Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Free Spirit: Mason Regero Series Tagalog Edition, #1
Free Spirit: Mason Regero Series Tagalog Edition, #1
Free Spirit: Mason Regero Series Tagalog Edition, #1
Ebook221 pages2 hours

Free Spirit: Mason Regero Series Tagalog Edition, #1

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Pinalaki si Jean Claire ng kanyang tiyuhin para ipakasal at ibenta sa lalaking makatutulong sa business nito.

 

Ngunit walang balak si Jean Claire na sundin ang kapalarang itinakda ng tiyuhin. Tinakot niya ang horse trainer na si Beltran para tulungan siya nitong makatakas sa tiyuhin.

 

Ganoon na lamang ang gulat niya nang matuklasan niyang hindi ordinaryong tao si Beltran!

 

Mason Regero ang tunay nitong pangalan. Mapanganib , mapangahas at walang kinatatakutanang lalaki. Nakatutok din ang atensyon nito sapaghihiganti sa taong pumatay sa sariling ama.

 

Ngunit kahit na anong gawin ni Jean Claire aypatuloy na nahuhulog ang kalooban niya sa lalaki. Hindi pa rin niya magawang tanggihanang maiinit nitong yakap at halik.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateJun 14, 2022
ISBN9798201591816
Free Spirit: Mason Regero Series Tagalog Edition, #1

Read more from Arielle Alia

Related to Free Spirit

Titles in the series (3)

View More

Related ebooks

Reviews for Free Spirit

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Free Spirit - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Magdalena Mangulabnan and Raquel Robles for proofreading this novel.

    To my friend, Emlyn Serdiña who helped me review this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR'S NOTE

    Matagal ko nang nilikha ang character ni Mason Regero. Pero sa una pa lamang, si Hugh Jackman (as Wolverine without a beard but a complete bad ass) na ang naging inspirasyon ko sa kanyang character.

    Una kong ipinakilala si Mason sa one shot novel na Courtesan, then naging isa rin siyang supporting character sa Club 56 Series at Blackthorn Academy. Readers have known him for a while, at marami sa kanila ang nagtatanong kung kelan ko igagawa ng sariling story si Mason.

    Mason's story is already in my head for a long time. Ang problema na lamang ay kung sino at anong klase ng babae ang ipa-partner ko sa kanya. Sa klase kasi ng personality niya, mahirap isipin na magiging faithful siya sa isang babae lamang.

    That woman must be extraordinary. At wala akong maisip. But after several years, the right woman for Mason finally popped out of my head! By the time na isinusulat ko na ang Club 56-Vishnu, she was already fully realized. Readers also got a glimpse of her in Blackthorn Academy-Sentinels, although hindi ko siya pinangalanan, siya ang mother ni Jian Regero, ang resident headmaster ng Blackthorn Academy.

    So now, here is Mason Regero's story and the woman who captured his heart. By the way, kung long time readers ko kayo at nabasa ninyo ang kuwento ni Mason sa mga past printed book ko, forget that. This novel reboots everything you knew about him. Maaari rin itong magsilbing prequel ng Blackthorn Academy. Mason's story happened in the late 1990s and early 2000s. Which means the stories in Blackthorn Academy ay nangyari sometime in 2030.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1

    Pagpasok ni Jean sa kuwadra ng kabayo ay natigilan siya. Usually, ang nakikita niya na nag-aasikaso sa mga kabayo ay si Mang Ondoy. Matanda na si Mang Ondoy pero magaling itong mag-alaga ng mga kabayo. Dati rin itong isang sarhento sa army kaya't sa kabila ng edad nitong almost eighty ay matikas pa rin itong tumindig. Ngunit hindi ito ang inabutan niya ngayon. Ang naroroon ay isang matangkad na lalaki. Abala ito sa pagsusuklay sa buhok ng paborito niyang kabayo na si Jewel.

