Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Phantom: Tierra Firme Book One
Phantom: Tierra Firme Book One
Phantom: Tierra Firme Book One
Ebook152 pages1 hour

Phantom: Tierra Firme Book One

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Mia believed all her life that she was just a regular Majikal with lousy majik.
Pero nang makarating siya sa Montierra Island sa paghahanap sa kanyang tunay na ama, she was claimed right away by Alexander Giorgino Montierra, the only one of the surviving Ancients remaining in Tierra Firme.
Isang mundo ang nabuksan sa kanya.
Isa siyang Witch, at maaaring isa sa mga Witch Queens sa propesiya na maghahanda sa buong mundo sa darating na delubyo sa hinaharap. At si Gio lang ang may kakayahang turuan siyang makontrol ang kanyang nabuhay na Majik at ihanda siya sa darating.
Ang problema, Gio was one of the instigators of witch huntings that killed thousands of Witches in the past. No Witch of today could trust him completely.
Will he help her? Or will it be his mission to kill her?

LanguageTagalog
Release dateAug 23, 2019
ISBN9780463780688
Phantom: Tierra Firme Book One

Read more from Elena Parks

Related to Phantom

Related ebooks

Reviews for Phantom

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Phantom - Elena Parks

    1: MIA

    Chapter Separator

    MAINGAT AKO SA PAGTAPAK sa makipot na kahoy na tulay habang inaalalayang makababa sa bangka ni Mang Julio, isa sa mga bangkero.

    Hinawakan niya ako sa braso hanggang sa nakatapak na ang mga paa ko sa daungang gawa sa malalapad at makakapal na mga tabla ng kahoy. Sa kabila ng naglolokong sikmura, nginitian ko siya sa pasasalamat bago niya nabalikan ang pinsan kong si Christian sa bangka. Ako naman ay bumaybay sa kahoy na tapakan para makababa sa buhanginan at nang makarating doon, saka ako nakahinga nang maluwag.

    Majikal powers be damn. Nalula pa rin ako sa alon sa dagat, shit. I never could stand sea sickness.

    Fuck. Naiwan ko sa laot ang breakfast ko, nangingiwi kong naisip habang napapa-himas sa aking tiyan. Bakit hindi ko binaon ang mga tonics ni Mommy? Bahagya pang nangangatal ang mga tuhod ko.

    Napadaan kami sa malalaking mga alon patungo rito kahit maaliwalas naman ang panahon. Normal na raw iyon, sabi ng mga bangkero. Bukas daw kasi ang parteng iyon ng karagatan sa Silangan kaya malakas ang hangin at malalaki ang mga alon.

    Bakit daw kasi hindi ako uminom ng motion sickness pill? Tanong iyon ng dalawang bangkero. But I couldn’t take any meds from the Mundis. Hindi gagana sa akin. For some reason, kahit hindi naman ako magaling sa majik ko, walang guma-ganang gamot na gawa ng mga Mundis sa mga naging sakit ko sa paglaki kundi mga concoctions ng Mommy ko na isang Majikal.

    I couldn’t tell them that, because they were Mundis. And if they happened to know about Majikals because they work for the Montierras, we couldn’t ask because Ian and I were posing as Mundis.

    As if our mission here wasn’t complicated enough, hindi ba?

    Nakatapak na ako sa buhangin, at napa-ngiti ako sa naramdamang init sa mapino at maputing mga butil. Huminga ako nang malalim at pinuno ko ang aking mga baga ng hangin.

    Fresh salt air. I felt better.

    Samantala, nakababa man si Christian nang walang alalay pero nagpapatulong siya sa pagbuhat sa bags namin at equipment kina Mang Henry at Mang Julio kaya nagtatagal siya.

    Ibinalik ko ang aking mga mata sa isla, naniningkit kahit may suot akong sun-glasses, dahil sobrang tingkad nang pagsikat ng araw. Maputing maputi ang buhangin. The whole island seemed shining.

    At kumakabog nang malakas ang aking dibdib.

    I’m here… really here, in this enchanted island.

    Nakatapak ako sa buhangin ng Montierra Island at natatanaw ang Montierra Mansion mula sa kinatatayuan ko. Nasa ibabaw iyon ng plateau sa isla at ang backdrop ay ang berdeng kagubatang sumasakop sa mas malaking parte ng isla.

