Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Perfect Stranger
Perfect Stranger
Perfect Stranger
Ebook446 pages6 hours

Perfect Stranger

Rating: 3.5 out of 5 stars

3.5/5

()

Read preview

About this ebook

Pinalaking konserbatibo si Sheila Mariano kaya nang siya’y magka-boyfriend pinairal niya ang no-sex-before-marriage rule. Pumayag nga ang nobyo, pero lingid sa dalaga’y may kinakalantari pala itong iba. Nang malaman ito ni Sheila, labis niya iyong pinagdamdam. Dahil sa sobrang himutok at galit, pumunta siyang mag-isa sa isang club at sumama pa sa hindi kilalang lalaki. Ang matagal niyang iniingat-ingatang puri ay basta na lang niya ibinigay sa taong may nakaukit na swastika sa braso. Ibabaon na sana niya ang lahat sa limot nang makalipas ang isang buwan ay napag-alaman niyang nagbunga ang isang gabing pagpapakawala. Mahahabol pa kaya niya ang estranghero kung ang tanging pagkakilanlan lang niya rito ay ang kakaibang tattoo sa kanang braso?

LanguageTagalog
PublisherMaggie Sanapo
Release dateAug 31, 2016
ISBN9781370735587
Perfect Stranger
Author

Maggie Sanapo

Maggie Sanapo started writing romance novels when she was 13 at the encouragement of her classmates who asked her to write their fantasies. Soon she was obsessed with writing that she couldn't let the day pass without finishing a chapter or two of her story. In college she met this professor who killed her passion for writing. This professor had told her that writing romance novels in Filipino was not something an intelligent person would do and that it was a waste of time. Maggie finished her degree in Psychology, got a job, and tried to forget about writing. But no amount of success in her day job could make her feel satisfied. She had realized that she would never ever get that satisfaction she was looking for unless she pursues writing again. So in March 2014, thanks to Wattpad, she began to chase her childhood dream again. And she has never been happier.

Read more from Maggie Sanapo

Related to Perfect Stranger

Related ebooks

Reviews for Perfect Stranger

Rating: 3.3636363636363638 out of 5 stars
3.5/5

11 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Perfect Stranger - Maggie Sanapo

    PROLOGUE

    Akala ni Sheila masyado nang mahalay ang suot niyang faded maong jeans na may butas sa tuhod at manipis na kulay puting blusa na walang manggas. Iyon pala, nagmukha pa siyang manang nang ihelera sa mga babae sa club. Parang gusto na niya tuloy lumabas at kalimutan na lang ang binabalak na paghihiganti. Pero bago pa magbago ang kanyang isipan, narinig na naman niya ang sinabi ng mga kaibigan.

    Ang isang tulad ni Alfred ay hindi iniiyakan. Imbes na magmukmok ka't magpakamatay sa pagdadalamhati sa gunggong na iyon, why don't you go out and have fun? payo sa kanya ni Mona.

    Maghanap ka na kasi ng kapalit. Iyong a lot hotter and richer. Malaking dagok sa pride ng isang lalaki kapag nabalitaan nilang ipinagpalit kaagad sila ng nobya sa isang mas may sinabi sa kanila, si Naomi naman.

    Kaya heto siya ngayon, trying to find someone hotter. Gusto niyang ipamukha sa Alfred na iyon na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

    Nag-obserba muna siya sa mga naroon bago pumili ng iinumin. Karamihan sa mga babaeng nauna sa kanya ay umorder ng Sex on the Beach. Gusto niya rin sanang subukan iyon, pero hindi niya mabigkas-bigkas ang pangalan kaya nagkasya na lang siya sa Bloody Mary. Wala rin siyang kaide-ideya kung ano iyon, pero at least hindi mahalay sa pandinig.

    Are you sure you can handle a Bloody Mary? anang baritonong boses. Nang mapatingin siya rito’y kaagad niyang napansing guwapo ito.

    Of course, sagot niya sabay tikim sa inumin. Ang panget ng lasa! Sino naman ang nag-imbento nito? Muntik na niya itong idura.

    I've never seen you here before, komento pa ng lalaki.

    T-This is actually my f-first time here, nahihiya niyang pag-amin.

    Ah. A first-timer. No wonder you don't look familiar.

    Sa ibang pagkakataon marahil ay nilayasan na niya ang katabi. Obvious naman kasing nagpapa-cute ito sa kanya. Pero aminin man niya o hindi nagugustuhan na rin niya ang binibigay nitong atensyon sa kanya. Kaya ginanahan siyang uminom. Naubos din niya ang lasang-ewan na inumin.

    You should try this drink, at inabot nito sa kanya ang kararating na order. Tumikim agad siya no’n. Mapakla na medyo matamis.

    How was it?

    Better than mine, kimi niyang pag-amin.

    So you prefer Sex on the Beach? pilyo nitong tanong at tumawa pa.

