Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ibigin Mo Ako, Bandido!
Ibigin Mo Ako, Bandido!
Ibigin Mo Ako, Bandido!
Ebook165 pages2 hours

Ibigin Mo Ako, Bandido!

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Si Alana ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig kaya lumaki siya sa layaw. Si Leon ay isang lalaking bandido na naninirahan sa kabundukan.

Kahit labag sa kagustuhan ng mga magulang, nagpunta si Alana sa kanilang probinsiya. Na-kidnap siya at tinangay sa kabundukan. Ang layunin ni Leon ay maganda kaya ginawang bihag ang dalaga.

Paano magkakaroon ang pag-ibig na walang kalayaan?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 3, 2018
ISBN9780463281215
Ibigin Mo Ako, Bandido!
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Ibigin Mo Ako, Bandido!

Related ebooks

Reviews for Ibigin Mo Ako, Bandido!

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ibigin Mo Ako, Bandido! - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Isang malakas na suntok ang pinawalan ng malaking kamao ni Leonardo Bueno. Mas kilala sa alyas na Ka Leon, ang kilabot na lider ng mga tulisan na naninirahan sa Bundok Mabilog.

    Tumalsik ang lalaking tinamaan sa panga. Napuruhan yata agad. Hindi na ito bumangon nang pabagsak na tumihaya sa putikan.

    Magtatanda na ang tarantadong 'yan, wika ni Leon, paangil.

    Bumaling siya sa dalagang nanginginig sa takot.

    Hindi ka na babastusin niyan, Inday, he reassured the young woman gruffly. Umuwi ka na. Baka hinihintay ka na ng mga magulang mo.

    O-opo, maraming salamat po, sambit nito bago tumalikod sa kanya.

    Nahawi ang mga tauhan niyang nakapalibot para padaanin ang babae.

    Walang anumang dinampot niya ang sumbrerong yari sa buli. Pinagpag niya iyon sa hita bago isinuot.

    It was a battered straw hat. Para bang nasagasaan na ng maraming beses gayong kabibili lang niya kahapon.

    S'an tayo ngayon, Ka Leon? tanong ng isang tauhan na nagsisilbing kanang-kamay niya.

    Sa bahay ni Ka Istong, he replied succinctly.

    P'ano 'tong gagong 'to? tanong ng isang tagaroon.

    Sabuyan n'yo ng tubig para magising. At pagsabihan n'yo uli, utos niya bago tumalikod.

    Nagsisunuran ang mga kasama nila nang magpauna siya sa paglakad patungo sa makapal na kawayanan.

    Binabaybay nila ang paliku-likong sapa nang may marinig silang malalakas na pagibik ng isang babae.

    Naabala sila ng ilang minuto ngunit balewala iyon. Basta't nakatulong naman sa kapwa.

    Magmula nang pumuga siya mula sa Iwahig Penal Colony, may labinlimang taon na ang nakakaraan--naging patakaran na niya sa buhay ang tumulong sa iba.

    Kaya naman kahit na ilang beses pang suyurin ng mga sundalo ang kabundukang pinagtataguan niya, hindi talaga siya matagpuan.

    He had been hiding, or 'staying' rather, in those mountains for twelve years now.

    Beinte tres anyos siya nang masentensiyahan ng habambuhay dahil sa kasalanan na hindi niya ginawa--ang manggahasa at ang pumatay.

    Beinte kuwatro anyos siya nang tumakas mula sa bilangguan dahil ilang ulit na pinagtangkaan ng mga kakosa ang kanyang buhay.

    Sa hindi malamang dahilan, mayroong taga-'itaas' na mainit ang dugo sa kanya. Gusto siyang ipatapos.

    Napadpad siya sa Bundok Mabilog, kasama ang limang kasamahan na sumabay sa kanyang pagtakas sa 'loob'.

    Matapos ang labindalawang taon, wili na silang manirahan doon.

    His group was regarded by the people as the local Robinhood.

    Twice a year, they robbed a bank or a rich man's house. Naging tradisyon na nila ang bigyan ng kahati ang mga mahihirap na taga-nayon.

    Sinisikap nilang magbayad sa mga kasalanang nagagawa.

    Paminsan-minsan, nagiging 'soldiers of fortune' din sila sa ibang bansa.

    Leon did not want to kill his fellow Filipinos.

    Naka-labinlimang biyahe na sila sa Middle East. They had been recruited by the Western forces, kapag mayroong kairingan ang mga Amerkano sa mga bansang nasa Gitnang Asya.

    Ang pinakamatagumpay ay nung giyera ng Iraq.

    Kumita sila ng malaki noon. He promptly put the larger part of the group's money in a trust fund for penniless but bright students.

    Kaya sila nakulong at nahatulan ng mga kasamahan noon ay dahil sa kulang sila sa aral. Kaya ngayon, nagkakaisa sila sa grupo, pagdating sa pagtulong sa mga mahihirap na mag-aaral.

