Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Panagutan Mo 'Ko
Panagutan Mo 'Ko
Panagutan Mo 'Ko
Ebook182 pages2 hours

Panagutan Mo 'Ko

Rating: 4.5 out of 5 stars

4.5/5

()

Read preview

About this ebook

Broken-hearted sa kanyang unang babae, makikilala ni Alex si Brenda sa isang party kung saan mangyayari ang hindi dapat nangyari. Sino ang ama? Sino ang ina? Sino ang naghahabol at sino ang mai-in love? Sundan ang kuwento ng odd duo na si Alex at Brenda, kung saan matututo silang magpakumbaba, magpatawad, at magmahal.

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateJun 24, 2020
ISBN9780463173046
Panagutan Mo 'Ko

Related to Panagutan Mo 'Ko

Related ebooks

Related categories

Reviews for Panagutan Mo 'Ko

Rating: 4.5 out of 5 stars
4.5/5

6 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Panagutan Mo 'Ko - JC Quin

    CHAPTER ONE

    Free to be me. Ano kayang feeling nu’n?

    Sigurado ka ba hija na ipapaputol mo ’yang buhok mo? Sayang naman. Ang ganda pa naman," sabi ni Mang Jessie. Nandito ako ngayon sa barber shop niya. At oo, nasa barber shop ako at hindi sa parlor. Sa barbero naman talaga nagpapagupit ang mga lalaki ’di ba? ’Yun nga lang, hindi ako lalaki—pero pusong lalaki.

    Nakapagdesisyon na ’ko. Sasabihin ko na kay Nanay na tomboy ako. Alam kong masasaktan at iiyak siya at baka nga himatayin pa kapag nakitang wala na ’tong mahabang buhok ko na alagang-alaga niya at palaging sinusuklay.

    Opo, ipapaputol ko po, ’tsaka gusto ko po ’yung ganitong gupit. Ipinakita ko pa kay Mang Jessie ’yung picture ng gupit na gusto ko.

    Napabuntong hininga na lang siya. Nanghihinayang talaga ako, hija, sabi niya, kaya nginitian ko na lang siya. Ito talaga ang gusto ko, eh.

    Hinintay ko lang talaga na matapos ang 18th birthday ko at pinagbigyan ko lang si Nanay sa pangarap niyang debut para sa’kin. Naku, kinikilabutan talaga ’ko ’pag naalala ko ’yung ipinasuot niya sa’king pink na dress at high-heeled na sapatos na kulay silver na may mga bato-bato pa. Hiniram pa raw niya ’yun sa anak ng kapitbahay namin na mahilig magsasali sa mga beauty pageant. Pati na rin bawat lalaki na isinayaw ako nu’ng gabing ’yun, ang sasarap pektusan. Kung makakapit sa bewang at makahawak sa kamay ko. Nakakainis! Isama pa ’yung malalagkit na tingin nila sa’kin. Nakakabuwisit!

    Hindi ko naman kasi sila kilala at si Nanay lang ang nag-imbita sa kanila. Anak daw ni ganito, anak ng kumare niya. Dito kasi sa lugar namin, wala kaming kamag-anak, kahit isa. Mula kasi nang tumakas kami ni Nanay kay Tatay, hindi na kami bumalik sa dating tinitirhan namin. Lasenggero at basagulero kasi ’yung tatay ko, tapos gabi-gabi na lang ata kapag umuuwi siya, lagi niyang binubugbog si Nanay. Ang tagal ding nagtiis ni Nanay, pero nu’ng ako na ang saktan ni Tatay, doon na nagdesisyon ang Nanay na umalis at iwan siya kasama ako. Anim na taon pa lang ako noon, pero natatandaan ko ang bawat hagupit, tadyak, at sampal ni Tatay sa’min ni Nanay. Kaya abot langit ang galit ko sa kanya. Hanggang ngayon, ’di ko pa rin napapatawad ang tatay ko, kasi masama siyang ama at asawa. Kung hindi siya ganu’n, sana buo ang pamilya namin ngayon. Sana hindi namin kailangan lumayo.

