Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Nagpanggap na Puso
Nagpanggap na Puso
Nagpanggap na Puso
Ebook80 pages56 minutes

Nagpanggap na Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Isang heredera si Alison na sobra-sobra ang yaman para sa kapakanan niya bilang dalaga. Ang mga lalaki ay naaakit sa kanyang salapi.

Hanggang sa magpanggap siyang ordinaryong babae at magkatagpo sila si Armando, isang binatang magsasaka at mahirap lang. Umibig sa kanya nang buong puso. Ipagtapat na kaya ni Alison ang tutoo?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463607633
Nagpanggap na Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Nagpanggap na Puso

Related ebooks

Reviews for Nagpanggap na Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Nagpanggap na Puso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    MASAYA ang ngiti ni Alison. Magaan ang mga paa niya sa pagpanaog sa hagdanang marmol na mistulang abanikong nakabuka ang hugis.

    Espesyal ang gabing iyon, kaya naman ang mahaba at tuwid na buhok niya ay nakapusod sa ituktok ng ulo. Bumagay sa suot niyang off-shoulder white evening gown. Ang tanging alahas na isinuot niya ay ang pearl earrings na iniregalo ni Edward nung nagdaang Pasko.

    Aba, ang ganda-ganda naman ng señorita ko, ang pabirong bati ng mayordoma, at dating yaya ni Alison, si Nana Senyang, pagkakita sa kanya. Ano kaya ang okasyon, hmm?

    Tumawa si Alison. Si Nana Senyang talaga, walang alam tuksuhin kundi ako lang, ganting-biro niya. Yumapos siya rito at humalik sa isang kulubot na pisngi.

    Malapit at magiliw siya sa pinakamatagal nang empleyada ng pamilya niya dahil ito na ang nag-alaga sa kanya, mula pa nung isilang siya. Ito rin ang naging tanging karamay nung sabay na pumanaw ang mga magulang sa isang plane crash.

    Kuu, teka, teka, amoy-kusina ako, saway ng matandang babae, pero nakatawa rin. Sige ka, baka maamoy ka ni Edward. Darating na 'yon, di ba? panunudyo pa nito.

    Sumulyap siya sa relong nakasabit sa dingding. Paparating na po siguro 'yon ngayon, sang-ayon niya.

    O, e, di magpapahain na pala ako sa kumedor?

    Sige po. Nanumbalik ang ngiti sa mapupulang labi ng dalaga.

    Ang ganda-ganda mo talaga, Alison, papuri na naman ni Nana Senyang, matapos mapatitig sa kanya. Kung nandirito lamang ang iyong Mama't Papa, tiyak na tuwang-tuwa rin sila para sa 'yo ngayong gabi!

    Saglit na nabawasan ang ningning ng mga mata ni Alison, dahil naalala ang mga magulang. Pero sanay na siyang magpakatatag kaya muli niyang napilit ngumiti ang mga labi.

    Tama po kayo, Nana, sambit niya.

    Nagsimulang humakbang pabalik sa kusina ang kausap, kaya sumabay siya sa paglakad.

    Boboto rin kaya sila kay Edward, Nana?

    Biglang napahinto si Nana Senyang. Hindi ko pa sinabing 'boto' ako kay Edward, iha, pahayag nito. Seryoso ang tono. Diretso ang tingin. Nasubukan mo na ba siya?

    Umiwas siya ng tingin. Hindi kayang tumitig nang tuwid. P-parang ayaw ko na po siyang subukan, pagtatapat niya.

    Bakit naman?

    Baka po kasi mabigo na naman ako, tugon niya, halos pabulong na.

    Hay, iha, naiintindihan kita. Kaya lang, delikado para sa isang katulad mo ang basta na lang magpapadalus-dalos.

    Nalulungkot na po ako talaga, Nana. Ayoko pong tumandang dalaga. Ayokong mag-isa habambuhay.

    Nauunawaan kita, iha. Pero--

    Buo na po ang desisyon kong magpakasal kay Edward, bawi niya.

    Oh, Alison, magpakahinahon ka sana. Parang anak na ang turing ko sa 'yo. Ako ang unang masasaktan kapag nagkamali kang magdesisyon, pakiusap ni Nana Senyang. Mangiyak-ngiyak na.

    Naantig agad ang kalooban ni Alison. Parang ina rin kasi ang turing niya rito.

    Pasensiya na kayo, Nana. Natatakot na po kasi ako. Baka katulad rin siya ng iba pa...

    Inalo agad siya ng matandang babae. Inakbayan siya at tinapik-tapik sa isang balikat.

    Kung hindi ukol, hindi bubukol, iha, sambit nito. Kung talagang kayo ni Edward, kahit na ano pang pagsubok ang dumating--magiging kayo pa rin.

    Pinilit ni Alison ang sarili na makumbinsi. "S-sana nga po, Nana, sambit niya.

    Sabay nilang naulinigan ang malakas na busina ng dumating na sasakyan.

    O, hayan na siya. Dali-daling dumukot ng panyolito ang matandang babae. Punasan mo na ang luha mo, iha.

    Tumango si Alison. S-salamat po.

    Ako na ang sasalubong sa kanya. Saan mo siya gustong kausapin?

    Napamaang ang dalaga. Hindi po ba kakain muna kami?

    P'ano kung magbago pa ang isip mo? salo ni Nana Senyang. Mas maiging tapusin mo na agad ang mga insekyuridad, iha, dugtong pa nito, sa tonong nang-aamuki.

    Napa-buntonghininga na lamang si Alison. Sa sala na lamang po, Nana. Doon po ako maghihintay.

    Mabuti. Er, good luck, iha, pahabol pa nito nang tumalikod na siya.

    Kaya luminga siya para ngumiti kahit na pilit. Sana'y maging maayos na po ang lahat, Nana.

    Ipinagdarasal ko 'yan gabi-gabi, iha.

    Mas natural na ang naging ngiti niya, bilang pasalamat. Tumango na lang siya bago nagpatuloy sa pagtungo sa gawi ng sala.

    Bahagya lang niyang isinara ang pinto upang marinig agad ang mga yabag ni Edward. Ilang sandali lamang ang ipinaghintay niya, nakaulinig na siya ng mga katok.

    Come in, tugon niya. Sinadyang palakasin ang boses.

    Nakaharap siya sa pinto nang marahang bumukas iyon. Kaya nabuglawan niya ang makisig na kabuuan ng binatang bagong dating habang pumapasok ito sa marangyang sala ng Bautista Mansion.

    Good evening, Alison, ang pormal pero nakangiting bati ni Edward sa kanya. Tigib sa admirasyon ang mga mata nitong humahagod sa kanyang mukha at katawan.

    Napakaganda mo, Alison. Sana'y bumagay sa 'yong kariktan ang aking mga rosas. Iniabot nito ang palumpon ng mga puting bulaklak sa kanya. You look like a lovely goddess tonight, dagdag nito. Mas mainit na ang tono.

    Thank you. Kinuha niya ang bouquet. Kapagkuwa'y pinuwersa ang sarili na tumalikod upang maiwasang magayuma ng matamis na ngiti at malagkit

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1