    Noong nire-research ko pa ang tungkol sa Montierra Clan, hindi ako naniniwalang makararating ako rito sa kanilang isla, na isa sa pinakamagagandang private island resorts sa South Pacific at ang pinakaistriktong pribadong lugar na alam ko. Kahit napaka-yayamang mga elitista ay nagdaraan sa matinding screening bago makatapak sa pino at bleached-white na buhangin ng beach dito. May napo-post mang mga larawan sa socmed, pero ni hindi nakarating ang mga nag-post niyon sa pusod ng isla. Nagdaraan sa inspeksyon ang mga cameras at cellphones bago maipasok at mailabas, na kasama iyon sa kasunduang pinipirmahan kung mabibigyan ng permisong bumisita.

    Like right now, ang clearance namin ni Ian na gamitin ang aming smart phones para mag-message o tumawag ay mula rito sa beach hanggang sa mansyon lamang. Anywhere beyond that, hindi na kami pwedeng magdala ng anumang gadgets, so it wouldn’t be suspicious when any electronic gadgets would suddenly stop working because of the wards. Magtataka ang mga Mundis. Ang mga Majikals, syempre, alam ang tungkol sa mga wards na nagbibigay ng proteksyon sa isla at sa sinumang naroroon. But, Mundis or Majikals, walang kumukwes-tyon sa rules or hindi makakatapak sa isla.

    May panahon na off-limits daw ang lugar na ito sa kahit na sino maliban sa mga Montierra, syempre, at mga may pinaka-malapit na kaugnayan sa mga ito.

    Noon iyon, na buhay pa ang matriyarka ng mga Montierra na si Donya Isabella Montierra, ang ina ng Tres Montierras na Aleron, Romano at Maximo. Pero mula nang mamatay ito ay may mga importanteng delegado mula sa ibang bansa, mga bilyonar-yong negosyante at sikat na Hollywood film stars daw ang nakabisita na rito. May mga myembro rin ng European at Asian royalty ang nakapasok at nakalabas ng bansa para bumisita sa mga Montierra nang ni hindi namamalayan ng media. Hindi nakapag-tataka ang mga pangyayaring ito kasi ang mga Montierra ang isa sa pinakamayamang angkan sa buong mundo.

    At – sa akin at sa ibang gaya kong Majikal – isa sa pinakamakapangyarihang angkan ng mga salamangkero sa mga clans sa lahat ng mga kontinente ng tao.

    Sa mga Mundi dito sa Pilipinas, ang pamilya naman ang pinakasikat pagdating sa philanthropy. Lahat na yata nang maiimbentong charitable project, meron ang mga ito – para sa mga batang kalye, sa mga batang taga-ampunan, home for the aged, home for unwed mothers, livelihood programs for the disabled, scholarships, at emergency funds kapag may typhoons o anumang klase ng disasters. They funded surgical operations for the poor and had saved thousands and thousands of lives that, according to whispers, were never put on record. Sigurado akong meron pa akong hindi naisama sa listahan sa kabila ng extensive research ko.

    Kahit isa rin akong Majikal, I was a lousy spell maker and majik practitioner. There was no way I could get information by going through the clan’s powerful Majikal wards that protected their precious privacy from the unsuspecting public – na mostly ay Mundis o mga taong walang majik sa dugo. There possibly were regular Majikals who still didn’t know that much about the Montierras. Sikat sila, pero sobrang private din at may perang magagamit para mapa-natili iyong ganoon.

    May kinalaman sa pagiging lousy kong Majikal ang pagtungo ko rito. Well, not entirely. Ang pagiging overly-protective ng immediate family ko laban sa anumang imagined na mga multo sa kaligtasan ko sa mga rason kung bakit limitado ang alam ko tungkol sa mga clans sa aking paglaki kaya natuklasan ko lang ang tungkol sa Montierra Clan lately.

    My mother was highly respected as a Majikal, though, at nagmula siya sa Artisania Clan na hindi man kasing yaman ng mga Montierra ay mas pribado – sobra, ni hindi ko pa sila nakakaharap kahit kailan. At first, I thought it was because I was a Hybrid. Hybrid ang nakilala kong ama kaya akala ko, Hybrid din ako.

