Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Conquistador: Witch's Curse Tagalog Edition, #1
Conquistador: Witch's Curse Tagalog Edition, #1
Conquistador: Witch's Curse Tagalog Edition, #1
Ebook262 pages3 hours

Conquistador: Witch's Curse Tagalog Edition, #1

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Si Theron Gabriel ang reincarnation ng isang Spanish conquistador na namatay noong 17th century dahil sa sumpa ng isang witch.

 

Dahil taglay niya ang alaala ng kanyang nakaraang buhay, hinahanap niya ngayon ang angkan ng witch na responsible sa kanyang kamatayan para pagbayarin.

 

Ngunit bigla ay natagpuan niya ang sarili bilang tagapagtanggol ng isang witch coven laban sa makapangyarihang kalaban nito na desididong patayin ang bawat miyembro ng coven.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateMar 21, 2022
ISBN9798201827830
Conquistador: Witch's Curse Tagalog Edition, #1

Read more from Arielle Alia

Related to Conquistador

Titles in the series (1)

View More

Related ebooks

Reviews for Conquistador

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Conquistador - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com/

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, especially my mother, Mrs. Josefina L. Alia who helped me edit this novel.

    To my friends, Magdalena Mangulabnan, Donnalyn Bodollo and Raquel Robles who helped me proofread this novel.

    To my friend, Emlyn Serdiña who helped me review this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continued to give me support as I embark on a new stage in my life as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR'S NOTE

    Nang unang sumulpot sa isip ko ang nobelang ito, nakararanas ako ng mga kamalasan sa buhay ko specially in my writing career. As usual kapag emotional ako at naiinis, may tendency akong magsulat ng dark fantasy and adventure novels full of revenge and deaths.

    Akala ko ay mananatiling fantasy/adventure novel ang Witch’s Curse pero sa pagtagal ng panahon, it started to have a love story. So, no choice ako kung hindi pabayaang dumaloy ang kuwento ng mga character.

    Arielle Alia

    CHAPTER 1

    Abala sa pagluluto ng almusal si Dixon nang maramdaman niya ang paparating na panganib. Sa edad niyang beinte kuwatro, pamilyar na siya sa ganitong mga pangyayari. Mula nang magkaisip siya ay ipinabatid na sa kanya ng pamilya niya ang klase ng panganib at pagsubok na haharapin niya sa buhay.

    Ini-off niya ang kalan kahit hindi pa gaanong naluluto ang itlog sa kawali. Nagpalinga-linga siya.

    Biglang naggalawan ang pots and pans na nakasabit sa dingding. Nagliparan ang mga iyon patungo sa kanya!

    Yumukod siya. Ang kawaling gamit niya kanina sa pagluluto ay lumutang din at sumibad patungo sa kanya! Tumalon siya palayo rito. Bumagsak ang kawali at ang itlog sa sahig na kinatatayuan niya kanina.

    Napabuntunghininga siya. Mukhang kakailanganin na naman niyang magluto ng bagong itlog. Inabot niya ang handle ng frying pan. Magagamit niya itong kalasag sa susunod pang atake.

    Bago pa lamang niya nahahawakan ang frying pan ay naramdaman na naman niya ang panganib. Isinalubong niya ang frying pan sa sumisibad na baso at kutsara. Ngunit hindi niya napansin ang pagsugod ng kutsilyo. Nadale noon ang kanyang hinlalaki sa kaliwang kamay!

    Mabilis na lumigwak ang dugo sa parte ng kamay niya na dating kinalalagyan ng kanyang hinlalaki.

    Napangiwi siya. Binitawan na niya ang frying pan at naghagilap ng napkin para mapigilan ang pagdaloy ng dugo. Maingat din niyang pinulot ang daliri niya at inilagay sa isang baso. Madalian siyang kumuha ng yelo sa refrigerator at inilagay sa baso para ma-preserve ang kanyang daliri.

    Nakiramdam siya. Lumipas na ang panganib. Muling nagbalik sa isipan niya ang mga salitang nagpasimula ng kamalasan at panganib na nangyayari sa buhay niya ngayon.

    I curse you! May you suffer all your life!

    Matapos malagyan ng takip ang baso ay inilagay niya iyon sa kanyang bag. Hindi na siya nag-almusal pa. Kailangan niyang makarating sa ospital para maikabit agad ang dulo ng daliri niya.

    Imbes na gamitin ang kanyang motorsiklo ay nag-taxi na siya. Masyadong masakit ang kanyang kaliwang kamay. Hindi na niya kakayanin pang magmotor. Kailangan niya ng pain relievers or anesthesia.

