Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Anino ng Liwanag: Pusong Titanium, #3
Anino ng Liwanag: Pusong Titanium, #3
Anino ng Liwanag: Pusong Titanium, #3
Ebook162 pages1 hour

Anino ng Liwanag: Pusong Titanium, #3

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Iniwanan ni Blaire noon si Axton kahit na labis ang pagmamahal niya sa lalaki.

 

Ngunit ngayong tapos na ang pagtanaw niya ng utang na loob kay Mia at nag-disband na ang Titanium, nagpasya siyang hanapin at muling ipadama kay Axton ang kanyang pagmamahal.

 

Ngunit may kapalit na siya sa puso ng binata!

 

Sa kabila nito, walang balak si Blaire na basta na lamang isuko ang kanyang pag-ibig. Gagawin niya ang lahat ng paraan para muling mapaibig ang binata.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateMar 6, 2024
ISBN9798224594177
Anino ng Liwanag: Pusong Titanium, #3

Read more from Arielle Alia

Related to Anino ng Liwanag

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Anino ng Liwanag

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Anino ng Liwanag - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This novel would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To the girls and guys of Eternal Equinox, who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    And last, but not the least, to my mother, Josefina Lindo Alia, who had given me support and love all through the years.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    I was addicted to watching cooking game shows noong kasalukuyan kong isinusulat ang novel na ito. Pinakapaborito ko ang MasterChef (US and Australian series). This is a show about home cooks, o ‘yung mga taong may natural talent sa pagluluto at self-taught. They compete with each other as well as with professional chefs. Second ay ang Top Chef where professional chefs cook against each other.

    Siyempre pa, ang unang dahilan kaya pinapanood ko ang mga show na ito ay dahil mahilig ako sa pagkain (ha ha). And then of course ‘yung mga kakaibang games and competition.

    While watching these shows, nawala ang old fashioned image ko sa mga cook/chef na simple lamang sila at mild mannered. Almost like a teacher. Nakita ko rito na independent minded sila, malalakas ang loob, competitive and a lot of them specially the professional chefs have fiery tempers, enormous egos at kakaibang fashion sense. Weird hairstyles, color, tattoos and body piercings are part of their individuality.

    They are also like magicians in the kitchen kung saan nakakagawa sila ng amazing dishes. And their knife skills are the best! Dahil sa panonood ko sa kanila kaya nabuo ang character ni Axton Moran.

    This is also Blaire’s story and it is set after officially nag-disband ang Titanium.

    Arielle Alia

    PROLOGUE

    Six years ago

    Next week ang kasal nina Mia at Uriel. Ngunit bago dumating ang araw na iyon ay isasakatuparan ni Ares ang plano niya para makuha si Mia at mailayo ito kay Uriel. Hindi siya makapapayag na makasal ang babaeng mahal niya kay Uriel. Nakahanda na rin siyang tanggapin ang magiging galit sa kanya ng dalaga oras na pigilan niya ang kasal nito.

    Tumunog ang cell phone ni Ares. Nang tingnan niya iyon ay nalaman niyang kay Mia galing ang message.

    I know na naghahanda ka para maging best man namin ni Uriel sa aming kasal next week. Pero bigla na lamang akong itinanan ng lalaking iyon. Before I knew it, we were already in front of a judge and getting married.

    Pinanlamigan si Ares. Nahulaan ba ni Uriel ang balak niyang gawin?

    Mabilisan niyang tinawagan si Mia. Ginamit na rin niya ang app na nasa cell phone niya para ma-locate ang kinaroroonan nito. Palihim niyang nilagyan ng tracker ang cell phone ng babae para lagi niyang malalaman kung nasaan ito.

    Lumabas siya ng kanyang bahay at sumakay ng kanyang kotseng Ferrari. Naka-dalawang tawag siya bago niya narinig ang boses ng babae sa kabilang linya.

    Where are you now?

    On the way to our honeymoon, masayang sagot nito.

    Tumiim ang bagang ni Ares. Kinontrol niya ang sarili. Pinapanatili niyang kalmado ang boses.

    Hindi man lamang ba kayo magkakaroon ng reception? Ako na ang sasagot para kahit paano ay may maiambag ako sa celebration ninyo.

    Next week mo na gawin iyan, Ares. Tuloy pa rin naman ang kasal namin ni Uriel sa simbahan. You will still be our best man.

    Saan pala ang honeymoon ninyo?

    Hindi ko rin alam. Surprise raw iyon sa akin ni Uriel. I’ll call you back. Tumigil lamang kami ni Uriel sa gas station para magpagasolina. Secret wedding dapat ito at walang sinuman na dapat makaalam, pero nakonsensiya akong ‘di sabihin sa iyo kaya nang magpunta ako sa CR ng gas station ay pinadalhan kita ng text. You need to keep this a secret, Ares, dahil ‘di alam ni Uriel na sinabi ko sa iyo ang pagpapakasal namin. Hintayin mo na lamang na siya ang magsabi sa iyo. Tinapos na ni Mia ang pakikipag-usap sa kanya.

    Nang tingnan ni Ares ang app sa kanyang cell phone ay napag-alaman niyang nasa Tagaytay si Mia. Dalawang oras ang pagitan nila. Kahit na anong bilis pa ang gawin niyang pagpapatakbo sa kanyang Ferrari ay ‘di niya aabutan ang dalawa!