    Nakatalikod sa kanya ang lalaki, ngunit nasisiguro niyang ngayon lamang niya ito nakita sa Rancho Pawid. Diretso ang itim na buhok nitong hanggang batok. Lahat halos ng mga lalaki na nagtatrabaho sa rancho ay mas mababa sa height niyang 5'8. Ang tanging mas mataas sa kanya ay ang Tiyo Leonardo niya at si Mr. Concio na head ng security. Pero mas matangkad pa sa mga ito ang lalaking nasa harapan niya.

    Hula niya ay naglalaro sa six feet ang height nito. Pero hindi lamang ang taas ng lalaki ang nakakuha ng kanyang pansin. Maging ang tindig nito. Matikas iyon. Nagpapakita ng lakas. Naturally tanned din ito, 'di tulad ng pinsan niyang si Macky na kailangan pang mag-sunbathing para mawala ang kaputlaan ng balat. Nakasuot ang lalaki ng blue sleeveless shirt, at sa bawat paggalaw ng braso nito ay kapansin-pansin ang pag-igting ng mga masel. Malapad ang balikat nito at V-shaped ang korte ng katawang bumabakat sa suot nitong shirt at maong. Isang lumang tsinelas ang kumumpleto sa attire nito.

    Sa 'di niya maipaliwanag na dahilan, patuloy niyang pinagmasdan ang lalaki. Sinusuri. Kung ide-describe niya ang klase ng personalidad ng lalaki base sa nakikita niya, sasabihin niyang lalaking-lalaki, strong and sturdy ang dating nito. Puno ng kumpiyansa at perfectly balanced ang pagkakatayo ng mga paa nito. Bumaba ang tingin niya sa mga binti nito. Hula niya kung naka-shorts lamang ang lalaki, tulad ng mga braso nito ay muscularly lean din ang mga hita at binti nito. Tipong isang atleta na sinanay nang husto ang pangangatawan.

    May kailangan ka ba, Miss Jean? usisa ng isang buo at malamig na boses.

    Nagtaas siya ng mukha. Nakita niyang nakatingin na sa kanya ang lalaki! Bahagyang nag-init ang mukha niya. Napansin ba nito ang ginagawa niyang pagsusuri sa katawan nito?

    Kilala mo ako?

    I always make sure to know who will be my bosses sa mga lugar na pagtatrabahuhan ko.

    Nagulat si Jean. Perfect English! Walang anumang punto. Malinaw na may pinag-aralan ito!

    May maitutulong ba ako sa iyo? Magalang ang mga salitang gamit ng lalaki, ngunit ang tono nito ay para bang ito ang boss at hindi siya.

    Kumunot ang noo niya. May attitude ang lalaki!

    Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Mang Ondoy? pagtataray niya.

    Nasa ospital.

    Anong nangyari sa kanya? Napuno siya ng pag-aalala. Mula nang manirahan siya sa rancho, ang matanda ang masasabi niyang isa sa mga naging kaibigan niya. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano mangabayo. Sa tulong ng matanda ay nadiskubre niya na may natural siyang kakayahan pagdating sa pagpapasunod at pagsakay ng kabayo.

    Nahirapan siyang huminga. Pero ayon sa doktor, nasobrahan lang sa pagtatrabaho. Halos otsienta na kasi siya, dapat ay 'di na nagtatrabaho.

    Kamusta na siya? Gustuhin man ni Jean na dalawin ang matanda sa ospital, imposible iyon. Hindi siya pinapayagan ng tiyuhin na lumabas ng rancho.

    I heard he is doing okay at malapit nang makalabas ng ospital. Pero hindi na siya babalik dito. Didiretso na siya sa bahay ng isa sa mga anak niya kung saan niya ipagpapatuloy ang pagpapahinga. Ako nga pala si Beltran. Ako ang kinuha ni Mrs. Mendoza na kapalit ni Mang Ondoy dahil mas may kakayahan akong gampanan ang trabaho niya rito, pagyayabang nito.

    Sa kabila ng ipinapakita ng lalaking kayabangan, 'di pa rin niya napigilan ang sarili na pagmasdan at suriin ito. Sa likod ay na-impress na siya sa katawan ng lalaki. Ngunit sa harap, mas impressive. Flat ang tiyan nito. Walang anumang sign ng bilbil. Bihira siyang makakita ng ganoon. At ang mukha nito, sa kabila ng makapal nitong balbas ay malinaw na guwapo. Squared jaws, matangos na ilong at mga matang diretso kung tumingin at walang kinatatakutan.

