Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Pag-ibig Ko
Pag-ibig Ko
Pag-ibig Ko
Ebook227 pages3 hours

Pag-ibig Ko

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

        Nagtapos na ang Independence Week ko.

        Ang ako ngayon?

        Nagbalik work.

        Nag-focus sa sarili.

        Naging happy.

        Pero may mga twist talaga minsan ang life story natin…

        Nagbalik ang past ko.

        Nag-meet at ang present.

        Naging #confused Ate girl ako na naharap sa gasgas na 'may forever' pero piliin mo.

        Ang biggest question…

        Sino? Sino ang pipiliin ko?

        Ang past na nagtatama ng mga mali o ang present na kapit na kapit—kapit na kapit sa friendship?

        Siya kasi, friend lang ako. Ako naman, na-fall na.

        #friendzoned. How to escape po?

        #Pag-ibigKo

LanguageTagalog
PublisherVictoria Amor
Release dateJun 29, 2022
ISBN9798201561727
Pag-ibig Ko

Read more from Victoria Amor

Related to Pag-ibig Ko

Related ebooks

Reviews for Pag-ibig Ko

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

8 ratings3 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Kainis lang , napaiyak na naman ako.. Napaka light na story pero daming hugot at daming lessons na nale - learned isa na ang value ng family, love at patience sa mga taong mahal mo.. Congrats Ms. VA!?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Di nakakasawang basahin ng paulit-ulit ? keleg na keleg parin ako. Akin ka na lang Phillip ? Thank you po Ms VA ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    ??? Super ganda, as usual. Thank u Ms. VA . God bless!

Book preview

Pag-ibig Ko - Victoria Amor

THAT moment when you realized...

Hay.

Nasa triangle kami na hindi perfect.

Hindi perfect kasi—gusto niya ako, iba na ang gusto ko, friend lang ako ng guy na gusto ko. What to do po?

Ang mga `yan for sure ang lines ko noon—yeah, mga four years ago na nga ba? Yes, almost. Ang bilis lang talaga ng oras. And time changes everything. Sa family ko na lang at sa akin mismo. Ang dami nang nagbago. Ang twenty one years old Angeline noon?

Nag-iba na rin.

And this is who I am now—happy na!

How did I get here? Ah, ordinary story na may twist ang life story ko. Ang hirap paniwalaan pero ang mga sinabi ni Lola na manghuhula sa Limawayi community, nangyari talaga.

Unexpected. Sobra. Hindi ko rin naisip. Ang goal ko lang talaga sa unang step ko paalis sa seashore ng Puting Paraiso noon, balikan ang buhay na tinakasan ko muna nang one week. Face to face na kami ulit ng reality and then I’d fight every battle and win.

Mahirap?

Oo naman, alam ko at ready na ako. One week na maraming realization lang pala ang kailangan para mahanap ko ang sarili.

Each step away from the seashore, may bigat sa puso pero walang regrets. I chose that path. I’ve never been so sure about my decisions until that moment. Siguro kasi, mas nakilala ko na ang sarili ko. Mas malinaw na sa akin ang mga priorities ko. Alam ko na rin ang gusto ko—ang pinipili kong way sa continuation ng journey ko.

I did walk to the path I chose and I’ve been happy. 

Sabi ko kay self, don’t stop being happy. Choice naman talaga, eh. Laging dapat piliin na maging masaya.

Kung nasa book ang life story ko, I think, mas exciting ang ‘beginning’ part kung hindi ako sa first scene mag-start.

Sa climax?

Not sure, kaya share ko na lang. Sa part na ito talaga ako na-confuse.

Tara?

Bumalik tayo sa continuation ng journey ko...

LIGHT BLUE WATER NA ang calm, iyon ang tinititigan ko habang magka-text kami ni Ana May.

Where ka, Ate?

Pool.

POOL?!

Side ng pool.

Nagda-drive ka pauwi sabi ni Papa. Ano’ng ginagawa mo sa side ng pool?

Wala.

