Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Rush
Rush
Rush
Ebook123 pages1 hour

Rush

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

I‘ve been dreaming of this...
When my childhood friend Nadyn and I finally hit it off in bed, I thought my dream has come true. Right? Mali. The next morning, the reality of what we did hit me like a sledgehammer.
Nakalimutan kong gumamit ng protection.
I have plans of giving her every semblance of romantic bliss she couldn't even imagine, not saddle her with the stress of being scared shitless if she was going to be a good mother. I want her to know it's going to be okay as long as we're together. But all she's thinking now is saving me from this scam of a contract called marriage.

Gusto ko, si Chaz ang una...
When I decided I wanted to experience intimacy with the only man I trusted, I was deliciously surprised at how explosive we were in the sack. Finding out I was having his baby was the shock of a lifetime. Gustung gusto ko ang baby! But I don’t believe in marriage... it would destroy what's left of us. Kaya lang, sikat si Chaz na musician and he is hot as sin, and being witness to other women wanting a piece of him is teaching me that there's something else I couldn't tolerate more than getting married – jealousy.

LanguageTagalog
Release dateOct 6, 2020
ISBN9781005390891
Rush

Read more from Elena Parks

Related to Rush

Related ebooks

Reviews for Rush

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Rush - Elena Parks

    Chapter 1

    Chapter Separator

    Nadyn

    MAINGAY ANG MUSIC, malikot ang mga ilaw at maririnig ang mga tawanan at masayang ingay sa paligid. The AC was working well, and I wasn’t dancing yet so I hadn’t sweated. I had my second empty glass of Mojito dangling on my hand as I smiled and talked with Tom. Or he introduced himself as Tom. He approached my table a minute ago. I was just telling him that my companion would be coming back from the restroom and I really wanted to be with my guy alone.

    He didn’t seem insulted. In fact, nakangiti pa siya noong sinabi niyang my guy was a very lucky man. Nginitian ko naman siya nang mas matamis pa.

    Sobra… and he knows that. Thank you.

    I forgot about him as soon as he’d turned his back on me, though. Kasi parating na nga ang ‘my guy’ ko, nakita ko noong bumaling ako sa direksyon kung saan siya manggagaling dapat. No, he wasn’t my guy as in boyfriend. Pero siya ang pinakamabait na lalaki sa balat ng lupa, ang matatawagan ko anytime na seryosong kailangan ko ng tulong, at ang pinakamalapit kong kaibigan.

    But I knew what others could see.

    Hot guy. Sooobrang handsome. Sikat… and he deserved that. And available. All his fans knew by now that he’s broken up with his Ex na isang actress/singer. At ako, si Nadyn, ang kanyang childhood friend, ang kasama niya ngayon.

    Ang kanyang friend. Para na ring sister, mind you.

    That was why right now, he was frowning at the leaving back of Tom, while women in the club watched in envy when he reached my side and his hand reached for… the top of my head. To tap like a puppy. And then laughed when I threw him a disgusted look.

    Kung alam lang nila, parang kuya o tatay ko na si Chaz, sa klase ng turing niya sa akin. Meanwhile, pictures of us would be on socmed tonight. Si Estella, ang latest ex niya, ay isa sa mga solo singers na kumanta ng dalawa sa mga hit songs ni Chaz, at na kabi-break lang ng dalawa two weeks ago. As far as I knew, tonight was the first time he was seen on the night scene. Mamamatay sa selos ang babaeng iyon kapag nakita niya ang mga pics namin. Makakaganti rin ako sa pamba-bash ng mga followers niya sa akin last month dahil sa pagseselos niya sa akin.

    Ang tagal mo, ha? reklamo ko. Apat na opportunities ang tinaboy ko kasi kasama kita, hayst!

    Natatawa siya. Nagkaproblema ako sa restroom. May naghihintay na fans sa labas.

    Namatay ang ngiti ko. Oh my God… are you okay?

    Tumango siya. Sanay na ako. Pa-sign-sign lang ‘yon.

    Napalabi ako. Yabang naman… Pero napaisip ako. Sabagay, kahit noon pa nakakauto na talaga yang cleft chin mo.

    Napatingin siya sa hawak kong empty glass at nagtaas siya agad ng kamay para kunin ang atensyon ng waiters. Paano mo nataboy ang mga ‘yon? tanong niya pa habang hinihintay namin ang waiter.

    Sabi ko may boyfriend na ako, sagot ko. Dating modus operandi, sabi ko pa. Kaso kilala ka nung isa at sabi ba naman to my face, I’m lying daw kasi nasundan niya ‘yung IG mo last month at alam na niyang magkaibigan na tayo mula pa mga bata.

    Awww… aniya.

    Anyway, sabi niya naka-follow daw siya sa IG ko and he finds me really pretty, and he hopes I follow him back. Pinaikot ko pa ang mga mata ko. Sorry. Sikat ka kasi, eh. Nadadamay tuloy kaming mga minions mo.

    You have thousands of followers sa IG mo, what are you talking about? sambit niya matapos senyasan ang waiter na magdala ng bagong drinks sa mesa.

    Umikot ang mga mata ko. Dahil mo! Dati nananahimik na three thou lang followers ko. Tapos hinila-hila mo ako sa video mo. Biglang naging ten K in a day. Okay na sana kasi mababait naman sila kahit araw-araw akong nakakakita ng naka-brief sa DM ko.

