Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Babysitting the Billionaire Book 2
Babysitting the Billionaire Book 2
Babysitting the Billionaire Book 2
Ebook176 pages3 hours

Babysitting the Billionaire Book 2

Rating: 3.5 out of 5 stars

3.5/5

()

Read preview

About this ebook

Tired of proving to her family that she is worthy of their love and affection, Rosenda finally chooses to follow her heart even if it means losing the people she loves most.

Rosenda chooses to come back for Jumbo, a man she met on the bus and saved her from being raped. He was there when Rosenda's family did nothing but to take her kindness and unconditional love for granted. Jumbo might be suffering from temporary mental illness, but he showed Rosenda the kind of love she was searching for.

But as they start their new life together, away from the people who keep hurting her, fate will bring them closer to Jumbo's real identity. When fame, money, and power are already involved, can love still conquer all? When Jumbo remembers who he really is, will Rosenda let him go? How long can she play hide and seek with the truth?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateMay 11, 2020
ISBN9780463415993
Babysitting the Billionaire Book 2

Read more from Jamille Fumah

Related to Babysitting the Billionaire Book 2

Related ebooks

Reviews for Babysitting the Billionaire Book 2

Rating: 3.5 out of 5 stars
3.5/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Babysitting the Billionaire Book 2 - Jamille Fumah

    CHAPTER I

    Lone Wolf

    NAGMAHAL ako ng isang lalaking wala sa tamang pag-iisip, pero kahit ganoon ang lalaking minahal ko, hindi niya ako iniwan. Kahit pa minsan ko na siyang tinalikuran, hindi pa rin siya umalis. Hinintay niya na bumalik ako. Pero ang sarili kong pamilya? Umpisa pa lang, ayaw na nila sa akin. Bakit? Dahil anak ako sa labas. Anak ng manyakis na gumahasa sa nanay ko. At kahit anong gawin kong kayod at sakripisyo, hindi na yata nila ako mamahalin.

    Ang nakababata kong kapatid na si Ruby, iginagapang ko para makatapos ng kolehiyo. Pero nagpabuntis at balita ko, nag-drop sa eskwela. Inuna ang pag-aasawa. At sa huli, ako pa rin ang masama.

    Mabuti na lang at meron akong Jumbo. Kung hindi, baka tuluyan na akong nasiraan ng ulo. Mabuti na lang din at meron akong matalik na kaibigang juding, si Maxine. Sa kanya ako tumuloy simula nung araw na pinili ko si Jumbo at iniwan ko ang pamilya ko. Hindi nga maipinta ang pagkagulat ng bakla nung sinabi ko sa kanyang di ko na keri, I quit na! Di na keribels ng ganda ko ang stress at pasakit na ibinibigay sa akin ng sarili kong pamilya.

    Ilang araw akong hindi nagsalita tungkol sa desisyon kong umalis na sa bahay namin at inirespeto naman ‘yun ni Maxine. Hindi siya nagtanong, basta pinatuloy niya lang kami ni Jumbo at kinumbinsi ang jowa niya na pansamantala kaming patuluyin sa apartment nila. ‘Yun ang gusto ko kay Maxine, nagkakaintindihan kami. Pero hindi naman kami pwedeng tumagal dito ni Jumbo, kaya napagdesisyunan kong sabihin na sa kanya ang totoo bago kami umalis at humanap ng sarili naming mauupahan.

    Are you out of your mine, Rosenda??? kunyari’y galit na sabi ni Maxine pero sa huli’y natatawa rin naman. Kung dahil ba sa mali-maling grammar nya o dahil sa wakas natauhan na ako, hindi ko alam.

    Gaga, are you out of your mind ‘yon! sita ko.

    Humalukipkip si Maxine at umirap. Umupo siya sa pagitan namin ni Jumbo at nagpatuloy sa pag-uusisa kung anong nangyari sa akin at sa pamilya ko.

    Anesh ang pumasok sa isip mo at ipinagpalit mo ang lahat para lang dito— saglit siyang tumigil sa pagsasalita at tumingin kay Jumbo mula abs hanggang mukha sabay kagat ng labi.

