Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Remembrance
Remembrance
Remembrance
Ebook134 pages2 hours

Remembrance

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

“I never stopped loving you, not even a second of those ten long years.”

“Babalik ako, Francess. Hindi tayo tuluyang magkakahiwalay. Kailangan lamang na umalis ako sandali para magamot ako. Hindi ibig sabihin ay hindi na kita babalikan. At saka, habang wala ako ay nandiyan naman si Anastasia. Hindi ka masyadong malulungkot. She will cover for me.”
Tandang-tanda pa ni Francess ang pangakong iyon ng kaibigang si Jones bago ito umalis pabalik ng America kung saan magpapagamot ito sa sakit na brain tumor. Naiwan si Francess sa piling ni Anastasia—ang manikang regalo nito sa kanya noong fourteenth birthday niya.
Ngayon, makalipas ang sampung taon, ay nagbalik si Jones. Ngunit hindi na siya nito naaalala...
Paano na ang puso niyang nagmamahal at umaasa parin dito?

LanguageTagalog
Release dateAug 22, 2018
ISBN9780463877562
Remembrance
Author

Deborah Lovelace

John Michael "JM" Fuerzas Jalaron, also known by his pseudonyms Deborah Lovelace and Agatha St. Claire, is an award-winning Filipino writer, ESL teacher, virtual assistant, customer service representative, sales associate, freelance content writer and news writer who is currently residing in Cordova, Cebu City.*Text source © Wikipedia*Photo source © Alanes Tecson; March 2021

Related to Remembrance

Related ebooks

Reviews for Remembrance

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Remembrance - Deborah Lovelace

    CHAPTER ONE

    NAGMAMADALI ang mga hakbang ng trese anyos na dalagitang si Francess. Maglalakad lang kasi siya ngayon papunta sa kanilang paaralan dahil nasira ang traysikel ng kanyang Tatay Greg at dahil doon ay hindi na siya nito maihahatid sa eskuwela.

    Kasalukuyan pa kasing ipinapaayos sa talyer ang traysikel. Bukod doon ay kailangan din ito sa tindahan nila ng mga motor parts dahil nagkasakit si Kuya Andoy na siyang namamahala roon. Panay ang sulyap niya sa digital watch na suot niya. Magaalas-otso na noon ng umaga. Kailangan niyang magmadali sa kanyang paglalakad at baka ma-late siya.

    Ayaw niyang ma-late dahil nakakahiya ang mapabilang sa mga late na estudyante at ang masabon ng guro nila. May exam din sila sa English na siyang una nilang subject sa umaga. Mga isang isa’t-kalahating kilometro pa ang lalakarin niya. Mabuti na lamang at hindi naman gaanong mabigat ang bag na dala niyang isang notebook at isang ballpen lang naman ang laman.

    At mabuti narin na Biyernes naman ngayon at wash day nila. Naka-t-shirt lamang siya at below the knee na khaki shorts na tinernuhan niya ng tsinelas at ng baseball cap ng Kuya Alvin niya na paborito niyang hiramin dito. Komportable siya sa kasuotan at masaya niyang tinatahak ang makipot na daan papunta sa eskuwelahan nila. Kahit maaga pa lang ay mataas na ang araw at pinagpapawisan na siya.

    Naisipan niyang bumili ng maiinom na juice sa isang tindahan sa gilid ng kalsada at nang mapawi naman ang uhaw niya. Habang naghihintay na iabot ng tindera sa kanya ang biniling juice ay natuon ang pansin niya sa unahan kung saan ay naroroon ang isang grupo ng mga binatilyo na mga nakauniporme.

    Pinalilibutan ng mga ito ang isang lalaking sa tingin niya ay halos kasing-edad lamang niya o mas matanda siguro ng mga dalawang taon. Malayo man siya ay natatanaw parin niya ang komosyong nangyayari. Mukhang pinagtutulungang awayin ng mga estudyante ang binatilyong mukhang hindi naman tagaroon. Nakita niyang inaambaan ito ng suntok ng isa sa mga barumbadong nakapalibot rito.

