Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Noria Outlaw: Citylights Tagalog Edition, #3
Noria Outlaw: Citylights Tagalog Edition, #3
Noria Outlaw: Citylights Tagalog Edition, #3
Ebook266 pages3 hours

Noria Outlaw: Citylights Tagalog Edition, #3

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Mula nang iligtas si Sandal ni Warren Diaz ay hindi na nawala sa isipan ng dalaga ang lalaki.

 

Nang muli silang magtagpo ay natuklasan ni Sandal na umiibig na pala siya sa binata.

 

Pero si Warren Diaz ay naging si Rift Martinez na. At si Rift ay walang panahon sa pag-ibig o anumang relasyon. Ang buhay at atensyon nito ay nakatuon sa paghahanap ng hustisya at pakikipaglaban sa city government ng Noria.

 

Kinailangan ni Sandal na isugal ang kanyang buhay at puso para maturuan si Rift na magmahal.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateAug 15, 2022
ISBN9798201732653
Noria Outlaw: Citylights Tagalog Edition, #3

Read more from Arielle Alia

Related to Noria Outlaw

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Noria Outlaw

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Noria Outlaw - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Magdalena Mangulabnan, Raquel Robles and Donnalyn Bodollo for helping me proofread this novel.

    To my friend, Emlyn Serdiña who helped me review this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    Most of the novels I write have twists. Nagsisimula iyon as an ordinary story of boy meets girl, and ends with a happily ever after for them. Pero sa gitna ng kuwento nila, nandoon ang twisted story.

    Citylights is also about boys meeting girls and falling in love. Pero sa mga nakabasa na sa book 1 and 2, malalaman ninyong kuwento rin ito ng siyudad ng Noria. An island city na isa ring fashion capital. A city with its own laws and traditions.

    Sa pagwawakas ng trilogy na ito, the final secret of Noria will be revealed.

    ARIELLE ALIA

    PROLOGUE

    Five years ago

    Fifteen years old si Sandal Gilbert nang magsimula siya sa pagmomodelo. Ngayon sa edad na twenty-three ay kabilang na siya sa top five models in the world. Isa siyang supermodel na very much in demand at kumikita ng malaki. Mula sa pagiging isang simpleng working student at scholar ng Noria City na mabibilang sa daliri ang mga damit, she now had a wardrobe cabinet na halos kasinglaki ng isang one-room apartment.

    Sa kabila ng tagumpay, hindi niya nakalilimutan ang pinagmulan niya at ang utang na loob niya sa Noria. Isa kasi siya sa twenty-five orphaned babies na inampon ng siyudad sa Saving the Future (STF) program nito. Base sa programa, every ten years ay pumipili ang city government ng Noria ng twenty-five orphaned babies mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

    Nagiging adopted children ng siyudad ang mga sanggol. Pinalalaki at pinapag-aaral hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. Binibigyan ng Noria ng pag-asa at kinabukasan ang mga batang ito na pinagkaitan ng mga magulang.

    Halos karamihan sa adopted children ay nagkakaroon ng tahimik at maayos na pamumuhay. Ang mga katulad ni Sandal ay isa sa mga exception dahil kakaiba ang kanyang naging buhay.

    Nadiskubre kasi siya ng Nile House of Fashion habang nagtatrabaho siya sa isang fast food. Kinuha siya nito bilang isa sa mga in-house model. Dahil mas malaki ang kita niya bilang modelo, iniwanan niya ang fast food business ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral. Two years bago siya nag-graduate sa kolehiyo ay nag-took off ang kanyang career. Sabay sa pagtanggap niya ng kanyang college diploma sa Communication Arts ay itinanghal din siya bilang isang supermodel.

    Kung saan-saan siyang lugar nakapupunta. Ngunit sa kabila ng tagumpay, hindi niya nakalilimutan ang siyudad ng Noria na nagsilbing ama at ina niya habang lumalaki siya. Every time na may fashion project ang Noria at kailangan ang services niya ay hindi siya nagdadalawang-isip na tumulong.

    Kaya’t pagkagaling niya sa isang fashion show sa Milan ay dumiretso agad siya sa Noria para gawin ang promotional shoot sa itinatayong Landmark Tower.

    Tatalunin ng Landmark Tower ang Burj Al Arab ng Dubai! pagmamalaki ng photographer na si Lutz. Oras na matapos ang hotel, ito ang magiging pinakamataas at most expensive hotel standing on a man-made island!

    Bukod sa kanila ni Lutz ay kasama rin nila ang isa nitong assistant na tagadala at taga-ayos ng lighting equipment ng photographer. Kasalukuyan silang nakatayo sa harapan ng ginagawang Landmark Tower. Two floors pa lamang ang nagagawa sa tower. Ang sumusunod na five floors ay steel frame pa lamang ang makikita. Oras na matapos ang hotel, magkakaroon ito ng one hundred seventy floors plus a viewing deck.

