Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ilusyon ng Puso
Ilusyon ng Puso
Ilusyon ng Puso
Ebook80 pages53 minutes

Ilusyon ng Puso

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Alam ni Vicki na siya lang ang nagmamahal nung pumayag na magpakasal sa isang lalaking wala yatang puso, si Drake. Ang buong akala niya ay sapat na ang pag-ibig niya para maging matiwasay ang kanilang pagsasama.

Ngunit nung suwayin ni Vicki ang utos ni Drake na bawal silang magkaroon ng anak, biglang nawasak ang lahat ng ilusyon sa kanyang puso.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9780463589458
Ilusyon ng Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Ilusyon ng Puso

Related ebooks

Reviews for Ilusyon ng Puso

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ilusyon ng Puso - Romantique

    CHAPTER ONE

    Nang gumising si Vicki nung umagang iyon, inaasahan niyang isa na namang ordinaryong araw ang dumating at lilipas pagsapit ng hapon.

    Ngunit nagkamali siya dahil alas nuwebe pa lamang ay sumasakit na ang ulo niya. Mabigat na ang pagkilos niya. Barado ang ilong at mapait ang panlasa. Dakong tanghalian, nang mangati ang kanyang lalamunan. Parang nasamid lang siya nung una pero nagtuluy-tuloy na sa pag-ubo.

    Maluha-luha siya habang sapo ng isang palad ang dibdib.

    Bakit ba ngayon pa siya nagkasakit? pang-uusig niya sa sarili.

           Bawal sa kanya ang magkasakit!

    Nang makalma sa wakas ang katawan, saka lang nakaandar ang isipan. Kinuwenta na niya sa loob ng utak ang halaga ng mga gamot na kailangang bilhin at inumin.

    Ano kaya kung manghingi na lang siya sa health center? Oo, makikisuyo na lang siya kay Bebot, ang dalagitang partime helper niya sa karinderya.

    Pabili nga ng sigarilyo, babes, anang maskuladong lalaki na mukhang sanggano dahil sa maraming tattoo sa dibdib at mga braso. Kukuha na 'ko, ha? 'Lista mo na lang, dagdag nito habang nagsisindi ng sigarilyo.

    Pinigil niya ang huminga para hindi makasagap ng usok. Inignora niya pati ang istambay. Nasanay na siyang mahingan ng kotong ng mga lalaking walang kayod sa kanilang looban. May apat na taon na rin siyang naninirahan doon.

    Parang kailan lang nung ipadpad siya ng masaklap na kapalaran sa lugar na iyon, buhat pa sa isang napakalayong prubinsiya. Mayroon siyang tiyahin sa gawing iyon ng Blumentritt.

    Nagbakasakali siyang magpakupkop, at hindi naman siya binigo ng butihing matandang dalaga. Nang mamatay si Tiya Conchang nitong nakaraang taon lamang, ipinamana pa sa kanya ang munting gotohan na nasa harapan ng maliit at lumang barung-barong.

    Tanging ang tadhana lamang ang nakakaalam kung hanggang kailan mananatiling bukas ang naturang tindahan ng lugaw at lutong pagkain. Bago pa man yumao ang orihinal na may-ari, matumal na ang negosyo. Paano'y kabi-kabila na ang mga nagsulputang kain-kainan sa kata-katabi at maging sa labasan. Idagdag pa ang mga fastfood restaurants na nakahilera sa di-kalayuang kalsada.

    Kumbaga, bilang na ang mga araw ng tanging hanapbuhay na meron si Vicki. Paano na kapag dumating na ang malungkot na pagkalugi? Uuwi na lang ba siya sa prubinsiyang nilisan? Hindi siguro...

    Kung ibebenta niya ang puwestong kinatitirikan ng munting tirahan at tindahan, magkakaroon siya ng kaunting puhunan. Saan kaya siya makikipagsapalaran uli?

    Iginala niya ang naliliyong paningin sa maruming palibot ng squatter's area na kinaroroonan. Ayaw na niyang manatili nang matagal sa lugar na yaon. Gusto na niyang lumisan doon. A, sana nga'y makaalis na nga sila doon!

    Lumala ang masamang pakiramdam niya nang gumagabi na. Tila walang naitulong ang mga tabletang ininom niya kaninang tanghali. Marahil ay mga expired na ang stock sa center. Wala naman siyang puwedeng sisihin kundi ang sarili lang niya. Hindi siya dapat nag-arimuhan sa pera.

    Yapus-yapos niya ang nanginginig na katawan habang isa-isang nirerekisa ang pagkakasara ng mga bintana at pinto. Pagkatapos, nagtungo siya sa kusina upang magtimpla ng gatas sa dalawang boteng de-tsupon.

    Mabuti na lang, maghapong hindi naghilo si Junjun. Nakuntento ang tatlong taong gulang na paslit sa paglalaro sa loob ng kuna. Mas mahaba pa ang mga oras na natutulog ito. Katulad ngayon.

    Matagal niyang tinunghayan ang nahihimbing na anak. Ito lang ang tanging yaman na mahalaga sa kanya. Ito rin ang kanyang lakas.

    Parang gumaan-gaan nga nang bahagya ang pakiramdam ni Vicki kaya sa batalan siya nagtuloy para maghilamos bago magpalit ng damit-pantulog. Nagsuklay muna siya ng mahabang buhok na hanggang beywang. Medyo kulot ang mga hiblang itim kaya makambong at kailangang itirintas o ipusod para hindi maging abala sa pagtatrabaho.

    Maaga pa para mahiga kaya hinarap muna ang kaha ng pera na yari sa kahoy. Ayaw man niyang magbilang ng barya ngayon, wala siyang magagawa. Dapat niyang alamin ang eksaktong estado ng kanyang pananalapi. Kahit na halos sigurado na niyang wala nang salaping maiba-budget!

    Inuna niyang piliin ang mga limang pisong coins. Sumunod ang mga mamiso. Panghuli ang mga bente-singko. Nakatiklop na ang limang sasampuin at maingat nang nakatago sa ilalim ng unan niya.

    Muli siyang nakaramdam ng panghihina dahil hindi man lang siya naka-dalawang daan. Malapit na naman ang singilan sa kuryente at tubig. Papaubos na naman ang asukal, kape at gatas.

    Higit sa lahat, ubos na ang laman ng tindahan. Ubos na ubos na!

    Pumikit nang mariin si Vicki habang humuhugot ng malalalim na buntonghininga. Ayaw niyang harapin ang katotohanan pero umaalsa na ang histerya sa kanyang kalooban.

    Hanggang kailan niya makakayang buhayin si Junjun? Kahit na para sa sarili lang ay kulang pa ang kinikita niya sa araw-araw. Halos hindi na nga siya kumakain, kahit na tindera siya ng pagkain.

    Tiyak na darating ang araw, maging ang kanyang anak ay hindi na rin siguro kakain!

    Hindi dapat, bulong niya sa sarili. Panay ang iling ng ulo habang nakayuko. Nakapikit pa rin. Hindi dapat madamay sa pagdurusa si Junjun. May dugong bughaw na nananalaytay sa mga ugat nito.

    Dumilat uli siya upang apuhapin ng mga matang naluluha ang kuna ng bata. Tulog na tulog na ito. Walang kamalay-malay sa mga problemang nilikha nito magmula pa nung ipinaglihi niya.

    Kundi marahil siya

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1