Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sacrifice: Antigo Series, #5
Sacrifice: Antigo Series, #5
Sacrifice: Antigo Series, #5
Ebook94 pages1 hour

Sacrifice: Antigo Series, #5

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Isang mapanganib at makapangyarihang demon na nagngangalang Molave ang nanlinlang sa pamilya nila Virgil. Dahil dito, nagawang pakawalan ni Molave ang isang makapangyarihang demon sa katawan ng kapatid ni Virgil na si Russel.

 

Sinundan nina Virgil at Ethan si Molave sa pinagtataguan nito.

Batid ni Virgil na kailangang gapiin ng pamilya nila si Molave, ngunit ang tanging paraan para magtagumpay sila ay kung isasakripisyo niya ang kanyang kaluluwa.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateOct 12, 2022
ISBN9798215790212
Sacrifice: Antigo Series, #5

Read more from Arielle Alia

Related to Sacrifice

Titles in the series (5)

View More

Related ebooks

Reviews for Sacrifice

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sacrifice - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at

    https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com/

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Macy Joy Ann P. Bilangdal, Magdalena Mangulabnan, Raquel Robles, Clarrise G. Rosal, and Emlyn Serdiña who helped me proofread this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR'S NOTE

    Dito nagtatapos ang first arc ng kuwento at pakikipagsapalaran ng Thomas Carriego Family.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1

    bawat floors ng TELCOM building na napuntahan nina Virgil ay tigmak sa dugo. Nagkalat din ang mga bangkay ng mga call center agent. Isang floor na lamang at mararating na nila ang kinaroonan ng opisina ni Alexander. Nang simulan nila ang pag-akyat sa hagdanan, nauuna ang dalawang lalaki kay Virgil. But the sight of blood had begun to affect Russel. At ang mga bangkay na nagkalat sa mga kuwarto at koridor ay nagpalitaw na muli sa phobia ni Ethan. Natagpuan tuloy ni Virgil ang sarili na nangunguna sa pag-akyat habang pinipilit ng dalawang lalaki na labanan ang mga nararamdaman sa sitwasyong kinarooonan nila.

    Binuksan ni Virgil ang pintuan patungo sa hallway ng twelfth floor. Ngunit bago siya nakalabas ng hallway ay pinigilan siya ni Ethan.

    Stay behind me, Jil. Kahit na gaano ka pa katapang, hindi kakayanin ng bata mong katawan ang panganib na maaaring naririto.

    Paano na ang iyong phobia?

    Bahagya itong ngumiti.

    Tulad ng madalas mong sinasabi sa akin, it won't kill me. I just have to overcome it. Tumiim ang bagang nito. Hopefully, anas nito sa sarili. Humigpit din ang hawak nito sa mga dalang talisman.

    Sinulyapan ni Virgil sa may likuran si Russel. Hindi niya naiwasang tingnan din ang bracelet sa braso nito.

    Don't worry, Sis, hindi ko ito aalisin.

    Binuksan ni Ethan ang pintuan patungo sa hallway. Nagulat sila nang makitang malinis iyon. Wala ni anumang patak ng dugo o tao. Kahit ang amoy ng dugo na kalat na kalat sa mga floors na pinanggalingan nila ay wala rito. Mistula itong isang ordinary office hallway lamang.

    Are you sure nandito pa si Alexander? usisa ni Virgil sa asawa.

    Yes. I can still detect my talisman inside his head. Nasa office siya. Pero hindi ako sigurado kung may kasama siya o wala. O kung buhay pa siya o patay na. Nananatiling nakapikit ang mga mata niya, so I can’t see through his eyes. We need to be ready.

    Binuksan ni Ethan ang pintuan ng office ni Alexander. Tahimik na nakaupo sa mesa nito si Alexander. Nakalaylay sa kaliwang balikat nito ang ulo nito habang isang buto ang nakausli at nakalabas sa leeg nito.

    He's dead, ani Russel matapos lapitan ang lalaki. Broken neck. At malinaw na hindi man lamang siya nakapanlaban.

    Well, he wasn't really a fighter. Mas magaling siya sa negotiation, ani ng isang boses babae.

    Sabay silang tatlo na napalingon sa pinanggalingan ng boses.

    Nakita nila si Adria. Nakaupo ito sa bukas na bintana. Nakasuot ito ng knee socks na magkaiba ang kulay. Isang red at isang black. Ang black skirt nito ay maayos ngunit ang blouse nito ay nahati sa gitna at nakalaylay na ngayon sa baywang nito. Parang wala itong pakialam na nakikita ng lahat ang black-laced bra nito.

    Ikaw ba ang pumatay kay Alexander? diretsong sabi ni Virgil.

    So what? Madali naman siyang mapapalitan ng organization. This is just a branch of Purus Sanguis. A very small branch. Oras na malaman ng Trinity na bakante na ang puwesto rito, magpapadala ulit sila ng bagong head dito. Tumayo ito sa windowsill. Binaliwala ang taas ng kinalalagyan. Besides, Magnus Alexander deserves to die. Dahil sa kanya kaya nangamatay ang mga tao rito sa building, kalmado nitong paliwanag. Hindi siya dapat pumayag na malagyan ng talisman ang kanyang katawan. Malinaw niyang ipinakita na isa siyang mahinang leader. Purus Sanguis doesn’t need weak leaders.

    Humakbang si Virgil palapit sa teenager. Pinigilan siya ni Ethan.

    She is possessed, Virgil! Hindi ang tunay na Adria ang kausap natin, babala nito.

    Ngumiti si Adria.

    Very impressive. Akala ko ay mahina ka, Ethan. That Mark was stronger than you. But it seems halos magkapantay lamang ang lakas ninyo. Magkaiba nga lamang. No wonder, Russel was able to use both powers to become a Dominion. One needs equal power from light and darkness to become a Dominion.

    Sino ka? malakas na sabi ni Virgil. You are not Gravelle’s child. Masyado kang maraming impormasyon na nalalaman.

    Come now, Virgil, hindi ugali ng malalakas na demon na ipagsabi ang tunay nilang pangalan. That can be used against them.

    You are Molave! bulalas ni Ethan.

    Right again! Natawa ito, pumalakpak. Kung isa itong TV contest, nakakadalawang prize ka na, Ethan.

    Nanahimik si Ethan.

    Kung balak mong gamitin ang pangalan ko sa paggawa ng death incantation tulad noong ginawa mo kay Shurak, huwag ka nang magpagod pa, Ethan. Hindi eepekto iyon sa akin. I am much stronger than Shurak. You cannot use my name against me, pagmamalaki nito. "At kung balak mong gamitin

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1