    I’m sorry?

    Tinuro ng lalaki ang hawak-hawak niyang baso. No’n lang niya ito nau

    nawaan. So this is Sex on the Beach? Not bad.

    Pinainom pa siya nito nang pinainom hanggang sa maubos niya ang laman ng baso. Mayamaya pa, humahagalpak na siya ng tawa sa mga corny nitong jokes. Nagkaroon pa siya ng malakas na kompiyansa sa sarili.

    Nagkakatuwaan silang dalawa nang bigla na lang may dumating na magandang babae. Sinampal nito ang kasama niya at galit itong umalis.

    Jane, sandali lang! tawag ng lalaki.

    That's what you deserve for flirting with another woman when you know your girlfriend is just around the corner, narinig niyang komento ng kararating na lalaki. Nalito siya. Ano’ng nangyari?

    Ikaw na muna ang bahala sa kanya, pare, may pagmamadaling pamamaalam ng kasama niya sa bagong dating at hinabol nito ang babae.

    What? Hey! Tyler! sagot ng lalaki pero nakatakbo na palayo ang tinawag nitong Tyler. Napamura na lang ito at iritadong humarap sa kanya.

    Medyo tumitiklop-tiklop na ang talukap ng kanyang mga mata no’n kaya hindi na siya makapokus sa mukha ng bagong dating. Pero sa naaamoy niya rito, tingin niya guwapo.

    You’re drunk, sabi nito agad.

    Tumawa siya rito sabay sabi ng, You’re funny.

    Mukhang nangunot naman ang noo ng lalaki.

    What have you been drinking? tanong pa nito.

    Tumawa siya uli sabay tayo. Pero bigla na lang siyang nahilo.

    Ooops, sabi niya sabay tukod sa dibdib ng kaharap. Hinawakan naman siya nito para hindi siya matumba. Humilig siya sa balikat ng lalaki at inamuy-amoy pa ang leeg nito.

    You smell so good.

    It's pretty obvious that this is all new to you. Why are you here?

    I was looking for you, malandi niyang sagot.

    Saglit na natigilan ang guy bago bumulong ng, Let's get out of here.

    Sure, sagot naman niya at tinapik-tapik pa ito sa pisngi.

    Ang bilis ng pangyayari para sa dalaga. Naramdaman na lang niya na parang lumilipad sila. Napapikit siya. Pagdilat niya, nasa loob na sila ng isang maliit na silid. Ang bilis ng galaw nito kaya nahilo siyang lalo. Inalalayan siya ng lalaki sabay halik sa kanyang labi. Gumanti naman siya at dinila-dilaan pa niya ang mga labi nito.

    You're so naughty, nakangising sabi ng guy at dinama ang malusog niyang dibdib. Napakapit naman siya sa batok nito.

    Mayamaya pa, tumigil sa paggalaw ang maliit na silid at bigla na lang siyang pinangko ng kasama. May pagmamadaling tinungo nito ang isa sa mga nakapinid na pintuan doon. Pagpasok nila, biglang dumilim ang paligid. Naramdaman na lamang niyang nakahiga na siya sa isang malambot na kutson at pinapaliguan siya ng halik ng estranghero. Sa bawat himas nito sa maseselang bahagi ng kanyang katawan, napapaungol siya. Nang damhin nito ang sugpungan ng kanyang mga hita, napaliyad siya sa sarap.

    Shit, you’re wet, anas nito at dinila-dilaan pa ang punong-tainga niya.

    Mayamaya pa, napasigaw siya sa hapdi sabay kapit sa braso ng lalaki. Naramdaman niyang natigilan bigla ang kayakap, pero makaraan ang ilang sandali, bumilis na ang mga ulos nito at nakipagsabayan na rin siya. Nang matapos ang silakbo ng damdamin, may inabot ito sa bandang ulohan nila at biglang lumiwanag ang paligid. Nailawan ang kanang braso nito at nakita niyang may nakaukit doong swastika. Parang sinabuyan siya ng yelo. Bigla siyang nahimasmasan. Apo ba ito ni Hitler?

    It's hard to believe that this is your first time. Hot na hot ka kasi kanina. Hindi ko tuloy naisip na wala ka pang karanasan. O baka naman mayroon na pero hindi ka lang nag-o-all the way, at tumingin ito sa kanya sabay ngisi.

    What? How dare he insinuates that I do this often!

    This is my first time! Tumaas pa ang boses niya.

    Napa-smirk ang lalaki at nagsabi pa ito ng, So? Just because you're a virgin doesn't mean you're special.

    Tinapunan niya ito nang masamang tingin.

    "Don't play conservative with me now. Kanina lang ay halos hindi ka makapaghintay na gawin natin ito. Now that you have it, you're acting like I

    did something bad to you. Hindi ba't pinagbigyan nga lang kita?"