    Dito sa…sa abs na nagkatawang tao na ito? Hay, kung ako man ang nasa posisyon mo, ganoon din gagawin ko… anito sabay hagikhik na may kasama pang paghampas sa braso ko.

    Umirap ako sa kanya sabay buntong hininga.Tiningnan ko rin si Jumbo. Inosente siyang nakamasid lang habang suot ang hapit na puting damit at grey na jogging pants na hiniram lang namin sa boyfriend ni Maxine. Pinaliguan ko rin siya at nagpatulong kay Maxine na ahitin ang bigote niya. Simula nang iwan ko siya sa park, tinubuan na siya ng bigote at medyo humaba rin ang kanyang buhok. Bagay naman sa kanya.

    Pero alam mo, Maxine, sa totoo lang, napapagod na ako. Kahit kasi anong gawin ko, anak pa rin ako sa labas. Pagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila. Siguro naman sapat na ‘yung mga nagawa ko para sa kanila. Sa ngayon, ang kaligayahan ko na muna ang iintindihin ko. Matagal ko ‘yung ipinagdamot sa sarili ko e. Gusto kong maging masaya, sa piling ng lalaking…

    Natigilan ako sa pagsasalita. Napansin ko kasing hindi naman na pala nakikinig si Maxine at nakaangat na ‘yung t-shirt ni Jumbo. Hayun at sinisilip nito ang abs ni Jumbo! Hay naku naman talaga, oo!

    Maxine! sita ko sa kanya. `Wag mo ngang molestiyahin `yan!

    Bigla namang nagulantang ang bakla at dali-daling humarap sa akin na naka-peace sign. O siya, siya. Makinig ka sa sasabihin ko, bruha ka! anito sabay tapik pa sa hita ko. Sa tingin ko, hindi naman ipinanganak na ganitey si Jumbo natin.

    Natin talaga? Gusto ko pa sana siyang sitahin pero hinayaan ko na lang.

    I think, dati naman siyang okay. Naaksidente siguro siya at nagkaroon ng matinding brain damage. Or he suffered from emotional breaking down kaya siya nagkaganyan, pagpapatuloy nito na animo’y eksperto sa mga pinagsasasabi.

    Breaking down ka d’yan, baka emotional break down ang ibig mong sabihin. Pero…paano mo naman naisip ‘yan?

    Tumayo ang bakla at saka humarap sa amin ni Jumbo na akala mo propesor na nagpapaliwanag ng isang theory.

    Kasi, fafa na fafa siya. Siguro, madalas `to sa gym noong matino pa ang brain cells niya. Feeling ko…may amnesia ‘yang si Jumbo! sabi nito habang namimilog ang mga mata.

    Kasi, tingnan mo ha, parang bumalik lang siya sa pagiging bata. Hindi marunong magsalita, hindi kayang alagaan ang sarili, pero hindi naman siya masamang tao. Hindi kayang manakit ng kapwa. Baka mayroon lang siyang traumatic brain damage.

    Andami mong alam. Kakapanood mo ‘yan ng K-drama e. Amnesia ka dyan, sabi ko kahit medyo convincing naman ‘yung mga sinasabi niya at unti-unti akong napapaniwala ng mga hinala niya sa totoong kalagayan ni Jumbo.

    In denial ako. May isang bahagi kasi ng pagkatao ko ang nag-aalala kung totoo nga itong sinasabi ni Maxine na may amnesia si Jumbo. Papaano kung biglang bumalik ang alaala niya? Baka ako naman ang makalimutan niya.

    Heller, walang baliw na may abs! sabi niya sabay angat na naman ng t-shirt ni Jumbo.

    Wag ka nga! awat ko sa malikot na kamay ni Maxine sabay titig sa kanya nang masama.

    Umirap lang ang bakla atsaka humalukipkip. At ito pa ang napapansin ko, ha? Base sa itsura niya, mukhang angat sa buhay ang fafa natin. Mukhang yayamanin! aniya na napapakagat labi pa.