    Hindi naman nagpatalo ang lalaki at gumanti rin ng suntok. Ilang sandali pa’y nagpagulong-gulong na sa damuhan ang dalawa. Hindi na niya hinintay ang binibiling juice at kaagad siyang tumakbo palapit sa mga ito. Ang mga basag-ulerong kabataan, imbes na awatin ang mga nagpapatayan sa harapan ng mga ito ay tila tuwang-tuwa pa at parang nanonood lang ng sabong.

    Naiinis na nagmura siya at mabilis na kumilos upang paghiwalayin ang dalawang nagsusuntukan, kahit medyo natatakot siyang maipit sa mga ito dahil mas malalaki ang mga ito sa kanya at mas malalakas pa.

    Ganoon pa man ay hindi na niya iyon inalintana. Parehong putok ang mga labi ng dalawang kabataan nang magawa niyang paglayuin ang mga ito mula sa isa’t isa.

    Ano, ha? Ang yabang-yabang mo! `Kala mo naman kung sino kang matapang! You really think you could scare me, bastard?! Asik ng binatilyong iyon na hindi niya natiis na hindi tulungan.

    Nang mabistahan niya nang maayos ang hitsura nito ay napatulala siya. Kung gaano kasi kaiitim ang mga binatilyong nakikipag-away rito ay ganoon naman ito kaputi. Kulay kape ang alon-alon nitong buhok at ang mga bilugang mata. Ang pupula rin ng mga labi nito. Walang dudang may lahi ito.

    Pinagtawanan lang naman ito ng mga kutong-lupang dugyot at maya-maya ay iniwan narin sila.

    Hindi na kumibo pa ang binatilyo at tatalikod na sana nang tila maalala nitong naroroon pa pala siya. Lumingon ito at sa kabila ng dumudugong labi ay ngumiti parin sa kanya, Salamat sa tulong mo. Sinserong wika nito.

    Napansin ni Francess na bagama’t matatas itong managalog ay kapansin-pansing mayslang ang bawat bigkas nito ng mga salita. Pagkatapos magpasalamat sa kanya ay nagsimula na itong maglakad paalis doon. Nagtatalo ang kalooban niya kung susundan ba niya ito o hindi. Iba kasi ang pakiramdam niya sa presensiya nito, parang ang gaan-gaan ng loob niya rito.

    Pero sa huli ay napagdesisyunan niyang huwag na lang itong sundan kung saan man ito pupunta. Tuluyan na kasi siyang male-late sa eskwela. Pero may pakiramdam siyang hindi iyon ang huli nilang pagkikita.

    "WHERE have you been and what happened to you?" Nanlalaki ang mga matang usisa kay Jones ng Daddy William niya. Kaagad siya nitong inakay papasok ng kanilang beach resort. Naghihintay sa lobby ang Mommy Teresa niya.

    Napasinghap naman ito pagkakita sa sugat sa kanyang pang-ibabang labi. Kaagad itong nagpatawag ng medic kahit hindi naman iyon kinakailangan.

    Saan mo nakuha, ‘yan? tanong nito habang tinitignan ang maliit na hiwa sa labi niya.

    Pinalis lang niya ang kamay nito, This is nothing mom, dad. I’m tired and I just wanna rest. Tipid niyang tugon at pumanhik na sa loob ng main building ng resort na siyang nagsisilbing guest house.

    Nasa ikalawang palapag niyon ang silid niya. Tinatawag siya ng mga magulang pero hindi siya nakinig dahil alam niyang hindi pa tapos ang mga ito sa pagtatanong. At totoong napagod siya sa nangyari kanina at ang tanging gusto niyang gawin ay magpahinga.

    Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid ay kaagad siyang sumampa sa kama at nakatulog. Nang magising siya ay halos tanghalian na. Kumakalam ang sikmura niya kaya tumawag siya sa reception at nagpaakyat ng pagkain. Nang malamnan ang sikmura ay naisipan niyang bumaba at maglakad-lakad sa beach.

    Medyo masakit parin ang katawan niya pero wala siyang balak humilata buong maghapon. Sa function hall ay nadatnan niya ang mga magulang.