WALA?

Don’t know what to do, Bal.

#confused much?

Don’t know where to go rin. Saan ba kasi dapat?

Sa resto para sa second chance or sa condo para sa second goodbye. Ano’ng gusto mong marinig?

Wala.

Kaya ka nasa pool side?

Gusto ko ng view ng tubig. Feeling ko, nagiging calm ako, eh.

Saan ba ang gulo, Ate?

Hindi ko na rin alam.

Sinong mas gusto mong makita sa dalawa?

Wala

Wala talaga?

Happy na ako, eh. Happy na ako, Bal. Bakit ‘eto na naman? Okay naman na ako, ‘di ba? Masaya na tayo, ‘di ba? Ba’t kailangan may ganito ulit?

Question ‘yan na hindi masasagot ng almost half a million followers ko.

Why me?

Sus, nag-drama? Haba nga ng hair mo, eh. Ba’t ‘di kasi i-try ang second chance? Malay mo naman kayo pala talaga ang meant to be. Remember, Ate, ang sinabi ni Lola manghuhula!

Hindi ko ma-feel na tama, eh.

Hmn? First time mong inamin ‘yan, Ate Geline!

#confused

Mahal ka o mahal mo?

Hindi pa ako sure na umabot na ako sa last two words.

Deny pa more, Angeline Angeles!

Hindi pa nga.

Hindi? Hindi, kaya ‘pag nag-invite, kahit sa Mars pa, sumasama ka?

Hindi, ah! Free lang talaga ako no’ng mga times na nag-invite siya.

Kaya ba ‘pag emergency, siya ang naiisip mong tawagan?

Siya kasi ang malapit.

O ba’t ‘pag may sakit, rush ka na agad sa place niya?

May sakit ‘yong tao. Grabe ka. Mabilis magka-trangkaso ‘yon. Maulanan lang, nagkakasakit na. Alangan naman ignore ko lang, Bal. Mabait lang talaga ako!

O ‘yong mga chika ‘til dawn? Bakit ang dami mong oras sa kanya pero kay past, ang bilis lang?

Magkaiba sila, Ana May. Business naman ang topic namin hindi puso.

Mahal ka no’ng isa, mahal mo ‘yong isa?

Friend na lang niya ako—no’ng naging okay na siya.

Nakakatulala ang pag-ibig!

Iyak.

Pighati. Dusa. Haha!

Pasaway ka, Bal.

Close your eyes, Ate.

Tapos?

Kung kaninong face ang makita mo, siya ang puntahan mo!

Ayoko na ng second goodbye.

Try mo ang second chance!

Gagamitin mo na naman ako, eh.

Bet kasi ng followers ko ang love triangle n’yo.

Lakas talagang maka-fake ng editing ni Amart ‘no?

Obvious naman kasi na mahal ka pa ni past, Ate!

At ako?

‘Wag lang i-focus ang eyes, safe na.

Sad talaga ang eyes ko?

Walang glow—meron pala, ‘pag siya ang kasama mo.

Totoo?

PM ko photos na kuha ko. Pansinin mong eyes mo, ate. ‘Tapos, putulin mo na ‘yang pain mo—choose. Puntahan mo na.

Kaya ko ba ang second goodbye?

Resto o condo? Kung condo, handa mo na ang tissue.

Push ko na talaga today para matapos na?

Push.

Move on na tomorrow?

Like four years ago, Ate?

Nagawa ko naman, ah.

Magagawa mo pa rin. Sure ‘yan pero...

Pero ano?

What if i-kiss ka ulit?

Take two ng dati?

What if...

What if?

This time, ‘di na siya mag-let go?

Two years na akong umaasa, ‘di ba?

Chapter One

(UNANG HAKBANG: ANG BAGONG SIMULA)

GOODBYES. AH, ‘DI KO talaga gusto ‘yan. Sa bahay, sa tabi ng kotse, sa airport o kung saan man ang scene, hindi ko gusto.

