Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Darcy: Heirs of Aragon Tagalog Edition, #2
Darcy: Heirs of Aragon Tagalog Edition, #2
Darcy: Heirs of Aragon Tagalog Edition, #2
Ebook114 pages1 hour

Darcy: Heirs of Aragon Tagalog Edition, #2

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Si Darcy ang napiling champion para sa pamilya ng Caballero sa nalalapit na Aragon Tournament.

 

Isang magaling na sailor si Darcy at isa ring award-winning independent film director.

 

Kapatid din niya ang unofficial ruler ng probinsiya ng Aragon na si Craig Caballero.

 

Bilang champion, kailangan niyang manatiling birhen at iwasan ang pakikipag-boyfriend. Ngunit lingid sa lahat, kasintahan na niya si Dean Alvarez.

 

Nang matuklasan ng kapatid niyang si Craig ang tungkol kay Dean ay nagbigay ng mabigat na kondisyon ito sa dalaga.

 

Kailangang manalo ni Darcy sa Aragon Tournament dahil kung mabibigo siya, matutulad sa isang eunuch si Dean.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateJul 6, 2022
ISBN9798201816070
Darcy: Heirs of Aragon Tagalog Edition, #2

Read more from Arielle Alia

Related to Darcy

Titles in the series (3)

View More

Related ebooks

Reviews for Darcy

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Darcy - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my friend, Magdalena Mangulabnan, who helped me proofread this novel.

    To my friend, Donnalyn Bodollo, who made additional proofreading corrections.

    To my friend, Ronilo Ablazo, who helped review the first draft of this novel.

    And to my mother, Josefina Lindo Alia, and the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    Ito ang kuwento ni Darcy, ang prinsesa ng Aragon at champion ng Caballero Family. Makikilala rin ninyo rito ang patriarch ng Caballero Family na si Craig at nakatatandang kapatid ni Darcy.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1

    Ang angkan ng mga Caballero ang itinuturing na siyang tunay na namumuno sa Aragon Province. Ang mga mayor ng tatlong bayan ng Hasagan, Laranas at Kabal, ang gobernador ng probinsiya, at maging ang tatlong congressmen ng probinsiya ay sumusunod lahat sa Pamilya Caballero. Walang pulitiko na nananalo sa lugar nang walang basbas sa angkan ng Caballero. Kahit na ang pulisya at militar ay yumuyukod sa kapangyarihan at impluwensiya ng angkan ng Caballero. Sa loob kasi ng pitumpu't limang taon ay ang mga Caballero ang nagwawagi sa Aragon Tournament kung saan naglalabanan ang mga pamilya ng Artilla, Infantra at Caballero.

    Nang ipanganak si Darcy, ang ama niyang si Alastair Caballero ang kasalukuyang patriarch ng angkan nila. Sa paglaki ay agad niyang naramdaman na hindi lamang isang prominent businessman ang ama. Tinatawag din ito ng lahat bilang Datu. Lahat ng desisyon at sabihin nito ay sinusunod ng lahat.

    Pagdating ng election ay napupuno ng maraming mga pulitiko ang three-storey building na tinatawag na Kastilyo at matatagpuan sa crossroad ng mga daan patungo sa Hasagan Town, Kabal Town, Laranas Town at ang road na palabas ng Aragon. In a way, para ngang castle ang itsura ng building dahil sa apat na small towers sa paligid nito. Hindi Philippine Flag ang lumilipad sa apat na towers kung hindi golden flags na mayroong golden metal shield. Sa gitna ng shield ay makikita ang silhouette ng isang bee na siyang simbolo ng angkan ng mga Caballero. Ang Kastilyo ang official office ng Datu ng Aragon. Dito nangyayari ang lahat ng official business at pakikipag-usap sa mga importanteng tao ng daddy ni Darcy.

    Pero regular na umuuwi ang daddy nila sa bahay nila sa bayan ng Laranas. Mapagagalitan kasi ito ng Mommy Cynthia nila kapag hindi nito nagampanan ang tungkulin sa kanilang pamilya.

    Kung itinuturing ng lahat ang ama ni Darcy bilang Datu, tinatrato naman siyang parang prinsesa ng mga taga-Aragon. Kahit saang lugar siya magpunta sa Aragon ay kilala siya at madalas ay pinapakain at binibigyan pa siya ng mga regalo. Madalas din nagpapa-selfie sa kanya ang mga turista kapag nadaraanan niya ang mga ito. Spoiled din siya nang husto ng kanyang Daddy Alastair. Lahat ng gusto niya ay pinagbibigyan nito. She was a daddy's girl. At kahit na tumutol pa ang kanyang Mommy Cynthia, oras na pumunta siya sa Daddy Alastair niya, nababaliwala iyon.