    Maganda siguro ang sunset at sunrise na makikita sa ituktok ng tower, aniya.

    At tayo ang unang-unang makaka-witness noon. Anyway, we need to shoot now para makuha natin ang effects ng sunset sa tower.

    Sunday ngayon kaya mga security guard at ilang workers lamang ang nasa ginagawang tower. Nabalitaan ni Sandal na naririto rin ang ilang engineers para i-check ang tower. Ang Janssen Magnus Inc., ang kumpanyang nasa likod ng pagpapatayo sa tower, ay mahigpit pagdating sa work safety kaya’t ngayong araw lamang ng Linggo binigyan ng pagkakataon ang group nina Sandal para mag-shoot. Isa pang dahilan ay ayaw ng kumpanya na makagulo sila sa trabaho ng mga crew during ordinary days.

    Kasama ang guide na pinadala ng kumpanya ay umakyat sila sa second floor ng building gamit ang isang steel elevator.

    Ang mga picture ni Sandal at ng Landmark Tower ay malalathala ‘di lamang sa fashion magazines kung hindi sa iba pang klase ng magazines. The shoot would showcase the engineering marvel that would enable the construction of Landmark Tower at ang iconic fashion ng Noria. Sa bawat shoot kasi ay isusuot ni Sandal ang mga damit na gawa ng limang Houses of Fashion ng Noria. Three parts ang kontrata niya rito. Ito ang first part. Kapag nasa kalagitnaan na ang paggawa sa hotel ay muli siyang babalik para magkaroon muli ng shoot. The last part would happen kapag totally finished na ang hotel.

    Nang makarating sila sa second floor ay malinaw na tapos na iyon. Ang kulang na lamang ay windows and doors.

    Lean outside the window a little bit more, mungkahi ni Lutz.

    Malaki ang tiwala ni Sandal sa photographer kaya’t lahat ng ipagawa nito ay sinusunod niya. Hinigpitan niya ang hawak sa window frame para masunod ang gusto nito. Mataas pa rin ang kinalalagyan nila at ayaw niyang mahulog. Noon niya nasulyapan ang isang grupo ng mga tao sa ibaba. Papunta ang mga iyon sa basement ng building.

    After thirty minutes ay nag-order na ng pack-up si Lutz. Tuluyan na kasing lumubog ang araw.

    Nakuha mo na ba ang lahat ng photos na kailangan mo? usisa niya.

    Mukhang kailangan pa nating bumalik next week.

    Okay. Gagamitin niya ang mga susunod na araw para magbakasyon. Ngayon niya na-realize na sa tuwi siyang babalik sa Noria, nagbabakasyon din siya. Sinasamantala kasi niya kapag may time siya na makipagkita sa mga kaibigan at foster brothers and sisters. Ilan sa mga ito ay may sarili nang pamilya or at least a love life.

    Pero sa klase ng schedule ni Sandal, wala siyang time sa pag-ibig. At pagdating naman sa lalaki, the fashion industry was not known for its straight and manly men. Mas mapustura pa sa kanya ang mga male model sa industriya na ito.

    Nagulat sila nang makarinig ng malalakas na pagsabog. Nasundan iyon ng animo lindol!

    What’s happening? bulalas ni Lutz.

    The building, it’s collapsing! sigaw ng assistant.

    Iyon ang huling narinig ni Sandal bago bumigay ang tinutungtungan niya. Naging madilim ang lahat sa kanya. Ginising siya ng labis na sakit sa kanyang kanang paa. Nananatili ring madilim ang paligid. Noon niya napagtanto na nalibing siya nang buhay! Nagsisigaw siya sa sobrang takot. Sa gitna ng dilim na iyon ay narinig niya ang boses ng isang lalaki.

    Huwag kang mag-alala, ililigtas kita. Hindi kita iiwanan.

    Isang mapusyaw na liwanag ang nakita ni Sandal. Nagmumula ba iyon sa half-moon na nasa kalangitan? Sa tulong ng liwanag ay nakita niya ang mukha ng kanyang tagapagligtas. Hindi niya iyon makalilimutan kahit kailan.

    CHAPTER 1

    Four years ago

    Tahimik na iniinom ni Sandal ang kape niya sa outdoor coffee shop sa Baghdad Boulevard ng Persian District ng Noria. Nakasuot siya ng sunhat, sunglasses at dilaw na fit and flare dress. Sa unang tingin ay mukha siyang isa sa mga regular costumer ng shop na umiinom ng kape at gumagamit ng free Wi-Fi services nito.