    Nagpanting ang tainga niya, pero may point nga din naman ito. Sinong matinong babae ang bigla na lang magpapaano sa hindi niya kilala?

    What do you want me to say? That I do appreciate your virginitiy? Tumawa ito nang nakakainsulto. That's why I don't like virgins. They always think they're special.

    Because we are, naiinis niyang sagot. Hindi siya nakatiis.

    "There's nothing special about you. You're just one of those girls, if you

    know what I mean," at tumawa pa ito.

    Hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kanyang kamay. Nasapol ito sa kanang pisngi. Nagulat ito. Natakot siya nang biglang dumilim ang anyo ng lalaki. Akala niya sasaktan din siya nito, pero galit lang itong bumaba ng kama at lumabas ng silid.

    Nang wala na ito, napaiyak siya. Noon lang niya na-realize ang kaseryosohan ng ginawa. Ni hindi niya natanong ang pangalan nito. When worse comes to worst at nabuntis siya, paano niya ito hahanapin para panagutin? Ang tanging pagkakilanlan niya rito ay ang kakaiba nitong tattoo sa kanang braso---ang swastika!

    CHAPTER ONE

    Nang makita ng HR personnel na nangangasiwa sa interview si Shiela bigla itong natigilan. Nag-atubili pa ang ginang kung papapasukin niya ang dalaga sa waiting area o hindi. Pero nanaig din ang lambot ng kanyang puso.

    Please come in and follow me, sabi nito.

    Excited namang sumunod ang dalaga. Bago siya pinaupo tiningnan siyang muli ng babae. Alam na niya kung bakit may pag-aalala sa mukha nito. Obviously, napansin agad nito na dinaya niya ang kanyang edad. Kahit tinina niya ng kulay grey ang buhok at gumamit pa ng eyeglasses, hindi pa rin siya siguro nagmukhang middle-aged woman.

    Nang ginala ni Shiela ang paningin sa paligid, nakita niyang halos lahat ng naghihintay ay mukhang matrona na. Ang iba’y parang lolang-lola pa nga.

    Miss Shiela Mariano, tawag ng HR personnel.

    Nagtaas siya ng kamay sabay tayo.

    You’re next. Please follow me, sabi nito sa kanya.

    Dali-dali siyang sumunod sa babae. Medyo nangangatog ang kanyang tuhod sa kaba. Nakakalula kasi ang ambience ng silid. Waiting area pa lang parang lobby na ng isang five-star hotel. Nakakapanliit tuloy.

    Sir Magnus nandito na po ang susunod na aplikante, narinig niyang sabi ng kasama sa nakatalikod na mama. Nakaupo ito sa ibabaw ng desk habang nakikipag-usap sa kung sino man sa kabilang linya ng telepono. Likod pa lang mukhang nakakayanig na.

    Napansin agad ni Shiela na malapad ang balikat ng lalaki at base sa boses habang pinapakinggan niya ang pakikipag-usap nito sa telepono, mukhang hindi nagkakalayo ang edad nila. Kung siya'y twenty five na, malamang na mas matanda lang ito sa kanya nang kaunti. Hindi naman siguro ito mamamahala ng ganoon kalaking kompanya kung mas bata pa ito sa twenty five.

    Hindi kaagad nagpaalam sa kausap ang lalaki. Parang hindi nga narinig ang HR personnel. Lalo tuloy kinabahan ang dalaga. Kahit malakas ang aircon ng silid, pinagpawisan siya. Para malibang kahit papaano, inikot niya ng tingin ang buong silid. Nalula siya sa laki. Mas malaki pa sa bahay nila sa probinsiya. May nakita pa siyang painting ni Amorsolo na nakasabit sa dingding. Hindi man siya art enthusiast, alam niyang nagkakahalaga iyon ng kung ilang libong dolyar.

    Dahil abala sa kamamasid sa paligid, hindi namalayan ni Shiela na tapos na pala sa pakikipag-usap sa telepono ang lalaki at ngayo'y nakaharap na sa kanila. Hindi tuloy niya nakita ang biglang pagkunot ng noo nito at ang pagrehistro ng iritasyon sa mukha. Kung hindi pa siya kinalabit ng taga-HR ay hindi sana niya nalaman na handa na siyang interbyuhin ng CEO.

    Ay, sorry po, kaagad niyang nasabi sabay harap sa lalaki. Lalo siyang ninerbiyos nang makita kung gaano ito ka-guwapo at kakisig. Mayroon itong kakaibang dating. Marahil iyon ay dahil sa taas ng posisyong hinahawakan.

    O siya, pagbutihin mo ang interbyu, ha? Iiwan na kita rito, bulong sa kanya ng kasama.

