Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Again and Better: Happy Ever After
Again and Better: Happy Ever After
Again and Better: Happy Ever After
Ebook192 pages2 hours

Again and Better: Happy Ever After

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Jane had been avoiding Duke like the plague. For him, she was someone who would entertain him every time he'd visit the Philippines. He was never serious about her and he was not going to be.

He was a gorgeous flirt and he wanted her in his bed.

He vowed he'd never stop until he had her.

True to his word, he never gave up on wooing her. Until the inevitable happened. She succumbed to his charms.

But when her heart was ready to open up for him, Jane learned that he was supposed to be for her best friend.

LanguageTagalog
PublisherBelle Feliz
Release dateApr 20, 2022
ISBN9798201092634
Again and Better: Happy Ever After
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to Again and Better

Related ebooks

Reviews for Again and Better

Rating: 4.857142857142857 out of 5 stars
5/5

14 ratings3 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    I love this story! They are wrecked and lonely but they found each other and they help each other to heal and happy. ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    I purchase this book in digital and printed. And i really love this story. One of the reason i'm here in scribd. Miss Belle will Cartiona & ZAch have their own story?? Hoping po that you can write their own story...
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    I am glad that your books are here on Scribd!=) I always love your stories! keep it up Ms. belle! looking forward to more stories!!=)and looking forward as well to seeing your other works here...=) and by the way, I am curious if Caitriona and Zachary will have a story..hehe..

Book preview

Again and Better - Belle Feliz

DEDICATION

For you, my lovely reader.

With gratitude.

xoxo

CONTENTS

DEDICATION

CONTENTS

CHAPTER ONE

CHAPTER TWO

CHAPTER THREE

CHAPTER FOUR

CHAPTER FIVE

CHAPTER SIX

CHAPTER SEVEN

CHAPTER EIGHT

CHAPTER NINE

CHAPTER TEN

CHAPTER ELEVEN

CHAPTER TWELVE

CHAPTER THIRTEEN

EPILOGUE

SPECIAL EPILOGUE

SPECIAL CHAPTER

FROM THE AUTHOR

ABOUT THE AUTHOR

CHAPTER ONE

BAHAGYANG napangiwi si Jane nang walang pag-aalinlangang kinintalan ng halik ni Chris sa mga labi ang best friend niyang si Princess. Halos dalawang tao nang magnobyo ang dalawa pero ubod pa rin ng sweet sa isa’t isa. Maraming beses na niyang nasaksihan ang paglalambingan ng mga ito pero hindi pa rin siya nasasanay.

Kailan ba kayo tutubuan ng kahihiyan? nakalabing tanong ni Jane. Hindi naman siya naiinis talaga, bahagya lang naiilang. O bahagyang naiinggit. 

Nginitian lang siya ng magnobyo at nagpatuloy sa paglalambingan.

Itinuon ni Jane ang pansin sa pagkain. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant na pag-aari ni Chris at naghahapunan. Sinulyapan niya ang magkasintahan na tila limot na ang kanyang presensiya. 

Princess and Chris were match made in heaven. Masaya siya na nakatagpo ang matalik niyang kaibigan ng isang katulad ni Chris. He was a great guy. Katulad ni Princess ay galing din ang binata sa isang mayamang pamilya pero lahat ng mayroon ito sa kasalukuyan ay pinaghirapan nito. Mayroong tatlong fine-dining restaurant si Chris na itinatag nito gamit ang sariling sikap at diskarte. Siyempre ay advantage pa ring maituturing ang family background nito pero pinagtrabahuhan pa rin nito nang husto ang lahat.

He got her respect for that.

Matalik na kaibigan ni Jane si Princess Montgomery mula pa pagkabata. And no, she was not from a prominent and wealthy family like her friend. Anak siya ng kasambahay ng pamilya Montgomery. Namatay ang kanyang nanay noong pitong taong gulang siya. Sinalo nito ang balang dapat sana ay sa ama ni Princess na si Roberto nang may magtangkang bumaril dito.