    What?!

    Tumatango ako. Oo. Hindi ko na sinabi sa ‘yo kasi basta ‘di ko kilala hindi ko na binubuksan. It’s not new. What your Ex’s toxic fans did to me was way worse!

    Bakit kasi kumalat ang picture na ‘yon, ‘di naman totoo, aniya sa apologetic na tinig.

    Lumabas kami ni Chaz isang gabi last month sa dinner kasama ang dalawa sa half-brothers niya, girlfriends ng mga ito, at dalawa pang mga kaibigan namin noon pa sa college. Pregnant kasi sa second child ng mga ito sina Chito at Reina so nagse-celebrate kami. At one time, bumaling siya sa akin kasi may sasabihin, sabay namang baling ko rin sa kanya kasi may sasabihin din ako. Nagmuntik magtama mga lips namin. Pero may follower pala siyang nagbi-video sa phone at kinuha iyong point na pinakamalapit ang mga lips namin sa isa’t isa kaya para kaming nag-kiss sa picture. Hindi pa nga kami nakakauwi ay nagba-viral na pala ang shot sa Twitter.

    Syempre, nakita iyon ni Estella, iyong Ex. At syempre, nag-post ng galit na post about kalandian ko raw at… ‘yung L word na hindi maganda. Sinugod na rin ako ng toxic niyang fans sa lahat ng accounts ko.

    Chaz was quick and posted on his own accounts that we were close friends and it was an unfortunate shot. Aksidente. Nag-share pa siya ng mga pics na kasama ako at mga pamilya namin from way back na nasa grade schools pa kami. His family and our other friends – kahit iyong mga ang tagal na naming hindi nakakasamang alam ang tungkol sa amin – commented din. I never had to say anything. In fact, nakatulog pa ako nang mahimbing nang gabing iyon dahil sa dami nang nagtanggol sa akin, alam kong maaayos din iyon.

    Mas nag-alala ako, actually, na isipin ng mga fans ni Chaz na isa siyang manloloko. But it did not go that route. Hindi naman siya talaga playboy, technically. Hindi siya nagsasabay-sabay ng babae. Pero hindi rin nagtatagal ang pagitan ng mga timelines ng mga naging girlfriends niya. Kung ako man – lalo na kung ako – nakaka-insecure talaga. Nagsisimula pa lang baka buma-byebye na ako.

    So… single ka na ulit. Sino naman ang sunod? tudyo ko sa kanya.

    Wala, ah. Break muna ako. That’s been… pretty chaotic, sabi niya.

    Naaawa akong ngumiwi sa kanya. Yes. Sana ang sunod katulad ni Frances. ‘Yung confidently beautiful ba? Si Frances lang ang nakasunod ko sa mga Ex niya, pero dahil kaibigan ko naman talaga iyon bago naging sila. Highschool pa iyon, ha? Imagine kung ilan nang mga babae ang nagdaan sa kaibigan ko mula noon.

    Sayang nga, eh. Dalawa na ang anak ngayon.

    Napahalumbaba ako. The one that got away. Unfortunately, nabingwit agad na parang isda si Frances nang sunod nitong naging boyfriend after Chaz. After graduation, nakasal agad ang dalawa kasi nabuntis ang babae. Godparents pa nga kami ni Chaz ng panganay.

    I’m doing this song right now at naiisip ko siya, amin pa niya, kaya napatitig ako sa kanya. Not that I still love her like that, but she’s one of those women kasi na kapag kilala mo o kasama mo sa buhay mo, kalmang kalma lang ba? Not asking for too much, always ready to give nang walang kapalit, ang ganda-ganda pa, at masarap magluto.

    Napangiwi na naman ako. Chaz naman, eh! So hindi ako kasama? maktol ko.

    Gusto mong maging tayo? Ngumisi siya.

    Napatirik na naman ang mga eyeballs ko. You know what I mean. Hindi GF. Pero hindi ko man lang ba napapakalma ang buhay mo bilang bestfriend mo?

    Hindi ka marunong magluto.

    ’Di bale, marunong ka. Magaling ka. Ikaw na lang magluto.

    Tumatawa siya nang mas malakas. Lahat kami sa paligid mo, marunong magluto. Bakit ‘di ka natuto kay Lola?

    Sinadya kong lumabi nang exaggerated. Hindi ko nga alam kung bakit nga ba wala akong talent sa pagluluto. Magaling din magluto si Mommy. At may nagsabi sa akin, decent cook din ang father ko, kahit hindi ko naranasan pa kahit kailan ang luto niya. Ipaglalaba na lang kita o kaya maglilinis ako sa trailer mo. May tatlong camping trailer sa likod ng bakuran nina Chaz at isa sa mga iyon ay sa kanya. Mahihilig mag-camping ang magkakapatid pero si Chaz, especially, ay gamit ang RV niya for privacy para makapagsulat ng kanyang mga kanta nang malayo sa ingay ng kanilang bahay. Nagtutungo siya sa isang camping site o sa beach mag-isa at nakakailang araw sa malayo bago umuwi. Regalo ng ama niyang mayaman na nasa States na hindi madamot sa sustento kahit hiwalay sa mommy niya ang RV niya. He got it when he was in college.

    Bahagya siyang humapay sa akin pagkatapos niyang tumawa. "Na-miss kita,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1