    Matagal nang nakaalis ang HR personnel, pero hindi pa rin siya kinakausap ni Mr. San Diego. Nakasandal lang ito sa desk niya habang pinapasadahan ang kanyang resume. Ni hindi nga siya pinaupo. Sobra nang nangangalay ang mga binti niya dahil sa nahiram na de-takong na sapatos. Nangangatog na rin ito. Nag-aalala siyang baka bigla na lang siyang mag-collapse kung kaya kahit hindi pa sinasabihan, dahan-dahan na siyang umatras sa nag-iisang upuan sa gitna ng silid. Paglapat na paglapat ng puwet niya sa leather chair, dumagundong ang boses ng lalaki.

    Did I tell you to sit?

    Nagitla siya sa narinig. Tumayo siya agad. No’n naman nagliparan ang mga pahina ng kanyang resume at cover letter. Basta na lang itong hinagis ng lalaki bago umupo sa kanyang executive chair.

    Natakot sa nakita si Shiela. Nagdalawang-isip siya kung dadamputin ba niya ang mga hinagis nitong papel o hahayaan na lang. Napatingin siya sa nagkalat na papel sa sahig at sa lalaking responsable doon. Nang magtama ang kanilang paningin, nakita niya ang bagsik sa mga mata nito. Hindi man ito nagsasalita, alam niyang galit sa kanya. At alam na rin niya kung bakit.

    S-Sir, uhm--- the r-reason w-why ---, nauutal niyang wika. Hindi malaman kung paano magsisimula.

    Do you really think you can get away with this?

    Napayuko ang dalaga. Kung tutuusin, kasalanan naman niya talaga. Nang nagsumite siya ng application form online at tinanong siya bago niya ipasa kung na-satisfy niya ang dalawang basic requirements before applying, kinlik niya pareho ang boxes ng at least 45 years old at married.

    I - I just clicked on those boxes because - because I couldn't - couldn't get anywhere if I don't. But I've read the - the other -the other qualifications and I - I know - I know I am qualified for the position, nauutal niyang sagot.

    Yeah. Without those two, you cannot get anywhere, agaw ng lalaki. Alam mo naman pala, ba't pumunta ka pa dito at sinayang ang oras ko?

    Sir, nagbabakasali lang po ako kasi po ----

    Out! bulyaw sa kanya ng lalaki at tinuro pa nito ang pintuan. Hindi na siya pinatapos sa pagsasalita.

    Nagitla ang dalaga kaya hindi kaagad siya nakakilos. Parang hindi siya makapaniwala na babastusin siya nang ganoon. Pinilit niya ang sariling magpakatatag. Nangatwiran siya kahit na nanginginig na sa takot at kaba.

    S-sir, h-indi n'yo ba muna ako s-susubukan? H-hindi ba kayo naintriga kung bakit ko po ginawa ito? This simply shows I'm determined to get the job. Hindi po ba plus factor ang determinasyon at pagpupursige sa trabaho?

    Miss Mariano, much as I appreciate determination and perseverance, I give more value to honesty and integrity.The mere fact that you submitted wrong information about yourself just to get this interview speaks a lot about your character. I hate dishonest people. So before I call the guards to escort you out, go! Get out! at pinindot nito ang buzzer sa tabi. Mayamaya pa, lumitaw uli ang taga-HR at sinamahan na ang dalaga palabas.

    Gustong umiyak ni Shiela sa pagkapahiya, disappointment, at galit. Alam niyang hindi naman maganda ang ginawa niya pero rason ba iyon para tratuhin siyang parang basahan? It doesn't speak well of the man's character as well. CEO pa man ding naturingan. Wala siyang kasing bastos!

    Pasensya ka na kay Sir Magnus, malumanay na wika ng babae. May bad experience na kasi siya sa mga batam-batang sekretarya. Most of them fell hopelessly in love with him that they focused more on seducing him than on their actual job. Iyong isa pa nga nagtangkang magpakamatay nang tanggihan ni Sir Magnus. Kaya hindi mo masisisi ang tao.

    "Hindi porke nagkukumahog ang ibang babae sa kanya, lahat na lang ay ganoon na. Kung binigyan niya ako ng pagkakataon, hinding-hindi ko ga-

    gawin iyon. Hindi ko siya type! Tsaka mayroon na akong mga anak. Bakit pa ako papatol sa kanya? Nangangailangan lang po talaga ako ng trabaho."

    Napatingin sa kanya ang babae na parang hindi makapaniwala. Hindi niya alam kung saan ito mas nabigla. Sa sinabi niyang hindi siya attracted kay Mr. San Diego o sa sinabi niyang mayroon na siyang mga anak.

    That's right, Ma'am. Hindi ko po type ang amo mo, diin pa niya.

    You're the first to say that, nakangiting sagot ng ginang. Sabi mo may mga anak ka na. So you're truly married? Ilang taon ka na ba?

    I'm twenty five, pakli naman ng dalaga. Hindi na niya sinagot pa ang isang tanong nito. She was hoping na hindi na nito mapansin.

    Twenty five? I actually thought you were just twenty or twenty-one. You look a lot younger for your age even with ---, at minuwesta nito ang hitsura niya. Ilan na pala ang anak mo?

