Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Cherished Strife: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #2
Cherished Strife: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #2
Cherished Strife: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #2
Ebook160 pages2 hours

Cherished Strife: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #2

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

                                                   

Sumumpa si Irsa na tanging si Alvaro lamang ang kanyang mamahalin. Na hihintayin niya ang pagbabalik ng binata. 

 

Pagkaraan ng dalawang taon, dumating sa buhay niya si Sage.

 

Ganoon na lamang ang gulat niya nang sabihin nitong ito si Alvaro. Ang iba nitong mukha ngayon ay gawa raw ng plastic surgery.

 

Sa loob ng apat na taon ay minahal at binigyan siya ng kaligayahan ni Sage na isang sentinel sa Blackthorn Academy.

 

Ngunit ang masaya niyang buhay ay biglang nabasag nang matuklasan niya ang katotohanan. Niloloko lamang pala siya ni Sage at ang kanilang naging pagsasama bilang mag-asawa ay puno ng kasinungalingan!

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateFeb 25, 2022
ISBN9798201140410
Cherished Strife: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #2

Read more from Arielle Alia

Related to Cherished Strife

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Cherished Strife

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

4 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Cherished Strife - Arielle Alia

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, specially my mother Mrs. Josefina L. Alia who temporarily served as my editor.

    To my friends, Macy Joy Ann P. Bilangdal, Magdalena Mangulabnan, Raquel Robles, Clarrise G. Rosal, and Emlyn Serdiña who helped me proofread this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    Arielle Alia

    AUTHOR'S NOTE

    Sa second book na ito ng  Blackthorn Academy-Sentinels, makikilala pa ninyo nang husto ang mga sentinel at ang iba pang mga estudyante, specially ang grupo na in the future ay siyang bubuo sa misteryosong Spider Organization.

    Nakatuon ang Cherished Strife sa tunay na pagkatao ng Blackthorn Sentinel na si Sage.

    Arielle Alia

    PROLOGUE

    Larossa, Quezon Province

    Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay naging madalas ang pag-uulan. Kaya't oras na sumikat ang araw, sinasamantala ito ng Blackthorn sentinel na si Sage para ilabas ng classroom ang mga estudyante. Sa araw na ito, isang practical test ang ibinigay ni Sage sa twenty-two students na kasalukuyang nag-aaral sa Blackthorn Academy training school.

    Hinati ni Sage sa labing-isang grupo ang mga estudyante. Naging magka-partner sina Lynx at Tense.

    Mula nang magsimula ang test, bawat sulok ng munting gubat na tinatawag na Forest Grove sa compound ng academy ay sinuyod nina Lynx at Tense sa paghahanap ng mga puting manok. Ngunit isang oras na ang nakakaraan ay nanatiling bigo pa rin silang makakita kahit na isang manok!

    Asar talaga! Tiyak na nakahuli na ng mga manok ang ibang team! ngitngit ni Tense. Kapag tayo na naman ang nangulelat sa contest na ito, baka kung ano na naman ang gawing parusa sa atin ni Sir Sage!

    Huwag ka ngang maingay diyan! saway ni Lynx. Kaya tayo natatakbuhan ng mga manok ay dahil masyado kang maingay! Ipinagawa sa atin ang test na ito para mahasa ang ating hunting skills! At hinding-hindi ka magiging successful hunter kung lagi na ay dada ka nang dada! Maghiwalay tayo para mas marami tayong lugar na mahanapan. Doon ka sa kanan, dito ako sa kaliwa.

    Itinikom ni Tense ang bibig at padabog na nagtungo sa bandang kanan. Matagal na niyang napatunayan na hinding-hindi siya magiging isang successful hunter. Hindi kasi siya makakatagal sa isang lugar na tahimik at wala rin siyang tiyaga sa paghihintay! Nakakabagot ang katahimikan sa araw at nagdadala naman ng kung ano-anong nakakatakot na pangitain ang isang tahimik na gabi.

    Ngunit ayaw niyang mangulelat sa test na ito ni Sir Sage kaya’t pinilit niya ang sarili na manahimik.

