Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sweet Tomorrows
Sweet Tomorrows
Sweet Tomorrows
Ebook207 pages3 hours

Sweet Tomorrows

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Parang lahat ng tao sa paligid nina Mia at Isaac ay may masayang lovelife. Naisip nila na hindi naman siguro masama kung susubok uli sila. Baka naman palarin na sila sa pagkakataon na iyon katulad ng ilang malalapit na kaibigan.

Nabuo ang isang blind date adventure. May dadalhin si Mia na kaibigan sa isang date para makilala ni Isaac. Ganoon din ang gagawin ni Isaac. They figured it was a safe way of putting themselves out there. They had each other anuman ang mangyari sa mga date na iyon. 

Naisip nila na baka kasi hindi na uso ang paghihintay sa mga panahon na ito. Baka kailangan ng kaunting push. Baka kailangan ng kaunting paghahabol.

It had been a great adventure. Pero mababatid din ba nila sa adventure na iyon na sila talaga ang para sa isa't isa?

LanguageTagalog
PublisherEmma Belle
Release dateMay 6, 2023
ISBN9798223737254
Sweet Tomorrows

Read more from Emma Belle

Related to Sweet Tomorrows

Related ebooks

Reviews for Sweet Tomorrows

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

4 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sweet Tomorrows - Emma Belle

    Chapter One

    ABE WAS GETTING MARRIED. Hindi na siguro dapat na magulat si Mia. Parang doon naman talaga ang tungo nito. Hindi talaga niya masabi kung ano ang nadarama sa balita na iyon. Totoong masaya naman siya para sa dating nobyo. Medyo rin naiinggit siguro. Medyo dismayado.

    Nagpakawala ng buntong-hininga si Mia. Dismayado nga ba siya? Dahil hindi siya ang pakakasalan ni Abe? Ipinilig niya ang ulo. Matagal na siyang hindi umaasa. Matagal na niyang natanggap ang sitwasyon. Matagal na niyang alam na hindi sila uubra.

    Abe was someone who had always been special in Mia’s heart. Always would be. He was her first love. A part of her heart would always love and adore him. Pero hindi naman niya sinasabi na in love pa rin siya sa dating nobyo.

    Siguro naaalala niya na minsan sa kanyang buhay ay binuo niya sa kanyang imahinasyon ang isang magandang bukas na sila ang magkasama. May pagkakataon sa kanyang buhay na siguradong-sigurado siya na silang dalawa ang magkakatuluyan, ang tatandang magkasama.

    Siguro nga ay naiinggit lang siyang talaga at hindi niya sigurado kung bakit mahirap iyong aminin kahit man lang sa kanyang sarili. Hindi naman talaga mahalaga anuman ang iniisip o nararamdaman niya. Dapat ay maging masaya na lang siya para kay Abe. Hindi na dapat pinapalago ang ibang pakiramdam maliban sa kaligayahan.

    You look funny.

    Ha? Napatingin si Mia kay Isaac, ang naghatid sa kanya ng magandang balita tungkol sa nakatakdang pagpapakasal ni Abe.

    Kasalukuyan silang nasa coffee shop na malapit sa Haven, ang kanyang daycare. Dumaan si Isaac para silipin ang anak at nagkataon naman na break na niya. Niyaya siya ng kaibigan na lumabas at nagpaunlak naman siya. Mahal niya ang mga bata sa kanyang center. Masaya siyang makapiling ang mga ito. Pero may mga pagkakataon rin naman na kailangan niya ng break.

    Mapagkakatiwalaan ang lahat ng kanyang staff kaya naman kampante siyang umalis.

    Don’t tell me may feelings ka pa kay Abe, na umaasa kang magkakabalikan pa kayo at kayo talaga ang end game? Nagbibiro ang tinig ni Isaac pero mababakas sa mga mata nito ang pag-aalala, na para bang seryoso talaga nitong iniisip kung may posibilidad ba ang sinabi nito.

    Of course not, mabilis na tugon ni Mia, pero kailangan niyang isipin sa loob ng ilang sandali kung maaari nga ba. Nailing-iling siya bilang tugon sa tanong na iyon sa kanyang sarili. Nasiguro niyang hindi siya nagsisinungaling kahit na sa kanyang sarili lang.

    You really look funny, puna na naman ni Isaac.