    Dalawa po. Twins po kasi sila. Magpo-four na po sila sa susunod na buwan. At kinder na sa susunod na pasukan, proud niyang sabi.

    Really? You're lucky. Twins agad. Identical ba o fraternal?

    Identical po. Lalaki.

    Ngumiti na sa kanya ang babae. Ngiting may halong awa.

    **********

    Tumakbo agad ang kambal para salubungin siya. Pinupog siya ng halik ng mga ito. Imbes na mainit ang ulo niya dahil walang nangyari sa lakad niya, natawa siya sa mga bata. Kahit papaano ay naibsan ang frustration niya.

    You didn't get the job, did you? tanong ng kaibigang si Naomi nang makitang malungkot siya. Ito ang pinabantay niya sa dalawang bata kanina.

    Umiling siya at binagsak ang dalang shoulder bag sa kupasin nilang

    sofa. Pasalampak siyang naupo roon at kinandong ang dalawang anak.

    Why don't you try to make peace with your parents? Kaysa naman nagtitiis kayo rito ng mga anak mo. Matagal na iyon, e. Malamang naka-move on na sila. Matatanggap ka na nilang muli.

    You don't know my father. Kasing tigas ng bakal ang puso no'n. Si Mamang siguro okay pa. Pero takot iyon kay Papang.

    Who knows? Kapag nakita nila ang dalawang cute na cute na ito, for sure magbabago ang isipan nila, at kinurot pa ni Naomi ang pisngi ng dalawang bulilit. Napasigaw ng aray ang dalawa.

    Hindi ganoon si Papang. Matigas ang puso no’n. Hangga't wala akong pini-prisentang tatay ng mga anak ko, hindi ako makakalapit sa amin. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit nawalan siya ng political career.

    Grabe naman iyang Papang mo. Sa iyo pa talaga sinisi ang lahat? Bakit hindi niya busisiin ang sarili? Sino ba namang politiko na may tamang pag-iisip ang magkalakas-loob na banggain ang mga San Diego na siyang number one benefactor ng mga politicians sa Benguet? Hindi niya kasi alam kung sino dapat ang panigan, e.

    Alam mo naman iyon. Basta sa ngalan ng prinsipyo, lahat ay gagawin.

    Well, hindi nga siya tatagal sa politika kung ganoon.

    Nagkibit-balikat na lang si Shiela. Ayaw na niyang pag-usapan pa ang papang niya. Isa pa iyon sa nagpapahirap sa kanyang kalooban.

    Ano na ngayon ang gagawin mo? Paano na kayo mabubuhay ng mga bata? Hanggang katapusan na lang ng buwan ang palugit sa inyo ng may-ari nitong apartment, nag-aalalang sabi ni Naomi. Kung pupuwede nga lang kayo sa amin, hindi ka na mamomroblema. Pero alam mo namang masikip na sa bahay dahil ang dalawa kong kapatid na may asawa ay hindi rin bumukod. Siksikan nga kami ro’n.

    Huwag kang mag-alala. I'll find a way, sagot niya sa mahinang tinig. Pilit pinapatatag ang sarili.

    Niyakap niya ang dalawang bulilit na noong mga panahong iyon ay abala sa paghati-hati ng pasalubong niyang donuts. Walang kamuwang-muwang sa bigat ng pinapasan niyang problema.

    CHAPTER TWO

    May kaba sa dibdib na pinagmasdan ni Sheila si Mrs. Legaspi habang kumakagat ng dala niyang cupcake. Kapag pumalpak na naman siya rito, sa kangkungan na talaga sila pupuluting mag-iina. Nakita niyang napapikit ang ginang. Mayamaya uli, kumagat na naman. Pero hindi pa rin nagsasalita. May kulang kaya sa timpla niya?

    Ang sarrraaap! Grabe! This is the best cupcake I have ever eaten! eksaheradang komento nito. Dinilaan pa ang frosting na dumikit sa kamay.

    Ang tensed na tensed na mukha ni Shiela ay biglang napangiti. Talaga po? excited pa niyang tanong.

    Oo naman. Pupwede mo ba akong gawan para sa birthday ng anak ko bukas? Kaya mo bang gumawa ng singkwenta agad-agad?

    Opo! Pupwede ko na pong gawin ngayon at idedeliver ko na rin bago po kayo umuwi mamayang hapon.

    Hinuli ng babae ang dalawa niyang kamay.

    Pasensya na talaga sa nangyari noong isang araw, ha? Naramdaman ko ang masidhi mong pangangailangan sa trabaho. Kung may maitutulong nga lang sana ako sa iyo, nagawa ko na. Kaso lang, policy na talaga ni Sir Magnus na huwag tumanggap ng batang sekretarya. Kaya kung napapansin mo, puro gurang na ang mga staff ng top executives namin.

