Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Dating My Ex
Dating My Ex
Dating My Ex
Ebook132 pages1 hour

Dating My Ex

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

What if you wake up one day and everything in your world has changed? Ang favorite mong singer na sikat na sikat, laos na. Ang mga lugar na lagi mong pinupuntahan, giniba na. Pati lock sa pintuan ng bahay mo binago na.

Meet Gabrielle Bethany Semilla a.k.a. Gabby. After a really long nap, nagising siya sa isang kama na alam niyang hindi sa kanya. She knows mataba siya nu’ng natulog siya pero pag gising niya ay mas sexy na siya. Which is okay kaso break na pala sila ng mahal na mahal niyang boyfriend na si Mikel (na sobrang galit na galit sa kanya).

After suffering and surviving a rare disease called Glioblastoma, Gabby is left with no memories of her past seven years. Can she piece together her memories to find out what happened to her and Mikel? Or time na ba for a fresh start para iwas drama?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateMay 20, 2020
ISBN9780463460122
Dating My Ex

Related to Dating My Ex

Related ebooks

Reviews for Dating My Ex

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Dating My Ex - Makiwander

    Prologue

    Mikel! Sandali!

    Nasira ang takong ko kakahabol sa lalakeng perpekto sa paningin ko. His broad shoulders, striking eyes, and tousled hair were perfect. He was the epitome of a Nordic god to me and I always say that God was probably in a good mood to create a near-impeccable human being like him, but I was even more blessed to make him fall for me.

    Binagsakan niya ako ng pinto papasok sa unit niya. Maghapon ko siyang hinintay tapos ganito lang ang gagawin niya? Asan naman ang hustisya?!

    Sabi ko lang naman kakausapin ko siya dahil hindi ko matanggap ang pangyayari!

    Kahapon lang…ang saya-saya pa namin. Sinabi niya mahal na mahal niya ako.

    Pero ngayon…

    Bakit ngayon hindi na?

    Nagbabago ba ang feelings overnight?

    "Bebi ko…pagbuksan mo ako ng pinto! Biko! Biko! " Desperada kong kinatok ang pinto niya, keber kung may maabalang kapitbahay na unit owner. Kailangan ko siyang makausap. Hindi pa kami break! Hindi ako makakapayag!

    Gabby? What are you doing here? Natigilan ako nang lumitaw ang babaeng parang yema sa pagka-creamy. Parang diyamante sa ganda. Ang babaeng pinagpala sa lahat.

    Scarlette…

    Anong kailangan mo sa boyfriend ko?

    Tumaas ang kanyang kilay at ang tunog ng kanyang takong ang tanging ingay sa aming pagitan habang naglalakad siya papalapit sa akin.

    B-boyfriend? Napalunok ako.

    T-teka! Sandali! Mikel! Bebi ko! Biko!!! Hinuhuli nila ako. My goodness! Bebi!

    Eksaktong bumukas ang elevator at iniluwa ‘non ang dalawang unipormadong guwardiya ng condominium ni Mikel na beast mode kung maglakad patungo sa direksyon namin.

    Papunta sila kay Scarlette.

    Ay mali!

    Sa akin pala.

    Hinubad ko ang sapatos ko at humakbang ako papalayo. Ilalayo nila ako kay Mikel. Hindi pupuwede. Hindi ako aalis hangga’t hindi ko siya nakakausap.

    Ma’am, kailangan niyo na pong bumaba. Magalang na sabi nila sa akin sabay hawak sa braso ko kasabay ng pag-angat ng mga paa ko sa lupa.

    T-teka! Sandali! Mikel! Bebi ko! Biko!! Hinuhuli nila ako. My goodness! Bebi!

    Walang Mikel na lumabas kahit namamaos na ako sa kakasigaw. Binitbit ako ng mga guwardiya na parang papel. Maluha-luha kong inigkas ang katawan ko nang magsara ang pinto ng elevator. I was so disappointed at how badly I was treated! Humarap ako sa repleksyon ko mula sa elevator at pinagmasdan ang sarili ko doon.

    Galit kong tiningnan nang masama ang mga guwardiya na pinapanood din ako.

    Tandaan mo, Mikel! Bukas! Luluhod din ang mga buwan.

    Ma’am, ‘Tala’ po ata yun, singit ng guwardiya kaya umatras ang luha ko.

    Wala kang paki! Gusto ko buwan para may originality!

    Huminga ako nang malalim at naghanda sa isang panibagong comeback.

    Mikel! Tandaan mo. Walang IMPOSIBLE!

    Himala po, Ma’am.

    Ano ba! Kulit mo ah! Wag ka nang sasagot!

    Nakakagigil ang mga gwardiyang basag trip.

    Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at tiniyak kong malungkot na malungkot ang mukha ko. Inisip kong naroon si Mikel at kaharap ko lang.

    Mikel, hindi ko alam na kayo na pala ni Scarlette. Para ka talagang Jollibee na bukas sa lahat ng gustong kumain!

    Ma’am—

    Oo! Karinderya! Alam ko karinderya hindi Jollibee!

    Ma’am—

    Wag ka nang sumagot! Kontrabidang ‘to!

    Ma’am, hindi po yun. Bukas po ang zipper niyo.

    ARGHHHH!!! Bakit ganito ang nangyayari?!

    Si Mikel...

    Break na kami? Kailan pa?!

    Ex 1

    Pumunta ka na naman do’n?

    Nakapamewang si Lexy habang pinapanood akong dampian ng malamig na ice pack ang ulo ko dahil sa pagkirot nitong muli. My head is still throbbing from the emotional encounter I had with Mikel. Nakakapagod kayang magsalita tapos ‘di ka kinakausap.

