Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Iginapos ng Mahika: Batas ng Dragon, #2
Iginapos ng Mahika: Batas ng Dragon, #2
Iginapos ng Mahika: Batas ng Dragon, #2
Ebook115 pages1 hour

Iginapos ng Mahika: Batas ng Dragon, #2

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Papauwi na si Morella Angeles mula sa pagdalaw sa puntod ng mga magulang nang biglang lumakas

ang agos sa ilog at tangayin siya.

 

Nang pagbalikan siya ng malay ay nakita niya sa harapan niya ang isang blue dragonfly na nagpakilala bilang si Saggar.

 

Ayon kay Saggar, naging magkarugtong ang kanilang buhay at kapalaran. At base sa batas ng lahi nito, kailangan nitong pagkalooban siya ng tatlong kahilingan.

 

Ngunit bawat kahilingan ay nagkakaroon ng kakaibang twist.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateNov 29, 2023
ISBN9798223342724
Iginapos ng Mahika: Batas ng Dragon, #2

Read more from Arielle Alia

Related to Iginapos ng Mahika

Titles in the series (3)

View More

Related ebooks

Reviews for Iginapos ng Mahika

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Iginapos ng Mahika - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.fMacbook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This novel would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    And last but not the least, to my mother, Josefina Lindo Alia, who had given me support and love all through the years.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    Ang Dragon King Series ay maraming magiging twists and turns. It is a love story told through a fantasy adventure.

    Arielle Alia

    The Laws of Alfheimr

    1. A SIDH CANNOT KILL humans or cause their death.

    2. A sidh cannot have a child with humans.

    3. A sidh cannot love a human.

    CHAPTER 1 – Saggar

    Dalawang milenya na ang nakakaraan mula nang makuha ni Saggar ang responsibilidad ng pagiging dragon king sa Eastern Realm ng Alfheimr. Sa apat na dragon kings, siya ang itinuturing na pinakabata ngunit matagal na niyang napatunayan ang kanyang kakayahan, kaya’t nakuha na rin niya ang respeto ng tatlong dragon kings.

    Bilang dragon king, kasama sa tungkulin niya ang paghuli at pagparusa sa mga naninirahang sidh sa Eastern Realm ng Alfheimr na gumagawa ng kaguluhan sa Alfheimr at sa mundo ng tao. Bagama’t bago makapunta sa mundo ng tao ang isang sidh, kakailanganin nitong kumuha muna ng permiso sa Ministro ng Paglalakbay. Bihira ang pinapayagang magtungo sa mundo ng mga tao at dapat ay katanggap-tanggap ang dahilan ng isang sidh.

    Sa mga pagkakataong nagtutungo ang isang sidh sa kabilang mundo ng walang permiso, tungkulin ni Saggar na sundan ito, hulihin, ibalik sa Alfheimr at parusahan.

    Lumapag si Saggar sa malaking balkonahe ng kanyang kastilyo. Hindi niya kailangang baguhin ang kanyang anyong dragon dahil ang kastilyo ay ginawa para sa mga dragon na tulad niya. Umalis sa pagkapulupot sa isa niyang paa si Nabar na anyong ahas. Inalis niya ang spell na pansamantalang nag-transform dito sa snake form nito. Nagbalik si Nabar sa tunay nitong kaanyuan bilang isang naga.

    Nasa hardin si Scylla, aniya sa kanyang bagong assistant/bodyguard. Naglakad siya.

    Mabilis na sumunod sa kanya si Nabar. Bagama’t ang ibabang bahagi ng katawan nito ay isang malaking ahas, mabilis ang naging paggalaw nito.

    Naiintindihan ko na ginawa mo akong assistant, King Saggar, pero bakit bodyguard? usisa ni Nabar. Kayang-kaya mong protektahan ang sarili mo. Walang sinuman ang maaaring makatalo sa iyong lakas.