    Wala po iyon. Naiintindihan ko po siya. Kahit hindi naman po sa isyu ng edad, palagay ko hindi pa rin ako nababagay sa ganoong posisyon. Kulang na kulang pa rin po ako sa karanasan. Desperada lang po akong makahanap ng trabaho kung kaya kahit ang ganoong trabaho ay inaplayan ko na.

    "Mabuti naman at hindi mo ininda iyon. Hayaan mo. Tutulungan na

    lang kita sa ibang paraan. O siya. Hindi na kita pipigilan dahil alam kong magbe-bake ka pa ng cupcakes ko."

    Maraming salamat po, Mrs. Legaspi.

    Sa sobrang kasiyahan, tinakbo na ni Sheila ang hagdan pababa. Muntik na tuloy niyang mabangga ang nakasalubong. Buti na lang nakailag ito.

    Ikaw na naman? What are you doing in my building? Didn't I make myself clear? You're not qualified for the job!

    Kung kahapon, medyo tiklop ang tuhod niya dahil nagbabakasakali siyang i-consider nito sa trabaho, this time wala na siyang pakialam sa iisipin nito. She held her head up high at buong tapang na hinarap ang lalaki.

    I didn't come here for the job.

    Tumaas ang kilay nito at tumingin sa pinanggalingan niyang palapag. Iisa lang ang nag-uupisina doon - ang Human Resources Department.

    Oh, so you went for other positions?

    Ngumisi ito at dahan-dahang pumanhik hanggang sa magkasing baitang na lang sila. Nilapit nito ang mukha sa mukha niya at mariing nagsabi ng, I assure you Miss Mariano, we have no available jobs for you here. Kahit makapasa ka pa sa HR, ako pa rin ang magdedesisyon kung matatanggap ka o hindi. At nililinaw ko na sa iyo ngayon pa lang na hinding-hindi ka papasa sa akin. Pagkasabi niyon, tumalikod na ito at umakyat ng hagdan.

    Dahil inakala mong pag tinanggap mo ako, madadagdagan ka lamang ng babaeng poproblemahin? Dahil iniisip mong, kagaya ng iba diyan ay magkukumahog din ako sa paghabol sa iyo? Para sabihin ko sa iyo, Mr. San Diego, kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, never akong magkakagusto sa iyo. Hindi ko type ang mga aroganteng katulad mo!

    Napalingon ito sa kanya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa at nag-smirk pa. Ganunpaman, parang hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan.

    Do you think I would bother to make you my problem if indeed that happens? Hindi iyan ang dahilan kung bakit hindi kita tinanggap at hinding-hindi tatanggapin. Dishonest people like you who would cheat to get to where they want to be have no place in my company, malamig nitong sagot.

    Natameme si Shiela.

    **********

    Wow! Parang naaamoy ko na ang pagdating ng suwerte sa buhay mo, sistah, excited na sabi ni Mona nang matapos siyang magkuwento tungkol sa napagkasunduan nila ni Mrs. Legaspi.

    Kaya nga dapat ay huwag ka munang umalis at tulungan mo muna ako sa pagbe-bake ng mga cupcakes na ito. Ayaw kong mapahiya kay Mrs. Legaspi. Ang bait-bait niya sa akin kung kaya gusto ko namang matuwa siya sa akin kahit papaano.

    Okay. Buti na lang tulog na ang dalawa. Naku, lagot sana kung gising ang mga iyon. Tiyak na aabutin tayo ng siyam-siyam bago makapagsimula.

    Kaya nga dapat na tayong mag-umpisa.

    Mayamaya pa nga, napuno na ng cupcakes ang maliit niyang kusina. Makaraan ang ilang oras ay nagawa na niya lahat ang orders ni Mrs. Legaspi.

    Oy, I can't stay na, ha? Kasi kailangan ko na ring umuwi sa amin bago dumating sa bahay ang asawa ko. Lagot ako kapag wala na naman akong nailutong hapunan pagdating no'n mamaya.

    Paano na ang mga bata? Akala ko mababantayan mo pa sila habang dini-deliver ko itong mga orders ni Mrs. Legaspi.

    Isama mo na. Magtaksi ka na lang para hindi hassle.

    Alam mo namang nagtitipid sana ako, di ba?

    Tawagan mo kaya si Naomi? suhestiyon ni Mona.

    Tinawagan nga niya ang isa pa nilang kaibigan. Pero cannot be reached ang number nito. Sinulyapan uli ni Shiela ang mga anak at napabuntong-hininga. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

    Sorry friend, ha? Kung gusto mo, sabay na tayong magtaksi papunta do'n sa upisina nila Mrs. Legaspi para may kahati ka sa pamasahe. Do'n na lang ako sasakay pauwi.

    Iyon na nga ang ginawa nila. Bago mag-alas singko ng hapon, nakarating na sila sa building ng mga San Diego sa Makati. Hinatid lang sila ni Mona hanggang sa entrance ng gusali at umalis na rin agad.

