Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Wight Night: Antigo Series, #2
Dominion: Antigo Series, #3
Beginnings: Antigo Series, #1
Ebook series5 titles

Antigo Series

Rating: 0 out of 5 stars

()

About this series

Isang mapanganib at makapangyarihang demon na nagngangalang Molave ang nanlinlang sa pamilya nila Virgil. Dahil dito, nagawang pakawalan ni Molave ang isang makapangyarihang demon sa katawan ng kapatid ni Virgil na si Russel.

 

Sinundan nina Virgil at Ethan si Molave sa pinagtataguan nito.

Batid ni Virgil na kailangang gapiin ng pamilya nila si Molave, ngunit ang tanging paraan para magtagumpay sila ay kung isasakripisyo niya ang kanyang kaluluwa.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateMar 13, 2022
Wight Night: Antigo Series, #2
Dominion: Antigo Series, #3
Beginnings: Antigo Series, #1

Titles in the series (5)

  • Beginnings: Antigo Series, #1

    1

    Beginnings: Antigo Series, #1
    Beginnings: Antigo Series, #1

    Pinakasalan ni Virgil Thomas si Ethan kahit na mas bata ito sa kanya ng twenty-five years.   Matapos niyang isilang ang anak nilang si Mark, nagsimula siyang maghinala na pinagtataksilan siya ng asawa.   Pero bago niya nakompronta si Ethan, naglaho ito at natagpuan niya ang sarili at ang anak nilang si Mark na isinumpa ng isang demon.   Dahil sa sumpa naging isang maganda at twenty-year old na dalaga si Virgil. Ang anak naman niyang si Mark ay maaari lamang mabuhay ng walong oras sa bawat araw.   Noon nadiskubre ni Virgil na ang asawang si Ethan ay nabibilang isa isang pamilya ng demon hunters. At para matanggal ang sumpa sa kanya at sa anak niya, kailangan nilang hanapin at patayin ang demon na sumumpa sa kanila.

  • Wight Night: Antigo Series, #2

    2

    Wight Night: Antigo Series, #2
    Wight Night: Antigo Series, #2

    Natagpuan ni Russel ang sarili na nagtataglay ng isang sumpa. Dahil sa sumpa, dalawang katauhan na mayroong mga powerful magic ang nalagay sa loob ng kanyang katawan.   Gamit ang mga kapangyarihang iyon ay nakakagawa siya ng mga sandata na ipinanlalaban niya sa evil and dark creatures na nakakaengkuwentro niya.   Pero isang mapanganib na nilalang ang patuloy na sumusunod sa kanya at nagdadala ng panganib sa mga babaeng malalapit sa kanya. Para magapi ang kalabang ito, kailangan niyang saktan ang babaeng nagmamahal sa kanya.

  • Dominion: Antigo Series, #3

    3

    Dominion: Antigo Series, #3
    Dominion: Antigo Series, #3

    Mula pa pagkabata ay taglay na ni Ethan ang isang malakas na kapangyarihan. Ngunit binaliwala niya ito at tinalikuran ang kanyang pamilya at tungkulin na labanan ang mga evil creatures.   Mas pinili niyang maging isang sikat na artista at mabuhay nang marangya.   Naging makasarili siya at masama. Dahil dito ang kanyang kapangyarihan ay naging itim. Sinimulan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan para makuha ang lahat ng kanyang gusto at iligtas ang sarili. Hindi rin siya nagdadalawang-isip na gamitin ang kapangyarihan niya para saktan o kahit na patayin ang kanyang mga kaaway.   Ngunit walang nakahula na para mapigilan ang pagdating ng isang makapangyarihang demon na maaaring magdulot ng gulo at kamatayan sa mundo ay kakailanganing itakwil ni Ethan ang kasamaan at magpakabuti siya.

  • Separation: Antigo Series, #4

    4

    Separation: Antigo Series, #4
    Separation: Antigo Series, #4

    Ipinagmamalaki ng organisasyon ng Purus Sanguis na nilalabanan nila at pinupuksa ang mga demon. Ngunit nanatiling diskumpiyado si Mark at ang pamilya niya sa totoong motibo ng organisasyon.   Sa kabila nito, napilitan si Mark na makipagtulungan sa organisasyon. Isa kasing kakaiba at lubhang mapanganib na nilalang ang nakatakdang isilang. At para mapigilan ang pagsilang nito, kailangan ng organisasyon ang kapangyarihan ni Mark.   Huli na nang matuklasan ni Mark ang tunay na pakay ng Purus Sanguis. Balak ng organisasyon na kontrolin ang nilalang. Ngunit para magawa nila ito, kailangang isakripisyo ang buhay ni Mark!

  • Sacrifice: Antigo Series, #5

    5

    Sacrifice: Antigo Series, #5
    Sacrifice: Antigo Series, #5

    Isang mapanganib at makapangyarihang demon na nagngangalang Molave ang nanlinlang sa pamilya nila Virgil. Dahil dito, nagawang pakawalan ni Molave ang isang makapangyarihang demon sa katawan ng kapatid ni Virgil na si Russel.   Sinundan nina Virgil at Ethan si Molave sa pinagtataguan nito. Batid ni Virgil na kailangang gapiin ng pamilya nila si Molave, ngunit ang tanging paraan para magtagumpay sila ay kung isasakripisyo niya ang kanyang kaluluwa.

Read more from Arielle Alia

Related to Antigo Series

Related ebooks

Related categories

Reviews for Antigo Series

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words