Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Maging Sino Ka Man
Maging Sino Ka Man
Maging Sino Ka Man
Ebook88 pages53 minutes

Maging Sino Ka Man

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Mahirap pa sa daga ang pamilya ni Martinne. Desperada na siya kaya napilitang magpanggap.

Ngunit paano kapag natuklasan ng among pinagsisilbihan ang kanyang panloloko? Papalayasin kaya siya ni Elan? O paparusahan?

Anong parusa kaya ang dapat na ipataw sa isang impostor na katulad niya?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 29, 2018
ISBN9780463710593
Maging Sino Ka Man
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Maging Sino Ka Man

Related ebooks

Reviews for Maging Sino Ka Man

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Maging Sino Ka Man - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Madilim-dilim pa kung bumangon si Martinne para simulan na ang paggampan sa naiwang gawain ng kanyang ama. Dinidilig niya ang kalakhan ng hardin na nasa loob ng malawak na bakuran ng lumang mansiyon.

    Walang nakatira sa mansiyon, sa kasalukuyan. Ang mag-asawang amo nila ay nagtungo sa America upang manirahan doon, kapiling ang nag-iisang anak na babae. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Madriaga, ngunit hindi malimit maikuwento ng mga amo nila ang tungkol sa anak na may pagka-bagamundo.

    Napa-buntonghininga si Martinne habang tinatanaw ang matayog na istrukturang may dalawang palapag. Maluwag ang mga silid doon, bumibilang ng may limampu, kasama na ang mga banyo at mga dressing room na halos kasinglaki na ng barung-barong nila sa likod-bahay.

    Ang tutoo, hindi naman barung-barong ang kanilang tirahan; ngunit ang lahat ng perang tinatanggap nila ay nauubos para sa pantustos ng mga gamot ng kanyang amang maysakit at ng mga pangangailangan ng iba pang mga kapatid.

    Wala na ang kanyang ina, kaya si Martinne na ang itinuturing na ilaw ng tahanan. At ngayon ay bilang haligi ng tahanan na rin.

    Muli siyang napa-buntonghininga. Bakit hindi naging pantay ang mga katayuan ng mga tao sa mundo? tanong niya sa sarili.

    Narito sa kanyang harapan ang isang gusaling napakalaki at napakaluwag. Puno ng mga mamahaling mga bagay; ngunit walang nakatira.

    Pumiksi si Martinne. Tinalikuran niya ang palalong bahay. Malimit siyang tuksuhin ng imahe nito, ilang araw na niyang napupuna. Marahil ay bumibigat na kasi nang bumibigat ang kanyang mga suliranin. Hindi na yata gagaling ang kanyang ama. Ngunit patuloy pa rin niya itong pinaiinom ng gamot. Hindi niya maatim na makita at marinig ang paghihirap nito, lalo na sa gabi.

    Kahit na magdildil na lang siya ng asin sa mga pagtitipid sa sarili upang mapag-aral lamang at mapalaki nang maayos ang tatlong mga kapatid na sumunod sa kanya. Sina Millet, Mae-an at Mina ay sampu, siyam at walong taong gulang. Siya ay labing-siyam na gulang na.

    Malayo ang agwat niya sa mga bata dahil anak siya sa unang asawa ng kanyang ama. Namatay ang kanyang madrasta nung dose anyos siya. Sa kanya na napaatang ang pag-aaruga sa mga bata at ang pag-aasikaso sa bahay kaya hindi na siya nakapag-aral. Nitong huli na lang siya natututo, kapag nakikinig siya sa pag-aaral ng mga kapatid na nasa elementarya.

    Kahit na pagud na pagod na siya sa gabi, pinipilit pa rin niyang magbukas ng mga aklat ng mga bata upang mag-ensayo sa tulong ng isang bumbilyang malabo.