    Dahil animo mayroon siyang sariling mundo, wala siyang masyadong pakialam sa ginagawa ng Kuya Craig niya. Seven years ang tanda sa kanya ng kapatid, kaya't magkaiba talaga ang mundo nila. Naglalaro pa siya ng mga manika, pero ito ay nasa kolehiyo na. Kapag umuuwi naman ang kapatid, mahirap itong kausapin. Lagi kasing seryoso. At hindi rin ito interesado sa kanyang mga kuwento tungkol sa kanyang favorite books, movies, Asian dramas at mga artista.

    Mas madalas ay nasa pier ito o sa laot. Kung hindi ito abala sa paglilinis sa sailboat nito ay nangingisda naman ito sa laot. Sa murang isip ni Darcy ay naramdaman niya na mas mahal ng kapatid ang sailboat nito na pinangalanan nitong Nightshade kaysa sa kanya na sarili nitong kapatid.

    Pero dahil marami siyang kaibigan at popular siya sa mga taga-Aragon binaliwala na lamang niya ito. Aanhin niya ang isang kapatid na walang pakialam sa kanya gayong mas inaasikaso siya at minamahal ng kanyang mga kaibigan?

    Graduating na siya sa high school nang magpasya ang daddy niya na bumaba sa pagiging Datu at mag-concentrate na lamang sa pagiging businessman. Iniwan din nito ang puwesto nito bilang CEO ng shipping company nila at naging member na lamang ng board of directors.

    Ilang araw at ilang gabi na nagkaroon ng meeting sa kanilang bahay ang lahat ng mga Elang o mga dating patriarch at champion ng Caballero family. Kailangan kasing pumili ng papalit sa daddy niya bago ito officially umalis sa pagiging patriarch.

    Marami namang mapagpipilian. Nandiyan si Tito Henry, Tito Jorge, at Tito Lance. Sina Cousin Raymund at Cousin Walter, bagama't nasa thirties pa lamang ang mga edad, ay capable and responsable na.

    Ang medyo ikinalulungkot lamang ni Darcy sa pag-alis ng daddy niya sa puwesto ay hindi na siya magiging prinsesa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng takot na baka mawala rin ang marami niyang kaibigan.

    Nang sa wakas ay matapos ang napakahabang meeting, nagulat siya nang i-announce ang desisyon sa kung sino ang magiging bagong patriarch ng pamilya and at the same time, the new Datu of Aragon.

    Ang Kuya Craig kasi niya ang piniling bagong patriarch ng angkan ng Caballero! Unanimous din ang naging desisyon ng lahat. At age twenty-five ay ito ang pinakabatang patriarch ng Caballero Clan. Well, not exactly. Dahil kung babalikan nila ang history ng Aragon, ang unang Datu ng Aragon na si Datu Iras ay twenty-one years old lamang noong matalo nito sa Aragon Tournament sina Datu Asana ng Kabag at Datu Laran ng Hantik.

    Marami rin ang nagsasabi na kahawig ng Kuya Craig niya si Datu Iras. Kamukha kasi ng kapatid ang malaking painting ni Datu Iras na nakasabit sa Aragon Museum. Makikita rin doon sina Datu Asana at Datu Laran. The three warriors were locked in a fierce battle in that painting. Kung ikukumpara nang husto ang painting ni Datu Iras sa kaanyuan ng Kuya Craig niya, mapapansin na mas matangos ang ilong ng kapatid at higit na mas matangkad ito kay Datu Iras. Five feet and four inches lamang si Datu Iras, samantalang ang kuya niya ay pwedeng maging basketball player dahil six footer ito.

    Bagama’t hindi sigurado si Darcy kung kahawig nga talaga ng ninuno nila ang kapatid o ginamit lamang na modelo ito ng painter para kay Datu Iras, nasisigurado niyang kasingkulay na ng kapatid si Datu Iras na isang moreno. Nangitim kasi ang kapatid dahil sa madalas itong nabibilad sa araw kapag naglalayag sa dagat.

    CHAPTER 2

    Nang mag-college si

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1