Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Piraso ng Langit
Piraso ng Langit
Piraso ng Langit
Ebook153 pages1 hour

Piraso ng Langit

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Si Kathrin ay umibig kay Lorenzo magmula nung dalagita siya. Samantalang si Lorenzo ay ganap na binata na. Hanggang isang gabi, inakit ng kanyang ina ang lalaki. At ikinagalit nang husto ng ama...

Umalis si Lorenzo at bumalik lang nang yumao na ang ama. Si Kathrin ay ganap na dalaga na. At kahit mahabang panahon na ang nagdaan, nagmamahal pa rin siya...

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9781370396160
Piraso ng Langit
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Piraso ng Langit

Related ebooks

Reviews for Piraso ng Langit

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Piraso ng Langit - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Nag-inat si Kathrin matapos tanawin sa labas ng bintana ang nagdidilim na kalangitan.

    Gabi na pala, bulong niya sa sarili.

    Ni hindi niya namalayan ang pagdatal ng dapithapon.

    Namamanhid pa kasi siya mula sa pagkabiglang sumakmal sa kabuuan niya matapos marinig ang nilalaman ng sulat na tinanggap kaninang umaga.

    Uuwi na si Lorenzo...

    Umalingawngaw sa lahat ng sulok ng isipan niya ang mga kataga ng realisasyon.

    Pagkatapos ng mahigit sampung taong pagkawala, uuwi na ang heredero na mas may karapatan sa malaking bahay na naging tahanan para sa kanya magmula nung anim na taong gulang siya.

    Pati ang malawak na lupain sa palibot ng palalong istruktura. Pag-aari na Lorenzo Villaroman ngayon.

    Itinukod ni Kathrin ang mga kamay sa magaspang na pasamano habang iginagala ang paningin sa malawak na kakahuyang nakapaligid sa cottage na ginawang shop.

    Napamahal na sa kanya ang lugar. Dahil mas gusto niyang magtrabaho sa pusod ng kagubatan.

    At alam iyon ng kanyang Papa John. Kaya naman nakasaad sa huling testamento nito ang pagpapamana sa kanya ng naturang kubol.

    Dating lodge iyon na tirahan ng mga katiwala sa niyugan. Inabandona na nang magkaroon ng kuryente sa paanan ng bundok.

    Kusang kumilos ang isang kamay niya. Kinakapa ang lighter na palaging nasa bulsa ng suot na gray over-all.

    Sinindihan niya iyon at idinuldol sa maiitim na mitsa ng mga kandilang malalaki, malapit sa kanyang kinatatayuan.

    Nang lumikot ang mga munting dila ng apoy dahil sa pag-ihip ng hangin, maagap niyang itinulak pasara ang maliit na bintanang salamin.

    Wala siyang balak umuwi ngayon kaya nagbaon siya ng malaking piraso ng tinapay at isang galon na tubig para inumin. May ilang bote rin ng serbesa na nakabaon sa loob ng ice chest.

    Wala pa siyang nagagalaw sa mga iyon magmula pa kaninang tanghali na dumating siya dito, sakay ng karag-karag nang landrover.

    Ngunit dahil nga sa kakatwang pamamanhid, hindi siya nakakaramdam ng gutom o uhaw.

    Malakas pa rin ba ang dating ni Lorenzo? Isang katanungan iyon na nagmula pa sa likuran ng utak.

    Ipinilig ni Kathrin ang ulo. Hindi siya dapat nag-iisip ng kung anu-ano.

    Matagal na matagal nang nangyari ang kahibangan na iyon. Atsaka wala na ang Kathrin na minsang nabulag sa karisma ng isang lalaking inidolo sa loob ng mahabang panahon...

    Upang matuklasan lang na hindi pala ito dapat hangaan. Na hindi pala dapat ilagay sa pedestal dahil hindi naman pala perpekto.

    A, parang kahapon lang nung nangyari ang pinakamasakit na sandali sa kanyang buhay!

    Isang ordinaryong umaga sana iyon. Kasalukuyan siyang nagtitiklop ng kulambo at mga kumot na ginamit sa pagtulog, nang marinig ang matitinis na sigaw ng kanyang Mama.

    Taranta siyang humangos palabas. Agad na tinugpa ang koridor na patungo sa master's bedroom.

    Ang tanging hinuha niya noon ay baka nakakita na naman ng mga bubuwit ang ina sa loob ng aparador nito. Matatakutin kasi si Carmen sa mga daga, kahit na ano pa ang laki.

    Wala siyang kamalay-malay na mas malala pa ang tutoong nangyari.