    Then, malalaman-laman kong hindi ko pala tunay na ama ang kilala kong tatay ko, whom I was very close to.

    Noong makabawi ako sa shock, I began to investigate further. Tinuturo ng ebidensya na noong panahong pinagbubuntis ako ni Mommy, si Maximo Montierra ang kanyang kasintahan.

    Medyo skeptical ako, syempre. How could I have a set of Majikal parents that powerful, when I was this… pathetic? May mga estudyanteng teens pa lang ay kung ano-ano nang ka-Majik-an ang nagagawa – like levitate, transport, move things around, conjure a cheat sheet from nothing like sa mukha ng instructor (na bawal, btw.) Samantalang ako, ni hindi man lang maikilo ang kutsara maliban kung galit ako.

    No, it wasn’t really only that. And you know it. Somehow.

    I cringed. My memories of times when I used majik without thinking because I was young weren’t complete. Most of them were hazy. I did have majik. Ayon sa mga leksyon namin sa ilang training camps na nadaluhan ko sa paglaki, lahat ng tao ay may innate psychic abilities. So I have majik. Pero akala ko talaga, Hybrid ako, gaya ng phenomenon na nangyayari the past decades, na for some reason ay may mga batang Munding nagsimulang kakitaan ng active psychic abilities. Nagsimula raw ito early ‘70’s. The Elder Council of Majikals, an international governing body ng mga Majikals, started taking in these special Mundis (mostly unconfirmed Hybrids) so they could be taught how to use their powers without alarming the public that knew nothing about our existence.

    Pero meron din namang mga Majikals na Hybrid – bunga ng Majikal at Mundi. Maaaring mag-manifest ang powers ng isang Hybrid agad-agad, o maaaring sa sumunod na mga henerasyon pa iyon mangyari. Iyon ang suspetsang nangyayari ngayon.

    May mga pagkakataong ni hindi alam ng mga Hybrids ang tungkol sa mga powers at nananatiling, sa paniniwala, ay pangka-raniwan lang silang mga taong may mga kakatwang karanasan sa buhay. But there were those whose manifestations of majik were too obvious they had to be taken in. Ang Elders ang nagdedesisyon sa mga ganitong pagkakataon.

    Ang sitwasyon ko ay gaya ng Hybrid na aware na may mga Majikals. Most Majikals were witches and warlocks who’d acquired their powers through bloodlines that had existed secretly since time immemorial – gaya ng Mommy ko. Since time imme-morial, Majikal bloodlines had been living secretly among the populations in each continent. May mga majikal lineages pa nga na nag-e-exist pa pala pero nakalimutan na dahil sobrang tahimik. We called these lineages clans, sila na nabubuhay in separate cells somewhere undisclosed. And usually, sa mga clans na ito matatagpuan ang mga Majikals na may extraordinary majik dahil nananatiling puro ang kanilang dugo. My mother was one.

    Kung hindi ako kamukha ng Mommy ko, magdududa akong isa akong Hybrid na napulot sa tabi-tabi, inampon, at pinalabas na isang Majikal para hindi ako magmukhang kawawa.

    And this was what that small voice was talking about – those times when an emotional outburst made me lose control of my majik.

    There was a time – very long ago that I could barely remember much of it – when I made some members of the school’s football team red and badly blistered, as if they had been naked under the hot sun for hours, because they bullied Ian. My mother and Daddy Edds had to come because the boys continued to bleed. I couldn’t reverse whatever I’d done when my anger was spent. They also had to do forget spells kasi mga Mundis ang mga ito at ang iba pang naka-witness ng pangyayari.

    Of course, they had to report it to the Elders. Alam kong isa iyon sa mga dahilan kung bakit lagi akong bantay sarado nang ilang teachers kapag nasa majikal camps ako.

    So… I had majik. Iyong klase na hindi ko kailangan. But I had to do something, and if my mother couldn’t help me anymore, my real father would have to explain and help me out dahil may majik ako. Hindi ko ginagamit – I practically grew up a Mundi. But everytime I see the blood of those boys in my head…

    So, balik

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1