    Lalong lumaki ang takot ko. Kung totoo ang lahat ng mga pinagsasasabi nitong si Maxine, parang ayoko nang bumalik ang alaala ni Jumbo. Siya na lang ang meron ako e. Kung totoo man na anak mayaman siya, hindi na kami bagay. Mahihirapan na akong abutin siya. Magiging Kenneth B. Rich na siya!

    Kung mayaman siya, eh `di sana ipinahanap na siya ng mga kamag-anak niya, pangangatwiran ko.

    Napailing si Maxine na tila ba alam na niya ang ipinaghihimutok ko. "Hindi natin alam ang istorya, Rosenda. Malay natin, baka naglayas lang ‘yan sa kanila.

    O kaya na-kidnap at nakatakas. Maraming posibilidad e."

    Hindi na ako sumagot, napayuko na lang ako. May punto naman si Maxine, sa totoo lang, malaki ang tyansang tama ang mga sinasabi niya.

    Anyway, if I wire you…

    Were! pagtatama ko, pero hindi naman niya pinansin.

    …ipapa-check up ko `yang si Jumbo, sabay turo niya kay Jumbo na tahimik pa ring nakaupo sa tabi ko.

    Tinanguan ko na lang si Maxine kahit wala pa talaga iyon sa plano ko—at sa budget ko. Hindi pa rin ako handa sakali mang bumalik ang alaala at katinuan ni Jumbo.

    Diyos ko, ang sama ko na ba? Ayokong matauhan siya kasi baka iwan niya rin ako. Sobrang makasarili ko na ba kung hihilingin kong sana, ganito na lang siya?

    Napapikit ako at pilit itinaboy ang mga isiping ‘yon. May mga bagay akong kailangang unahin. Tumayo ako at lumapit kay Maxine. Ikinawit ko sa braso niya ang braso ko. Kung nagpakalalaki lang itong bading na ito, siguro marami na ‘tong napaluhang kabaro ko.

    Maxine, lambing ko sa kanya. Baka naman may anda ka pang natatabi? Baka pwede ko munang hiramin? Maghahanap kasi kami ng mauupahan ni Jumbo. Nahihiya na kaming makitira sa’yo e.

    Hindi ako makatingin nang diretso kay Maxine. Nahihiya na kasi ako sa abalang dinadala ko sa kanya. Pero wala naman akong ibang choice. Sinesante na ako ni Mr. Ginanchilyo dahil sa sunod-sunod na palya ko sa trabaho. Hinihintay ko na lang ang backpay ko.Hinimas niya ang braso ko.

    Oo naman. Ako pa ba? Pasalamat ka talaga at mapagtabi ng anda ang BFF mo. Pero magbayad ka, ha? Kapag utang, kahit BFF, dapat binabayaran!

    Oo naman. Kapag nagkatrabaho ako, paysung agad ako sa`yo, paninigurado ko sa kanya.

    Asus! Unahin mo muna ang pangangailangan niyo, kahit isunod mo na lang iyong akin, sabi niya pagkatapos ay pumasok siya sa kwarto. Mayamaya’y lumabas ulit ito at may iniabot sa akin. O, itago mo na `yan sa bagelya mo, baka makita pa ng jowa ko, mapurnada pa.

    Salamat, BFF… sabi ko sabay yakap sa kanya.

    May nahanap ka na bang malilipatan? mayamaya’y tanong ni Maxine.

    Umiling ako. Waley pa nga e.

    ***

    Heto susi. Iniabot sa akin ng landlady ang susi ng maliit apartment na uupahan namin ni Jumbo. Sa itsura ng babaeng nakapulang-duster, tantya ko, nasa 55 na ang edad niya. Maputi, nakalugay ang alon-alon nitong grey na buhok, nakasuot ng salamin sa mata na may transition lenses, matangkad pero mas matangkad pa rin ako sa kanya. Nakasimangot ito at mukhang isnabera, pero kahit ganun, maganda pa rin. Halatang may kaya sa buhay.

    Kinuha ko sa kanya ang susi. Salamat ho.

    Wag mo na akong igalang. Bata pa ako.

    Napalunok na lang ako. K-aya po pala ang ganda ng kutis niyo.

    Umirap siya sa akin. Deputik ka! `Wag mo na akong utuin. Napakagat-labi ako, naalala ko si Mama sa kanya.

