Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Babysitting the Billionaire Book 3
Babysitting the Billionaire Book 3
Babysitting the Billionaire Book 3
Ebook194 pages3 hours

Babysitting the Billionaire Book 3

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

Six years. Gano’n na katagal simula nung nalaman ko ang totoo at pinalaya ko si Jumbo. Si Jumbo na nagligtas sa buhay ko at dumamay sa akin nung para bang tinalikuran ako ng buong mundo.

Six years. Gano’n na rin katagal ang lumipas na panahon nung ipinanganak ko si Baby Quiro. At hindi `yun alam ni Jumbo. Dahil malayong malayo na siya sa taong nakilala ko noon.

Jumbo is Terrence Montemayor. A billionaire and the leader of Black Omega Society Band, ang pinakasikat na banda sa Pilipinas. At dahil sa isang pa-raffle nila, muling magkukrus ang aming landas.

Ngayong bumalik na ang alaala niya, may chance pa kayang bumalik din ang dating mayroon kaming dalawa?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateMay 12, 2020
ISBN9780463462812
Babysitting the Billionaire Book 3

Read more from Jamille Fumah

Related to Babysitting the Billionaire Book 3

Related ebooks

Reviews for Babysitting the Billionaire Book 3

Rating: 4 out of 5 stars
4/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Babysitting the Billionaire Book 3 - Jamille Fumah

    CHAPTER I

    Black Ticket

    Ilang taon na rin ang lumipas. Ako iyong nang-iwan tapos ako ang luhaan, pero nakakahinga pa naman. Lumalaban pa. Sa katunayan, naka-move on na ako at may bago na uling lovelife. Ay, old na pala ito. Nag-comeback lang. Ito iyong dati kong boyfriend na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na babalikan, pero ito at binalikan ko. Hindi sana siya ang gusto kong muling makasama, pero no choice ako kundi pakisamahan siya. Para sa pamilya, para sa pagmu-move on, at para sa ekonomiya. Parang suka na kahit isinuka ko na noon, nilunok ko ulit ngayon.

    Napabuntong hininga ako sa aking kinauupuan. Kaysa magmuni-muni, ito na lang na nasa harapan ko ngayon ang aking pagdidiskitahan. Hmm, not bad. Itsura pa lang kasi nitong nasa harapan ko, katakam-takam na. Ang laki naman kasi nito at ang taba. Ang bango pa ng amoy.

    Ano kayang klaseng hotdog ito? Ano kayang brand nito? Mayroon kaya nito sa palengke? Malamang may Jumbo sa pangalan nito.

    Tinusok ko ng tinidor ang hotdog at saka tinikman. Masarap nga. O baka dahil gutom lang talaga ako? Paano ba naman kasi ako hindi magugutom e kanina pa ako dito sa restaurant pero wala pa rin ang magaling kong ex-boyfriend na ngayon ay boyfriend ko na ulit.

    Ang walanghiyang Paolo na iyon, palagi na lang akong pinaghihintay sa tuwing magkikita kami. Ngunit sa lahat ng paghihintay ko, ito na yata ang pinakamatagal. Mas matagal pa ito sa byahe niya mula Manila pauwi dito sa Cebu. Mantakin ba namang tatlong oras na yatang namamanhid ang puwet ko rito sa kinauupuan ko ngunit wala pa rin kahit anino ng bumbunan niya?!

    Okay lang `yan, Rosenda. Minsan lang naman kayo magkita ni Paolo. Isa pa, wala kang karapatang ma-highblood sa kanya. Tambak ang utang mo sa kanya, remember? parang tangang kausap ko sa sarili ko.

    Pero kung alam ko lang talaga na mali-late nang bongga si Paolo, sana ay nagpa-late na lang din ako. Sana tumulong na lang muna ako kay Mama sa paglalaba. Hindi naman kasi maasahan ngayon ang kapatid kong pangalawa na si Ruby, dahil hati ang oras nito sa pag-aalaga ng anak at pag-aaral. Ang bunso naman naming si Dangdang ay galing lang sa lagnat. Nilagnat sa thesis.

