Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Caged Heart
Caged Heart
Caged Heart
Ebook34 pages30 minutes

Caged Heart

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Tagalog-English short story of Oliver Montejo and Melody Luna Palma.

Para sa kapatid ay sinugod at sinapak ni Melody ang lalaking nagngangalang Oliver Montejo. Pero hindi niya akalain na babalikan siya ng lalaki ay kinidnap! at para mapakawalan ay inalok siya nito ng kasal..

Paano niya ngayon tatanggihan ang lalaki ring gusto ng kapatid niya?

LanguageTagalog
Release dateMar 23, 2018
ISBN9781370932214
Caged Heart
Author

Myra Grace Delansig

I started writing as a hobby and eventually fell in love and now I'm a Self-published author in the Philippines. To broaden my audience, I made an account in Smashwords and starting sharing my stories as an ebook. I write tagalog novels and hopefully very soon I'll be publishing an english-novel too! But I think I would love to reach more Filipino readers around the globe who would like to read Tagalog novels through an eBook format that could enter International market. Why not? Everything is possible. Dream high. Dream big. Write more, love more and I thank God for giving me this craft. God bless you all!

Related to Caged Heart

Related ebooks

Reviews for Caged Heart

Rating: 4.25 out of 5 stars
4.5/5

4 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Caged Heart - Myra Grace Delansig

    Chapter 1: Melody

    SABI ko naman sa iyo tigilan mo na ‘yong lalaking iyon! Ilang beses kitang pinagsabihan dyan. Pagtuunan mo muna ng pansin ang pag-aaral mo bago ang mag-boyfriend! Kita mo ngayon ang ginagawa mo? Sa tingin mo, ikagaganda mo ‘yan?

    Humalukipkip ako, habang pagod na pinagmamasdan ang nakababata kong kapatid na si Paula. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapatahan nang hindi binubulyawan ang kapatid kong naloloko sa lalaki. Hindi kasi ito ang unang beses na ma-heartbroken, ako na nga ang napapagod sa kakapayo sa kanya na huminahon at mag-focus sa pag-aaral. She’s a graduating student, ilang buwan na lang at tatanggapin na nito ang kanyang diploma sa kolehiyo. At kung papalarin ay makapagtrabaho na rin. Hindi kaya biro ang sakripisyong ginawa ng Tatay namin para makapagtapos kaming dalawa. I graduated with flying colours, para naman matuwa at mapasaya ko si Tatay na nasa Dubai at nagpapakahirap sa pagtatrabaho para sa aming magkapatid. Hindi naman kami ganoon kayaman, pero nakakaluwag din.           

    Bumuntong hininga ako at hinatak ang kumot na pinagtabing niya sa ulo. Tama na ‘yan. Kumain ka na at---ano ‘yan? namilog ang mga mata ko nang makita ang isang pulang marka sa leeg ng kapatid ko. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbuhay ng init sa mukha ko! I couldn’t be innocent, that was the same mark that I saw from my officemate na si Olga. She said, gawa raw iyon ng boyfriend niya kapag nagsese-- natuptop ang aking labi at tila nagkukulang na ako sa hangin!

    Bahagyang tumahan si Paula at umayos ng upo. Pahaklit niyang kinuha sa akin ang kumot para itakip sa kanyang ulo.

    Sinong may gawa n’yan? Saan mo iyan nakuha?

    Hindi niya ako sinagot at lumakas pa ang pagpalahaw ng kapatid ko. Mabigat akong bumuntong hininga at tila mauubusan ng hangin sa baga.        

    Huwag mong sabihing..nagpagalaw siya sa lalaking iniiyakan niya?           

    Nagbabagang mga mata ang ginapos ko sa kanya, Bakit mo nagawa iyan Paula? Bakit--bakit ka nagpabaya? napahawak ako sa aking noo na para bang katapusan na ng buhay ko. Hindi mo man lang ginalang si Tatay.. I almost broke my voice. Pero mas nahalinhinan ako ng galit sa dibdib. Nagpupuyos ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1