    Gusto niyang utusan na mag-ahit ito para makita niya ang kabuuan ng mukha nito. Pagsabihan na alisin na ang bangs na bahagyang tumatakip sa mata nito. Ipaaalis din niya ang patilya nito since matagal nang 'di uso ang ganoong style sa buhok.

    Mangangabayo ba kayo ngayon, Miss Jean? usisa nito.

    Narinig niya ang sinabi nito. Ngunit nanatiling abala siya sa pagsusuri sa lalaki. Wala sa itsura nito ang isang normal na tagapag-alaga lamang ng kabayo. There's something in the way his eyes shone at kung paano ito tumayo. Masyadong malakas ang personalidad nito para sumunod sa utos ninuman. Mas mukha itong sanay mag-utos, gawin ang anumang gusto kaysa sa maging sunud-sunuran lamang. Pero ayon kay Man Ondoy, ang mga horse trainer ay kailangang laging ipakita na in command sila para mapasunod nila lagi ang mga kabayo.

    Qualified ka bang maging tagapag-alaga ng mga kabayo? mapaghinala niyang tanong.

    Hindi ako katulad ni Mang Ondoy na tagapag-alaga lamang ng mga kabayo. I am a horse trainer. I train horses to run in races.

    Tatlo lamang ang kabayo namin. At wala sa kanila ang maaaring maging racehorse. Mga thoroughbred o Arabian stallion ang ginagamit sa races. Kung siya ang tatanungin, ang lalaki sa harapan niya ay nabibilang sa thoroughbreds. Sa kabila ng attitude nito, 'di niya maitatangging isa itong great specimen of the human male species.

    Bumili ng mga race horse ang uncle mo. In a day or two ay darating na ang mga iyon kaya't ngayon pa lamang ay pinapunta na niya ako rito. Hindi na kakalog-kalog itong kuwadra na may sampung stalls pero tatlong kabayo lamang ang nakatira.

    Mamahalin ang ganoong klase ng mga kabayo. Saan kumuha ng pera ang tiyo niya gayong sa tuwi niya itong makikita ay wala nang ginawa kung hindi magreklamo sa nangyayaring pagkalugi sa negosyo na dulot ng oil crisis sa buong mundo, at ang sobrang gastos para i-maintain ang Rancho Pawid.

    How old are you? biglang pagbabago nito sa usapan.

    Tiningnan niya ito nang diretso. Gusto niya ay sa mata ito tingnan pero napadako ang tingin niya sa bibig nito. Strong mouth. Biglang sumingit sa isipan niya ang isang katanungan. Paano kaya iyon humalik?

    Twenty-one.

    Bahagya itong napatango.

    Puwede ba akong mag-request sa iyo, Miss Jean?

    Request? Naguluhan siya.

    Puwedeng itigil mo na ang ginagawa mong paghuhubad sa akin gamit ang mga mata mo?

    Napatanga siya. Nag-init ang mukha. Oo nga't ginagawa niya iyon, pero hindi dapat iyon sinabi ng lalaki! Isang kabastusan iyon sa isang babaeng tulad niya. Noon niya napansin ang bahagyang pagngiti ng bibig nito. Pinaglalaruan siya ng lalaki! Tumiim ang bagang niya.

    How dare you! Anong akala mo sa akin? Hindi ako tulad ng mga babaeng kilala mo! sigaw niya rito.

    Binaliwala ng lalaki ang galit niya. Humakbang ito palapit sa kanya. Agad niyang napansin na kahit na sa paglakad ay lalaking-lalaki ang dating nito. Puno ng lakas.

    Kapag hindi mo itinigil 'yang ginagawa mo, baka ipakita ko sa iyo ang gusto mong makita, panunukso nito.

    Wala sa sariling napasulyap siya sa ibabang bahagi ng baywang nito.

    Okay then, I'll show you! Sinimulan nitong alisin ang sinturon.