    Kung alam lang niya kung anong klaseng eksena ang masasaksihan, hindi na sana niya sinundan ang direksiyong pinagmumulan ng mga galit na boses.

    Boses naman ng kanyang madrasto iyon.

    Takang-taka siya nang hindi natagpuan ang ina sa kuwarto nito. Kaya hinayaan niyang itulak siya ng kuryosidad.

    Halos wala sa loob ang pagtungo niya sa kinaroroonan ng silid ni Lorenzo. Para bang nananaginip lang siya.

    Para bang nararamdaman na niya ang pagdating ng walang katulad na sakit sa kanyang murang damdamin.

    Nagkatutoo naman ang kakatwang kutob na iyon.

    Ang tagpong tumambad sa kanya ay habambuhay nang nakakintal sa inosenteng memorya niya.

    Kahit na siguro sa kanyang pagtanda, dadalawin pa rin siya ng mga bangungot.

    At masasaktan pa rin siya nang husto...

    Inimpit ni Kathrin ang mga hikbing ibig humulagpos sa nagsisikip na lalamunan.

    Papiksi siyang humakbang palapit sa ice chest. Hinugot niya ang isang bote ng serbesa. Binuksan niya iyon sa pamamagitan ng kutsara at tinungga.

    Mistulang lalaki siya sa paraan ng pag-inom. Katulad ng iba pang pagkilos niya. Gayundin sa kanyang pananamit.

    Marahil ay sinasadya niyang maging gayon ang imahe upang ipakitang matigas siya. Upang walang makahalata sa mga maaantak na sugat sa kanyang puso...

    Halos pawaras niyang inilapag ang basyong bote, matapos ubusin ang mapait na laman. Kumuha siya ng dalawa pa sa ice chest at dinala sa makitid na papag na nasa isang panig ng dingding.

    Karuwagan ang ginawa niyang pag-iwas na makaharap agad si Lorenzo ngayong gabi.

    Pero mas gusto niya ang maging handa sa muling pagkikita nila ng nag-iisang lalaking may kakayahang makasakit sa kanya.

    Kailangan niyang magkaroon ng matibay na maskara para mapagtaguan ng mahihinang emosyon. Kailangan niyang magpakatatag para makalaban nang parehas at para hindi na siya masaktan pang muli.

    Inihinto ni Lorenzo ang minamanehong BMW nang matanaw na ang bubungan ng lumang bahay-Kastila.

    Wala pa ring nagbago. Mapusyaw na pula pa rin ang kulay ng mga tisa. Pero nang-aakit pa rin ng iba-ibang kulay ng dapithapon. Mistulang salamin iyon na nagrerehistro sa nagaganap na paglubog ng araw.

    Kumusta na kaya si Kathrin?

    Aaminin niya na nasasabik na siyang makita ang tanging babaeng pinagtiwalaan niya ng lahat--kahit na minsan lang sa kanyang buhay.

    Ngunit gayon pa rin ba ang sitwasyon? Hindi niya dapat kalimutan na si Kathrin ay anak ni Carmen.

    Si Carmen na reincarnation yata ng ahas na nanukso kina Adan at Eba...

    Siyete anyos pa lang si Kathrin nung makilala niya. At katorse anyos ito nang umalis siya. Ngunit isa pa ring inosente sa maraming bagay.

    Sampung taon na ang nakalipas. Beinte kuwatro anyos na si Kathrin ngayon. Anu-ano kayang mga pagbabago ang idinulot ng panahon? Katulad na rin kaya ito ng inang mapag-imbot at mapagnasa?

    A, huwag naman sana!

    Hinampas ng isang palad ni Lorenzo ang manibela. Para magising siya at mahinto ang walang katapusang pag-iisip.

    Magmula nang matanggap niya ang sulat mula sa abugado ng Pamilya Villaroman, nawalan na siya ng kontrol sa sariling utak. Palagi na lang nagbabalik sa nakaraan.

    Sa isang nakaraan na nagbigay ng bangungot sa kanya noon. At nauulit na naman ngayon.

    Hinding-hindi niya makakalimutan ang ekspresyon ni Kathrin habang siya ay nabubuhay. Magkahalong pagkabigla, panggigipuspos at paghihinampo ang nakabadha sa hugis-pusong mukha nito. Habang nakatitig sa kanya ang mga matang malalaki at bilugan. Na binabalungan na ng luha.

    Walang akusasyon sa mga matang inosente. Ngunit malinaw na nakarehistro ang pagkalito. Ang matinding paghihinanakit...

