Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kagustuhan ng Puso
Kagustuhan ng Puso
Kagustuhan ng Puso
Ebook86 pages57 minutes

Kagustuhan ng Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Kinasusuklaman ni Andrea ang lalaking nakipagrelasyon sa kanyang kapatid at pagkatapos ay iiwanan lang pala. Pero nang magtagpo ang kanilang mga landas, isang malakas na atraksiyon ang naramdaman niya para kay Julio.

Paano ba kinokontrol ang sariling gustong kumawala sa katwiran ng isipan? Kaya pa bang pigilan ang isang bagay na itinakda nang maganap? Ang masaktan siya...?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9780463782255
Kagustuhan ng Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Kagustuhan ng Puso

Related ebooks

Reviews for Kagustuhan ng Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kagustuhan ng Puso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Masigabong palakpakan ang naghudyat sa pagtatapos ng palabas sa malaking stage ng isang five-star hotel and restaurant sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

    Sabay-sabay na nagsiyukod ang mga dancers na nakasuot ng makukulay na feather headdress at tig-ka-kaunting costumes, bago tumalikod at nahati habang pumapasok sa magkabilang pinto patungo sa backstage.

    Nagkakaingay ang mga kasamahan ni Andrea. Tawanan. Kuwentuhan. Excited ang mga ito dahil bukod sa limang dance number na gagawin, arkilado rin ang grupo nila para mag-estima sa mga mayayaman at makapangyarihang mga negosyante na katatapos lamang dumalo sa national convention for businessmen.

    Sana, makita ko si Don Facundo, ani Menchie. Magkatabi sila ng locker at dressing table. Malaking magbigay ng tip 'yon, e.

    Andrea gave her a vague smile. Lumilipad na ang utak niya papunta sa apartment na inuupahan. Naiwan doon ang kapatid niyang beinte anyos at ang pamangkin niyang tatlong buwang gulang.

    Third year college na sa kursong komersiyo din si Anne, ngunit napilitang huminto nung magbuntis. Ga-graduate na sana ito ngayong March kung hindi nanganak sa isang sanggol na lalaki.

    Magkahalong panghihinayang at pagkatuwa ang nadarama niya magmula nung malaman ang kalagayan ng bunsong kapatid. Itinuturing niya kasing isang biyaya ang pagdating ng munting anghel sa buhay nila.

    Dalawa lang silang magkapatid at ulila na sa mga magulang kaya malungkot ang panahong nagdaan. Tumanggap sila ng isang napakagandang regalo nung Pasko. Nahigitan pa ang college diploma na halos pitong taon niyang pinaghirapan bago natanggap, may pitong taon na ang nakakaraan.

    Ngunit ang kanyang katuwaan ay unti-unti nang nahahaluan ng matinding pag-aalala at pangamba. Masyadong malaki ang responsibilidad na nakataang sa mga balikat niya. Natatakot siyang baka hindi niya magampanan ng maayos ang mga bagong obligasyon...

    Huy! Bakit hindi mo naman ako pinapakinggan? pang-uusig ni Menchie sa kanya, sabay siko nito sa tagiliran niya. Hindi ba't magpapabinyag kayo sa isang buwan? Kailangan mo ng malaki-laking datung. Sumama ka na lang sa akin. Palaging maraming kasama si Don Facundo. Tiyak na may makakatipo sa 'yo, pag-aaya pa nito.

    She forced herself to pay more attention to her co-dancer and closest friend. Kahit na magkaiba sila ng paniniwala sa maraming bagay sa buhay, naging matalik na magkaibigan pa rin sila.

    Nagkakilala sila nung first year college pero nagkahiwalay nung huminto ito sa pag-aaral bilang pagrerebelde matapos maghiwalay ang mga magulang. Gayunpaman, nanatili ang komunikasyon nila dahil muli silang nagkasama nang matanggap siya bilang isa sa cultural dancer group na binuo ng isang entertainment agency.