    Sino puntahan natin dito, Mama? tanong ng isang kambal, si Marius.

    May work ka na, Mama? Dito ka ba work? tanong naman ni Markus.

    Nalungkot si Shiela nang marinig ang tanong ni Markus. Nginitian lang niya ito at sinagot ng, May pupuntahan lang na friend ang Mama. Huwag makulit mamaya, ha?

    Basta may downut uli? halos sabay na sabi nilang dalawa.

    Oo naman.

    Pagdating sa HR Department, ibang empleyada ang humarap kay Shiela. May meeting daw si Mrs. Legaspi with the HR Head kaya pinaiwan na lang sa kanya ang dala niyang cupcakes. Inabot din ng babae sa kanya ang bayad.

    Anak n'yo po sila? Ang ku-cute nila! komento pa ng empleyada at kinausap pa ang dalawang bata. Bibong-bibo namang sumagot si Marius, pero nagtago naman sa likuran ni Shiela si Markus.

    Sige po. Mauuna na po kami. Pakisabi na lang po kay Mrs, Legaspi, maraming salamat. O, say bye-bye na kay Ate, baling niya sa dalawa.

    Si Marius lang ang nagpaalam nang maayos samantalang kumaway lang na parang nahihiya si Markus. Paglabas nila sa HR, humulagpos sa pagkakahawak niya ang dalawa at nauna nang tumakbo sa hagdan.

    Mag-e-elevator tayo, habol niya sana sa dalawa, pero nakatakbo na. Wala siyang nagawa kundi habulin na lang ang mga ito. Nang makita siya, binilisan pa nila ang pagtakbo na parang nagpapahabol. Nagtatawanan pa ang dalawang bulinggit. Bago dumating sa pinakahuling baitang ng third floor, nadapa si Markus at nagpalahaw ito.

    Kita n'yo na? Sabi ko huwag tumakbo! Ang kulit kasi!

    Nasa tabi na ni Markus si Marius at pinapatahan ito.

    What the hell was that? narinig niyang tanong ng pamilyar na boses. Mayamaya pa, lumitaw sa harapan niya ang lalaking pinakaayaw niyang makita. May kabuntot itong mama na medyo may edad na. Naka-Amerikana sila pareho. Sinabihan ng lalaki ang kasama na mauna na sa ground floor.

    Ikaw na naman? At nagdala ka pa ng mga bata rito? What do you think of my building? Amusement park? naiiritang tanong nito. Ni hindi na tiningnan ang nakatalungkong mga bata.

    May hinatid lang ako kay Mrs. Legaspi, medyo nahihiya niyang sagot. May rason naman kasi itong magalit. Pasensya na.

    Next time, iwan mo na lang ang kung anong gusto mong ihatid sa mga empleyado ko sa guwardiya sa ibaba. You don't need to do it yourself, matigas nitong sabi. No’n biglang pumagitna si Marius at matapang itong hinarap. Nakakuyom pa ang maliliit nitong kamao sa tagiliran.

    Bakit mo inaaway ang mama ko?

    Anak, ano ka ba! saway kaagad ni Shiela sa bulilit.

    Tumayo na rin si Markus nang mga oras na iyon at tinitigan din nang masama si Magnus. No'n lang napasulyap ang huli sa dalawang bata. Nakita ni Shiela na saglit itong natigilan. Napakunot pa ang kanyang noo. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mag-iina. Hindi siguro sukat-akalain na sasagutin siya ng isang batang paslit. Kahit na lihim na natuwa, nagkunwari siyang hindi magkandatuto sa pagsaway sa anak.

    Pasensya na po, sabi pa niya at hinila na ang dalawang bata paalis sa harapan ng lalaki. Pero hindi nagpahila ang dalawa. Tinitigan pa nila nang masama ang inaakalang kalaban. Kumakagat pa sa lower lip niya si Marius. Halatang galit. Nakigaya na rin si Markus.

    Marius, Markus! untag uli ni Shiela sa dalawa at hinila niya nang sapilitan ang mga ito. Sumunod naman sila, pero bumanat pa si Marius.

    Bad ka! sigaw niya at benelatan ang lalaki.

    Nakita ni Sheila na parang nagulat ito. Siguro natauhan sa mga sinabi.

    Ngayong wala na ito sa paningin nila, napangiti ang dalaga. Natawa siya sa inasal ng mga anak, pero pinagsabihan pa rin niya ang mga ito.

    Hindi ninyo dapat ginawa iyon. Bad iyon. Hindi dapat nambabastos ang mga bata sa matanda.

    Siya naman ang bad, e. Inaway ka. Di ba sabi mo ang boys ay di dapat manakit ng gurrs kahit sa salita? pangangatwiran naman ni Marius.

    Oo nga, Mama. Paglaki ko, susuntukin ko iyon, sang-ayon naman ni Markus. Sumuntuk-suntok pa sa hangin.