    Muling hinampas ni Lorenzo ang manibela bago ipinilig nang ilang ulit ang ulo. God, ayaw ko nang maalala pa! bulalas niya sa sarili.

    Padaskol niyang pinihit ang ignition key at nagpatuloy sa pagmamaneho.

    Sumagitsit ang mga gulong sa kalsadang aspalto dahil paharurot siyang lumiko sa pribadong kalye na patungo sa malaking tarangkahan ng Villaroman Farm.

    Wala siyang planong magtagal sa lugar na sinilangan at dating tahanan. Hindi siya interesado sa mga ari-ariang ipinamana ng kanyang ama.

    May sarili na siyang mga ari-arian, na nanggaling sa dugo at pawis niya.

    Kaya lang siya nagpunta ngayon ay dahil may sisingilin siyang pautang.

    Sino'ng niloloko mo, Lorenzo? panunuya niya sa sarili. Hindi si Tia Carmen ang tunay na sadya mo rito. Si Kathrin lang ang tanging puwersa na nagtutulak sa 'yo na bumalik sa pinanggalingan.

    Aaminin na ba niya ang talagang kasalanan na nagawa niya? Aaminin na ba niya ang tunay na dahilan ng paglisan niya noon?

    Humigpit ang pagkakahawak ng mga daliri sa manibela.

    Malinis ang konsensiya niya sa pagkakasalang ibinintang sa kanya noon. At puwede niyang patunayan iyon sa pamamagitan ng pananatili sa farm.

    Makikipagmatigasan na lang siya kay Tia Carmen. Matira ang matibay, kumbaga.

    Ngunit hindi ganoon kasimple ang sitwasyon noon.

    Ang kumplikasyon ay nasa atraksiyon na nadarama niya para kay Kathrin.

    Beinte dos siya at katorse lang ito noon. At itinuturing pa siya nitong nakatatandang kapatid!

    'Seduction of minor' at 'incest' ay ilan lang sa mga maaring itawag sa kanyang mga lihim na kasalanan.

    Pero ironical ang nangyari. Hindi sa mga iyon siya nahusgahan at nahatulan.

    Ngunit hindi sana magiging lubos na masakit kung si Kathrin man lang ay nagtiwala at naniwala sa kanya...

    CHAPTER TWO:

    Madilim ang paligid ng maluwang na bakuran. Gayundin sa malaking bahay na nasa di-kalayuan ng gate.

    Ni walang tumugon sa dalawang sunod na pagbusina niya.

    Tila wala ang mga taong naninirahan doon.

    Kumunot ang noo ni Lorenzo. Nagtataka siya. Itinawag sa kanya ng abugado na inihatid nito nang personal ang liham niya sa mismong mag-inang Carmen at Kathrin.

    Kaya inaasahan niyang may naghihintay man lang sa kanyang pagdating.

    Pinindot niya uli ang busina. Sunud-sunod. May mas matagal na interval para matulig ang sinumang okupante ng malaking bahay.

    Pamaya-maya nga, isang hugis-lalaking anino ang namataan niyang lumapit sa tarangkahang bakal na rehas.

    Sino po sila? tawag nito sa medyo pagaw na boses.

    Nakilala agad ni Lorenzo ang tao matapos tamaan ng liwanag ng mga headlight na nakasindi.

    Mang Turing, ako po ito, wika niya habang isinusungaw ang ulo sa bintana ng sasakyan.

    Aba! Si Sir Lorenzo pala! bulalas nito. Bakas ang matinding katuwaan sa tono at sa anyo. Nagdumali ito sa pagbubukas ng higanteng kandado.

    Ako nga po, Mang Turing.

    Tuloy, tuloy, Sir Lorenzo.

    Pinausad niya ang minamanehong kotse hanggang sa makapasok. Isara n'yo na muna 'yan, at sumakay na kayo dito, utos niya dito.

    Oo, oo, sandali lang. Tila lalo itong nataranta matapos mapagmasdan nang malapitan ang magarang BMW na kulay silver.

    Hinintay niyang makasakay ito bago niya uli pinaandar ang sasakyan.

    Kanina pa namin kayo inaasahang dumating, Sir Lorenzo, pahayag ng matandang lalaki habang nakatingin sa kanya.

    Sinabi ko sa aking sulat na nandito ako sa hapunan, tugon niya.

    Gayon nga po, Sir Lorenzo. Pero lampas alas siyete na po ngayon. Nawalan na kami ng pag-asa na darating pa kayo.

    Sumulyap

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1