    Napangiti si Mia. "I feel funny. O weird ba ang mas tamang description ng nararamdaman ko? Totoo na hindi na ako umaasa na magkakabalikan kami. There was a time, kailangan kong aminin. Pero I was over your brother long time ago na. Siya ang first love ko at alam mo naman ang madalas na sinasabi nila tungkol sa mga first love. Hindi kaagad nakakalimutan. Hindi basta-basta nawawala sa isipan. Palaging may espesyal na lugar sa puso ng bawat babae ang kanilang mga first love—kung hindi man maging complete disaster ang experience, that is. Halos tatlong taon din ang naging relasyon namin ng kapatid mo. May pagkakataon sa buhay ko at sana siya rin, na inisip ko na kami ang endgame. Ipinagdasal ko na sana kaming dalawa forever and ever. Naghiwalay kami sa unang taon ng kolehiyo. We saw that it was such a big world out there. Nakita namin na marami pa kaming hindi nakikita, maraming tao pa na makikilala. Magkaiba kami ng university na pinasukan. We realized we could explore. Napakaraming mga posibilidad. Naparaming mga dapat na gawin. Plano na dapat na gawin. Parang nagsisimula na talaga ang buhay para sa aming dalawa. Sa palagay ko ay matagal-tagal na naming gustong maghiwalay pero hindi namin alam kung paano. Hindi namin gustong saktan ang isa’t isa. It took months before we had a talk. Hindi planadong pag-uusap. Nagkita lang kami at nagkausap.

    Nag-break kami pero naging friendly. Nagpatuloy kami sa pagiging friendly. We had always been good. We’ve been with other people, and we had been happy for each other. When I had Luis, he visited me in the hospital, and he brought me flowers. He said he was happy for me. Kahit na alam niyang magiging single mother ako. Dahil alam niya na magiging single mother ako, paulit-ulit niyang sinabi na nakahanda siyang tumulong kapag nangailangan ako. Kahit na ano. Kahit na kailangan ko lang ng makakausap. Alam ko na maaasahan ko siya kahit na hindi ko talaga siya tinatawagan kapag may problema o kung may kailangan nga ako. Ikaw kasi ang madalas kong tawagan.

    Napangiti si Isaac. Nagkakilala sila ni Isaac dahil sa relasyon nila noon ni Abe. Nang ipakilala siya ni Abe sa pamilya nito ay hindi niya inakala na magiging malapit siya sa nakatatanda nitong kapatid. Hindi naman iyon kaagad na nangyari. Nakakatawa nga na naging mas magkaibigan silang talaga nang magkahiwalay sila ni Abe.

    Nanatili ring maganda ang relasyon ni Mia sa mga magulang ni Abe. May pagkakataon nga na hindi na maalalang dating nobya siya si Abe. Mas kilala siya ng pamilya ng mga ito bilang malapit na kaibigan ni Isaac.

    Pero nanatili siyang mabuting kaibigan sa akin kahit na hindi ako madalas tumawag, patuloy ni Mia. He’s always been so fond of me. He adored Luis. Nang malaman kong magiging tatay na siya, naging maligaya rin ako para sa kanya. Kinonsola ko ang mama mo dahil umiiyak niyang sinabi sa akin na dalawa na ang apo niya pero wala pa siyang manugang. I wished him the best dahil ayokong matulad siya sa ating dalawa. Gusto ko naman na maiba-iba ang sitwasyon niya. Masaya ako na naging maayos ang lahat sa pagitan nila ng ina ng kanyang anak. They managed to make things work and they decided to take a chance on each other again. This time it’s forever.

    Bumuntong-hininga si Mia at sinalubong niya ang mga mata ni Isaac. I look funny siguro dahil may mga pagkakataon sa nakaraan na naisip ko kung magkakabalikan pa kami, kung may tsansa pa kami together. We had a very good relationship, as you already know. We truly loved each other. Love at its purest form because we were each other’s first. Siguro rin parang gusto kong magtanong kung bakit hindi maibigay sa akin ang ibinigay sa kanya.

    Tumikwas ang isang kilay ni Isaac sa huling pangungusap ni Mia.

    Marahan na natawa si Mia. I like my life. Hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko at aaminin kong hindi tama ang ilang mga bagay na pinili ko. Pero wala akong papalitan kahit na magkaroon ako ng pagkakataon na balikan ang lahat at alam ko na kung saan ako hahantong, kahit na alam kong masasaktan ako along the way. Luis is my whole life, my happiness. Kahit na hindi maging madali ang buhay para sa akin, I’d still have him. But sometimes... you know...

