Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Halik ng Bandido: Batas ng Dragon, #1
Halik ng Bandido: Batas ng Dragon, #1
Halik ng Bandido: Batas ng Dragon, #1
Ebook63 pages37 minutes

Halik ng Bandido: Batas ng Dragon, #1

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Ginulo ang siyudad ng Montreal sa pagsulpot ng isang misteryosong lalaki na nakasuot ng black

Zorro costume.

 

Binansagan ng media ang lalaki bilang Kissing Bandit dahil bigla na lamang itong nagnanakaw ng halik sa mga babae.

Ang nakapagtataka, bawat babaeng mahagkan nito ay nalalagay sa comatose.

 

Lalo pang nabahala ang mga pulis nang bawat biktima ay nagsimulang kidnapin ng isang grupo.

 

Tanging ang Dragon King ang nakakaalam sa tunay na nangyayari. At nagtungo siya sa mundo ng mga tao para pigilan ang gulong ginagawa ng Kissing Bandit

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateNov 5, 2023
ISBN9798223397137
Halik ng Bandido: Batas ng Dragon, #1

Read more from Arielle Alia

Related to Halik ng Bandido

Titles in the series (3)

View More

Related ebooks

Reviews for Halik ng Bandido

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Halik ng Bandido - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.fMacbook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This novel would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    And last but not the least, to my mother, Josefina Lindo Alia, who had given me support and love all through the years.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    Ito ang simula ng Dragon King Series. It is a love story told through a fantasy-adventure.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1 - Crime Spree

    Montreal, Canada

    Pagpasok ni Saggar sa Bistro Bar ay agad niyang napansin ang malaking television na nakakabit sa itaas ng wine rack na kinalalagyan ng iba’t ibang klase ng alak. Maaga pa, kaya’t lima pa lamang ang customers na nasa loob ng bar. Dalawa ay nasa isang sulok at umiinom. Isang lalaki at babae ang mga ito at malinaw na nasa isang date. Dalawang lalaki naman ang nasa may likuran at naglalaro ng dart. Isang middle-aged man ang nasa counter at tahimik na umiinom ng beer habang nanonood ng TV. Nakatutok din ang atensyon ng bartender sa balitang ipinapalabas sa TV kaya ‘di nito agad napansin ang pag-upo ni Saggar sa harap ng counter. Kinailangan niyang tawagin ang atensyon nito para pagsilbihan siya.

    Do you have Niagara? usisa niya. Isang uri ng ice wine ang Niagara.

    Tumango ang bartender.

    Bigyan mo ako ng isang bote. Ngayon lamang nakapunta ng Canada si Saggar ngunit nabalitaan na niya ang tungkol sa kilalang ice wine na ito ng bansa. Ito ang klase ng wine na ginagawa mula sa grapes na nagyelo habang nakakabit pa sa baging noong kapanahunan ng taglamig. Pinipiga ang grapes habang frozen pa para makuha ang kakaibang lasa nito.

    Isang empty glass at isang bagong bukas na bote ng Niagara wine ang inilapag ng bartender sa harapan niya bago nito muling ibinalik ang atensyon sa news sa TV. Isang babaeng reporter ang makikitang nakatayo sa labas ng isang ospital na may pangalang St. Anthony’s Medical Hospital. Ibinabalita nito ang huling insidente tungkol sa culprit na binansagan ng media bilang Kissing Bandit.

    Si Sheila Baker ang ikatlong biktima ng Kissing Bandit sa nakaraang dalawang linggo. Ayon sa mga saksi, pumasok sa bangkong pinagtatrabahuhan ni Sheila ang Kissing Bandit at dumiretso sa counter na kinauupuan niya. Bago pa naka-react ang mga tao ay siniil na agad siya nito ng halik. Binitiwan lamang si Sheila ng lalaki nang himatayin na ito. Tinangka ng mga security guard na habulin ang Kissing Bandit ngunit walang anuman na napabagsak nito ang dalawang security guards bago ito sumibad ng takbo palayo. Tulad ng dati ay naka-Zorro costume complete with the mask on the eyes ang culprit, kaya’t hirap itong makilala ng mga pulis.

    "He must be one hell of a kisser dahil lahat ng hinahagkan niyang babae ay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1