Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Inosenteng Kariktan
Inosenteng Kariktan
Inosenteng Kariktan
Ebook90 pages56 minutes

Inosenteng Kariktan

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nang maakit si Andro kay Lorena at mag-alok ng relasyong pisikal, walang nagawa ang dalaga kundi ang pumayag dahil ang kapalit ng kinabukasan niya ay ang solusyon sa mabigat na problema ng pamilya.

Ngunit paano kung ang puso ni Lorena ay umibig? Hanggang kailan kaya siya gusto ni Andro?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9780463799543
Inosenteng Kariktan
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Inosenteng Kariktan

Related ebooks

Reviews for Inosenteng Kariktan

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Inosenteng Kariktan - Romantique

    CHAPTER ONE

    Nagkakaingay ang mga empleyada sa typing pool ng Pedrigal Computer Services. Coffee break kaya ang lahat ay nakapaikot sa coffee vending machine. 

           Maliban kay Lorena.

    Nakasubsob pa rin ang dalaga sa pagmamakinilya sa keyboard. Tila walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Punung-puno ng alalahanin at suliranin ang kanyang isipan.

          Para pa niyang nakikini-kinita ang nilalaman ng sulat ng kanyang nakababatang kapatid na sumunod sa kanya, si Mira. 

    Ate Lorena, isinugod namin sa ospital si Inay nung isang linggo,  isinangla ko ang kuwintas na pamana ni Lola kaya nailabas din namin siya agad matapos ang isang gabing obserbasyon. Sa kasamaang-palad, tanging operasyon lang daw ang maaaring magpagaling kay Inay. Hindi na raw kayang kunin sa gamot lang. Kaya kailangan ng malaki-laking halaga. Sana, may maipadala ka, Ate. Para hindi na maibenta ang kapirasong lupa natin dito.

    Bumuntonghininga si Lorena habang umiikot ang utak sa paghahanap ng solusyon. Wala siyang maapuhap na paraan para magkaroon ng pera agad-agad. Maliban  na lang kung mananalo siya sa lotto. Ang kaso, hindi naman siya tumataya.

         Nagulat na lang siya nang may tumawag sa kanya.

    Hoy, Miss Agustin, magkape ka naman d'yan! ang pabirong bulyaw ni Winnie. Nakatawa ito nang lumapit, may dalang isang mug ng umuusok na kape. Baka kabagan ka sa sobrang pagtatrabaho, dagdag pa.

    Pinilit ngumiti ni Lorena, nang saglit na nag-angat ng tingin.  

         B-busog pa ako, Winnie. Salamat na lang, tugon niya. Malumanay at mababa ang tono.

    Hus, mahiyain ka lang talaga, Lorena, bawi nito habang nauupo sa kahilera niya. Tanging ang metal filing cabinet lamang naghihiwalay sa kanilang mga computer desks. Wala namang bayad 'yung kape, ano? Courtesy ng kumpanya natin 'yon.

    Nakangiti pa ring pilit, umiling uli si Lorena. Ang tutoo, hindi ako umiinom ng kape, pagtatapat niya.

    Talagang hindi siya umiinom ng kape maging ng softdrinks o juice. Sinanay niya ang sarili na huwag maging maluho upang maabot ang mataas na pangarap sa buhay. Gusto niyang umasenso at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Kaya dapat siyang magsakripisyo.

    Dahil sa pagtitipid, malaki na ang naiipon niya.

    Pero ang perang inipon ng mahigit isang taon ay naubos lang sa isang iglap. Sinalanta ng kalamidad ang kanilang munting dampa at mga pananim nung nagdaang buwan. Nalimas ang laman ng savings account niya nang ipagawa ang isang bagong tahanan at ipambili ng mga binhi para sa bagong pananim. Inaasahan pa naman niya na makakauwi na siya bago matapos ang ika-tatlong taong pakikipagsapalaran sa siyudad.

    May problema ka ba, Lorena? Sumabad na naman si Winnie sa pag-iisip niya. Alam kong talagang tahimik ka, kaibigan, pero hindi ka naman parang palaging iiyak. Ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin. Baka may maitulong ako sa 'yo.