Sad, painful, hard—mga pakiramdam na sa puso lahat ang tama. Pero sabi nga nila, life is a journey, ‘di ba? Kaya along the way, may mga tao tayong nami-meet na may kanya-kanyang role sa buhay natin. Sila ‘yong mga dumarating para maging kaibigan; para magturo ng lesson or para magtama ng mga mali.

May mga dumarating lang din para saktan tayo, para i-challenge ang smooth na journey, para mahalin tayo or mahalin natin. Ang mga taong ito, dumarating at umaalis din sa buhay natin. Nag-stay lang sila hanggang sa kung saan lang ang role nila sa buhay natin.

And when that role ends, we would find ourselves saying...

GOODBYE.

Sa Puting Paraiso sa Corazon ang memorable goodbye scene na alam kong magiging part na ng buhay ko.

Ang beach, si Phillip, ang sunrise, ang kiss, ang last seconds na tumingin kami sa mga mata ng isa’t isa, ang last smile at ang sabay naming pagtalikod at paghakbang palayo—tanda ko lahat ang bawat segundo nang umagang iyon.

Isang umaga na nagtapos na.

At gaya ng mga oras na nagdaan na at hindi na maibabalik pa, hindi na sa beach ang start ng continuation ng journey ko.

Sa scene na after ng special moment na iyon.

Yes, magkukuwento pa rin ako...

FOUR YEARS AGO...

Colorful flowers. Buhay na buhay ang mga kulay. Ang gandang tititigan na parang hinahampas talaga ng hangin para mapanood niya ang paggalaw; ang pagsasayaw ng iba’t ibang mga kulay. At ang tama ng bumababang araw, may dagdag effect pa.

Ang gandang view.

Ang view na unti-unti rin na lumabo sa mga mata ni Angeline.

You came at the right time in my life... I’ll never forget how you brought the sun to shine in my life...

Ang mga makulay na bulaklak, napalitan ng mga ilaw. Ang lugar na sinisinagan ng pababang araw, naging madilim. Ang mag-ina at cute na aso na naglalaro malapit sa mga bulaklak, napalitan ng lalaking kumakanta na tinututukan ng spotlight.

Pumikit siya.

Mas naging buhay ang boses sa isip ni Angeline. Marami man ang kantang maririnig niya sa mga susunod na araw, sigurado siya na paulit-ulit na magre-replay ang particular na boses na iyon sa isip niya. At hindi mapipigilan ng kahit ano ang laging pagbabalik ng malinaw na mukha ng lalaki sa kanyang isip.

Princess? This song’s for you...

Napa-exhale na lang si Angeline. One week lang pero parang ang haba. Posible pala na maging puno ng happy memories ang isang araw lang. Isang araw na parang isang buwan ang impact sa puso niya...

Princess?

Kauuwi mo lang?

Mga fifteen minutes pa lang. Naghihintay ka ng shooting star?

Kanina. Kaka-give up ko lang actually.

Why?

Dawn na, eh. Okay lang umasa pero dapat alam din ng tao kung kailan susuko.

Back to hugot tayo?

Gulay ka ba?

Buhay na buhay ang tunog ng mga tawa sa isip niya...

Nagpunta ka sa Muzzica?

Kami ni Precious.

Ano’ng oras?

Mga ten PM.

Ang linaw ng view ng crescent moon at mga bituin...

Ang dami mo palang fans. Deserve naman. Ang galing mo...

Tanda niya pa rin pati ang katahimikan...

Sa Puting Paraiso tayo ng sunrise bukas. Last day na natin.

‘Hatid kita?

‘Wag na. Sa last place natin iiwan lahat, ‘di ba?

Tanda niya maging ang haba ng katahimikan... 

Tulog na tayo, Prince. ‘Di tayo puwede ma-late sa sunrise—

Don’t go...

Ang warmth galing sa kamay ni Phillip, ramdam pa niya...

A-Ano’ng gagawin natin dito? Dawn na, Prince...

Maghihintay.

