Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hinog sa Panahon
Hinog sa Panahon
Hinog sa Panahon
Ebook90 pages48 minutes

Hinog sa Panahon

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Mainit ang dugo ni Xandra sa heredero ng lupaing sinasaka ng kanyang pamilya. Mayabang kasi, arogante, at parang ari-arian din siya kung tratuhin.

Sa unang pagkakita pa lang ni Keith kay Xandra, grabe na agad ang pagnanasa niyang angkinin ito. Ngunit dahil sa lubhang mailap, hindi niya napigil ang sarili na pitasin sa pilit ang dalaga.

Mapahinog pa kaya ang bubot na pag-ibig...?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463045381
Hinog sa Panahon
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Hinog sa Panahon

Related ebooks

Reviews for Hinog sa Panahon

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hinog sa Panahon - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Madilim-dilim ang paligid dahil bukangliwayway pa lamang. Ngunit ang mga tao sa Baryo Gintong Butil ay pawang gising na. Nagkakagulo na ang lahat. Tila natataranta pa nga dahil paroo't parito ang karamihan.

    Nag-aagaw-antok pa si Xandra pero nagtataka na siya. Bihirang magkaingay sa munting baryo nila. Palibhasa nasa gawing duluhan at malapit na sa niyugan, kaya medyo liblib na.

    Xandra! Bangon na, anak! Ab'e'y tatanghaliin na tayo! Hindi pa luto ang puto. 'Ala pa tayong gatas! Parang umalingawngaw ang boses ng ina kaya pinilit na niyang bumangon mula sa makitid na katre.

    Pupungas-pungas ang dalaga nang magtungo sa kusina. Ina, ginatasan ko po si Kapintugan kahapon. 'And'yan po ang mga bote sa tabihan ng pagkain, paliwanag niya bago naghikab. Baka hindi n'yo lang nakita, dagdag pa niya.

    Kuu, iniambag ko na kina Ka Mameng para sa gagawing espesyal na pastilyas.

    Pastilyas? Bakit ho? May ikakasal hu ba? Lumapit siya sa paminggalan para magmumog. Ano hu bang pinagkakaabalahan n'yo? Bakit parang nagkakagulo pati ang mga kapitbahay natin? usisa niya habang naghihilamos. Sinabon at binanlawan niya ang mukha at leeg ng tubig na binantuan ng bagong kulong tubig mula sa lumang termos.

    Hindi mo ba alam na darating ngayon ang kaisa-isang anak nina Ma'am at Sir? Napamaang si Aling Leonora.

    Biglang napawi ang antok niya sa narinig. Kumunot pa nang husto ang noo niya. Sus! Bakit n'yo pa ipaghahanda 'yon? E, hindi rin naman magtatagal dito? Maya-maya lang, aalis na naman 'yon. Magpapagod lang kayo!

    Anak! 'Wag kang magsalita ng ganyan, saway ng nagulat na ina. Obligasyon nating magbigay-galang sa kanila dahil--

    Dahil ang lupang sinasaka natin ay pag-aari nila, salo niya. Bahagya na lang mapigil ang pagkayamot. Alam ko hu 'yan, Ina. Pero hindi na pagbibigay-galang ang pagpapakakuba n'yo sa pagluluto. Aba'y lahat 'ata kayong magkakapitbahay ay hindi na natulog, a? panenermon niya.

    Umiling-iling ang nakatatandang babae. Kuu, bihirang-bihira naman ang mga ganitong kasayahan dito sa atin. Ang buhay natin dito ay kabagut-bagot, katwiran nito. Ipagkakait mo pa ba naman ang kaunting kasiyahan namin?

    Naantig si Xandra dahil tutoo ang sinabi ng ina. O, siya, magkape muna tayo bago ko gatasan si Kapintugan, pagbibigay niya.

    Salamat, anak. Naalo naman agad ang ina. Ngumiti na uli ito. Narine ang puto. Para sa atin ang unang luto. Tikman mo na nga.

    Tumalima siya. Mmm, an'sarap mo talagang magluto, Ina! Tuluyan nang nabura ang pagkainis niya. Pambihira din kasi ang espesyal na puto ng kanyang ina.