    How are you feeling? Kumain ka na ba? I went upstairs earlier kasi gusto sana naming sumabay ka na sa amin ng dad mong mag-lunch dahil fresh at masasarap ang lobsters. Pero tulog ka at ayaw naman kitang gisingin. Are you really okay, son? nag-aalala paring tanong ng mommy niya.

    Tumango siya at humalik sa pisngi nito, I’m fine mom. And I’ve already eaten lunch upstairs. I’ll just take a walk. I’ll be right back. paalam niya sa mga ito.

    Be careful, Jones. bilin ng ama sa kanya. He gave him a curt nod and went away.

    Sa paborito niyang spot sa baybay-dagat siya nagpunta. It was a big gray rock with a chair-like structure na tinawag nilang Ariel’s Couch ng mommy niya. Umupo siya roon at tinanaw ang malawak na karagatan at tinamasa ang katahimikan ng kapaligiran.

    Walang masyadong tao sa Merfolks’ Lagoon sa mga ganoong oras. Kadalasan ay dumagdagsa ang mga turista mga ala-sais ng umaga. At pagsapit ng lunch time ay sa bar o restaurant ang mga ito nagpapalipas-oras. Iilan lamang ang mga tila walang pakialam sa init at maghapong ine-enjoy ang pagsu-swimming.

    Napabuntong-hininga si Jones habang inililibot ang paningin sa buong resort. Wala pang isang taon magmula nang binuksan ito sa publiko at masasabi niyang hindi naman nagkamali ang daddy niya sa pag-invest sa ganitong uri ng business.

    This was his biggest dream—to have a beach resort of his own in the country. Na-meet kasi nito ang mommy niya sa Boracay noon. At na-inspired ang daddy niyang magpatayo ng sariling resort. May pagka-hopeless romantic kasi ito.

    It took him years to finally fulfill his dream though. Hindi kasi madali ang proseso. Huwag nang idagdag ang pagpapatayo mismo ng resort pagkatapos mailipat sa pangalan ng dad niya ang property at ma-finalized iyon. And finally last year ay nagbunga ang patience at sacrifices ng kanyang ama.

    Tuluyan na nilang nilisan ang Amerika, isang buwan na ang nakalipas at nagkaroon ng dual residency kung kaya’t naging posible ang palipat nila rito sa Pilipinas. He was still in the adjustment process. Kasi hindi madali ang mag-adjust sa isang bagong environment.

    He used to live in a hussled and hurried world in their home in Vallejo, California. Tapos bigla-bigla ay magiging laid-back at relax ang lahat. He terribly missed his American life. But this was his home now.

    At kahit wala pang gustong makipagkaibigan sa kanya ay nagsusumikap siyang makibagay sa mga kabataan dito. Kahit aloof at rude ang karamihan sa mga ito tulad ng mga batang iyon kanina.

    Mabuti na lamang at marunong naman siyang magsalita ng Tagalog. Salamat sa Manang Thelma niya na siyang nagpalaki sa kanya at minulat siya sa kulturang Pilipino. Kung hindi ay baka mas lalo lang siyang magmukhang outsider sa bago niyang tahanan.

    Binalikan niya sa isip ang nangyari kanina habang naghahanap siya ng makakalaro. Bored na kasi siya sa mga video games. Iimbitahan niya sana ang mga batang iyon kanina sa resort at nang makapag-canoe sila or just swim on the beach. Hindi niya pababayarin ng entrance fee ang mga ito. He only wanted some people his age to talk and play with.

    Pero sa halip ay napaaway siya. Paano, nang malamang anak siya ng may-ari ng Merfolks’ Lagoon ay hiningian agad siya ng pera. At binantaang bubugbugin kung hindi siya magbibigay. He hated those type of people. Na nagte-take advantage sa iba. Mga bata pa ang mga ito pero mga gold digger at social climber na.

    Mabuti na lamang talaga at may umawat sa kanila kanina. Kung hindi ay baka napuruhan niya ang binatilyong iyon.

    Napangiti si Jones nang gumuhit sa likod ng isip niya ang hitsura ng batang babaeng nagligtas sa kanya mula sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1