Maghihintay? Ng ano? Shooting star?

Yeah.

Seryoso?

Katahimikan.

Warmth ng yakap...

Forehead kiss...

Gising ‘uy!

Parang nalaglag ang puso ni Angeline sa gulat. Agad na haplos sa dibdib ang ginawa niya. Tawa na ni Precious ang narinig ng dalaga. Saka lang niya na-realize na nasa isa sa mga bench siya sa public park ng Victoria. Si Precious, naupo na sa tabi niya.

Iniwan si Angeline ni Precious sa bench na iyon. Ilang minuto lang naman, para ma-interview nito ang mga kasabayan nila sa lugar. Parte pa rin daw ng research ang pakikipag-usap ni Precious sa mga tao. Sa nobela pa rin gagamitin.

Ang isip mo, nasa Mars! malakas na sabi ni Precious, sinadya talagang gulatin siya.

Sa srescent moon at stars lang, si Angeline sa pilit pinagaang tono. Okay na? Balik na tayo sa room mo?

Sumama lang siya sa labas kay Precious para hindi na mag-isip nang mag-isip. Pagkaalis sa beach, dumaan na lang siya sa guesthouse para magpaalam kay Lolo Dolf. Nakahanda na rin ang mga gamit niya kaya bibitbitin na lang.

Pagdating sa Victoria, nag-meet sila ni Precious. Balak talaga ni Angeline na sumama sa lahat ng lakad ng writer. Sa nararamdaman niya kasi, palagay niya ay hindi makakatulong ang mag-isa sa tahimik na tahimik na paligid. Kailangan niya ng distraction. Parang nilulusob kasi siya ng mga alaala—at sabay na sabay pa. Dapat maging busy ang utak niya sa ibang bagay.

Akala ni Angeline, madali lang na ilipat ang focus—mali siya. Ang bilis bilis na parang nag-change setting ang lahat ng bagay na tinitingnan niya.

At sa isang lugar at character laging nagbabalik.

Okay na, sabi ni Precious. Game ka nang umuwi? Wala na talagang lingon sa place na iniwan? Parang may meaning ang tingin nito sa kanya.

Wala na dapat, sabi ni Angeline at napa-exhale. Pero ang hirap pala?

Sa first day lang ‘yan, si Precious uli. Gusto mong i-share sa akin ang story mo?

No! sabi ko agad at natawa. Baka isulat mo, ma-expose sa madla!

Tumawa lang din si Precious.

Saang category mo ililista ang story ko? si Angeline kay Precious. May hula na siya pero gusto pa rin niyang ma-confirm.

Ano’ng premise? balik ni Precious.

Nag-meet, nag-enjoy, naka-ipon ng happy memories, nagpaalam, nag-iwanan.

Walang forever.

Exhale ulit ang ginawa ni Angeline. Kung hindi niya agad napigilan, marami na namang parang mga picture na nasa lupa lang ang umaahon na lang at nagkakaroon ng buhay. Sa isip niya, nagiging malinaw na ang scene. Buhay at gumagalaw na ang mga characters.

At one point, na-tempt akong i-change sa comma ang period.

Bakit hindi mo ginawa?

Nakakatakot, eh.

Ang multo ng asawa o ang feelings mo?

Feelings ko.

`Tingin mo, tama na tuldok na lang talaga?

Tama.

Pareho ba kayo ng view?

‘Di ko sure. Ang sure ako, needy siya...at broken.

Hindi mo naisip na mas dapat kang mag-stay?

Hindi ko sure kung sapat ang meron ako para mahugot siya. Baka ako lang ang mahila niya at pareho kaming malunod.

Nagwo-worry ka sa kanya?

Ang hirap pigilan.

Ano’ng next after this day?

Mission: Choose Happiness.

Good luck.

Ikaw?

Mission: Choose To Be Manhid.

Ano’ng premise ng story mo? balik ni Angeline sa writer. Ang bilis mong mag-share ng stories ng ibang tao last time, ang story mo, wala sa list.