    Tumango si Isaac at humigop ng kape. I know. Aaminin ko na rin na medyo naiinggit din talaga ako sa kapatid ko. Masaya siya at dahil doon ay masaya na rin ako para sa kanya. Masaya ako na hindi niya pagdadaanan ang ilang mga pinagdaanan ko sa buhay. Masaya ang mga magulang ko. Alam ko na hindi madali para sa kanila ang pagiging single dad ko. Hindi rin madali na nagkaanak si Abe nang hindi ikinakasal at for a while ay walang kasiguruhan ang mga mangyayari sa hinaharap. I am truly happy for him. Ayokong makaramdam ng anumang negatibo. I don’t want this to be about me. Pero may pakiramdam ako na parang mahirap bigyan ng pangalan, mahirap ipaliwanag sa iba. Medyo conflicting.

    Nakahinga nang maluwag si Mia sa mga narinig. Ikinasiya niyang malaman na hindi lang siya ang may ganoong pakiramdam. Naiingit at parang pinagkaitan, pero masaya pa rin para kay Abe.

    Muling tumango si Isaac. Exactly.

    Our life is just sad, iyan ang iniisip siguro ng ilang mga tao sa paligid natin. Mga tao na hindi talaga ganap na maunawaan ang sitwasyon nating dalawa.

    Sa pagkakataon na iyon ay umiling si Isaac. Not true. We are happy, Mia. Mahirap para sa iba na intindihin ang sitwasyon natin dahil from the outside ay mahirap talaga, dahil hindi conventional sa paningin nila, dahil ang sabi ng society ay you must be with someone to be truly happy. Idiots.

    Pareho silang natawa. Masuwerte si Mia na nakatagpo siya ng mga taong lubos na makakaintindi ng kanyang sitwasyon. Pinalibutan niya ang sarili ng mga kaibigang halos katulad niya ng sitwasyon. Single parents. Noong mas maliit pa si Juan Luis, marami siyang mga naririnig mula sa ibang mga tao, mga kaibigan at mga kamag-anak. May ilan na nakikisimpatya sa kanya. Naaawa.

    May ilan na mas naaawa sa kanyang mga magulang at naiinis sa kanya. Ayon sa mga ito, hindi nararapat ang ganoon sa kanyang mga magulang na walang ibang ginawa sa buhay kundi magtrabaho nang husto para maitayod silang magkakapatid. Pinag-aral siya sa magandang eskuwelahan, ibinigay ang lahat ng kanyang mga pangangailangan, pagkatapos ay iyon ang isusukli niya. Hindi raw sapat na lumandi siya, nagpabuntis pa siya.

    Nasaktan siya sa mga narinig mula sa mga ilang kamag-anak, pero naisip din niyang nararapat iyon sa kanya. Totoo rin naman ang mga salitang iyon. Gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang mga magulang, pero nagpakargo pa siya habang nagsisimula pa lang sa pagtatrabaho. Hindi nakatulong na hindi siya pinanagutan ng ama ng dinadala. Alam niya na hindi naging madali para sa mga magulang na tanggapin ang bagay na iyon.

    Hindi siya tinalikuran ng mga magulang. Hindi itinakwil. Hindi kinamuhian. Kinupkup siya ng mga ito at sinuportahan. Hindi inalintana ang sasabihin ng ibang mga tao. Minahal ng mga ito ang kanyang anak. Mas nahiya si Mia. Mas sumama ang loob.

    Aminado si Mia na marami siyang maling desisyon sa buhay. Naging tanga siya sa pag-ibig. Ibinigay niya ang lahat. Wala siyang itinira sa sarili. Hindi siya nag-ingat. Hindi niya pagsisisihan si Juan Luis, pero alam pa rin niya ang mga naging pagkakamali pagdating sa ama nito. Alam man niya ang maraming bagay, masakit pa ring marinig ang mga salita. Pakiramdam niya ay hindi siya maunawaan ng mga kaibigan niyang wala sa kaparehong sitwasyon kahit na ano ang gawin ng mga itong pag-intindi. Alam ng mga ito na mahirap maging isang single parent o disgrasyada—ang tawag ng ilang kamag-anak sa kanya, pero hindi talaga alam ng mga ito kung gaano kahirap. It wasn’t their fault. They were simply not in her position.

    Kaya naman iniwasan na lang ni Mia ang mga kaibigan at mga kamag-anak na pakiramdam niya ay hindi talaga siya nauunawaan, masyadong judgmental o masyadong naaawa sa kanya. Ilang taon ang lumipas bago niya nabatid na hindi naman kailangan na maunawaan siya nang husto ng lahat. Kanyang nabatid na may kanya-kanyang suliranin at pinagdadaanan ang bawat tao. Iba-iba ang sitwasyon kaya naman iba-iba rin ang takbo ng pag-iisip. Not every harsh word and judgment came from hate. Bumabase minsan sa karanasan ng isang tao, sa mga pinagdaanan nito.