    Oo nga’t ginagamit ni Sandal ang kanyang laptop, pero abala rin siya sa pag-o-obserba sa nangyayari sa kanyang paligid. Lalo na sa current street fashion na makikita sa mga nakatira sa Persian District.

    Bawat five districts ng Noria ay pinamumunuan ng fashion houses ng Noria. The House of Nile specialized in high culture, the House of Roman created chic and elegant clothes, the House of Persian was into signature RTW’s and the House of Athens was into fashion accessories. Ang pang-lima, ang House of Jericho, catered to the mass market. Doon din matatagpuan ang mga factories for textiles.

    Pero hindi tinawag ang Noria na fashion capital dahil lamang sa specialties ng mga house of fashion. Kilala rin ang Noria sa vivid, active and unique street fashions nito. Dito sa lansangan ng Noria ay makikita ang fashionable individuals na lumilikha ng sarili nilang fashion na nakaiimpluwensiya sa ibang tao.

    At bilang writer ng Flash Magazine, naka-assign kay Sandal ang pagdiskubre ng bagong street fashion na nauuso sa bawat streets ng limang districts ng Noria at kung sino ang It girl or boy na nagpasimula ng fashion trend na iyon. Sa tulong ng mga kakilala at contact niya noong model pa siya ay nakakuha siya ng trabaho sa Flash Magazine. Malaki rin ang naitutulong sa kanya ng mga contact niya para makagawa siya ng magagandang articles para sa magazine. Most of these contacts were her foster brothers and sisters sa STF program ng Noria.

    Sa pag-angat niya ng ulo mula sa pagsusulat ng draft article para sa Street Fashion news sa Flash Magazine ay nasulyapan niya ang foster brother niyang si Miner. Nakatira at nagtatrabaho ito sa Persian kaya’t batid nito ang lahat ng mga nangyayari sa lugar.

    I can’t believe it! Ang sikat na supermodel na si Sandal Gilbert ay ililibre ako ng meryenda! panunukso nito.

    Tumahimik ka nga riyan! saway niya sa lalaki sabay hila rito para mapaupo ito sa silya sa tabi niya. I’m doing undercover work!

    Malakas ang naging tawa nito.

    Kahit na naka-sunglasses ka pa at sunhat, sooner or later ay may makakikilala sa iyo. Ilang taon din na naging laman ng lahat ng magazines, billboards and commercials ang mukha mo. Isang taon pa lamang ang nakararaan mula nang mag-change career ka, Sands, anito gamit ang kanyang palayaw.

    I am no longer a model. I am now a magazine writer. Hindi ba’t sinabi ko iyon sa message na iniwan ko sa answering machine mo?

    Hinawakan nito ang baba niya at marahang itinaas.

    You look as beautiful as ever, Sands. Hindi mo dapat iniwan ang maganda mong career.

    Saglit niyang itinaas ang right leg niya na nakasuot ng black leggings at knee-high black boots.

    I have a prosthetic right foot. Hindi na ako makapaglalakad pa sa catwalk o makatatakbo at makatatalon kapag kailangan ang action poses.

    You still have the face and the body.

    Maybe. Pero kilala mo ako, Miner, I don’t do things half-done. I can’t just be a face and body model. Gusto ko ay nagagawa ko ang lahat ng aspect ng isang tunay na modelo. With this right foot, imposible na iyon. Anyway, I have now a new career. And you are going to help me succeed in this new path.

    Ngumiti si Miner. Inilabas nito ang iPhone nito. Isang picture ng isang babaeng nakasuot ng latest street fashion ngayon sa Persian ang makikita roon.

    This is your It girl! Siya ang nagpaumpisa ng nauusong street fashion ngayon dito at nakakuha na rin ng interest ng mundo. It is called street beads.

    Alam mo rin ba kung saan ko siya makikita? Mas magiging complete ang article kong isinusulat kapag na-interview ko siya.

    Of course! Sasamahan pa kita sa bahay nila. But first, buy me the most expensive coffee here. And also some cupcakes!

    Oo naman! Ikaw pa, you are the best foster brother of mine as of this moment!

    Nagkatawanan sila.

    I’m glad you are doing okay, Sands. Todo ang pag-aalala namin sa iyo noong lumabas ang news na isa ka sa naging biktima ng pag-collapse ng Landmark Tower. We we’re so relieved nang malaman naming nakaligtas ka at nasa ospital na.

    Napangiti si Sandal nang maalaala niya ang ginawang pagsugod ng lahat ng kanyang foster brothers and sisters sa ospital noon. Nataranta ang mga hospital staff sa dami nila.

    You were very lucky, girl, ikaw lamang ang tanging survivor sa disaster na iyon.