    Hija, huling tanong ko na ’to—

    Hindi ko na pinatapos magsalita si Mang Jessie at sumagot na ako agad. Opo, hindi na po magbabago ang isip ko. ’Tsaka Mang Jessie, ’yung buhok po na mapuputol itatabi ko po. Balak ko po kasing i-donate sa mga batang may cancer. Sayang naman kasi, ’tsaka para may makinabang na iba.

    Sige, sagot naman ni Mang Jessie.

    Nang matapos akong gupitan, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos-ayos ko pa ’yung buhok ko. Kakaiba ’yung feeling. Pero mukhang bagay naman sa’kin. Napaisip lang ako kung ano kayang magiging reaksyon ng mga makakakita.

    Salamat po, Mang Jessie! Inabot ko sa kanya ’yung bayad kong sixty pesos, tapos ibinigay naman niya sa’kin ’yung supot kung saan nakalagay ’yung buhok ko na ginupit niya kanina.

    Lumabas na ’ko ng barber shop at bawat taong makakita sa’kin na kakilala ko o ng Nanay ko, hindi maiwasang titigan ako. Si Alex ba ’yun? Dinig kong bulong ni Aling Tale, isa sa mga tsimosa dito sa lugar namin.

    Hindi. Tomboy ’yan, eh, sagot naman nu’ng kausap niya.

    Pero kahawig ni Alex, sagot naman ni Aling Tale.

    Mabilis na ’kong naglakad para makauwi agad sa bahay namin. Kung may magsasabi sa nanay ko ng pagbabagong ginawa ko sa sarili ko, ako dapat ’yun at hindi kung sinong chismosa dito sa’min.

    Pagpasok ko ng bahay namin ay nakita ko si Nanay na nakaupo sa sala at nanunuod ng TV. Tawa pa siya nang tawa sa pinapanuod niya. Kapag makita niya kaya ako, makatawa pa kaya siya? Hay, bahala na.

    Nay… tawag ko sa kanya kaya lumingon siya.

    Oh Ale— Hindi natapos ni Nanay ang sasabihin niya. Alam kong nagulat siya dahil wala na ’yung mahabang buhok ko na ang tagal niyang inalagaan. Ano’ng nangyari sa buhok mo?! malakas na pagkakasabi niya at agad na tumayo at lumapit sa’kin. Anong ginawa mo sa buhok mo, Alex?!

    Nay, ito po ang gusto ko, nakayuko kong sagot sa kanya. Hindi ko siya magawang tingnan.

    Anong ’yan ang gusto mo?!

    Nay, tomboy po ako. Pagkasabi ko noon, walang nasabi si Nanay. Napatakip na lang siya ng bibig at nahulog ng paupo sa upuan sa tabi niya. Wala siyang imik at mukhang humihinga lang ng mabilis at malalim, parang nagha-hyperventilate.

    Nay, okay lang po kayo? Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya tinapatan ko siya ng electric fan tapos pinaypayan ko pa. Hindi pa rin siya nagsasalita, at naghahabol lang ng malalalim na mga hininga. Natataranta na ’ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang may kaunting pagsisisi akong naramdaman. Bigla kong kinuwestiyon ang sarili ko, kung tama ba ’tong ginawa kong pag-amin. Kaso kung hindi ko gagawin ngayon, kailan pa?

    Maya-maya ay narinig kong mahinang nagsalita si Nanay. Ang anak ko… Umiiyak siya at nakatingin lang sa kawalan. Ang anak ko…

    Nay, tingnan niyo naman po ako. Mag-usap po tayo.

    Hindi ikaw si Alexandra ko. Hindi ikaw ang unica hija ko. Tuloy pa rin siya sa pag-iyak.

    Nay naman, si Alex pa rin naman ako.

    Biglang bumangon si Nanay at napaurong tuloy ako. Hinawakan niya ’ko sa magkabilang braso. Kung sino ka mang sumanib sa anak ko, iwan mo ang katawang lupa niya!

    Nay! Ano ba?! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Ito naman kasing si Nanay kung anu-anong sinasabi.

    Matapos ay napaupo na lang ulit siya. Ang anak ko...

    Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa siguro makakausap nang maayos si Nanay.

    ***

    Ikaw naman kasi Bes, bakit binigla mo si Tita? sabi ni Cherry, ang aking kababata at best friend. Siya lang ang nag-iisang tao na napagsabihan kong tomboy ako—well, bago ko sinabi kay Nanay. Kasama ko siya ngayon dito sa canteen, habang break. Magkaiba kasi kami ng course.

    Kahit sa paanong paraan ko naman sabihin, ganu’n at ganu’n pa rin ang magiging reaksyon niya.

    Sa bagay.

    Nakakainis! Napahampas ako sa ibabaw ng lamesa.

    Ha? Si Tita? Nagtatakang tanong ni Cherry.

    Hindi. ’Yung mga tingin sa’kin ng mga tao rito. Sa tuwing may dumadaan kasi sa tapat namin, laging napapatingin sa’kin. Tingin na may ibig sabihin. Ano bang problema nila?!

    Yaan mo sila. ’Di lang sila sanay.

    Ano bang masama sa’kin para tingnan nila? Pinalitan ko ba ng pusa ang ulo ko para titigan nila?

    Walang masama, kaso biglaan mo ba namang ipaputol ’yang buhok mo, tapos pati ayos ng pananamit mo binago mo. Magre-react at magre-react talaga ’yung mga tao. Si Alexandra Sebastian—maganda, maraming nagkakagustong lalaki dito sa school, na mas marami pa ata sa mga daliri ko sa kamay at paa ’yung mga nagtangkang manligaw, biglang malalaman ng madla na tomboy pala kaya kahit isa walang sinagot sa mga manliligaw niya.

    Hindi ko kasi sila gusto. Iba ang gusto ko.

    I know. Si Leighla. Biglang nanulis ang nguso niya at umikot ang mata.

    Tumango ako. Matagal ko nang crush si Leighla. Naging classmate ko siya sa isang subject nu’ng first year ako. Irregular student siya at ahead siya sa’kin ng isang taon.

    Liligawan mo ba talaga siya? tanong ni Cherry sa’kin.

    Oo, subok lang. Wala namang mawawala. Kesa naman hanggang tingin lang ako.

    Inakbayan ako ni Cherry. Alam mo, Bes, tanggap kita. Suportado kita d’yan sa paglantad mo, at sa plano mong manligaw. Pero si Leighla talaga? Bakit? Kasi hindi ko talaga siya feel. Alam mo ’yon? Maganda siya at maputi pero ramdam kong may bahid siya ng kadiliman, na kasing dilim ng smokey eyeshadow at eyeliner niya. Basta, hindi ko talaga feel.

    Inggit ka lang at mas magaling siyang mag-makeup sa’yo. ’Yaan mo, ’pag naging kami, sasabihin ko turuan ka, tatawa-tawa kong sabi.

    ’Di na, no! Dami kayang mga tutorial online and fast learner kaya ako, nakapamewang niyang sagot.

    ***

    Tulad ng sinabi ko, niligawan ko si Leighla. Noong una ay nakipagkaibigan muna ’ko sa kanya, hanggang sa inamin ko na may gusto ako sa kanya. Pumayag naman siya na ligawan ko siya kaya sa tingin ko may pag-asa ako.

    Alex, may pupuntahan akong party mamaya. Sama ka. Pwede mo ring isama ’yung friend mong si Cherry, sabi ni Leighla sa’kin habang nasa canteen kami at kumakain ng meryenda kasama ng mga kaibigan niya.

    Talaga? Gusto mo ’kong sumama?

    Yes, Alex. Alam mo bang may surprise ’tong si Leighla sa’yo? sabi naman ni Amber, isa sa mga kaibigan ni Leighla.

    Amber! saway ni Leighla, saka siya tumingin at ngumiti sa’kin.

    Napangiti rin ako. Ang ganda niya talaga. Sige, sasama ako, walang pagdadalawang-isip na sagot ko.

    ***

    Grabe Bes, laki nu’ng bahay, dinig kong sabi ni Cherry. Nakababa na kasi siya ng taxi habang ako naman ay naghahanap pa ng barya sa bag para sakto ’yung ibabayad ko kay manong driver.