    Kinontak niya si Javier, ang pilot ng chopper ng GFC. Ilang minuto pa at nagkita na sila ng lalaki sa bubong ng GFC Building. Hindi ini-off ni Mia ang cell phone nito, kaya’t patuloy niyang nasusubaybayan ang pagbibiyahe nito.

    Sa isang highway sa may Batangas na nila inabutan ang kotseng sinasakyan nina Mia at Uriel.

    Ibaba mo ang chopper sa daraanan nila! utos niya sa pilot.

    That’s dangerous, Sir Ares, babala ni Javier.

    Kaya mo bang gawin o hinde? galit niyang tanong.

    Tumango ang pilot. Nagsimulang bumaba ang chopper. Batid ni Ares na mapapansin na sila nina Uriel at Mia. Walang ibang sasakyan na dumaraan sa highway, kaya’t nakapag-maniobra ang pilot para maibaba ang chopper sa daraanan ng kotse.

    Bumaba siya ng chopper at sinalubong ang paparating na sasakyan nina Mia. Bumagal ang kotse hanggang sa tumigil ito. Halos sabay na bumaba ng kotse sina Mia at Uriel.

    Ares? Anong ginagawa mo rito? usisa ni Uriel.

    Are you out of your mind, Ares? bulalas ni Mia.

    Diretsong naglakad si Ares palapit kay Uriel. Isang suntok sa mukha at isa sa sikmura ang ibinigay niya kay Uriel. Bumagsak sa kalsada ang lalaki.

    Ares! sigaw ni Mia.

    Binalingan niya ang dalaga.

    I’m sorry about this. Pero kailangan kong gawin ito. Sinuntok niya sa sikmura ang dalaga. Tama lamang ang lakas na ginamit niya para mawalan ito ng malay.

    Mabilis niya itong pinangko at itinakbo patungo sa chopper. Lumilipad na ang chopper nang pagbalikan ng malay si Uriel. Nagsisigaw ito. Galit na galit.

    Binaliwala ni Ares ang lalaki. Sinulyapan niya si Mia. Kamumuhian siya ng babae dahil sa ginawa niyang ito. Anumang paliwanag ang gawin niya ay ‘di nito pakikinggan. But he didn’t give a damn! Ang mahalaga sa kanya ay nakuha niya ito kay Uriel! He would never let her go! Mia was now his!

    CHAPTER 1

    Melbourne, Australia

    After graduating from high school at age eighteen, hindi alam ni Axton kung ano ang gagawin niya sa kanyang buhay. Para matuklasan niya ang kanyang sarili at kung anong landas ang tatahakin, nagdesisyon siyang maglakbay sa buong mundo.

    Sa loob ng dalawang taon, he took on odd jobs para masuportahan ang kanyang country-hopping. Mula sa pagiging driver, janitor, dishwasher, burger flipper, food server at kung ano-ano pa ay ginawa niya. Marami siyang nakilalang mga tao, mga naging kaibigan at natutunang leksyon sa buhay sa naging paglalakbay niya sa buong mundo.

    Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang server sa isang sushi bar sa Japan nang ma-realize niya kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay! He wanted to be a chef! Sa lahat ng bansang pinuntahan niya, hindi maaaring hindi niya titikman o pag-aaralang lutuin ang local cuisines doon. He had always been fascinated with cooking at sa kasiyahang idinudulot ng masasarap na pagkain sa mga customer ng isang restaurant.

    He wanted to cook. Give joy and happiness to people!

    Dahil sa desisyong iyon, nagpasya siyang maging chef. Una siyang nag-aral sa Japan bago siya nagtungo sa China para matutunan ang iba’t ibang Chinese cuisines. Malaki rin kasi ang chance na makapagtrabaho siya sa isang restaurant doon na pinamamahalaan ng isang magaling na chef. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa China bilang isang junior chef nang makilala niya si John Davies, ang executive chef ng Mirage View Hotel sa Australia. Na-impress ito sa isang dish na personal niyang niluto, kaya’t inalok siya nito ng trabaho sa Mirage View. Agad niyang tinanggap ang alok ni John dahil magkakaroon din siya ng pagkakataon na mag-train sa ilalim nito. Nagbalik siya sa Australia at after two years ay naging sous chef na siya sa Mirage View Hotel.

    Noong nasa Japan pa siya ay pinangarap na niyang magkaroon ng Japanese ceramic knives set, pero hindi pa niya kayang bilhin iyon. Nagkaroon ng katuparan kahapon ang pangarap niyang iyon nang dumating ang inorder niyang dalawang Japanese ceramic knives set. Nagsilbing regalo niya sa sarili ang knives set dahil ngayon ang ika-3rd year anniversary ng pagtatrabaho niya sa Mirage View.

    Inilagay niya sa kanyang kitchen ang isang set habang inayos naman niya ang second set sa kanyang knife bag. Ang mga kutsilyong ito ang gagamitin niya mula ngayon sa kanyang pagluluto sa Mirage View Hotel kung saan pinalitan niya si Chef John bilang executive chef. Nagtayo na kasi ng sariling restaurant si Chef John.

    Two days ago ay nabigyan ng three Michelin stars ang Mirage View Hotel dahil sa masasarap na pagkaing isinisilbi sa mga guest nito. Ina-award lamang ang mga star sa mga restaurant na may mataas na standard at itinuturing na ultimate hallmark ng culinary excellence. By next month, sinigurado

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1