    Hindi na itinama ni Sandal ang kapatid. Dalawa silang nakaligtas noon. Ngunit ang lalaking nagligtas sa kanya sa guho ay nailista ang pangalan sa mga namatay. Sa kabila ng mga balitang kasama ito sa mga namatay, ayaw niyang paniwalaan iyon. Buhay ang lalaki. Malakas ito. Inalis nito ang bakal na bumagsak at dumurog sa kanyang kanang paa. Kinarga rin siya nito at dinala sa isang ligtas na lugar kung saan siya natagpuan ng dumating na rescuers. Everyone believed she crawled out of the rubble on her own. Walang sinuman na naniwala na iniligtas siya ni Warren Diaz.

    Base sa naganap na imbestigasyon, kasama si Warren Diaz sa mga natabunan ng gumuhong tower. Twenty-seven people kung saan kasama ang employees ng Janssen Magnus Inc., si Lutz, ang assistant nito at ang guide nila ang namatay ng araw na iyon. Fifteen lamang ang katawan na na-recover. The rest ay naiwan na lamang sa guho na nagsilbing libingan nila. Isa nang memorial site ang lugar na iyon ngayon.

    Naramdaman ni Sandal ang pagdantay ng palad ni Miner sa kamay niyang nasa table.

    Sorry, ipinaalala ko na naman sa iyo ‘yung experience na iyon.

    Umiling siya. Matagal na siyang naka-recover sa trauma na iyon. Pero ‘di pa siya nakaka-recover sa alaala ng lalaking nagligtas sa kanya. Sa kabila kasi ng pagsasabi ng lahat na patay na ito, naniniwala siyang buhay ito. Pero kung nasaan na ito at kung ano na ang nangyari rito ay hindi niya alam.

    CHAPTER 2

    Isang street vendor si Prenela Veins, ang bagong It girl ng Persian Streets. Labis itong natuwa nang sabihin ni Sandal na isusulat niya ang kuwento nito at kung paano nito na-develop ang street bead fashion.

    Madaldal si Prenela at bago natapos ang isang oras ay natuklasan ni Sandal na nagmula ang street bead fashion nang maisipan ng dalaga na itahi ang mga bead sa damit nito para i-promote na rin ang beads na siyang itinitinda nito. Gamit ang beads ay ibinurda ni Prenela ang iba’t ibang hugis at larawan sa sariling mga damit.

    Nang matapos ang interview ay inihatid si Sandal ni Miner sa train station. Could afford siyang bumili ng kotse at may parking space sa apartment na tinitigilan niya. Ang problema lamang ay ang kanyang right foot. Hirap siyang gamitin ang prosthetic foot niya sa pagmamaneho. Kaya most of the time ay nagta-taxi siya o gumagamit ng train station. Maaari siyang kumuha ng driver, pero kapag ginawa niya iyon, sosobra ang gastos niya sa kinikita niya ngayon. Siguro kapag malaki na ang suweldo niya at naging editor na siya ng Flash Magazine ay kakayanin na niyang magkaroon ng personal driver.

    Sana sa pagkikita nating muli ay ikaw na mismo ang editor ng Flash! pahabol ni Miner bago siya iniwan.

    Magdilang-anghel ka sana! pahabol niya rito.

    Ilang sandali pa at natanawan na niya ang paparating na train. Hindi niya ugaling makipag-unahan sa pagpasok. Hinahayaan niyang makalabas muna ang mga nasa train car bago siya sumasakay.

    Isang lalaki na naka-blue overalls at baseball hat ang isa sa mga lumalabas ng train. Isang malaking tool box din ang bitbit nito. Tumigil sa pagtibok ang puso ni Sandal nang mapagmasdan ito.

    Dire-diretso ang paglalakad ng lalaki. Nilagpasan siya. Sinundan niya ito ng tingin. Hindi siya maaaring magkamali! Si Warren Diaz ang lalaki!

    Nakalimutan niya ang pag-uwi. Nagmamadali niyang sinundan ang lalaki. Pero mabagal ang paglalakad niya dahil sa kanyang paa. Sobrang bilis din kung maglakad ito na animo may hinahabol!

    Nang makalabas siya sa station ay sumbrero na lamang ng lalaki ang natanawan niya sa gitna ng maraming pedestrians. Pilit niyang sinundan ito. Gusto niya itong makausap. Mapasalamatan at...

    Nawala na sa paningin niya ang lalaki. Napakurap siya. Totoo nga bang nakita niya si Warren Diaz? O namalikmata lamang siya?

    Hindi ito ang unang beses na napagkakamalan niya ang ibang tao bilang si Warren. Pero imposibleng nagkamali siya ngayon. Dumaan ito mismo sa kanyang harapan!

    Dark eyes. Matangos na ilong. High cheekbones.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1