    Pagkaraan ng ilang minuto, muling natagpuan ni Dixon ang sarili na bisita sa emergency room ng Cardinal Wilson Hospital na pinagtatrabahuhan ni Dr. Abigail ‘Abby’ Martinez. Nalagyan na ng pampamanhid ang kamay niya kaya't hindi na niya nararamdaman pa ang pagtatahing ginagawa sa kanyang daliri ni Abby.

    So, what happened this time, Dixon? usisa ni Abby matapos ang minor surgery sa kanyang kamay.

    Naghihiwa ako ng sibuyas. Nabahin ako at hindi ko napansin na nakaumang pala ang daliri ko, pagsisinungaling niya sa kaibigan. Five years her senior si Dr. Abby Martinez. Nagkakilala sila nito noong maging roommates sila sa boarding house. Kumukuha siya ng Accountancy noon at ito naman ay second year na sa medisina. Dahil marami silang napagkakasunduan, naging matalik silang magkaibigan.

    Nang maka-graduate siya ay halos kasabay rin na naging resident doctor ito sa isang government hospital. Sabay rin silang umalis ng boarding house na tinutuluyan. Nakabili kasi ng bahay ang pamilya ni Abby na malapit sa ospital nito at siya naman ay naka-afford nang bumayad ng sariling apartment dahil nakakuha siya ng trabaho sa Javellano Industries.

    Bagama't naging busy sila sa kani-kanilang trabaho, regular pa rin silang nag-uusap at kumakain sa labas. Every time rin na may sakit siya o aksidente, laging ito ang gumagamot sa kanya.

    Ikaw na ‘ata ang pinaka-accident prone na nakilala ko! kunwa'y reklamo ni Abby. Pero masasabi kong ikaw pa rin ang pinaka-lucky sa lahat. You always managed to survive these silly accidents of yours. Bahagya itong napangiti.

    Tumawa siya. Pinanood niya nang simulan nang lagyan nito ng benda ang kanyang daliri.

    Wag mo ‘yang babasain o gagamitin. Let's just hope na mag-connect ang nerves niyan para manatiling lima ang mga daliri mo.

    Alam kong magkokonek iyan. Ikaw ba naman ang nagtahi eh. You are the best doctor ever!

    Sipsip! Komo lamang hindi kita sinisingil every time na nagpapagamot ka sa akin.

    Thanks, Abby. You're the best talaga!

    Pakiusap ko lang, sana bukas ng umaga ay hindi ka na pumunta rito. Every time na dumarating ka ay ninenerbyos ako. Palala nang palala ang injuries mo, Dixon! The first one, nakagat ka ng pusang gala. Kahapon napaso ang binti mo sa tambutso ng motorsiklo mo. Ngayon naman, you almost lost your thumb!

    Imbes na ipaliwanag ni Dixon na ang lahat ay bahagi ng isang curse na nagsimula three days ago, nanahimik na lamang siya. Naniniwala ang kaibigan sa logic and scientific facts. Para rito, lahat ng bagay ay may logical explanation. At mahirap ipaliwanag sa kaibigan ang nangyayari sa kanya lalo na kung paano ito nag-umpisa.

    Last time na nagkaganito ka ay noong mag-roommate pa tayo. Seven days ‘ata iyon na lagi kang naaaksidente. You had a whole week of bad luck! Muntik-muntikan ka pa ngang bumagsak sa semester na iyon.

    Yeah. Ganyan ‘ata talaga ang buhay, 'pag minalas, nagkakasunod-sunod.

    Walang kinalaman ang malas sa nangyayari sa iyo, Dictionary Jones! mariing pahayag nito. Tinatawag lamang siya nito sa kanyang full name 'pag may gusto itong ipaintindi nang husto sa kanya.

    Most people ay nagugulat 'pag nalaman ang tunay niyang pangalan. Noong unang beses silang nagkakilala ni Abby, kinailangan niyang ikuwento rito ang dahilan ng unique name niya. Ang apelyido niyang Jones ay hindi masyadong pinagtatakhan. Obvious sa kanyang maputing balat at matangos na ilong ang pagkakaroon niya ng lahing banyaga. Her father was Sgt. Harold Jones of the US Army. Nakilala ito ng ina niyang si Halina 'Lina' Liwanag nang magkaroon ng joint military exercises ang Philippine Military at ang US Forces sa kanilang bayan sa San Ignacio.

    You just need to pay attention to everything na nangyayari sa paligid mo. Always be careful, patuloy na sermon ng kaibigan.

    Tumango na lamang siya. Ang totoo, ingat na ingat talaga siya. Mula nang magsimula ang sumpang ito three days ago ay todo na ang ginagawa niyang pag-iingat. Kung hindi siya maingat, baka mas malala pa sa nangyayari ngayon ang sinasapit niya.

    Don't worry too much.