    Ano? Hindi mo ba titigilan si Mikel at ipipilit mo yang sarili mo? pagalit muli ni Lexy. Lumabi ako at kumilos para talikuran siya mula sa kinauupuan kong sofa.

    Kahapon lang yun eh, bulong ko.

    Gabby.

    Suminghot ako dahil sa nagbabadyang luha. Gusto kong manghingi ng music para sa feels pero tinatamad akong abutin ang MP3 player na nandoon sa ilalim ng TV.

    "Kahapon lamang…Kay sarap ng ating pagmamahalan, ang sabi mo pa, pag-ibig mo’y walang hanggan..." Malungkot kong kinanta ang lyrics na eksaktong nagpapaalala ng nararamdaman ko ngayon sa pagitan namin ni Mikel. Inekis ko ang nakasarang palad ko sa ibabaw ng noo ko.

    "Di ko kayang tanggapin! Na mawawala ka na sa akin... Napakasakit na marinig, na ayaw mo na sa akin... Hapdi at kirot!" Tiningnan ko si Lexy na panay ang iling sa ginagawa ko. Hindi ata nagustuhan ang boses ko.

    Sa tingin mo, Lexy, sino kaya ang inspirasyon ni April Boy Regino sa kantang yon? Tagos eh. Dito! Tinuro ko ang puso ko. Halos umusok na ang gilid ng mga mata ko sa sobrang hapdi ng luha pero hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.

    Lexy. Bakit ganon? Of all people, si Mikel pa ang nawala sa akin? Si Mikel na minahal ako no’n sa kabila ng kajubisan ko. Si Mikel na kahit pa-yummy eh ako ang inibig sa lahat. Si Mikel yon, Bes! Ginto na, naging bato pa. Jackpot na ako eh! Nanalo na ako. Pupuwede nang umuwi ang lahat kasi may nanalo na. Bakit ganun?

    Lumuhod si Lexy sa carpeted na sahig ng kanyang apartment para silipin ako. Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang kanyang palad at halatang halata ang awa sa kanyang mukha.

    Sana kasi naikuwento mo sa akin dati kung bakit siya nawala. Sana may sagot ako diyan sa tanong mo. Kumislap ang mga mata ni Lexy sa nagbabadyang luha. Napasimangot ako dahil doon.

    Gaga, wag kang umiyak. Ako ang nag-e-emote. Supporting actress ka lang, galingan mo lang sa facial expression. Yung pagbagsak ng salita mo kailangan may diin. Pero yung luha mo, wag mong patutuluin. Diyan nanalo si Alessandra De Rossi ng best supporting actress. Sa pagiging bestfriend nung bida.

    Crazy! Ngumiti si Lexy at pinunasan ang sariling luha. Sumeryoso siya at tinapik ako sa pisngi. Wag ka na ulit babalik sa condo ni Mikel, okay? I don’t want anymore trouble, Miss Semilla.

    Pwede ba! ‘Wag mo akong tatawagin sa apelyido kong yan. Napatakip ako ng tenga. Ngumuso akong muli at tinakpan ang sarili ko ng kumot. Hinawakan ni Lexy ang magkabila kong pisngi at hinilot iyon.

    Say ahhhh... utos niya.

    Ahhhh.

    Ehhhh…

    Ehhhh.

    Ihhh…

    Ihhh.

    Ohhh...

    Ohhh. Lahat ay nakukuha ko.

    Rapunzel.

    Lexy, inaantok na ako.

    No, Gabby. Say it. Rapunzel, Rebecca, Reema.

    R—r—a-Ra—punzel. R—r- R- reb -ecca.

    Napakamot ako ng ulo. Bukas na lang ulit.

    Gabby, you are just starting to talk. Inuna mo pa talaga ang kalandian mo. Sumugod ka agad kay Mikel?

    I sniffed and shrugged.

    Starting to talk.

    That’s true. As far as I can remember, noong isang buwan lang akong tuwid na nakapaglakad, natutong kumain noong nakaraang linggo. Ang pagbabasa at pagsusulat ay kailan lang din. Bumalik ang alaala ko isang linggo pa lang ang nakakaraan. I did not suffer from an amnesia. I suffered worse.

    Glioblastoma. Brain cancer.

    Narinig mo na ba ‘yun?

    It is a malignant brain tumor that grows in the brain. Kinailangan iyong tanggalin pagkatapos ay isailalim ka sa radiation therapy at chemo. Hindi ko na maalala ang mga desisyong ginawa ko noon o kung bakit ako pumayag na buksan ang aking ulo.

    I woke up from a deep sleep living differently. I was comatose for God knows how long. I did not know how to chew my food. I was like a baby. The onset of my disease started seven years ago and last year was when it became full blown. I was bedridden, according to Lexy. That was the time when I decided to let whatever happen…happen. They can do everything they want to do to me. No life. No response. I lived through the help of machines and prayers.

    My memories…Oh, I lost most of it.

    Sabi nila, kaunting bagay lang ang seven years. I am just twenty-seven, hindi ko dapat iyon panghinayangan. But those seven years might be the most important seven years of my life…I think. I don’t remember what memories I lost but one thing is clear, I lost the most important person in my life. No amount of new memories can make up for that.

    When did I start unloving him? Or did I actually unlove him? Siya ba ang nagsawa o ako? Sino sa amin ang bumitiw?

    Gabby, you and Mikel broke up, five years ago...

    Para iyong dinamita sa puso ko nang ipaalala iyon muli ni Lexy. Yung mukha ni Mikel ang una kong hinanap nang bumangon ako noon na merong naalala. Si Mikel ang una kong tinawag noong natuto akong muling bumigkas kahit hindi ko pa siya matandaan. I was looking for the fragments of the years that passed by without him beside me. All I remember was him, loving me unconditionally.

    Hindi puwedeng hindi niya ako dinamayan sa ganung kalagayan.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1