    Ang malakas na sigaw ni Lynx ay biglang bumasag sa katahimikan! Takbo siya sa kinaroroonan ng kasama. Hindi matatakutin si Lynx. Lider ito ng mga siga sa squatter’s area na pinagmulan nito. Ngunit para sumigaw ito ng ganoon, tiyak na isang malaking panganib ang nakaharap nito!

    Lynx! malakas niyang tawag.

    Nakita niya ang kaklase na nakasiksik sa katawan ng isang puno. Sa harapan nito ay naroroon ang isang maliit na ahas. Tantiya niya ay wala pang one foot ang haba ng ahas na mabagal na gumagapang at tila namamasyal.

    Patayin mo, Tense! malakas nitong sigaw.

    Sa tuwi silang pupunta sa Forest Grove ay pinagdadala sila ng mga baston para magamit na protection sa anumang hayop na makakasalubong nila. Ang baston ni Lynx ay nabitiwan nito at kasalukuyan ngayong pinupuluputan ng ahas.

    Putlang-putla si Lynx. Nawala ang pagiging siga nito. Pinigil ni Tense ang matawa. Sino'ng mag-aakala na ang matapang at sigang si Lynx ay matindi ang takot sa ahas? Sa pagkakadiskubre niyang ito sa phobia ni Lynx, tiyak na matatawa ang lahat kapag ikinuwento niya ang pamumutla ng siga dahil sa isang maliit na ahas.

    Kalmado niyang nilapitan ang ahas. Ubod lakas niyang hinampas ng baston ang ulo nito. Patay agad ang ahas ngunit nanatiling gumagalaw-galaw pa rin ang buntot nito. Nanatiling hindi kumikilos si Lynx at nakasiksik pa rin sa katawan ng puno.

    Bravo! malakas na papuri ng boses ni Sir Sage.

    Nang lingunin niya ito ay nakita niyang naglalakad na ang sentinel palapit sa kanila.

    Natandaan mo, Tense, ang lecture ko kung paano matatalo ang isang ahas.

    Sa kabila ng papuri ng instructor nila, agad na na-realize ni Tense na ang paglitaw nito ay isa lamang ang ibig sabihin. Nakahuli na ng manok ang lahat ng classmates nila at tanging sila ni Lynx ang hindi pa bumabalik sa school!

    Sir, kami na naman ba ang last place sa test na ito? iritadong sabi ni Lynx. Nagsisimula nang bumalik ang kulay sa mukha nito.

    Dinampot ni Sir Sage ang ahas.

    Eleven ang white chickens na pinakawalan ko rito sa gubat. Since eleven teams kayo, dapat ay tig-isang manok ang nahuli ng bawat team. Unfortunately, ang team nina Avis at Imogen ay hindi lamang nakahuli ng isang manok, napatay rin nila ang isa pa. Kahit na maghapon pa kayong maghanap dito ng white chicken ay wala na kayong makikita. Sinuri nito ang ahas. This snake is not poisonous. Edible rin ito.

    Nagkatinginan sila ni Lynx. Kinutuban ng masama si Tense.

    Sir Sage, huwag ninyong sabihin na- Hindi na naituloy pa ni Lynx ang sasabihin.

    Ngumiti ang instructor nila.

    Remember the rules when it comes to hunting and killing? Tatlo lamang ang dahilan kung kailan maaari kayong pumatay. First rule, you kill for food. Second rule, you kill to protect those in danger and third, you kill to protect yourself. Ang ginawa ninyong pagpatay sa ahas na ito falls in rule number one.

    Napanganga sila ni Lynx.

    When you hunt for food, you always eat what you kill! paalala ng instructor nila.

    Sir naman! Hindi ako kumakain ng ahas! malakas na reklamo ni Lynx. At hindi ako ang pumatay sa kanya, si Tense! Sabay turo nito sa kanya.

    Gago ka! singhal niya. Ikaw itong todo sigaw na patayin ko 'yung ahas! Ako ang killer, pero ikaw ang mastermind! Binatukan niya si Lynx.

    Mag-ingat ka, Tense, kapag namatay sa batok mo si Lynx, ipapakain ko rin siya sa iyo!

    Sir naman, ang ganit ng laman niya! todo reklamo niya.

    Malakas ang naging tawa ng instructor nila.