    Akma na ulit akong susubo ng hotdog nang matanaw ko sa mirror wall si Paolo. Sa wakas, dumating na rin siya. Kabababa niya lang ng kanyang kotse at dire-diretso siyang pumasok sa restaurant. Malalaki ang mga hakbang na ginawa niya palapit sa akin. Nginitian ko siya pero simangot ang isinagot niya sa akin.

    Damn it, Rosenda! Bakit naiwala mo na naman?! Namumula ang buong mukha niya. At sa lakas ng boses niya ay alam ko na agad ang dahilan ng ikinagagalit niya.

    A-ano kasi, Paolo...

    Anong ano kasi? Lahat na lang ba ng ibibigay ko sa `yo, iwawala mo?! Inihampas niya ang mga palad niya sa mesa dahilan para lingunin kami ng ibang customer. Umamin ka nga, nawala ba talaga o isinangla mo?!

    Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan kami ng ibang tao. Maging ang mga waiter ay napatingin sa amin dahil sa lakas ng boses niya. Pero knowing Paolo, kapag galit siya, hindi niya alintana ang mga tao sa kanyang paligid. Maging sino pa man ang mga `yan.

    Ang totoo niyan, hindi ko naman isinangla ‘yung bigay niyang singsing. Talagang nawala lang iyon dahil hindi ko namalayang nahulog iyon mula sa daliri ko. Maluwag kasi iyong singsing tapos lalo pang lumuwag dahil namayat din ako. Saka kahit naman isangla ko iyon, hindi rin naman tatanggapin sa pawnshop iyon dahil hindi naman gold ‘yun. Gusto ko sanang mangatwiran sa kanya kaso alam ko na mas lalaki pa at mas maiinis lang siya kaya pinili kong manahimik na lang.

    Mayamaya'y dinuro niya ako sa noo. Ilang ulit ka nang nawawalan ng gamit, Rosenda! Hindi ko alam kung burara ka lang o nananadya ka na! Hindi mo ba alam na sinusubukan lang kita kung karapat-dapat kang pagkatiwalaan sa mga mamahaling gamit? E itong hindi gaanong mahal ay di mo maingatan, ano na lang kapag tunay na alahas na ang ibigay ko sa `yo?! Paano kung engagement ring na nga ang ibigay ko sa `yo? Iwawala mo na naman o isasangla mo?!

    Napayuko na lang ako sa pagkapahiya sa mga ibang customer na nakikinig sa amin.

    Mayamaya, lumapit na sa amin ang guard ng restaurant.

    Sir, may problema po ba?

    Inis na nilingon ni Paolo ang guard. Mind your own business! pagkabulyaw niya rito ay hinila niya ako palabas. Halos pakaladkad niya akong dinala sa kotse niya.

    Paolo, nasasaktan ako... Halos magkandatalisod ako sa pagkakahila niya sa akin.

    Humarap siya sa akin para dutdutin nang may diin ang aking noo. Sinasayang mo ang pera ko! Itinulak niya ako papunta sa passenger's seat at pabalibag na isinara ang pinto ng kotse. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Bukod kasi sa nanghihinayang ako doon sa hotdog na hindi ko man lang naubos ay talagang nahihirapan na ako kay Paolo. Ayoko na. Hirap na hirap na talaga ako. Nagsisisi na akong nakipagbalikan ako sa kanya.

    Magaling lang siya no’ng sinusuyo niya ako para bumalik sa kanya. Magaling lang siya no’ng nangako siya sa aking magbabago na siya. Magaling lang siya no’ng sinabi niyang magsisimula kami ng bagong buhay na masaya. Pero ang lahat ng iyon ay hanggang salita lang pala. At ako naman na buang, e agad na naniwala sa mga boladas niya.

    Alam mo ba kung gaano na kalaki ang utang ng pamilya mo sa akin?

    Sabi na, eh. Manunumbat na naman. Ganito naman siya palagi kapag nag-aaway kami. Ipinapamukha niya sa akin na wala akong kakayahang iwan siya dahil hawak niya sa leeg ang buo kong pamilya. Kung sana kaya kong maibalik ang nakaraan para hindi ko na nagawa iyong mga mali kong hakbang. Pero ano pa ang magagawa ko ngayon?

