Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mga Pusong Nalilito
Mga Pusong Nalilito
Mga Pusong Nalilito
Ebook85 pages1 hour

Mga Pusong Nalilito

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nagulo ang magandang buhay ni Helen nang sikapin niyang ilihim ang naging sanhi ng aksidenteng pumatay sa kanyang asawa. Ngunit isang imbestigador ang lumutang para alamin ang katotohanan.

Si Jaime ay isang lalaking naghahanap ng kasagutan tungkol sa kamatayan ng babaeng mahal niya.

Paano kung ang iyong pinakamamahal ay isang sinungaling?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463096390
Mga Pusong Nalilito
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Mga Pusong Nalilito

Related ebooks

Reviews for Mga Pusong Nalilito

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mga Pusong Nalilito - Romantique

    CHAPTER ONE:

    ARAW-araw, tuwing alas sais ng gabi, nakapaligo at nakaayos na para magtrabaho si Helen Salvador.

    Panggabi kasi ang slot ng kanyang tv program sa isang higanteng tv network. Kungsaan siya sumikat bilang tv commentator.

    Naglalagay siya ng silver cuff links sa mahabang manggas ng tailored blazer ng suot niyang pink business suit, nang mamataan ang asawang papasok sa dressing room.

    Ano'ng oras ang flight mo, Dave? ang nakangiting tanong niya.

    Mamayang nine o' clock pa, sweetheart.

    O, e, ba't tila naka-ready ka na? taka niya nang makitang nakabihis na rin ito.

    Ihahatid kita.

    Naku, mas maiging mag-rest ka na lang para naka-kundisyon ka sa pagbiyahe mo. Malayo ang Cebu. 'Tapos, bukas maaga ka pa pupunta sa opisina mo d'on.

    Napaka-thoughtful talaga nitong misis ko. Kaya mahal na mahal ko, e. Buong paglalambing na niyapos siya ng asawa mula sa likuran.

    Nagtama ang kanilang mga mata sa kaharap na oval mirror ng dressing table.

    Have I told this beautiful lady that I love her very much? bulong ni Dave habang hinahagkan ang kanyang teynga.

    You just did, darling. And I love you, too, ganting-bulong ni Helen. But this lady has work to do, kaya patapusin mo na ako sa aking make-up.

    Just one kiss, okey? hiling ni Dave. Hahagkan sana siya sa bibig pero maliksi siyang nakailag.

    Sweetheart, sa pisngi na lang. You'll smear my lipstick. Baka ma-late na ako.

    Just to say goodbye? Nagpatuloy sa paglalambing ang kabiyak.

    Hay, naku, talaga 'tong asawa ko, oo. We've said our goodbyes last night and this morning, di ba? ang nakangiting pahayag niya.

    Wala ka nang panahon sa akin, kunwa'y pagmumuktol ni Dave.

    'Pag balik mo, I'll take a one-week vacation. Promise, pang-aalo naman niya.

    Agad namang nawala ang hinampo ng asawa. Nakangiti na uli ito at malambing na uli ang tono.

     I'll send you flowers tomorrow, pangako nito. 'Tapos, kung talagang makakakuha ka ng one-week vacation, we'll go to Tagaytay. Payag ka bang magkaroon tayo ng second honeymoon?

    Pabirong tumaas ang mga kilay ni Helen. 

    Fifth honeymoon na yata natin, darling, pagtatama niya. Nakalitaw na ang mapuputi, malalaki at pantay-pantay na ngipin dahil sa maluwang na pagngiti.

    Tumawa si Dave. Mas gusto kong isipin na palaging second honeymoon lang, sweetheart. Para hindi ka nagsasawa sa akin.

    Alam mo ba, Mr. Salvador? Ang korni-korni mo, panunudyo niya. But you're also so irresistible. Kiss me. Humarap na siya habang nakakulong sa mga bisig ng asawa. Ipinaubaya na ang mga labing ipinagkait kanina.

    Oh, Helen... Agad siyang hinagkan ni Dave nang buong alab sa bibig.

    Nang matapos, pareho silang may mantsang pula. Pareho ding namumungay ang kanilang mga mata.

    D'you really have to go to work tonight, sweetheart? tanong ng paos na tinig ni Dave. Hindi ba puwedeng magpa-sub ka na lang muna ngayon?

    Huminga nang malalim si Helen. Bumabawi ng kontrol. Kinakalma ang mga emosyon. 

    I'm sorry, sweetheart. Na-ospital ang sub ko. Nahulog sa hagdan nung isang araw. Baka next week pa pumuwede 'yon, ang mahabang paliwanag niya habang marahang kumakalas mula sa pagkakayapos ng asawa. I'm sorry talaga.

    Agad din namang nakontrol ni Dave ang disappointment. Pareho lang naman kasi silang mayroong demanding job. Businessman ito at malimit wala sa bahay dahil nag-aasikaso sa mga negosyo.

    Nagpatuloy sa pagbibihis ang asawa habang nagre-repair ng make-up si Helen.

    Nauna siyang lumabas ng dressing room pero sabay silang lumabas ng master's bedroom.

    Nasa kuwarto na ba niya si Debby? tanong niya kahit patungo na sa silid ng anak ang mga hakbang.

    Oo yata.

    Malaking bulas ang dalagitang nagbukas sa pintong kinatok ni Helen. Magkasingtaas na silang mag-ina.

    Aalis na po kayo, Mommy? tanong ni Debby. Tila nalulungkot.

    Yes, baby. Pati ang Daddy mo. Pupunta siya ng Cebu, e. Idinampi niya ang pisngi sa pisngi ng teenager bilang paghalik.

    Ano'ng pasalubong ang gusto mo, baby? tanong naman ni Dave.

    Hindi na po ako, baby, bawi ni Debby. Next month, sixteen na po ako. Sana, jewelry ang i-gift n'yo sa akin.

    Sure, baby. Bracelet with diamonds ba ang gusto mo? ang malambing na tugon ng ama.

    Thank you, Daddy! Nabura na ang lungkot ng dalagita.

    Dave, Debbie's too young for diamonds, salo niya.

    Mommy, kaya ko na pong dalhin ang diamonds, pangangatwiran ng anak.

    Hay, naku, bahala na nga lang kayong mag-ama. Mag-dinner ka, ha? I'll try to call you at eight.

    No need, Mom. I'll watch you na lang. Bye, Dad! Have a good flight! Palambiting yumapos ang dalagita sa ama bago humalik nang matunog.

    Bye, baby! Huminto pa si Dave sa may hagdan upang kawayan ang anak. Be good while I'm gone!

    Umaapaw naman sa kaligayahan ang puso ni Helen habang pinagmamasdan ang kanyang pamilya. Wala siyang pagsidlan ng tuwa.

    Nagkahiwalay sila ng landas nang nasa garahe na. Nagtaka si Helen nang malamang gagamitin ng asawa ang sasakyan nito.

    I thought, sasabay ka sa akin?

    I changed my mind, sweetheart. May dadaanan pa pala akong mga papeles sa opisina. Baka doon ko na lang iwanan ang kotse. Magtataksi na lang ako.

    I see. Gusto mo bang ipasundo kay Manong Isting ang kotse mo?

    Puwedeng hindi na. Safe naman 'yon sa basement garage ng building namin.

    Gan'on ba? Binuksan ni Helen ang pinto sa likurang upuan upang isabit sa hook ang dalang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1