    Let’s go, guys. Sinisimulan na ng classmates ninyo na lutuin ang mga nahuli nilang manok. You also need to prepare and cook this snake. Inihagis nito kay Tense ang patay na ahas. Puwedeng i-adobo, iihaw or gawing soup ang ahas.

    Muling namutla ang mukha ni Lynx. Hindi naman malaman ni Tense kung ano ang sasabihin para makumbinsi ang kanilang instructor na huwag ipakain sa kanila ang ahas.

    In the future at nagkataong naiwan o naligaw kayo sa gubat, snake meat is a good source of protein. Posibleng ang pagkain ng ahas ang makakapagligtas sa inyo sa pagkamatay sa gutom.

    Tahimik na gumawa si Tense ng sumpa sa sarili. Sa kanyang future, sisiguraduhin niyang hindi siya malalagay sa ganoong sitwasyon!

    Sir naman, hindi kami katulad ninyo na ala-Tarzan, kahit ano ay kayang kainin! todo pangangatwiran ni Lynx. Hindi kakayanin ng sikmura ko 'yang ahas! At saka hindi naman nilikha ang ahas para maging pagkain ng mga tao.

    Huwag mong urungan ang isang bagay na hindi mo pa nasusubukan, Lynx! Part ng course ko ang pagtuturo sa inyo ng true courage! And true courage comes when you do what you need to do sa kabila ng matinding takot na nararamdaman ninyo.

    Bumagsak ang mga balikat nila ni Lynx. Hindi umipekto ang persuasive power ng kaklase. Nakatakda talagang maging tanghalian nila ngayon ang ahas na ito!

    CHAPTER 1

    Six years ago

    Bihag si Irsa ng makapangyarihang drug lord na si Mr. Oswaldo Salazar. Natuklasan kasi nito na malapit siyang kaibigan ni Homer at katulong din siya ng kapatid nitong si Alvaro sa paghahanap sa mga taong responsable sa pumatay sa kaibigan. Siya ang gagamiting pain ng drug lord para ibalik ni Alvaro ang perang ninakaw ni Homer dito noon. Bago kasi namatay si Homer ay nagtrabaho ito kay Mr. Salazar.

    Iwanan ninyo kami! utos ni Mr. Salazar sa apat nitong armadong tauhan. Mabilis na naglabasan sa kuwarto ang mga ito.

    Kinabahan si Irsa nang makita ang klase ng tinging ibinigay sa kanya ng lalaki nang mapag-isa sila. Pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito.

    Kung mali ako ng akala na importante ka kay Alvaro, papatayin kita, Irsa. Tulad ni Homer ay magsisilbi kang babala sa mga taong gagawa sa akin nang masama.

    Hindi titigil si Alvaro hangga’t hindi niya nakikita ang perang ninakaw ni Homer sa inyo. Sinadya niyang lagyan ng nginig ang kanyang boses. Gusto niyang isipin ng kaharap na takot na takot siya. At mahal ako ni Alvaro, hindi niya ako pababayaan.

    Hindi siya sigurado sa damdamin ng lalaki sa kanya o kung gaano siya kaimportante rito. Pero hindi niya maitatangging mahal niya ito. Ang paghanga na naramdaman niya nang magkakilala sila ni Alvaro ay naging pag-ibig sa paglipas ng mga araw.

    Habang hinihintay natin ang pagdating ng boyfriend mo, dapat ay i-entertain mo ako, utos nito sa kanya. Do not disappoint me, girl. Dahil oras na hindi ko magustuhan ang performance mo, masasaktan ka sa akin, babala nito habang sinisimulan nitong alisin ang pagkakakabit ng sinturon sa baywang nito.

    H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Birhen pa ako, aniya.

    Birhen? Nagpapatawa ka ba? Isa kang GRO!

    Prinotektahan ni Mrs. Sanchez ang virginity ko dahil ibibigay raw niya ako sa client ng club na magbabayad ng malaki. Hindi na niya itinama pa ang lalaki na isa lamang siyang waitress sa Night Owl at kahit kailan ay hindi niya gagamitin ang katawan para kumita ng pera.

    Napangisi ito.

    "Suwerte ko pala. Huwag kang mag-alala, tuturuan kita ng gagawin mo. And if

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1