Walang maganda.

Story pa rin naman ‘yan. Premise?

Na-fall, umasa, nagpapakagaga.

Ano’ng title?

Sobrang halata ang naging pag-exhale ni Precious. Road To Unhappiness.

ATE!

Beso sa magkabilang pisngi at sobrang higpit na yakap ang salubong ni Ana May kay Angeline. Sabi ko nga, eh. Overseas talaga ang one week vacation ko. Overseas! Overseas—Bal! at nauwi sa tawa nang inulit na naman ng kapatid ang pag-beso. Hindi pa na-kontento, hinawakan ang mukha niya para titigan.

Lips, ayos lang, at bumaba sa leeg niya ang titig. Walang kiss mark—ouch! hinampas ni Angeline ang lukaret na kapatid.

Hindi kami nag-sex, hoy! Dumi ng utak mo talaga!

Ano lang ang ginawa n’yo?

Wala! binitbit niya uli ang duffel bag para itabi, kasunod ang pagbagsak ng sarili sa upuan. Agad agad siyang naglatag ng mga binti sa sofa.

Wala? Wala?

Wala kang malalaman! sabay ngisi sa tsismosang teenager. Balik ka na sa room mo. Matutulog na rin ako agad—

May promise kang kuwento, Ate!

Sinundan na lang ng tingin ni Angeline si Ana May. Pagkapasok nito sa kuwarto, sa bahay naman umikot ang tingin niya—ang mga pamilyar nang spaces at corners, ang wall, ang ceiling, ang furnitures at fixtures, ang mga indoor plants, ang mga paboritong painting ni Lola Yeng...

Ah, home. Nakabalik na ako talaga...

Pumikit siya at nag-exhale. Ang dilim sa isip ni Angeline, napalitan na naman ng liwanag. Nakita na niya ang sarili sa beach, nakangiting tumatakbo na open arms, playful niyang sinasalubong ang hangin—bigla siyang hinuli ni Prince—

Ni Phillip.

Ang linaw ng tunog ng mga boses sa isip ni Angeline—masayang tawanan. Seconds later, dalawa na silang nasa beach, naghahabulan na parang mga bata...

At nahuli siya ni Phillip.

Sunrise, nakaupo sila sa seashore. Naka-back hug sa kanya si Phillip. Pinapanood nila ang perfect view ng sunrise...

Sa Kiltepan Peak o dito, ang ganda talaga ng sunrise, ‘no?

Parang ikaw.

Humirit talaga ng bola sa last day? Gulay ka ba?

Hindi. Gabi ako.

Bakit?

Kasi ikaw ang araw.

Naks! Puwede. Puwede na!

Ilang minutes ka pa puwede mag-stay?

Mga thirty minutes pa.

Thirty minutes? Dito ka...

At naramdaman niya ang warmth ng yakap.

Bakit feeling ko magna-nap ka?

Shhh. Twenty minutes lang.

Hindi nga?

Mga one hour lang akong nakatulog sa rooftop.

Ano lang ang ginawa mo?

Naghintay ng shooting star.

May dumaan?

None, but it was okay. I held the sun in my arms.

Ate Geline!

Napapitlag si Angeline, naputol ang scene sa isip. Hinanap ng mga mata niya si Ana May. Nakaangat ang kilay ng kapatid nang magtama ang mga mata nila. O, ano?

Pasalubong ko? si Ana May at ngumisi. Please, ‘wag keychain!

Ang lapad ng ngiti ni Angeline. Alam mo agad eh, ‘no?

Hashtag poorita probs!

Lakas manlait nito, inirapan niya ang pasaway na kapatid. It’s the thought that counts, grabe ka! ‘Buti nga may keychain pa, eh. Pero may something akong sure na gusto mo!

Ano? ‘Asan? Akin na!

Atat? ‘Di makapaghintay?

Dali na!

Hinanap ni Angeline sa bag ang wooden accessory

Enjoying the preview?
Page 1 of 1