    Tama ka, Menchie, Andrea agreed with a small sigh. Kaya lang, alam mo namang hindi ko forte ang makipaglambutsingan sa mga kliyente, hindi ba?

    Sus! Bobolahin mo lang ng bobolahin. Huwag kang magpapahipo. Hanggang tingin lang ang puwede nilang gawin, pangungumbinsi pa nito. Nasa sa 'yo kung gusto mong sumama sa kanya pagkatapos ng trabaho.

    Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng pagkatukso si Andrea. Araw-araw naman kasi ay lumalaki ang gastos nila. Malalaking lata ng gatas at sangkatutak na diapers ang kinukunsumo ng isang maliit na tao sa loob ng isang buwan. Bukod pa sa monthly check-ups at multivitamins at vaccinations.

    Hindi siya nagpapahalata kay Anne, pero nasasakal na siya sa sobrang taas ng mga bilihin. Kailangan na niyang magdagdag ng kita. Mag-aaral pa si Anne...

    S-sige na nga, she said before she could change her mind. Paki-guide mo na lang ako, she added shyly.

    Pumalakpak si Menchie. Sure! anito. 'Wag kang mag-alala, hindi kita pababayaang mapunta sa maniac.

    Napalunok si Andrea pero hindi naman siya gaanong nababahala. Kumuha siya ng karate nung bata pa siya at buhay pa ang mga magulang nila. Hindi niya pinabayaan ang pag-e-ensayo kaya hanggang ngayon ay may nalalaman pa siya sa self-defense.

    It was also her secret in keeping her slim body fit and supple. Kaya nga madali siyang nakapasa sa audition noon. Magaan at malambot ang pagdadala niya sa kanyang katawan. She had a natural grace.

    Mayroon din siyang likas na lakas at tapang ng loob. Siguro naman, tama lang na gumawa na siya ng paraan para hindi mai-sakripisyo ang kinabukasan ng mga mahal niya sa buhay.

    Salamat, Menchie. Tumindig siya para kumuha ng bestidang ipapatong sa costume. Ginaya niya ang kaibigan nang magbawas ito ng make-up.

    Mamaya pa ang finale number natin. May three hours pa tayo. 'Lika na. Halos hilahin na siya ni Menchie sa paglabas. Nag-aalala marahil na baka magbago pa ang isip niya.

    Akay-akay pa rin siya ng kaibigan hanggang sa makarating sa mga lamesa ng audience na nakakalat sa palibot ng harapan ng stage.

    Nagpalinga-linga muna ito sa isang tabi. Kapagkuwa'y kinalabit ang isang waiter na nagdaraan.

    Bosing, 'andito ba si Don Facundo Dela Cuesta?

    Tumango agad ang tinanong. Nandoon ang table nila, miss.

    O, sige, salamat, ha? Nagbigay ng matamis na ngiti at isang pilyang flying kiss si Menchie bilang kabayaran sa napatulalang tagasilbi bago nito hinila uli si Andrea patungo sa tamang direksiyon.

    Natagpuan ni Menchie ang hinahanap sa isang sulok. Tila may masinsinang pinag-uusapan ang dalawang lalaki ngunit hindi ito nag-atubili. Malaki ang kumpiyansa na hindi magagalit ang tinutukoy na suki.

    Don Facundo! Ang masiglang bati ni Menchie sa lalaking mayroon ng mga puting buhok.

    Tumindig ang tinawag. Litaw ang mapuputing ngipin nito sa pagngiti. Menchie, my dear! Bumuka pa ang mga braso nito upang salubungin ng yapos ang kaibigan niya. Mabuti't may kasama ka. Alam kong hahanapin mo ako, ho! ho! ho!

    Pinanood ni Andrea ang magalang na paghalik ng matandang lalaki sa isang pisngi ni Menchie.

    Maginoo si Don Facundo Del Cuesta. This was her first impression of the old man. Pero ibang istorya ang kasama nito, who would be her partner.

    The said man was scrawling a few notes in his black little book. Buhos na buhos ang konsentrasyon. Para bang ang ginagawa lang ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1