    Kung hihiwalayan ko siya, baka gawin niya ang banta niya na ipapakulong niya sina Mama at Amang. Nagkautang-utang kasi kami kay Paolo no’ng na-dengue ang bunso kong kapatid na si Dangdang. Wala kaming choice kundi lumapit kay Paolo dahil wala namang ibang magpapautang sa amin ng malaking pera sa maiksing panahon lang. At iyon ang naging daan sa mga sumunod pa naming utang sa kanya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na baon na ang buong pamilya ko sa utang na loob kay Paolo. Hindi namin kayang kalabanin si Paolo. Napakadali na lang sa kanya na magpakulong ng tao sa impluwensiya ng Daddy niya na governor na ngayon sa lugar namin. At alam ko na hindi siya magdadalawang isip na paluhurin sa putik ang pamilya ko oras na umatras ako sa kasal naming dalawa.

    Nang makapasok siya sa driver seat ay agad niyang binuhay ang makina ng kotse. Pinaharurot niya ito habang maya’t maya siyang nagmumura. Ang kanyang mga mata ay nakapirmi lang sa daan kaya hindi niya nakikita ang pagluha ko.

    Bukod pa sa utang ng pamilya mo ay may mga utang ka rin sa akin. Baka hindi mo alam kung magkano iyong mga pagkain at mga gamit na dinadala ko sa inyo noon. Saka iyong mga damit at bag na niregalo ko sa `yo saka sa Mama mo. Kapag kwinenta lahat iyon, baka lampas isangdaang libo na.

    Napayuko ako sa panliliit. Kung alam ko lang na pati ang mga regalo niya kay Mama ay isusumbat niya, sana ay hindi na namin iyon tinanggap kahit pa magtampo siya.

    At ‘wag mo ring tangkaing ideny sa akin na iyong ibang damit na ibinigay ko sa `yo ay hindi mo ibinenta.

    Lalo akong nanliit. Tama naman siya. Iyong mga magagandang damit na inireregalo niya sa akin ay naibebenta ko minsan. Kahit ayaw ko ay wala akong pagpipilian. Nangailangan lang talaga ako dahil matapos manganak ni Ruby ay nag-maintenance pa siya. Tapos sakitin din si Baby Quiro habang lumalaki ito. Hindi naman siya sakop sa ibinigay sa'king financial support ni Madam Aria kaya kailangan kong dumiskarte. Mabuti na nga lang ngayon at hindi na nagkakasakit ang batang lalaki.

    Napapikit ako matapos kong humugot nang malalim na paghinga. Magtitiis ako. Magtitiis ako habang buhay para sa pamilya ko. Sila na lang ang mayroon ako. Lalo na ngayon na maayos na ang samahan naming pamilya. At hindi si Paolo ang makakasira sa samahang iyon.

    Humawak ako sa braso ni Paolo. Sorry na...

    Itinabi at inihinto niya ang sasakyan sa isang madilim na lugar. Nakita kong gumalaw ang kanyang Adam's apple. Nanatili ang kanyang mga mata sa windshield. Sorry rin. Mahal lang naman kita kaya gusto kitang disiplinahin.

    H-hindi na mauulit. Sorry na, Paolo.

    All right. Bahagya siyang ngumiti. Hindi rin naman kita matitiis, Rosenda. Alam mo namang mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng babae sa mundo, ikaw pa rin ang gusto ko. Kahit mas marami namang mas maganda, mas sexy at mas matalino sa `yo, sa`yo pa rin talaga ako bumabalik. Kahit pa mahirap ka lang at pathetic ang pamilya mo, hindi pa rin kita magawang bitawan.

    Nagtagis ang mga ngipin ko ngunit hindi ko na lang ipinahalata sa kanya. Sinikap kong ngumiti kasabay ang paglunok ng sariling pride. Salamat sa lahat, Paolo.

    Make it up to me, Rosenda.