    Ginawan ni Leon ng paraan ang kanyang kawalan.

    Bumibili siya ng mga librong intelektuwal at nag-aaral mag-isa.

    After a long time of tireless and constant self-study, kapantay na ng isang abogado at ng isang military man ang laman ng utak niya.

    Bosing, ayun na ang bahay ni Ka Istong, balita ni Larry, ang kanang-kamay.

    Naputol ang paglalayag ng isip niya.

    Tingnan mo kung nandiyan na siya, utos niya. Dito lang kami sa di-kalayuan.

    Kahit na malaki ang tiwala niya kay Ka Istong, hindi pa rin nawawala ang dobleng pag-iingat na nakasanayan na.

    Yosi ka muna, boss.

    Tinanggap niya ang sigarilyong iniabot sa kanya. Kinipit niya sa pagitan ng mapuputing ngipin ang filter habang dinudukot sa bulsa ang Zippo lighter. Souvenir pa iyon ng isang sundalong Kano na nailigtas niya nung panahon ng giyera.

    Hindi pa nangangalahati ang sigarilyo, bumalik na si Larry.

    Papunta na rito si Ka Istong, pahayag nito.

    Sige, pumaikot na kayo sa lugar na ito. Ibinigay niya ang sigarilyo sa katabing tauhan. O, Baste, iyo na 'yan.

    Masasabing si Leon ang tanging tigasin na walang bisyo.

    Bihira siyang manigarilyo at uminom. Pati sa pambababae.

    Malinis siya sa katawan kaya maingat din siya sa pagpili ng makakasiping.

    Magandang gabi, Kaibigang Leon, bati ni Ka Istong, ang kinikilalang pinuno ng mga Sakada.

    Magandang gabi rin. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo, Kaibigang Istong?

    Isinenyas ng matandang lalaki ang isang punso na nasa lilim ng isang mayabong punong-mangga.

    Maupo tayo dito, kaibigan, aya nito.

    Tumalima si Leon. Naiintindihan niyang nais nitong magtago sa mga matang mapanubok.

    Ano'ng problema n'yo dito, Ka Istong? untag niya nang nakaupo na sila. Ayaw niya ng maligoy na usapan.

    Bumuntonghininga ang kaharap. Hindi man niya maaninag nang husto ang mukha nito, nababakas naman niya sa boses ang mabibigat na problemang dinadala sa kalooban.

    Marami kaming problema dito. Pero iisa lang ang ugat na pinagmumulan--si Bruno Salvis.

    Si Bruno Salvis, ulit niya. Hindi na siya nagulat.

    Tinaasan niya ang buwis namin. Pati ang interes ng mga pautang sa amin. Inalis rin niya ang malinis na tubig, pati ang mga daan na patungo sa kabisera. Inisa-isa ni Ka Istong mga anomalya ni Bruno Salvis.

    Nabalitaan ko na ang mga 'yan, Ka Istong, pahayag niya. At inaasahan kong mayroon na kayong naiisip na solusyon.

    Matagal bago tumugon ang matandang lalaki.

    Ikinalulungkot kong aminin na hindi ko na kaya ang mga ganito kabigat na suliranin, kaibigan. Kaya nga muli akong naninikluhod ng tulong sa 'yo.

    Sisenta mahigit na ang edad nito. At tila hinang-hina na nga.

    Tumikhim siya matapos mag-isip sandali.

    Kahit isa naman siguro ay may ideya kayo kung paano natin susupilin ang kamandag ni Bruno Salvis, sambit niya. Mas kilala n'yo siya. Mas alam n'yo kung ano ang dapat gawin.

    Isa lang ang naiisip kong gawin. Medyo kumplikado, pag-amin nito. At baka hindi mo pa magustuhan.

    Iparinig n'yo sa akin. Para mapag-aralan.

    Kailangang malaman ni Don Paolo Martinez ang mga paniniil ng kanyang katiwala sa mga plantasyon na pag-aari niya rito.

    Madali lang 'yan. Magpadala kayo ng petisyon.

    Ilang beses na naming ginawa 'yan, ngunit masyadong bilib ang matandang don sa kanya. Naniniwala agad sa kontra-katwiran ni Bruno.

    Hinimas ni Leon ang baba. Ganito siya kapag malalim ang iniisip.

    Hindi siya umuuwi rito? tanong niya kapagkuwan.

    Naramdaman niya ang pag-iling ng kausap. Wala siyang sapat na dahilan para umuwi rito. Maganda naman daw ang kita ng mga plantasyon.

    Nakakaligtaan niyang alamin ang kalagayan ng tunay na nagbibigay ng yaman sa kanya.

    Gan'on nga, Ka Leon. Inaapi ni Bruno ang mga sakada na nagbubuhos ng dugo at pawis sa lupa upang maging sagana palagi ang ani.

    Kailangang magpunta rito nang personal si Don Paolo Martinez, sambit ni Leon. Walang gatol ang matigas na tono. Nagngingitngit na siya agad. Ayaw niya talaga ng may mga maliliit na naaapi.