    Kapag nagsalita ka ng ganyan ay lalo akong nagwo-worry sa iyo. Naghihinala na akong itong mga accident na ito ay may kinalaman sa naging announcement ng kasal ni Richard kay Sharina four days ago.

    Natigilan siya. Ang pangalan na iyon ng kanyang ex-boyfriend ay nagdulot na naman ng sakit sa dibdib niya. Two years silang naging mag-boyfriend ni Richard. Classmate niya ito noong high school at noon pa man ay crush na niya ito. Nang mapasok ito sa opisina nila ay tuluyan na sila nitong nagkalapit. Ngunit nang makita nito si Sharina ay agad siyang isinaisantabi at kinalimutan!

    Three months na kaming break. I'm over him, giit niya.

    No, you are not! I think kahit na break na kayo, umaasa ka pa rin na babalik siya sa iyo. Na iiwanan niya ‘yung malanding babae na iyon na ipinalit niya sa iyo. Pero nang mabalitaan mo na pakakasalan na niya si Sharina-

    Puwede na ba akong umalis? pagbabago niya sa usapan. Kailangan kong pumasok na sa opisina. Nakakahiya kung after akong gawing manager ay saka ako male-late sa office.

    You should take some time off from work! giit ni Abby.

    Lumipat na ng ibang branch si Richard, hindi na kami nagkikita. At hindi magugustuhan ng boss ko kung a-absent ako. I have a lot of things to do. Responsibilities, pangangatwiran niya.

    Isa pa, kahit na saan siya magpunta ay susundan siya ng sumpa. Hindi siya makatatakas. All she had to do was to survive for one week. After one week, titigil na ang lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay niya.

    Kung titigil ako sa pagtatrabaho, wala akong ipambabayad sa apartment ko at sa mga medical bills ko, dagdag pa niya sa kanyang mga dahilan.

    Asus! Para namang binabayaran mo ako! reklamo ng kaibigan. Kapag ikaw ang pasyente namin dito sa ospital ay libre na ang professional fees ko at libre rin ang lahat ng gamot mo!

    Napangiti siya.

    Thanks, Abby. Hindi ko alam kung paano ako makababayad ng utang na loob sa iyo.

    What are you talking about? Ako ang nagbabayad ng utang sa iyo! Mula nang makilala kita ay naging napakasuwerte ko na sa buhay. You are my lucky charm, friend. Dahil sa iyo, nakilala ko ang aking soulmate and boyfriend. At kung hindi mo nakita sa diyaryo ang posisyon na open sa hospital na ito, baka hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng mapapasukang ospital! Dagdag pa na kapag may problema ako, lagi kang nakasuporta sa akin. You are like a sister to me!

    CHAPTER 2

    Nang makarating si Dixon sa office ay nakita ng boss niyang si Mr. Javellano ang bandage sa kanyang kaliwang kamay. Agad na lumarawan sa mukha ng matandang lalaki ang pag-aalala.

    Kitchen accident, ang mabilis niyang paliwanag.

    Dapat ay lagi kang nag-iingat. Magkakaroon ng problema ang kumpanya 'pag hindi ka nakapasok, pagbibiro nito.

    Don't worry, Sir, matatapos ko ang reports na kailangan ninyo.

    Napabuntunghininga ito.

    It's not about the reports, Dixon. Maaari kong ipagawa sa iba iyon. You are like a daughter to me at nag-aalala ako sa nangyayari sa iyo.

    Mula nang magtrabaho si Dixon sa kumpanya ng matandang lalaki ay naging parang ama na niya ito. Hindi lihim kay Mr. Javellano ang nangyari sa kanila ni Richard. Hula niya, nakokonsensiya ito dahil ito ang nagpakilala kay Richard sa anak nitong si Sharina.

    Ngunit hindi siya galit sa matandang lalaki. Lumaki si Sharina sa poder ng ina nito na nagpunta sa Amerika. Nang mamatay lamang ang ina nito saka bumalik si Sharina sa ama. Hindi ginusto ni Mr. Javellano ang nangyari o ang pagkakaroon ng isang malanding anak na tulad ni Sharina. Kung meron mang dapat sisihin, iyon ay walang iba kung hindi sina Richard at Sharina!

    Mabilis na pinagsabihan ni Dixon ang sarili na kontrolin ang galit. Dahil sa galit niyang ito kaya nagsimula ang sumpa.

    Please be careful, Dixon, pakiusap nito. You are a wonderful person. At maganda ang naghihintay sa iyong kinabukasan. Don't let bad things pull you down.

    Hindi man nito diretsong sinasabi, batid ni Dixon na patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya si Mr. Javellano. Malakas ang kutob niya na ang promotion na nangyari sa kanya after ng break-up nila ni Richard ay paraan nito para maitama kahit konti ang ginawa ni Sharina sa kanya.