    Tumulong si Xandra sa mga gawain upang mapadali. Dakong alas nuwebe nang matapos sila.

    Sino ang maghahakot ng mga ito? usisa niya.

    Hindi pa nga bumabalik ang Ama mo, e. Ano kaya kung ikaw?

    Sa karitela? Baka magkadurug-durog ang mga puto, Ina, prutesta niya. Baku-bako ang kalsada.

    Hindi naman. Tatalian na lang ang mga bilao para hindi magulo sa ayos.

    Bahala kayo. Basta ihahatid ko lang ang mga 'yan.

    Kasama naman ako, anak.

    Hindi na nakatanggi si Xandra. Magpapalit lang ako ng damit, paalam niya.

    May oras ka pa para maligo, iha, pahabol nito. Isuot mo 'yong bestidang bigay namin ng Tiya Conching.

    Bumuwelta siya pabalik. Bakit naman ho?

    Ab'e'y, siyempre, maraming bisita d'on.

    Maghahatid lang naman ng puto, a? katwiran niya.

    Imbitado tayo d'on, iha.

    E, ba't kayo ho?

    Kuu, ano ba't pati ako? Matanda na ako kaya sa lugar-lutuan lang ako matotoka. Samantalang kayong mga dalaga, e, tiyak na magsisilbi sa mga panauhin.

    Umasim ang ekspresyon ni Xandra. 'Kala ko ba, imbitado tayo? E, ba't kusinera't serbidora lang pala ang mga papel natin?

    Hus, gan'on na rin 'yon. Pinapunta tayo nina Sir Franco d'on sa malaking bahay upang salubungin ng isang masayang salu-salo ang kanilang unico hijo. Hala, magbihis ka na't tatanghaliin tayo nang husto.

    Napailing ang dalaga. Ngunit sumunod na lang siya kaysa makipagtalo pa uli. Kaya naman niyang umiskapo kung kailan niya gusto!

    Maliksi siyang naligo at nagbihis. Basa ang mahabang buhok kaya hinayaan niyang nakalugay sa likod ang mga hiblang alun-alon.

    Hindi pangkaraniwang dalaga si Xandra. Wala siyang hilig magpaganda kaya ni hindi minasdan ang sarili sa salamin. Hindi tuloy niya napunang hakab na hakab ang manipis na tela ng bestida sa bawat kurba ng katawan. Na bumagay ang kulay rosas sa kanyang morenang balat.

    Nakuntento na siyang lumampas ang maluwang na laylayan sa mga tuhod niya. Mataas ang leeg at maikli ang manggas kaya sigurado siyang disente ang simpleng damit.

    Mas gusto kasi niyang magpunta sa ilog para maglunoy habang hinihintay makahuli ng isda ang lambat na iniumang.

    Nung bata pa siya, palagi siyang may dahilan na magpunta doon. Kahit na may poso sa tabing-bahay, doon pa rin siya naglalaba. Para siyang ipinaglihi sa tubig.

    Naging madalang na ang pangingisda at paliligo niya nang magdalaga na siya dahil naging abala na sa pag-aaral. Araw-araw siyang lumuluwas sa kabisera dahil kumukuha ng kursong Edukasyon. Isang taon na lang ang bubunuin niya. Plano niyang magtayo ng maliit na eskuwelahan sa kanilang baryo kapag naging isang ganap na guro na siya.

    May dalawa pang kabitbahay na nakasakay sa karitela nang lumabas siya. Sina Aling Connie at Aling Marina ang naging katuwang ng ina sa pagbabasta ng mga bilao ng puto. Ang tanging ginawa na lang niya ay ang pagsisingkaw ng primitibong sasakyan sa leeg ni Kalakian.

    Lalarga na ba tayo, Ina? tanong niya.

    Bakit naka-tsinelas ka lang? puna ng magulang.

    'Andito sa bag ang sandalyas ko, Ina. Laman din ng nakasukbit na bag sa balikat ang pantalon at kamiseta. Papalitan niya agad ang bestida kapag nagkaroon ng pagkakataon mamaya.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1