    At iyan ang laging inirereklamo sa akin ni Mane sa tuwi akong magpupunta sa mundo ng mga tao. Wala raw akong kakayahang kontrolin ang lakas ko kapag nakipaglaban ako sa mga tao. Nauubos daw ang lakas niya sa paggamot sa mga nakakalaban ko. You on the other hand, can control your strength. Hindi manganganib na mamatay sa iyo ang makakalaban mong tao.

    Nang makarating sila sa malawak na hardin na may maliit na lawa sa gitna ay nagpalinga-linga si Nabar.

    Hindi ko makita ang sekretarya mo.

    Makinig kang mabuti.

    Namutla ang mukha ni Nabar.

    Kumakanta ba siya?

    Natawa si Saggar. Kahit na sino ay alam ang epekto ng mga awitin ni Scylla. May kakayahan kasi ang sekretarya niya na baguhin ang emosyon at nararamdaman ng sinuman sa pamamagitan ng awit nito.

    No. Pinagsasabihan niya ako. Batid ni Scylla na matalas ang pandinig niya, kaya’t kahit malayo pa ito ay kinakausap na siya.

    Saglit pa at nakita na nila ang sekretarya niya. Naglalakad ito sa isa sa mga garden path. Nakasuot ito ng isang berdeng sleeveless gown na may dalawang slit sa harapan na nagbibigay luwag sa mga paa nito para makapaglakad nang mabilis. Nakalugay ang makapal at pula nitong buhok na hanggang talampakan at animo ay laging ginagalaw ng hangin. Isang bag din ang bitbit nito. Sinalubong sila nito.

    Kailangan ninyong magtungo agad sa mundo ng tao. Isang sidh na nagngangalang Raxas ang nagwawala roon. He’s been killing humans, balita ni Scylla.

    Si Raxas? gulilat si Nabar. Malinaw na kilala nito si Raxas.

    Siya ba ang merman na nagtanan sa ex-girlfriend mo? usisa ni Saggar.

    Of course not. Pero kilala ko siya, King Saggar. Isa siyang merchant. Sa kanya madalas kumukuha ng pearls at corals ang mga kakilala ko. Nakabili na rin ako sa kanya ng isang very colorful mother of pearl na ginawa kong wall hanging sa mansyon ko.

    Ibinalik ni Saggar ang atensyon kay Scylla.

    Ilan na ang naging biktima ni Raxas?

    As of this moment, he has already killed and beheaded two men!

    Napangiwi si Saggar.

    Hindi pa natatapos ang isang taon ay may problema na naman.

    Alam mo ba ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon? usisa ni Nabar kay Scylla.

    No idea. Pero malinaw na personal ang galit niya sa mga taong iyon, sagot ni Scylla.

    It doesn’t matter kung anuman ang dahilan niya. Malinaw na nilabag niya ang batas ng Alfheimr. Itinuro ni Saggar ang kanang kamay niya sa isang direksyon. Lumitaw roon ang isang whirlpool na unti-unting nag-anyong portal. Iyon ang magdadala sa kanila sa lugar sa mundo ng mga tao na kinaroroonan ni Raxas.

    Nagpalit ng anyo si Saggar at naging isang matangkad na lalaki na may mahabang bughaw na buhok. Nagpalit na rin ng anyo si Nabar at naging tao. Umikli at naging hanggang batok na lamang ang berde nitong buhok.

    Naglabas ng mga damit si Scylla sa dala nitong bag. Iniabot nito iyon kay Saggar at Nabar.

    T-shirt at maong lang? usisa ni Saggar.

    Sa Pilipinas kayo pupunta. Mainit doon. Nilagyan ko na rin ng Philippine Peso bills ang bulsa ng mga pantalon ninyo in case kailangan ninyong bumili ng kung ano. Naglabas din ito ng dalawang pares ng rubber shoes.

    Nang makapagbihis na sila ni Nabar ay sinenyasan niya ang lalaki na sumunod sa kanya papasok sa ginawa niyang portal.

    "Oras na makita mo si Raxas, bigyan mo agad siya ng isang suntok at sipa. Then carry him on your shoulder para maibalik na natin siya rito. Saglit lamang ang misyon na

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1