    Saglit na nag-alangan si Lorena. Matagal na siyang nagpapakatatag. Napapagod na siya.

    M-may sakit si Inay. Kailangan ng operasyon. Pa-buntonghininga at walang ligoy ang tugon niya. Ubos na ang perang naipon ko, kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipapadala sa kanila.

    Tsk! tsk! Malaking problema nga 'yan, wika ni Winnie. Puno ng simpatiya ang tono at ang ekspresyon. Bawal magkasakit sa panahon ngayon. Sobrang taas ng mga bilihin at ang baba pa ng suweldo.

    Mataas namang magpasuweldo ang kumpanya natin, a? Awtomatiko ang pagtatanggol ni Lorena. Above minimum tayo kahit na nasa pinaka-mababang ranggo.

    Oo nga. Tama ka nga, pero kulang na kulang pa rin sa akin, salo ni Winnie. Sinubukan mo na bang lumapit sa ating kooperatiba?

    Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya. Puwede kaya?

    Nagkibit ng isang balikat ang kausap. Walang mawawala kung sumubok ka.

    Mamayang uwian, susubukan ko.

    Tange ka, bawi ni Winnie. Bakit hindi pa ngayon? Coffee break naman, e. Teka, tatawagan ko na lang pala sa intercom si Ma'am Itchie.  Kaagad nitong dinampot ang receiver ng communication unit.

    S-salamat, sambit niya kahit na wala pang kasiguruhan ang suhestiyon ng kaopisina.

    Tumango lang ng isa sa kanya si Winnie bago nagsalita sa mouthpiece. Hello, Ma'am Itchie? Si Winnie po ito, sa encoding area po. Magtatanong po sana ako kung paano ang procedure ng paglu-loan sa kooperatiba natin?

    Pinanood ni Lorena ang panaka-nakang pagtangu-tango ni Winnie habang nakikinig sa tugon ng kausap sa kabilang kawad. Pigil-hininga habang pilit niyang binabasa ang namumuong ekspresyon nito.

    A-ano raw ang sabi? Puwede raw ba? tanong niya nang matapos ang maikling pag-uusap.

    Puwede raw, pero matatagalan dahil 'first-come-first-serve' basis. Humigop ng kape si Winnie bago nagpatuloy. Subukan mo rin daw sa SSS.

    Bumuntonghininga si Lorena. Para siyang inihulog sa balon. Hindi pa ako puwede. Kailangan ay thirty six months nang nakakapaghulog bago makapag-apply ng loan.

    "Gan'on ba?'

    Kapwa na sila natahimik. Maya-maya'y ibinalik ni Lorena ang atensiyon sa minamakinilya upang aluin ang sarili.

    Hindi na rin nagsalita si Winnie. Nagpatuloy na rin ito sa pagtatrabaho. Tapos na ang kinse minutos na breaktime sa umaga.

    Mabagal na lumipas ang mga oras. Ramdam na ramdam ni Lorena ang unti-unting pagbigat ng kalooban at isipan niya. Habang dumadaan ang mga sandali, umiikli rin ang tsansa ng kanyang Inay na manatiling buhay at kapiling ng mga nakababata niyang kapatid. Anim silang lahat. 

    Si Lorena ang panganay at tumatayong padre de pamilya. Ang dalawang kapatid na lalaki ay sampu at pitong gulang pa lang. Bunso ang isa.

    Sa edad niyang beinte kuwatro, para na siyang kuwarenta anyos. Na bagama't inosente at ignorante pa sa maraming bagay ay labis-labis naman ang kaalaman at karanasan sa hirap at pasakit ng buhay-prubinsiya.

    Pinilit niyang matapos ang huling semester ng computer secretarial vocational course sa paaralang malapit sa baryo nila kahit na namatay na ang butihin niyang  ama na sumusuporta sa kanila.

    Dahil nanguna siya sa klase, isa siya sa mga napiling irekomenda ng kanilang munisipyo sa mga kumpanya sa Maynila. Pinalad siyang mapasok sa Pedrigal Computer Services, tatlong taon na ang nakakaraan.

    Mula noon hanggang ngayon, nangarap na siyang makauwi ng permamente at makapagtayo ng munting negosyo. Pero mailap

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1