Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Tukso sa Puso
Tukso sa Puso
Tukso sa Puso
Ebook80 pages46 minutes

Tukso sa Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Si Allegra ay isang dalagang nag-iisa lang sa buhay. Tinanggap niya ang alok na kasal ng isang lalaking may edad na. Inakala niyang makukuntento na siya sa isang pagsasamang ibubuklod ng paggalang sa isa’t isa.

Duda sa motibo ni Allegra si Lee, ang binatang anak ng mapapangasawa niya. At desididong sirain ang karakter niya para hindi matuloy ang kasal...

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9780463038260
Tukso sa Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Tukso sa Puso

Related ebooks

Reviews for Tukso sa Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Tukso sa Puso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Malayo pa lang si Lee, natatanaw na niya ang nagliliwanag na bakuran at kabahayan ng Fontavista Residence.

    Inihinto muna niya ang minamanehong 'big bike' upang mabistahan muna ang paligid ng matandang bahay, kungsaan siya isinilang. Doon siya nagkaisip at nagbinata.

    Doon din naganap ang mga mainit na pagtatalo sa pagitan nilang mag-ama...

    Lumayas siya sa poder ni Luis Fontavista nung disisiyete pa lang. Ngayon ay mahigit treinta na siya. Mahigit sampung taon na pala silang hindi nagkikita ng kanyang Papa.

    Napailing si Lee. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Papa ngayong umuwi ka na, prodigal son? tanong niya sa sarili. Matutuwa kaya o magagalit?

    Bahagyang kumibit ang isang balikat. Nakatago ang matipunong katawan niya sa ilalim ng itim na leather jacket. Nakakubli rin ang ulo at mukha niya sa suot na black helmet.

    Hindi na mahalaga kung anuman ang reception na tanggapin niya. Wala naman siyang balak magtagal.

    Kahapon, dumating ang buong crew at cast ng bagong pelikulang idinidirehe niya sa isang kilalang historical site na karatig lang ng San Joaquin, ang bayang pinagmulan ni Lee.

    Napakalapit lang niya sa lugar na kinalakhan, kaya di-katakatakang may makakilala agad sa kanya.

    Aba, si Lee 'to, a? bulalas ng babaeng taga-silbi sa fastfood restaurant na pinasukan kaninang tanghali para mag-lunch. Lee Fontavista? Ikaw nga ba 'yan? paniniguro pa nito. Walang kakurap-kurap ang pagtitig sa kanya.

    Oo, tugon naman niya habang maliksing kinikilala ang kaharap. Uh, Ester? panghuhula niya.

    Tuwang-tuwang tumango si Ester. Oo, ako nga. Matandain ka pa rin! papuri nito bago ang entusiyastikong pagbabalita. Kumusta? 'Yung kaklase nating si Isko ang nakatuluyan ko. Tatlo na nga ang anak namin, e. Ikaw ba? May asawa ka na ba?

    Umiling si Lee.

    Ha? Aba'y, di mauunahan ka pa pala ng iyong Papa? kumento nito.

    Nagulat siya sa narinig. Ngunit hindi na niya kinailangang magtanong para makakuha ng sagot.

    Tiyak na magiging masaya lalo ang okasyon sa inyo--ngayong umuwi ka na, patuloy ni Ester. Wala nang mahihiling pa si Mr. Luis. Mayroon na naman siyang isang buong pamilya. May asawa't anak na naman siya, dugtong pa.

    Pilit na ikinubli ni Lee ang matinding pagkabigla sa balitang nasagap.

    Mag-aasawa na pala uli ang kanyang Papa! Bakit hindi man lang siya pinasabihan?

    O di kaya'y tinawagan? Ilang ulit na rin siyang nakatanggap ng phone messages mula sa ama kapag may nais itong iparating sa kanya.

    Katulad nung ipinaalam sa kanya ang tungkol sa maturity ng trust fund na ipinamana ng nasirang Lolo Lyndon Fontavista. At ang panaka-nakang pangangailangan sa pirma niya bilang isa sa mga shareholders ng Vista Fontana Company.

    Bakit hindi siya nakatanggap ng wedding invitation? Hindi naman siya naging napakasamang anak upang kaligtaang ilagay sa listahan ng mga bisita.

    Maliban na lang kung may nais itago ang kanyang Papa...

    Iyon ang dahilan kaya napadali ang iskedyul ng pagdalaw niya sa magulang ngayong gabi.

    At mabuti na lang pala, nagmadali siya. Tila natiyempuhan niya ang isang pagtitipon na may kinalaman sa nalalapit na pag-aasawa ng ama.

    Idinaraos marahil ang engagement party ni Luis Fontavista at ng nobya nito.

    Muli niyang pinaandar ang luxury motorbike. 'Sino kaya ang mapalad na babae?' tanong niya sa sarili habang umaarangkada patungo sa tarangkahang nasa likod-bahay.

    Pinili niyang doon magdaan dahil napakaraming mga sasakyan na nakaparada sa gawing harapan at tagiliran.

    Hindi naman siya nahirapan sa pagpasok. Bukas ang rear gate dahil nagsilbing service entrance para sa mga caterers.

    Namataan niya ang isang pandak na lalaking abala sa pagluluto ng malalaking sliced pork chop sa nagbabagang uling. Pamilyar ito kaya lumapit siya.

    Mang Gorio?

    Luminga ang tinawag. Agad ang katuwaan nito nang makita siya. Sir Lee! bulalas nito. Litaw ang malalaking ngipin sa sobrang luwang ng ngiti. Hindi namin alam na darating ka ngayon. Sinorpresa siguro kami ni Mr. Luis, dagdag nito.

    Ngumiti si Lee. Kinamayan ang kaharap at tinapik sa balikat. Hindi alam ni Papa na darating ako ngayon, pahayag niya. Gusto ko sanang sorpresahin siya.

    Gan'on ba? Kuu, matutuwa 'yon. Maligayang-maligaya siya mula nang makilala ang magiging madrasta mo, e, tugon ng kausap. Hamo't hindi ko ipapaalam sa iba. Ako na lang at si Manang Vita ang natitirang antigo dito. Sasabihan ko na lang siya para kungsakaling makita ka'y hindi siya magugulat.

    Maraming salamat. Buweno, iiwan ko muna kayo. Saka na lang tayo magbalitaan nang mahaba-haba.

    Teka't kumain ka pala muna, pigil ng may edad na katiwalang lalaki.

    Mamaya na rin lang, tutol niya. Saan pala sila naroroon?

    Sa ballroom.

    Salamat uli, Mang Gorio. Tutuloy na muna ako sa aking kuwarto. Iniangat niya ang bitbit na itim na knapsack, kungsaan nakalagay ang ilang pirasong damit. Kailangan kong magpalit. Hindi matutuwa si Papa kung dadalo ako sa ganitong ayos.

    Pasusundan na lang pala kita ng pagkain at maiinom sa silid mo, suhestiyon nito. Para habang naliligo't nagbibihis ka'y nakakain ka na rin.

    Bahala kayo. Muli

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1