    Sige. Kung gusto mo, manood tayo ng sine at mamasyal—

    Hindi iyon ang gusto ko. Sumimangot siya. Alam mo namang na-miss kita nang husto dahil ang tagal ko sa Maynila. Gusto kitang masolo.

    Solo naman tayo ngayon, ah?

    Tumingin siya sa akin. Let's have sex.

    Namilog ang mga mata ko. Ha?

    Magiging busy ako the whole month, kaya sulitin sana natin ang gabi. Bumawi ka sa akin tonight.

    Mariing napalunok ako. Sa isang iglap ay nagliyab sa pagnanasa ang mga mata ni Paolo. I want you, Rosenda. Right here. Right now.

    Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. B-bakit hindi na lang sa honeymoon natin? Di ba napag-usapan na natin iyan? Di ba magpapakasal naman na tayo—

    Anong pinagkaiba ng ngayon at after the honeymoon? Nagdilim ang mukha niya. Saka matagal pa ang kasal natin, medyo busy pa ako.

    Pinagpawisan ako nang malapot. Pero, Paolo, sana sa honeymoon na lang...

    `Sabi ko na nga ba tatanggi ka na naman!

    Paolo naman...

    Hinampas niya ang manibela. Four years na tayo, Rosenda. Pero hanggang ngayon, tinatanggihan mo pa rin ako! Why?!

    Naluluhang nakagat ko ang aking ibabang labi. Unfair ba ako dahil ayaw ko siyang pagbigyan? Pero iyon ang nararamdaman ko, ayaw kong magpagalaw sa kanya kahit na ikakasal na kaming dalawa. Ayaw ko, hindi pa ako handa. At hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.

    At isa pang dahilan kaya natatakot akong may mangyari na sa amin ay dahil alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang hindi siya ang nakauna sa akin. Natatakot akong malaman niya na hindi na ako malinis. Paniguradong isusumpa niya ako kapag natuklasan niya na may ibang lalaki nang dumaan sa buhay ko. At oo, ganoon kakitid ang utak ni Paolo.

    Salubong ang mga kilay na tiningnan niya ako. Get out.

    Paolo, please... lumiit ang boses ko.

    Get out of my car, Rosenda. Galit niyang utos sa akin.

    Napalinga ako sa paligid at ganoon na lang ang aking kaba nang makitang nasa liblib kaming kalsada. P-pero, Paolo... malalim na ang gabi...

    I said get out! sigaw niya.

    Paolo…

    We’re done, Rosenda. I’m so tired of you. Pakihanda na lang ang pera na pambayad sa mga utang niyo ng pamilya mo sa akin. I don’t wanna see you again.

    Nagtagis ang mga ngipin ko at padabog akong lumabas ng sasakyan niya. Pagkababa ko'y pinasibad niya na paalis ang kanyang kotse.

    ***

    BAKIT KAYA ANG ingay sa bahay namin? May mga tumitili at humihiyaw. Mayroong nagdadabog at napapasigaw. Kinabahan ako kaya patakbo kong tinunton ang daan patungo sa aming pintuan.

    Anong nangyayari dito— Natigilan ako.

    Ang pamilya ko, nanonood lang pala ng TV! Akala ko naman ay kung ano nang masama ang nangyayari!

    Napahalukipkip ako. Para kasing hindi nila pansin ang presensiya ko kahit nandito na ako. Ahem! tumikhim ako.

    Heto at nakatutok pa rin sila sa screen ng TV na nabili ko mula sa perang napagkasunduan namin ni Ma’am Aria. Ano ba kasi ang pinapanood nila? Ah, kaya naman pala. Nanonood sila ng replay concert ng Black Omega Society band sa cable channel. May cable kami dahil ipinilit ni Paolo na pakabitan kami kahit pa ayaw ko sana dahil dagdag bayarin lang iyon buwan-buwan.

    Pero balewala ang additional bill tuwing nakikita ko na masaya ang pamilya ko. Magkatabi sa upuan sina Mama at ang stepfather ko na si Amang. Sa kabilang upuan naman ay magkatabi rin ang mga kapatid ko na sina Ruby at si Dangdang na dalagita na ngayon.

    Maging ang limang taong gulang na batang lalaki na si

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1