    Ngunit paano? dugtong niya, pero sa sarili lang.

    Saka lang nagsalita uli si Ka Istong. Nandiyan ang anak na dalaga ni Don Paolo, pahayag nito. Ang kaisa-isang anak na nanggaling pa sa Maynila.

    Kumunot ang noo ni Leon. Hindi ba't sira ang mga daan ikan'yo?

    Sakay siya ng helikopter, amang. Napakayamang tao ni Don Paolo. Balewala ang malaking halaga pantustos sa mga kapritso ng pamilya niya.

    Maaari n'yo siyang gamitin, Ka Istong, pahayag niya. Makikita ng mismong mga mata niya ang tunay na kalagayan n'yo rito.

    Oo--kung ipapakita kami ni Bruno, ang maagap na tugon ni Ka Istong. Pero hindi ipapahamak ni Bruno ang sarili kailanman.

    Natigilan si Leon. May iniisip ang matanda ngunit hindi pa nito sinasabi.

    Kailangang makita kayo ng anak ni Don Paolo, diin niya.

    Oo, kailangang-kailangan, sang-ayon ng kaharap. Ngunit paano?

    Tinitigan ni Leon ang di-maaninag na mukha ni Ka Istong. Walang ibang paraan kundi ang dukutin siya at dalhin dito, hindi ba?

    Tumpak, Ka Leon, sang-ayon ng matanda. Medyo magaan-gaan na ang tono ngayong nailabas na ang ilan sa mga nasasaloob.

    Iniisip n'yo bang kami ang gagawin n'yong taga-dukot?

    Naramdaman niya ang pagtango ni Ka Istong.

    Leon swore to himself soundlessly, bago siya nagdesisyon nang mabilis. Okey, dudukutin namin siya. Maghanda-handa na kayo. Mga ilang araw n'yo ba siya balak pigilan dito?

    Dumantay ang isang kamay ng kausap sa braso niya kaya natigilan na naman siya.

    Meron ka pang ibang sasabihin, Ka Istong? pananalakab niya.

    Meron pa sana, pero hihilingin ko munang huwag kang magagalit sa sasabihin ko, Kaibigang Leon.

    Pulos 'Kaibigang Leon' ang naririnig niya.

    Christ, we sound like a children's animal story! bulalas niya sa sarili.

    Sisikapin kong huwag magalit, he promised brusquely. Magpatuloy na kayo, Ka Istong.

    Ang halos lahat ng mga tao dito sa aming baranggay ay may sakit na malala. Kailangang-kailangan namin ng tulong na medikal, pahayag nito.

    Gamot, malinis na tubig at masusustansiyang pagkain, he enumerated tersely. Magdadala kami ng tulong sa pagbalik namin.

    Maraming salamat, amang, wika ng kausap. Ngunit ikinalulungkot kong tanggihan ang tulong na ibibigay mo sa pagkakataon na ito.

    Ano'ng ibig mong sabihin, Ka Istong?

    Masyadong malaki ang problema namin ngayon, amang. Hindi naman puwedeng sa inyo lang kami aasa palagi.

    Huwag na kayong magpaliguy-ligoy pa, Ka Istong, untag niya.

    Huminga muna nang malalim ang matandang lalaki bago nagpatuloy. He sounded apprehensive and reluctant to go on.

    G-gusto ko sanang ipatubos kay Bruno Salvis ang kanyang senyorita, Ka Leon. Para may maipantustos kami sa mga pangangailangan namin dito.

    Kidnapping for ransom! he hissed.

    Suhestiyon lang naman ang sa akin, Ka Leon, agap ni Ka Istong. Nagtatanong ka sa akin kung ano ang naiisip kong solusyon, hindi ba?

    Iyon lang ang tanging solusyon na meron ka?

    Pilit ang pagiging matatag ng tono ni Ka Istong. Oo, Ka Leon, was the firm reply.

    Hindi kami grupo ng mga kidnappers, Ka Istong, he pointed out testily.

    Alam ko, Ka Leon. Ngunit nagbabakasakali lang ako na mabibigyan mo kami ng naiibang tulong--alang-alang man lang sa aking mga kabaranggay na labis nang naghihirap sa mga paniniil ni Bruno. Tila ibig pang magtalumpati ng matandang lalaki.

    Ngunit epektibo naman ang mga sinabi nito dahil naantig na naman ang loob ni Leon.

    Buweno, titingnan ko ang magagawa ko, Ka Istong, pahayag niya matapos ang saglit na hesitasyon.

    Maraming salamat, Kaibigang Leon, ang tuwang-tuwang wika ni Ka Istong.

    Hindi dapat 'Leon' ang tawag sa akin, kundi 'Pusong Mamon'! pambubuska niya sa sarili.

    CHAPTER TWO:

    Alana was currently throwing one of her infamous tantrums.

    Nagdadabog siya. Nagbabalibag ng mga kasangkapan sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1