    Sa klase ng trabaho niya, kailangang maging malawak ang kanyang isipan. Kailangan niyang palawakin ang mundo. Hindi man niya gaanong maintindihan ang ilang sitwasyon at desisyon ng ibang mga tao, kailangan niyang matuto na huwag kaagad mag-jump into conclusion. Hanggang sa kaya niya ay hindi siya dapat na manghusga dahil hindi talaga niya alam kung paano ang malagay sa sitwasyon ng iba. Kagaya ng kung paanong hindi alam ng ibang tao kung paano malagay sa sitwasyon niya.

    Mataman na pinagmasdan ni Mia si Isaac. Dati ay nakakasama lang niya sa mga family dinner ang binata. Hindi gaanong nakakausap pero kangitian at kabatian. He had just been Abe’s older brother before. Hanggang sa maging single parent silang dalawa. Naimbitahan si Mia sa isang okasyon ng pamilya nito at palagi na niyang nakakahiyaang tumanggi sa imbitasyon ng mga magulang ni Abe kaya palagi siyang nagpupunta. Nalaman niya ang pagkakaroon nito ng anak, si Paisley.

    They talked. Sa unang pagkakataon ay nagkaroon sila ng subject na pag-uusapan na hindi nakakailang. Dahil pareho sila ng sitwasyon, parang biglang madali nang unawain ang isa’t isa. Hindi na nakaka-intimidate lapitan si Isaac.

    Nagsimula ang matibay na pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Isa si Isaac sa mga una niyang kliyente sa Haven.

    Nakapagpasalamat na ba ako sa pagiging mabuting kaibigan mo sa akin? sabi ni Mia.

    Nagsalubong ang mga kilay ni Isaac pero nanatili ang ngiti sa mga labi nito. Parang bigla-bigla naman yata, Mia.

    Seryoso ako.

    Hindi mo kailangang magpasalamat. This friendship, it’s a give and take.

    Totoo iyon. He was there for her, and she made sure she would be there for him when he needed her. Sa loob ng ilang taon ay tinulungan nila ang isa’t isa sa pagiging single parent.

    It takes a village. Iyan ang madalas nilang marinig. Para sa mga single parent ay totoong-totoo iyon. Mia had a good village. Labis siyang nagpapasalamat dahil doon. Hindi siya iniwan ng pamilya niya. Hindi nagbago ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Minahal din nang buong puso ang kanyang anak. Ang mga ito lang ang mahalaga, hindi na mahalaga ang ibang kamag-anak. She had supportive and loving friends like Isaac. Maging ang kanyang Luis ay may nabuong tribe dahil sa mga anak ng ilang kaibigan.

    Abe is getting married, sabi ni Mia.

    Tumango si Isaac. My little brother is getting married.

    Aria is with Jon at alam ko na sa simbahan din ang hantong ng dalawang iyon. Matalik na kaibigan ni Mia si Aria. Halos sabay na silang lumaki dahil nangupahan ang pamilya nito sa kanilang compound maliliit pa lang sila. Tinulungan siya nito na maitatag ang Haven. Ipinautang nito sa kanya ang life savings nito kahit na walang kasiguruhan ang mga bagay-bagay para sa kanya noong mga panahon na iyon.

    Nahanap na ni Aria ang lalaking para rito. Si Jonathan, isa ring single parent katulad ni Mia. Kasundo ni Aria maging ang anak ni Jonathan na si Braelyn. Nakikita ng lahat ang pagmamahalan ng dalawa. Masayang-masaya si Mia para sa matalik na kaibigan. Hindi lang dahil sa malaki ang utang-na-loob niya kay Aria kundi dahil alam niya na nararapat para sa kaibigan ang lahat ng kaligayahan sa mundo. She had been alone and lonely for too long.

    Naging kaibigan na rin si Jonathan kay Mia kaya kampante siya na hindi masasaktan ang kanyang kaibigan. Jonathan was one of the best.

    Hermi is happy with Zoe, dagdag ni Isaac.

    Mas napangiti si Mia. Mas nadagdagan ang nadarama niyang kaligayahan. Ang tinutukoy ni Isaac ay isa pa nilang malapit na kaibigan at kapwa single parent. Namatay sa isang aksidente ang asawa ni Hermi. Namayapa si

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1