    Masama iyan. Hindi kayo dapat ganyan.

    Pagdating nilang tatlo sa ground floor, nadismaya si Shiela. Ang lakas ng ulan. Dahil wala silang dalang payong, hinintay pa nilang tumila ang ulan. Habang worried siya kung papaano sila makakauwi, abala naman ang kambal sa kakamasid sa dumadaang mga kotse sa harapan ng building.

    Akin iyong kulay pula, ha? narinig niyang sabi ni Marius sa kakambal. Huwag mong kunin.

    Okay. Iyong asul na lang ang akin, sagot naman ni Markus.

    Nang tingnan ni Shiela ang mga iyon, nakita niyang puro sports car ang pinag-uusapan ng mga anak. Napangiti siya. Ginulu-gulo niya ang buhok ng mga ito at hinagkan-hagkan pa sa ulo.

    Halos mga isang oras ang hinintay nila bago tumila ang ulan. May kaunting tubig na sa kalye kung kaya sa tuwing may dadaang sasakyan ay nagpapakalayu-layo sila sa tabi ng daan.

    Wow, ang ganda ng kotse! Tingnan mo Mama, o, at tinuro pa talaga ni Marius ang kulay itim na Bugatti Veyron Super Car. Namilog din ang mga mata ni Markus.

    Paglaki ko, bibili ako niyan, sabi pa ni Marius.

    Tumawa si Shiela. Pero ang tawa niya ay kaagad na naputol nang bumukas ang bintana sa driver's seat at nagtama ang paningin nila ng kinaiinisang lalaki - si Magnus San Diego.

    Iyong masungit na mama pala ang may-ari. Hindi ko na like ang car niya. Ampanget na! Si Marius uli.

    Ako rin. Ayaw ko na rin ng car niya, sang-ayon naman ni Markus.

    Hinila ni Shiela ang mga anak at lumayo sa gilid ng sasakyan, pero narinig niyang may bumusina. Mukhang kumaway pa ang kumag sa kanila.

    Natigil sa paglalakad ang dalaga at nilingon ito. Sila ba ang tinatawag?

    Yeah, kayo nga. Get in the car.

    Tama ba ang dinig niya? Pinapasakay sila sa kotse nito? Strange. Nag-atubili pa sana siya, pero pumatak na naman ang ulan. Noong una ay mahina lang ito, pero kaagad din itong lumakas kaya kanya-kanyang hanap ng masisilungan ang mga tao. Wala na nga siyang choice kundi sunggaban ang offer ni Magnus. Inaalala niya kasi ang dalawang bata.

    Dahil sa kamamadaling pumasok sa kotse, sa likuran sila naupong tatlo. Nagmistulang driver tuloy nila ang CEO ng San Diego group of companies.

    Mama, hindi rin pala siya bad, bulong ni Marius kay Shiela. Pero dahil bata, ang bulong niya ay malakas. Narinig siguro iyon ni Magnus dahil bigla na lang itong napatawa nang bahagya. Tumingin pa ito sa salamin sa harap para kausapin ang kambal.

    What's your name? tanong niya.

    Marius, medyo nahihiyang sagot ni Marius. Ito naman si Markus, at itinuro pa ang kakambal sa tabi.

    Nakita naman ni Shiela na tumangu-tango si Magnus. Mayamaya pa, nagtanong ito ng lagi niyang ikinatatakot na itanong sa kanila ng mga tao.

    Hindi ba kayo susunduin ng Daddy n'yo?

    Napatingin kay Shiela ang mga bata at parang nahihiya na sumagot ng, Wala kaming daddy.

    Parang gustong magtago ng dalaga sa ilalim ng upuan nang mga sandaling iyon. Halo-halo ang emosyon niya. Nahihiya siya kay Magnus sa kung ano man ang iisipin nito and at the same time naaawa siya sa mga anak.

    Oh, tanging nasabi lang ni Magnus at hinuli pa ang mga mata ni Shiela

    sa salamin. Umiwas naman ang babae. Tumingin siya sa labas ng bintana. Sorry about that, sabi pa ng lalaki. Kay Sheila pa rin tumitingin.

    Hindi na umimik ang kambal pagkatapos no'n. Hindi na rin nagsalita pa si Magnus. Pero nang makalayo-layo na sila sa building, nagtanong ito kung saan sila nakatira.

    Ibaba mo na lang kami diyan sa waiting shed. Diyan nalang kami mag-aabang ng dyip papunta sa amin, sagot naman ni Shiela.

    It's okay. Narito na rin lang, ihahatid ko na kayo.

    Nahihiya man, hindi na rin nakatanggi si Shiela. Pero nagtataka siya sa biglaang pag-iba ng pakikitungo sa kanya ng kumag.

    CHAPTER THREE

    Habang pinagmamasdan ni Shiela ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1