unang araw lamang naghahatid ang van dahil may dalang mga kagamitan at mekanismo sa paglilinis. Sa mga susunod na araw, kanya-kanya na silang punta dito.

    Inspirado nga si Mica sa pagta-trabaho niya. Kailangang pagbutihin ng grupo niya ang paglilinis sa gusaling ito. Tila bigating kostumer ang isang ito. Tiyak na magkakaroon sila ng umento kapag natuwa sa trabaho at serbisyo nila ang may-ari ng kumpanyang ito.

    Nag-umpisa sila sa pinaka-itaas. Sumakay sila ng elevator matapos magpakilala sa guwardiyang nasa may pintuang salamin.

    Isusuot n'yo palagi ang inyong mga I.D., bilin niya sa mga kasama. Siya lamang ang medyo matagal-tagal nang naninilbihan kay Mr. Darius kaya siya ang tumatayong lider ng mga ito.

    Ngunit tagapayo lamang at tagapag-paalala ang ibig niyang itawag sa kanyang posisyon. Ayaw niyang mag-isip ng mga titulong pampataas ng kanyang katayuan kaysa sa ibang kasama.

    Pag-igihin lang natin ang paglilinis. Wala kayong gagalawin na anuman sa mga lamesa. Okey? habilin pa niya.

    Salamat, Ate Mica, tugon ng mga kaharap niya, halos sabay-sabay pa nga. Tatlo silang mga babae kaya sila ang sama-sama sa iisang panig. Palipat-lipat si Mica upang mabantayan ang mga ito.

    Natapos na sila sa unang palapag sa itaas. Ininspeksiyon ni Mica ang bawa't sulok ng mga banyo at opisina, bago niya pinayagang bumaba ang grupo sa susunod na palapag.

    Mangilan-ngilan na lang ang mga nagta-trabaho kaya malaya silang nakakapag-ingay. Isinasara na lang nila ang mga pinto upang hindi maka-istorbo ang ugong ng vacuum cleaner.

    Toka ng mga lalaki sa mga banyong panlalaki, ngunit pinapasok pa rin niya ang mga ito upang matiyak na pulido ang pagkakalinis. Inaamoy niya ang bawat kubikulo upang matiyak na wala nang amoy-banyo.

    Hanggang sa makarating na sila sa pinaka-ibabang palapag, sa mismong katabi ng kanilang locker. Nagtatabi na ng mga kagamitan ang mga kasamahan habang nirerekisa niya ang mga banyo.

    Nasa pinaka-dulong kubikulo siya nang may maulinigan siyang nagbukas ng pinto ng banyong panlalaki. Inakala niyang ang isa sa mga kasamahan niya iyon kaya walang anuman na lumabas siya mula sa kubikulo.

    Gayon na lang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1