    Wala naman siyang puwedeng sisihin sa kahirapang dinaranas nila ngayon. Kumpleto naman ang padalang pera ng abogado ng mga Madriaga para sa pagmamantini ng kapaligiran ng mansiyon. Nagpapasalamat pa nga siya at natatakpan ng makakapal na punong-kahoy ang kanilang lugar. Kung hindi, kahiya-hiya ang makita ng mga pumupunta sa mansiyon ang bahaging iyon ng bakuran.

    Naalala niya, magdadalawang linggo na nga palang walang sulat na dumarating mula sa America. Dati-rati, linggu-linggong sumusulat ang babaeng Madriaga. Tinutugon niya agad ang mga liham na iyon upang hindi mag-aalala ang mga ito sa kalagayan ng malaking bahay. Buwan-buwan naman pating pinakukunan ng letrato ang naturang ari-arian sa abogado.

    Nagkibit na lamang siya ng balikat habang nagpapatuloy sa paglalakad nang marahan habang hawak ang bumubugang hose na nakatapat sa mga halaman.

    Bahagya siyang napapangiti dahil namumulaklak na ang kanyang mga rosas at bougainvilla. Pati ang mga sampaguita at gumamela. Ang mga ito na lang ang nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.

    Magtatanghalian nang gulantangin siya ng sunud-sunod na pagdo-doorbell ng kartero. Tumakbo agad siya palapit sa malaking gate kahit na basam-basa siya ng pawis. Nagluluto na siya kahit na katatapos lang niyang magdilig.

    Sulat! hiyaw ng kartero bago isinuot ang puting sobre sa siwang ng gate.

    Maliksing kinuha ni Martinne ang naturang sobre na lumagpak sa damuhan. Medyo nabahiran ng putik mula sa basang damo ang malutong na mamahaling papel ng sobre. Dinala niya sa bahay ang liham upang matingnan ang sinaing habang nagbabasa. Natutulog ang kanyang ama kaya tahimik siyang kumikilos.

    Nanlaki ang mga mata ni Martinne sa nabasa, pagkatapos ng mahabang pagtitiyaga. Nahihirapan siya sa pag-intindi ng mga Ingles; ngunit parang nauunawaan niya na inatake sa puso ang babaeng Madriaga kaya hindi nakasulat. May buti naman daw na naidulot ang insidente dahil napatunayan na may pagtingin naman pala sa mga magulang ang bagamundong anak.

    Nagngangalang Elan Madriaga ito. At malapit nang umuwi sa mansiyon upang ito na ang mamahala muna sa mga negosyong iniwan ng dalawang matanda sa mga katiwala.

    Ano kayang klaseng amo ang Elan Madriaga na ito? tanong niya sa sarili habang ibinababa ang sulat. Ibig niyang ipagkibit-balikat na lang ang mga suliranin ng mga amo dahil mas mabigat ang dinadala niya ngunit hindi niya maiwasang mangamba para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

    Paano kung may asawa na ang lalaking anak ng mag-asawang Madriaga? Paano kung ayaw sa serbisyo niya? At palayasin sila rito? Saan sila titira?

    Oh, Diyos ko, usal niya. Isa-isa lang po sana ang pagsubok na ibibigay ninyo sa akin! Baka hindi ko makaya...

    Hanggang sa gumabi, sakbibi si Martinne ng mga agam-agam. Gayunpaman, hindi naman napapansin ng kanyang ama at mga kapatid ang kanyang dala-dalang problema. Pinakain niya ang mga ito at pinagpahinga na.

    Hindi siya makatulog kaya lumabas muna siya sa hardin at naglakad-lakad.

    Kailangang tiyakin niyang masisiyahan ang mga bagong amo sa pagdating ng mga ito! pangako niya sa sarili.

    Ito ang matatag na resolbang iniuutos niya sa kanyang isipan at kalooban. Hindi siya dapat magpatalo agad sa isang bagay na hindi pa nga niya nakikita.

    Kinabukasan, madilim-dilim pa nang lumabas siya ng bahay.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1