    Anong pangalan mo, ineng? biglang tanong niya nang manahimik ako.

    Rosenda Castillo po.

    Sinuri niya akong maigi. Okay ba sa’yo ang lugar na ito?

    Pinilit kong ngumiti. Okay na okay po, sagot ko kahit na maliit at mukhang luma na iyong apartment.

    Maalikabok din ito, halatang hindi natirhan nang matagal kaya ayun, bahing nang bahing si Jumbo sa likuran ko. Kakaiba nga ito sa lahat ng mga paupahan na tiningnan namin e. Itsurang pagong kasi iyon kung titingnan mula sa labas, parang dome at may nakasabit lang na karton sa pinto. Nakalagay roon ang mga salitang For Rent at sa ilalim noon ay may telephone number na dapat kontakin. Hindi na ako nagdalawang isip pa, agad akong nakitawag sa pinakamalapit na tindahan dito. At mayamaya pa, dumating itong Aleng masungit.

    Hindi naman ako maselan, ayos na ito. Atsaka, ito lang naman din ang kaya kong i-afford. Tatlong libo lang kasi ang renta dito kada buwan, semi-furnished na—may kasamang katre, maliit na lamesa, isang Durabox, dalawang monoblock, maliit na kusina, banyo na natatabingan lang ng bulaklaking kurtina, at isang maliit na eletricfan.

    Tahimik din dito dahil wala masyadong katabing bahay pero may mga tricycle namang bumabyahe kung kailangang pumunta sa bayan. At half month deposit lang ang hininging payment nitong Aleng masungit. Hindi na masama.

    Akala ko kasi, rich kid ka, aniya na mapanuri pa rin ang tinging ipinupukol sa akin.

    Pinamulahan tuloy ako kahit hindi na naman bago sa akin ang mga ganung impression dahil nga tisay ako. Bakit ba ganun, pag maputi mayaman agad? Hindi na lang ako sumagot.

    Ngumisi sakin ang landlady. Oh, ‘wag masyadong lumigaya ha, joke lang ‘yon! Sabay irap na naman sa akin. Hanep talaga. Ano kayang problema niya sa akin? Wala ba siyang happy hormones? Lakas mang-alaska e!

    Napatingin siya kay Jumbo. Asawa mo?

    Doon ako natameme. Halos nawala na sa isip ko na kasama ko nga pala si Jumbo. Tahimik lang kasi siyang nakatayo sa likuran ko. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon. Opo.

    Hmmm. Napatangu-tango ang landlady habang sinusuri niya rin si Jumbo. Nakakatakam ang asawa mo, ha?

    Anak ng tinapa! Pinagnanasaan ba niya si Jumbo ko?!

    Ngumisi sa akin ang landlady. Anyway, maiwan ko na kayo. Magchu-churvahan pa kami ng hubby ko. Charrr!

    Sandali lang po, awat ko sa kanya. Kunin ko lang po ang cellphone number niyo, sabi ko sabay hugot ng cellphone mula sa bulsa ng bag ko.

    Idinikta niya naman sa akin ang cellphone number niya. Nagbilin pa na huwag ko raw iyong ipamimigay kung kani-kanino.

    Ano pong pangalan niyo? matapos kong i-save ang number niya sa cell phone ko.

    Merdie, tugon niya saka siya tumalikod sa'min ni Jumbo.

    ***

    TAGAKTAK ANG PAWIS KO dahil tanghaling tapat na pero abala pa rin ako sa paglilinis ng apartment namin ni Jumbo. Maliit lang naman ‘yung kwartro, pero maalikabok at maraming agiw. Napaka-alinsangan ng panahon kahit na magpa-Pasko. Init na init ako. Dagdag pa ‘yung makalaglag-panty na tingin sa akin ni Jumbo habang naglilinis ako. Ayaw akong tantanan. Parang takot na takot siya na mawala ako sa paningin niya. Nako-conscious tuloy akong kumilos.

    Jumbo, maupo ka ro'n. Hindi na ako mawawala. ‘Wag kang mag-alala. Hindi na kita iiwan, okay?

    Pumaling ang kanyang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1