    Nasa tapat na kami ng bahay na nakasulat du’n sa binigay na address ni Leighla sa’kin. Grabe talaga, ang laki nu’ng bahay tapos ang daming mga sasakyan na nakaparada sa labas. ’Yung tugtog na nanggagaling sa loob ng bahay, abot hanggang sa kinatatayuan namin o baka abot pa nga hanggang sa mga bahay sa kabilang street. May mga tao rin na labas-pasok sa gate. ’Yung iba nagkukuwentuhan sa labas, tapos may mga kanya-kanyang dalang baso o kaya bote ng beer.

    Bes, mukhang party ng mayayaman ’to, ah. Exciting ’to! sabi ni Cherry sa’kin. May mapapala rin pala tayong maganda kay Leighla.

    Tara na. Hanapin na natin sila sa loob, sabi ko naman sa kanya.

    Papasok pa lang kami ng gate nang salubungin kami ni Leighla. Kasama niya si Amber at ’yung isa pa nilang kaibigan na si Pie.

    Alex! Nandito na pala kayo. Tara sa loob! sigaw ni Leighla sabay kapit sa braso ko. Natuwa naman ako kasi feeling ko girlfriend ko na siya. Ngayon niya lang kasi ginawa ’yun. Nauna nang maglakad papasok sina Pie at Amber. Sabay naman kami ni Leighla, habang nakasunod sa’min si Cherry.

    Nilingon ko si Cherry. Che, okay ka lang diyan?

    Nag-thumbs up naman siya, at dalawang kamay pa. Paikot-ikot ’yung tingin niya sa paligid, halatang tuwang-tuwa sa mga nakikita, sabay ngiti pa sa lahat ng makasalubong niya.

    Hi, sabi niya sa isang lalaking nakasalubong niya, na nag-hi din naman pabalik sa kanya. Ganyan si Cherry, okay lang kahit iwan. Hindi uso sa kanya ang salitang ‘out of place.’ Kayang-kaya niya ang sarili niya. Kahit anong klaseng tao ka pa, kaya ka niyang pakibagayan.

    Habang papasok kami, palakas nang palakas ang tugtog. Ang amoy ng alak ay patindi rin nang patindi, pati na rin usok ng sigarilyo. Nakakahilo. Pwede naman mag-yosi sa labas, bakit dito pa sa loob? Mas delikado kaya ’yung secondhand smoke.

    Sino bang may birthday, Leighla? tanong ko sa kanya, kasi nagpunta kami rito pero hindi naman namin alam kung kaninong party ’to at kung sino ang may birthday.

    Honestly, hindi ko rin alam. Isinama lang kami nu’ng pinsan ni Pie. Basta ang alam ko, friend ng pinsan ni Pie ang may birthday.

    Ahh… Ganu’n ba? Okay lang ba na nandito kami kahit hindi invited?

    Of course! Kasama namin kayo kaya invited na rin kayo. Basta let’s enjoy the party na lang. Tapos hinatak na niya ’ko papasok. Maya-maya ay may inabot siya sa’king plastic cup na kulay pula na hindi ko alam kung ano ba ang laman. Nang amuyin ko, beer pala.

    Leighla, hindi ako umiinom eh, sabi ko sa kanya.

    Ang KJ mo naman, bulong niya.

    Kita kong mukhang na-disappoint siya sa nangyari. Ayoko namang mawala ang chance ko na maging girlfriend siya dahil sa tingin niya KJ ako, ’no! Umamin ngang tomboy ako kinaya ko, ito pa kayang alak? Fine. Napilitan tuloy ako uminom—pero konti lang kasi ’di masarap at mapait ’yung lasa.

    Sobrang dami ng tao. Ang ingay at ang dilim pa kaya hindi ko lubusang maintindihan kung anong nangyayari sa paligid ko.

    Tara, sayaw tayo! yaya ni Leighla.

    Ay, hindi rin ako sumasayaw, eh. Napakamot ako sa batok.

    "My God,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1