Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ikinulong na Obsesyon
Ikinulong na Obsesyon
Ikinulong na Obsesyon
Ebook86 pages1 hour

Ikinulong na Obsesyon

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Engaged to be married si Natalie sa isang lalaking pinili ng mga magulang para sa kanya. Dahil sa masidhing pagtutol niyang magpakasal sa isang estranghero, tumakas ang dalaga.

Sa kanyang pagtakas, natagpuan niya ang unang lalaking nagpatibok sa kanyang puso–si Jordan. Paano kung hindi naman pareho ang damdamin nila para sa isa’t isa?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463703649
Ikinulong na Obsesyon
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Ikinulong na Obsesyon

Related ebooks

Reviews for Ikinulong na Obsesyon

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ikinulong na Obsesyon - Romantique

    CHAPTER ONE:

    THAT night was so quiet, no noise would have gone unnoticed. And so the two shadows snuggling close to each other spoke in hushed whispers.

    Gayunpaman, ang pagbubulungan ay madalas na mauwi sa pigil na singhalan dahil sa pagtatagis ng mga ugali. Parehong superyor ang dalawa.

    Bakit nakukuntento ka sa patawag-tawag lang, Pedro? Bakit hindi mo pag-aksayahan ng panahon na puntahan ang mansiyon? pang-uusig ng boses-babae.

    Marunong ka pa sa akin, Mercedita, angil naman ni Pedro. Diskarte ko 'to--huwag kang makialam!

    Nakikialam ako dahil baka mapalpak ang plano natin! Alam mo ang ugali niya--rebelde, matigas ang ulo, makulit--

    Manang-mana sa 'yo, salo ni Pedro. Kilala ko rin siya, Mercedita. Kaya nga dapat tayong maging maingat. Kapag nagduda siya--tapos na ang maliligayang araw natin sa alta sosyedad. Kaya dapat tayong makasiguro na maayos na ang lahat bago natin siya galawin sa kasalukuyang kinalalagyan.

    Mababa na ang tono ni Mercedita nang muling magsalita. Tila napa-buntonghininga pa nga muna ito. I guess, you're right, Pete. Pasensiya ka na. Alam mo namang 'yan ang pinakamasamang bangungot na dinaranas ko nitong mga huling araw---ang maging mahirap pa sa daga!

    Ssh! Huwag kang magsalita ng ganyan, Merced, saway ng nag-aalalang si Pete. Hinding-hindi ko papayagang mangyari ang ganyan. Over my dead body! The last bit was over-acting but seriously desperate.

    Oh, sana nga, Pete! Pumunta ka na sa mansiyon. Sabihin mo na kay Sir J.P. na nakahanda na ang pambayad-utang natin! Nabahiran na ng desperayon ang pakiusap ng babae.

    Nakalimutan mo na bang nasa bakasyon si Sir J.P? Lulutang lang 'yon sa Pasko at sa Bagong Taon, pero sandali lang. Ayon sa majordoma, baka sa Pebrero na uli bumalik 'yon.

    H-ha? Dismayado si Merced. Unang linggo pa lamang ng Disyembre ngayon. A-dos pa lang. Paano kung madiskubre ni Natalie ang sikreto natin? Tiyak na magagalit 'yon. Baka tuluyan nang mapoot sa atin at--oh! Nawawala na siya sa atin!

    Magpakahinahon ka nga, Merced, saway ni Pete. Nawawala ang focus mo dahil nagiging emotional ka na naman.

    Heh! Huwag mong kalimutan na si Natalie ang susi sa lahat ng mga pintuan patungo sa walang hanggang ginhawa. Kapag nawala siya, wala na rin ang tsansa nating maging tunay na don at donya!

    You're right, of course, pang-aalo agad ni Pete. Nagpapaalala lang naman ako. Alam mo namang may asthma ka. Baka sumpungin ka ngayon, mahihirapan tayo. Ubos na ang allowance natin. Sabi ng accountant natin sa bangko, baka ma-delayed raw ang fund transfer dahil magpa-Pasko nga, ang mahabang paliwanag pa nito.