    Napabuntunghininga ito. Mula nang magkaroon ng relasyon sina Richard at Sharina ay naging problemado na ang matandang lalaki. Balita ni Dixon, ipinadala noon sa US si Sharina sa ina nito dahil masyado itong nababarkada rito sa Pilipinas. Ngunit nang makabalik naman ito, imbes na tumulong sa pagpapalakad sa business, ang inasikaso ay ang pang-aakit kay Richard. Sharina had always been a spoiled brat. Malinaw na hindi ito kayang kontrolin ni Mr. Javellano at wala rin itong sapat na kakayahan para tanggihan ang mga kagustuhan ng anak.

    Daddy! Bakit nandito ka pa? Marami pa tayong pupuntahan! singit ng iritadong boses ni Sharina.

    Mabilis na pinaalalahanan ni Dixon ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng galit. Hindi siya dapat magmukhang heartbroken. She must appear cool and composed. Dapat na isipin ng lahat na hindi siya naaapektuhan ng pagtataksil at pag-iwan sa kanya ni Richard. She was after all a manager of the company.

    Lumingon siya sa direksyong pinagmulan ng boses ni Sharina. Napako siya sa kinatatayuan. Kasama ng malanding babae si Richard! Muli niyang naramdaman ang hapdi sa kanyang dibdib. Kahit na ano pa ang sabihin niya, hindi pa rin siya ganap na nakaka-recover sa lalaki.

    Ngunit hindi na pag-ibig ang nararamdaman niya ngayon. Iyon ay galit!

    Hindi rin nakabawas sa pagpupuyos ng damdamin niya ang ikinikilos ng lalaki. Binabaliwala siya nito. Na para bang hindi siya nito kilala.

    Matapos itong bumati kay Mr. Javellano ay ibinalik nito ang atensyon kay Sharina. Hindi nakaila kay Dixon ang klase ng tinging ibinibigay nito sa babae. It was full of passion. Na para bang si Sharina lamang ang buong mundo nito. Kahit minsan ay hindi siya tiningnan ng ganoon ni Richard.

    Maybe Richard never really loved her. Napasubo lamang ito sa mga tuksuhan sa opisina at dahil siya lamang ang babaeng masasabing lagi nitong nakikita at nakakasama.

    Kung anuman ang naging damdamin sa kanya ni Richard noon, it's already gone!

    Tumiim ang bagang niya. Richard and Sharina would pay dearly sa ginawa nilang pananakit sa kanya. Nasulyapan niya ang kanyang nabebendahang daliri. Pilit niyang isina-isantabi ang galit sa dalawa.

    Hindi dapat makahalata ang sinuman sa kinikimkim niyang galit.

    Mabilis na nilapitan ni Mr. Javellano ang anak.

    Bakit pa kayo umakyat dito? Hindi ba sabi kong bababa na ako?

    Humawak sa baywang ni Richard si Sharina at idinikit nang husto ang sarili sa katawan ng lalaki sabay sulyap kay Dixon. Parang ipinagmamalaki nito at ipinapaintindi sa kanya na pag-aari na nito ang lalaki at wala na siyang magagawa pa para bawiin ito.

    As if she would ever want again a man like Richard! Isang walang kuwentang tao ito! Unfaithful at walanghiya!

    Ngunit hindi niya ipinakita sa babae ang tunay niyang emosyon. Binigyan na lamang niya si Sharina ng isang matipid na ngiti ng pagbati.

    Masyado ka kasing matagal dito sa office, Dad, ani Sharina.

    I'm ready! We better go now bago tayo ma-late. Saglit na lumingon si Mr. Javellano kay Dixon. Ikaw na ang bahala rito, Dixon. You are in charge.

    Nang makaalis na ang tatlo ay saka nagtungo si Dixon sa kanyang bagong office. Isinubsob niya nang husto ang sarili sa pagtatrabaho buong araw. Pilit niyang isina-isantabi ang tungkol sa dalawang taong labis niyang kinamumuhian.

    Bukod sa responsibilidad niya sa opisina, kailangan din niyang pag-ukulan ng pansin ang panganib na nagbabanta sa kanyang buhay na dala ng sumpa. Four more days to go bago siya maging ligtas.

    CHAPTER 3

    After ng breakup ni Dixon kay Richard ay nag-shopping spree siya. Isa iyon sa mga paraan na ginamit niya para mabawasan ang sakit sa dibdib. Ang kanyang mga lumang gamit ay ibinenta niya at pinalitan ng mga bago. Ini-max niya ang kanyang credit card. Inubos ang kanyang savings.

    Mayroon na siya ngayong bagong laptop. Bagong washing machine, bagong refrigerator, at bagong oven.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1