Hindi niya matandaan kung ano talaga ang eksaktong nangyari. Ang natatandaan lang niya, isang gabi ay may nanloob sa mansiyon ng mga Montgomery at pinagtangkaan ang buhay ng pamilya.

Wala siyang mapuntahang kamag-anak pagkatapos ng trahedya. Walang kapatid ang kanyang nanay at patay na rin ang lolo at lola niya. Wala naman siyang ideya kung sino ang tatay niya. Kahit na kailan ay hindi nagkuwento ang kanyang nanay tungkol dito.

Nagpasya si Sir Roberto na kupkupin siya. Pinag-aral siya nito at ibinigay ang lahat ng mga kailangan niya. Gayunman, ramdam niyang hindi siya parte ng pamilya. Mabait sa kanya si Sir Roberto pero hindi niya masabi ang kaparehong bagay sa asawa nitong si Ma’am Tamara.  Hindi naman siya kailanman minaltrato pero malamig ang trato nito sa kanya. Katulong pa rin ang tingin nito sa kanya, isang empleyado.

Princess, on the other hand, was more than a friend. She was like a sister. Hindi na sila mapaghiwalay. Kung nasaan ang kaibigan ay naroon din siya. Kung saan nag-aral si Princess ay doon din siya. Nakahalubilo niya ang mga anak ng mayayamang pamilya sa lipunan na mababa ang tingin sa kanya. Karamihan, ang tawag sa kanya ay personal maid ni Princess.

Sinikap ni Jane na huwag pansinin ang lahat ng iyon. Ang mahalaga naman ay alam niya sa kanyang sarili kung ano talaga siya sa buhay ng matalik na kaibigan. Kahit na kailan ay hindi niya pinagdudahan ang pagmamahal ni Princess sa kanya. Siya naman ay abot-langit ang pagmamahal dito. Princess was the only family she got. She would do anything and everything for her.

Princess was a very appropriate name for her best friend being the Montgomery’s princess. The Montgomerys founded and owned Evermore, the largest cosmetics company in the Philippines. May iba’t ibang sangay na rin ang kompanya sa buong Asya at may planong mag-expand hanggang sa Amerika.

Isa si Jane sa mga chemist sa Evermore, si Princess naman ay isa sa mga executive vice presidents. 

Princess was enchantingly beautiful. Part American ang matalik na kaibigan dahil Amerikano ang ama ni Sir Roberto. Her friend was not just beautiful, she also had a brilliant mind. Hindi ito katulad ng ibang mga heiress na walang ibang alam gawin kundi magpaganda at magpasarap sa buhay. Princess had decided to work in the company and manage it one day.

Magkaibang-makaiba sila ng personalidad. Princess was sugar, spice and everything nice. She was petite and fair. Maliit ang bilugang mukha nito at natural ang brown curly hair. She could charm everyone with a mere smile.

Jane, on the other hand, was tall and morena. Unat na unat ang itim niyang buhok. People would say she had a great body. What they meant was she had a sexy body. Sexy sa depinisyon at standard ng karamihan. She had boobs, she had butt and she had this tiny waist. May mga nagsasabi pa nga na puwede siyang maging cover ng FHM o Playboy.

Jane knew she was beautiful. Some would say her beauty was exotic. Hindi siya vain pero aminado niyang pinagsusumikapan pa rin niyang maging maganda. Pinaglalaanan pa rin niya ng effort. Sinong babae ba ang ayaw maging maganda? 

She was aware people saw her as a sexy woman. It just irritated her when people—especially men—saw only that. They didn’t take her seriously. Parang ganda at perpektong katawan lang ang mayroon sa buong pagkatao niya. It infuriated her when men looked at her with raw desire in their eyes.

Jane was a good chemist. She was very good at doing her job. Nais niyang patunayan sa ama ni Princess na hindi ito nagkamali sa pagkupkop sa kanya. She wanted to show Ma’am Tamara that she could do and achieve something great. 