    Isang part niya ang gustong manatiling nakatingin. Pero nangibabaw ang hiya niya. Napatakbo siya palabas ng kuwadra ng kabayo. Naulinigan niya ang malakas na tawa ng lalaki.

    Gago talaga! ngitngit niya. Labis siyang ipinahiya nito! Wala man siyang karapatan na sisantihin ito, isa sa mga araw na ito, tuturuan niya ito ng leksyon. Kahit na masasabing sampid lamang siya sa Rancho Pawid, she also deserved respect! At sa ayaw at sa gusto ng Beltran na iyon, tuturuan niya itong irespeto siya at kilalanin bilang amo!

    CHAPTER 2

    Bahagi ng morning ritual ni Jean ang pangangabayo. Ngunit dahil sa Beltran na iyon ay 'di siya nakapangabayo ngayon. Dala pa rin niya ang inis at kahihiyan hanggang sa pagdulog niya sa hapag kainan. Napansin agad ni Mrs. Mendoza, ang nagsisilbi niyang tagapag-alaga, na wala siya sa mood at halos 'di niya kinakain ang nakahaing tanghalian.

    Hindi ka nasiyahan sa pamamasyal mo sa rancho?

    Kung sa loob ng labing-isang taon ay wala ka nang nakikita kung hindi ang apat na sulok ng rancho na ito, masisisiyahan ka pa ba sa pamamasyal? asik niya.

    Pinoprotektahan ka lamang ng tiyuhin mo. Ipinangako niya sa ina mo na dadalhin ka niya sa isang ligtas na lugar. At ang ranch na ito ang pinakaligtas na lugar sa isang dalagang tulad mo. Gugustuhin mo pa bang mangyari sa iyo ang nangyari sa ina mo? She was robbed and killed by street gangs!

    Mabilis na nagbalik ang nakaraan sa isipan ni Jean.

    Sampung taon siya nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao ng kanyang ina. Ilang araw pa itong naratay sa ospital bago ito tuluyang binawian ng buhay. Sa loob ng mga panahong iyon ay ipinagtapat nito sa kanya ang maraming mga bagay. Noon din dumating sa buhay niya ang kanyang Tiyo Leon, ang half-brother ng ina.

    Pagdating ng Tiyo Leon sa ospital ay naging malinaw kay Jean na hindi malapit dito ang ina. Bahagya pa ngang nabahala ito nang makita ang tiyuhin.

    Wala kang dapat na ipag-alala, Merced. Anuman ang naging pag-aaway natin noon ay kinalimutan ko na. Nagpunta ako rito para tumulong. Bago namatay si Papa ay ibinilin niya sa akin na hanapin kita. Ikinalulungkot kong nahuli ang dating ko.

    Hindi ko kailangan ang tulong o awa mo, Leonardo, mariing turan ni Inay Merced sa kabila ng panghihina nito.

    Lumapit ang Tiyo Leon sa tabi ng higaan ni Inay Merced. Saglit nitong sinulyapan si Jean.

    Nakausap ko ang doktor, Merced. Sinabi nila sa akin ang tunay mong kalagayan. Ang anumang galit mo sa akin at sa pamilya ko ay dapat mong isaisantabi. Magkapatid tayo. Isang dugo lamang ang nananalaytay sa atin. At nakahanda akong tulungan at kupkupin ang anak mong si Jean Claire. Alam kong matagal nang patay ang ama niya at wala siyang ibang mapupuntahan kung mawawala ka.

    Mukhang marami kang nalalaman tungkol sa akin, may pagdududang sabi ng Inay Merced.

    "Tulad ng sabi ko kanina, ibinilin ka sa akin ng Papa natin. I have been looking for you all these years. At ang mga impormasyong nalalaman ko ay ibinigay sa akin ng binayaran kong detective na naghanap sa iyo.

    Hindi mo kailangang gawin ito, Leonardo, kahit na ibinilin pa ito ng Papa. Nanatiling diskumpiyado ang boses ni Inay Merced.

    Saglit na kumunot ang noo ng Tiyo Leon bago ito huminga nang malalim.

    "The truth is, bahagi ng kondisyon ng last will and testament

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1