    G-gan'on ba? Sumiguk-sigok ang babae. Don't worry, pipiliting kong huwag sumpungin. May bonus kaya tayo?

    Honey, huwag kang umasa. Nakapag-advance tayo nung June. Baka ibawas na 'yon kaya 'wag kang umasa.

    Sana naman, may pamasko man lang. Matataas na ang presyo ng mga bilihin.

    Huwag na muna 'yan ang isipin mo, honey. Kapag ikinasal na sina Natalie at J.P., tiyak na hindi na natin magiging problema ang pera magpakailanman.

    Hay! Ang sarap namang pakinggan n'yan, honey! bulalas ni Merced. Pabulong pero pa-hagikhik. Ipahatid na uli natin sa kumbento si Natalie. Mahirap na--baka may maging nobyo pa 'yan dito sa labas. Baka masalisihan pa si Sir J.P.

    Naka-iskedyul na siyang umalis bukas ng umaga, honey. Kapag nandito sa bahay ang dalaga natin, palagi akong kinakabahan. Kanina lang daw, nahuli ni Bestre na naglalambitin sa puno ng sampalok. Hindi kaya lesbian ang anak natin?

    Hay, naku! Hindi na natin problema 'yon, ano? Bahala na si Sir J.P. do'n!

    Kuu, matulog na nga tayo. Madaling araw na 'ata.

    Sinusumpong ako ng insomia ko. Ikaw na lang ang matulog.

    May gamot ako d'yan, honey. 'Lika na.

    Teka--Pete! Ibaba mo ako ngayundin!

    Tumawa lang si Pete. Sa palagay ko, hindi lesbian ang anak natin, Mercedita. Mas gusto lang niya ng kaunting puwersa sa kama.

    Che! Napakalaswa ng bibig mo!

    Hindi lang ang bibig ko ang malaswa, Mercedita. He! he! he!

    Ay! Ano ba!

    Biglang kumapal ang katahimikan nang mawala na ang mahinang pag-uusap ng mag-asawa. Manaka-nakang kaluskos na lamang ang nauulinigan, ngunit hindi na interesanteng pakinggan ang mga iyon para sa lihim na tagapakinig.

    Halos sasabog ang dibdib ni Natalie habang patalilis na lumalakad palayo sa pinto ng master's bedroom. Masamang-masa ang loob niya. Masakit ang katotohanang natuklasan niya.

    Sino ang Jaypee na iyon? Bakit parang panginoon na ang tingin ng mga magulang niya sa lalaking iyon?

    Until she arrived to her own room, there was no available answer to any of her questions.

    But when dawn came, she already had several plans of her own.

    Actually, she was just switching to Plan B. Her Plan A was to speak with her parents seriously. Gusto niyang lumabas ng kumbento. Kukumbinsihin sana niya ang mga magulang na hindi para sa kanya ang pagmamadre. Pero ngayong natuklasan na niya ang katotohanan, hindi iyon ang tamang gawin. Siguradong hindi makikinig sina Pete at Merced sa mga pakiusap. Nakatuon ang mga isipan ng mga ito sa pagbibigay-kasiyahan sa isang Sir Jaypee.

    What a ridiculous name for a disgusting man! And what a despicable idea! Ipapakasal siya sa lalaking ni anino ay hindi pa niya nakikita--at pupuwede lang iyon kung birhen pa siya! Ano ba siya? Isang gamit lang na mala-priceless antique kaya interesanteng bilhin ng isang lalaking ubod ng yaman?

    Go to hell, Jaypee! bulalas niya sa sarili. Bahagya ring namula ang mga pisngi niya nang maalala ang magiging reaksiyon ng mga madre kung malalaman ang masasamang isipan ng lumulutang sa loob ng utak niya.

    The nice nuns would surely blush and be shocked. Lalo na kung madidiskubre ng mga ito ang plano niyang gawin pagdating niya sa kumbento bukas. Thankfully, the gullible old ladies would be ignorant. And they would also be thankful that she would be

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1