Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Beginnings: Antigo Series, #1
Beginnings: Antigo Series, #1
Beginnings: Antigo Series, #1
Ebook104 pages1 hour

Beginnings: Antigo Series, #1

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Pinakasalan ni Virgil Thomas si Ethan kahit na mas bata ito sa kanya ng twenty-five years.

 

Matapos niyang isilang ang anak nilang si Mark, nagsimula siyang maghinala na pinagtataksilan siya ng asawa.

 

Pero bago niya nakompronta si Ethan, naglaho ito at natagpuan niya ang sarili at ang anak nilang si Mark na isinumpa ng isang demon.

 

Dahil sa sumpa naging isang maganda at twenty-year old na dalaga si Virgil. Ang anak naman niyang si Mark ay maaari lamang mabuhay ng walong oras sa bawat araw.

 

Noon nadiskubre ni Virgil na ang asawang si Ethan ay nabibilang isa isang pamilya ng demon hunters. At para matanggal ang sumpa sa kanya at sa anak niya, kailangan nilang hanapin at patayin ang demon na sumumpa sa kanila.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateMar 13, 2022
ISBN9798201799250
Beginnings: Antigo Series, #1

Read more from Arielle Alia

Related authors

Related to Beginnings

Titles in the series (5)

View More

Related ebooks

Related categories

Reviews for Beginnings

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Beginnings - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at

    https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com/

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Macy Joy Ann P. Bilangdal, Magdalena Mangulabnan, Raquel Robles, Clarrise G. Rosal, and Emlyn Serdiña who helped me proofread this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR'S NOTE

    Ilang taon na ang nakakaraan mula nang mag-submit ako ng isang dark fantasy comedy comic script entitled Antique Shop sa dati kong publisher. It was supposed to be published as a graphic novel in four parts.

    After seven years, na-publish din ang first part. Pero sinabihan ako ng publisher na huwag ko nang i-submit pa ang tatlong parts ng graphic novel. Hindi na sila interesado.

    Sa pagdating ng e-book publishing, nagkaroon ako ng pagkakataon na isulat at bigyan ng conclusion ang kuwento ng Antique shop by turning it into an e-book.

    Pinamagatan ko ang e-book na ito na Antique. It is a novel complete in itself at hindi mo na kailangan pang basahin ang graphic novel na na-publish noong unang panahon para maintindihan ang kuwento.

    Dahil din sa kalayaang bigay ng pagsusulat gamit ang prosa, higit kong nabigyan ng mas malinaw na back story ang apat na major characters ng novel ko.

    Sa ilang readers na nagkaroon ng pagkakataon na basahin ang graphic novel ko noon, sana ay magustuhan ninyo ang conclusion ng kuwento nina Virgil, Mark, Russel at Ethan.

    Sa mga reader na ngayon lamang ito babasahin, prepare yourself to enter a world of adventure, mystery and dark fantasy.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1

    W ould you like to see my room? makahulugang sabi ni Caren.

    Napalunok si Russel. Fifteen years old lamang siya ngunit hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng dalaga. Eighteen years old na ito at sa school nila ay isa ito sa itinuturing na pinakamaganda at pinakaseksing babae. Maraming lalaki, kasama na siya, ang nagpapantasya na maka-date ito.

    Pero dahil best friend niya ang nakababata nitong kapatid na si Gwen ay hindi siya nagtangkang manligaw kay Caren. Matindi ang sibling rivalry ng magkapatid at hindi siya mapapatawad ng kaibigan oras na magkaroon siya ng relasyon sa kapatid nito.

    Ngunit mahirap iwasan si Caren lalo pa’t nakatira rin ito sa bahay ng kaibigan.

    Ahm... Idinaan ko lamang dito ang free tickets ni Gwen para sa football game namin sa Sunday. Itinaas niya ang hawak niyang tickets. Nangako siya kay Gwen na bibigyan niya ito ng tickets sa championship game ng Football League.

    Napabungisngis si Caren.

    Wala rito ang babaeng iyon. Baka nagre-research na naman sa library. Kinuha nito ang ticket at ipinatong sa ibabaw ng counter sa salas.

    Hinawakan din nito ang isang kamay niya nang mahigpit.

    Let’s go, Russel, yaya nito sa kanya sabay hila.

    Caren, magagalit ang boyfriend mo kapag nalamang pumasok ako sa kuwarto mo!

    Harry and I have broken up. Kaya naghahanap ako ng ipapalit sa kanya. Tumutok sa kanya ang mga mata nito. Gusto mong mag-apply? panunukso nito.

    Kung hindi lamang kapatid ni Gwen ang dalaga, hindi siya magdadalawang isip. Walang matinong lalaki ang tatanggi para maging boyfriend ni Caren Romino. Tiyak na kaiinggitan siya ng lahat ng mga lalaki sa school nila kapag naging official girlfriend niya ito. Pero hindi iyon magugustuhan ni Gwen.

    I have to go. May practice pa kami, pangangatwiran niya.

    Napapangitan ka ba sa akin, Russel?

    What? No! You are beautiful! The most beautiful girl in our school!

    And I think you have also grown up to be a very handsome man. Hindi ko na makita ang batang laging magulo ang buhok at marumi ang damit dahil sa kalalaro ng football.

    I still play football. In fact, isang season na akong naglalaro sa Random Football Club bilang striker.

    I know. But you no longer play like a child. You play like a man. Hinila siya nito papunta sa kuwarto nito.

    Ang lakas na ginagamit ni Russel para ipakita sa lahat na hindi nagkamali ang Random nang kunin siya para maging miyembro ng professional football club sa kabila ng edad niya ay hindi niya matagpuan ngayon. Ang talas ng isip niya na gamit para ma-control ang bola ng football ay naging mapurol dahil wala na siyang maisip pang dahilan para pigilan ang sarili na sumunod kay Caren.

    Nabigla siya nang sumarado ang pintuan ng kuwarto ni Caren. Nasa loob na pala sila ng dalaga sa kuwarto nito! Hindi man lamang niya namalayan. Bagama’t binitawan na ni Caren ang kanyang kamay, nananatiling nakapako siya sa kinatatayuan.

    Nakatayo sa harapan ng malapad na kama nito ang dalaga. Isa-isa nitong inaalis ang suot na damit hanggang sa tumambad sa kanya ang hubad nitong katawan.

    Anumang talino na mayroon siya ay tuluyan nang inilipad ng hangin. Nang senyasan siya nito na lumapit ay nawalan na siya ng kontrol sa sarili.

    Hindi lamang niya ito basta nilapitan. Mahigpit din niya itong niyakap at siniil ng halik sa mga labi!

    Sabay sa pagsagot ni Caren sa kanyang halik ay nagpabuwal ito sa higaan.

    Make love to me, Russel! utos nito.

    Isa iyong utos na hindi niya maaaring suwayin.

    Mula sa bleachers ay hindi nakaila kay Virgil ang nangyayari sa kapatid na si Russel. All throughout the football season ay nangingibabaw ang galing nito sa lahat ng players ng Random football club. Bagama’t ito ang pinakabata at bagong player, malaki ang nagawa nito para makarating sa championship game na ito ang Random. Everyone

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1