Nakatira pa rin si Jane sa mansiyon ng mga Montgomery kahit na kayang-kaya na niyang bumukod. Kaya na niyang bumili ng sariling bahay o mangupahan sa isang condominium unit. Ayaw lang kasi ni Princess na malayo siya. Ayaw nitong hayaan siyang umalis. 

Twenty-six na sila pareho pero para silang mga teenager pa rin kung umasta paminsan-minsan. They would stay up late at night talking about guys, making fun of people they didn’t like, and making so much plans for the future.

They were going to be best friends for life. Darating ang araw na bubukod siya at magkakaroon ng sariling buhay pero alam niya na mananatili ang malalim na pagkakaibigan at pagmamahal nila sa isa’t isa.

Hindi niya alam kung may bagay siyang hindi gagawin para sa matalik na kaibigan.

Oo nga pala, Jane, uuwi si Duke, ani Princess maya-maya.

Nakakunot ang noo na napatingin si Jane sa matalik na kaibigan. There was a teasing glint in her eyes. Kailan? bale-walang tanong niya kunwari. Hindi niya maikakaila sa sarili ang nadaramang biglang pagkabuhay ng excitement sa kanyang dibdib.

Sunday morning.

It was Friday night already. Hanggang kailan siya rito?

Nagkibit ng balikat si Princess. I don’t know. Maybe a month or so.

Hindi gaanong sigurado si Jane sa mararamdaman: maiinis o matutuwa. Duke Adriane was Princess’s long-time friend. Mahabang panahon nang magkaibigan ang mga Montgomery at Adriane. Sa Las Vegas nakabase si Duke dahil naroon ang negosyo ng pamilya nito. The Adrianes owned a big casino-hotel in Las Vegas. May ilang nightclubs at bars ding pag-aari ang mga ito.

Taon-taon ay nagbabakasyon ang mga Adriane sa Pilipinas. 

Bata pa lang si Jane ay kilala na niya si Duke pero hindi sila nag-uusapan dahil hindi naman siya nito gaanong pinapansin. Apat na taon ang tanda nito sa kanila ni Princess kaya hindi na nakapagtataka na hindi sila nito gaanong nakakahalubilo. Wala itong panahong makipaglaro sa mga bata. Bukod pa sa hindi sila magkauri.

Duke adored Princess like a sister. Sa kabila niyon, ramdam nilang tila bagot na bagot ito sa tuwing nakabakasyon sa bansa.

Duke was drop-dead gorgeous to say the least. Katulad ni Princess, may dugong banyaga rin ang binata. Briton ang lolo nito na nakipagsapalaran at pinalad sa Amerika. Nakapangasawa ito ng isang Pinay. Filipina din ang ina nito pero hindi talaga mahahalata ang pagiging Pinoy ng binata. He was tall and white. His hair had this lovely shade of brown. Pinakagusto niya sa features nito ang mga mata nito. They were light brown, so light they were almost golden. It seemed like they always held warmth.

Hindi siya pinansin ni Duke hanggang sa magdalaga. Hanggang sa tubuan siya ng dibdib. She was eighteen when she got his full attention and interest, when she developed a full-grown body of a woman.

Hindi nito itinago ang atraksiyon sa kanya. He flirted with her. He would look at her like he wanted to do things with her. He wasn’t sleazy, he would remain classy and that was such a feat.

Ginawa ni Jane ang lahat para iwasan si Duke sa tuwing nasa bansa ang binata. Minsan ay napagtatagumpayan niya, madalas ay hindi.

Remind me to leave the house on Sunday, aniya kay Princess.

Natawa ang kaibigan. Don’t you miss him?

Jane rolled her eyes. Oh, I do, sarkastikong wika niya.

Come on, Jane. Duke’s not that bad. He’s a good guy and a really good friend to me.

