Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bawal na Pag-ibig
Bawal na Pag-ibig
Bawal na Pag-ibig
Ebook171 pages2 hours

Bawal na Pag-ibig

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Tumatanaw sa malaking utang na loob si Adrienne nang magpakasal siya kay Don Mel. Kuntento siyang namumuhay sa piling ng masungit at selosong asawa nang biglang dumating ang isang binatang isinilang at lumaki sa ibang mundo -- ibang-iba sa mundong kinalakhan ni Adrienne.

Sa unang pagkakataon, hindi niya puwedeng makuha ang babaeng nagustuhan sa unang pagkakita pa lang...

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463527955
Bawal na Pag-ibig
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Bawal na Pag-ibig

Related ebooks

Reviews for Bawal na Pag-ibig

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bawal na Pag-ibig - Romantique

    CHAPTER ONE:

         MAKALIPAS ang anim na taon...

         The situation between husband and wife was still the same. They have separate rooms.

         Adrienne didn't feel married. But she was very much wedlocked.

         Nawalan siya ng kalayaan. Nawala rin ang karapatan niyang magdesisyon para sa sarili. Mas naging malala ang pagiging insecured and demanding ni Don Melino. Halos minu-minuto kung hanapin nito si Adrienne.

         She tried to be the ideal housewife--pero paano niya magagawa ang gayon kung hindi pa niya nararanasan ang maging isang asawa?

         Senyora Audrie, nakahanda na po ang pananghalian. Pinutol ng tinig ng katulong ang pagmumuni-muni niya sa gitna ng hardin.

         Napa-buntonghininga muna si Adrienne bago siya tumindig.

         Salamat, Desta, aniya habang pilit na ngumingiti.

         These days, her smiles were brittle and artificial. She was not happy anymore. But she still tried to be content for what she had. By living on a day-to-day basis.

         Pinipilit na lang niyang maging masaya.

         Saan ka ba nagsuot, Audrie? tanong agad ni Don Melino pagkakita sa kanya. Nakadulog na ito sa uluhan ng mahabang lamesa.

         Naupo muna si Adrienne sa kabilang dulo bago tumugon. Nasa hardin lang ako, Mel.

         The old man snorted loudly. Mabuti naman. Ang akala ko'y pumuslit ka na naman papunta sa tabing-dagat.

         Nilunok niya ang pagdaramdam. Itinutok niya ang buong atensiyon sa paglalatag ng table napkin sa kanyang kandungan.

         Siyanga pala, may darating na bisita dito, patuloy ng matanda.

         Sino? Pinilit niyang ibalik ang interes.

         Isang kamag-anak.

         Naalala niya ang telegramang inihatid ng kartero kahapon.

         Nakatanggap ka ng telegrama galing sa kapatid mo, hindi ba? pananalakab niya.

         She was hurt because her husband didn't tell her an important thing. Kailangan pa niya itong salakabin. Para bang ibang tao pa siya kung ituring nito.

         Tumango si Don Melino. Nakangiti na nang mapakla.

         May sakit daw siya. At gusto akong makita.

         Magkakabisita sila! Isang malapit na kamag-anak ni Mel. Naisip agad niyang may tsansa pang lumambot ang loob ng lalaki. But she controlled her excitement. Through the years, she had learned to hide her feelings.

         Pupunta ka ba? tanong niya. Blangko ang tono at ang anyo.

         Nagkibit ng mga hukot na balikat ang lalaking sisenta anyos na. Hindi ko pa alam. Matagal na panahon na kaming hindi nagkikita ni Rosa. Baka wala na kaming amor para sa isa't isa, he said coldly.

         Napamaang si Adrienne sa tinuran ng asawa. Hanggang ngayon, nabibigla pa rin siya sa biglang pagbabago ng lalaking minahal at pinakasalan. And she was not yet able to adjust to the adverse changes in him ever since. Dati'y napakabait nito...

         Desta! tawag ni Don Melino sa katulong na nagsisilbi sa kanila.

         A-ano po 'yon, senyor?

         Tonta! Bakit wala pa ang sopas ko?

         "S-sopas po, senyor? E, e, sotanghon po ang ipinaluto n'yo

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1