Napabuntong hininga si Jane. Duke could be a good friend if he would just stop flirting with her. He was a good man, that much she knew. Tuwing mangangailangan ng tulong si Princess ay naroon kaagad ang binata. Hindi lang niya alam kung kailan lilipas ang interes nito sa kanya, o mas akmang sabihin na interes nito sa katawan niya. Alam naman niya na maraming ibang babae. 

Siguro ay talagang nababagot lang si Duke sa tuwing nasa bansa at siya ang source of entertainment nito. Hindi naman niya alam ang buhay nito sa tuwing wala sa Pilipinas.

Hindi niya hinayaan ang sarili na mangarap na hindi lang sa katawan niya ang interes nito. Na hindi paimbabaw lang ang interes na iyon. Na hindi lang siya pampalipas-oras habang nasa bansa ito. Kahit isiping may posibilidad na mamahalin siya nito, hindi niya magawa. Duke would never fall in love, especially with her.

I know, Princess. He’s like a brother to you. Magiging mabuti kaming magkaibigan kung titigil na siya sa pakikipag-flirt.

He’s crazy over you, ani Chris sa nanunudyong tinig.

For eight years, dagdag pa ni Princess.

Stop implying something romantic, Princess. Duke’s a tease. Nature na yata ng taong iyon ang hangarin ang isang bagay na mahirap makuha. Kapag nakuha na niya ang gusto niya, lilipad kaagad ang interes niya sa akin.

Give the poor man a chance, wika ni Princess sa serysosong tinig. Her friend honestly believed Duke might love her and she could not blame her. Princess was a sucker for fairy tales. Her best friend believed in happy ever after crap.

Then what? Mananawa siya at itatapon niya ako tulad ng ibang babae niya? May bahid na ng iritasyon sa kanyang tinig.

Hindi gagawin ni Duke ang mga bagay na iyon sa `yo. I know he cares for you. You’re an important person in his life.

Naniniwala ka talaga na mamahalin niya ako, ano? Na may depth ang anumang nararamdaman niya para sa akin.

Nais matawa ni Jane. Noong hindi pa siya gaanong matangkad at hindi pa tinutubuan ng magandang dibdib, ni hindi alam ni Duke na nag-e-exist siya. Nang mapansin siya nito, wala itong ibang ginawa kundi akitin siya. Ni minsan ay wala siyang narinig na kahit na anong salita ng pagmamahal.

Hindi siya magtitiyaga nang ganito katagal kung hindi, sabi ni Princess.

Obligasyon at hindi bakasyon para kay Duke ang pag-stay niya rito isang buwan taon-taon. Hindi `yon dahil sa akin. Para sa kanya ay isa akong diversion at entertainment habang narito siya. Baka rin some sort of rebellion. He was never serious about me and he’s not going to be suddenly—o kahit na in the future. Tandaan mo `yan, aniya sa matigas na tinig.

Kumunot ang noo ni Princess. What do you mean?

Jane shook her head. Someday, her friend would know everything but not from her. Just stop weaving fantasies about me and Duke. It’s not gonna happen, maniwala ka sa akin.

Princess’s face fell. Hindi naman masamang mangarap. You need a Prince Charming, Jane. I want you to experience the beauty of love.

I don’t need a— Napabuntong-hininga si Jane at nagpasya na huwag nang ituloy ang sinasabi. Ngumiti na lang siya. May parte sa kanya ang parang gustong mainis sa kaibigan. Ipinaalala na lang niya sa sarili na magkaiba sila ni Princess. Sabay at magkasama silang lumaki pero hindi pareho ang mga pinagdaanan nila sa buhay. Iba ang perspektibo nito sa mga bagay-bagay. She could be naive and romantic, but it was not her fault. She grew up sheltered and protected from all the bad things in the world.

She loved her with all her heart, but there were things she hadn’t told her. She had experiences she had never shared. Experiences that shaped her and made her stop believing in fairy tales.

Muli siyang napabuntong-hininga. If Princess only knew. She had already experienced the beauty of love once upon a time. She thought she found her Prince Charming because she once believed

Enjoying the preview?
Page 1 of 1