Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sentimental Mayhem: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #1
Sentimental Mayhem: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #1
Sentimental Mayhem: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #1
Ebook172 pages2 hours

Sentimental Mayhem: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #1

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Isang aktor si Regiment Morgan. Bukod sa pagiging main cast ng isang popular TV series, nakatakda rin niyang gampanan ang lead role sa isang malaking pelikula na ipapalabas sa buong mundo. One could say, he was on the brink of stardom!

 

Ang lakas ng loob at determinasyon na ginamit niya para makuha ang tagumpay ay utang niya sa naging experience niya sa Blackthorn Academy.

 

Lingid sa kanya, gumawa ng paraan ang Blackthorn Sentinel na si Cyra Ramiel para makalimutan at mabura nang tuluyan sa alaala niya ang babaeng minahal at pinakasalan niya.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateFeb 13, 2022
ISBN9798201931551
Sentimental Mayhem: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #1

Read more from Arielle Alia

Related to Sentimental Mayhem

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Sentimental Mayhem

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

6 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sentimental Mayhem - Arielle Alia

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, specially my mother Mrs. Josefina L. Alia who temporarily served as my editor.

    To my friends, Macy Joy Ann P. Bilangdal, Magdalena Mangulabnan, Raquel Robles, Clarrise G. Rosal, and Emlyn Serdiña who helped me proofread this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    Arielle Alia

    AUTHOR'S NOTE

    The Blackthorn Academy -Sentinels novel is of course the story of the instructors of the Blackthorn Academy na idea at pinasimulan ni Rivero Martin sa Blackthorn Trilogy. Isa lamang ang purpose ng academy, ang tulungan na maging successful ang mga gifted and talented children na iniisip ng lahat na walang patutunguhan dahil sa klase ng environment na kinalakihan nila at mga gulong napasukan nila.

    And to turn these black sheeps into respectable and successful adults is the job of the sentinels. Siyempre pa, hindi basta-basta ordinaryong tao lamang ang mga sentinel. They are exceptional people.

    They are not the regular and normal teachers na nakikilala natin during our school days. They are eccentric, unique, crazy, fearless, passionate, determined, and highly intelligent people.

    Blackthorn Academy-Sentinels is composed of six books. At sa klase pa lamang ng titles ng bawat books ay malinaw ninyong makikita that you are in for an adventure of twisted tales and of course romance.

    Book 1- Sentimental Mayhem

    Book 2- Cherished Strife

    Book 3- Tender Chaos

    Book 4- Sweet Frenzy

    Book 5- Maelstrom Caress

    Book 6- Love’s Rampage

    And as a reminder sa mga nagbabasa, this series is not for young readers. I have never written nor will I ever write books for children. I write for women and matured readers who can appreciate the sensuality needed in a romance novel.

    Blackthorn Academy is located in Quezon Province. Pero ang bayan ng Larossa kung saan nakatayo ang mismong Blackthorn building is a fictional town. Mula lamang ito sa aking imahinasyon.

    Arielle Alia

    PROLOGUE

    Malaki ang pamilya ng Ramiel at tradisyon na ang pagkikita ng lahat sa tuwing sasapit ang fourth Sunday ng buwan ng November. Nagdaratingan mula sa probinsiya at sa ibang bansa ang lahat ng mga Ramiel. Isang masayang okasyon kay Cyra ang family reunion nila noong bata pa siya.

    Ngunit pagdating niya sa edad na beinte uno, animo naging isang malaking kalbaryo at pagsubok sa kanyang pagkatao ang bawat reunion. Wala na kasing ginawa ang lahat ng kamag-anak niya kung hindi ipagtulakan siya sa pag-aasawa! Pinaniniwalaan kasi sa pamilya nila na dapat ay mag-asawa na ang isang babae sa ganoong edad. Iyon daw kasi ang right age para mag-asawa at mag-anak ang isang babae. Hindi rin nakatulong na lahat ng female members ng family nila ay sumusunod sa tradisyong ito. Dalawa lamang silang exception. Siya at ang pinsan niyang si Marcel. Pareho kasing mas importante sa kanila ni Marcel ang magkaroon ng successful career kaysa mag-asawa. Marcel had chosen not to attend these reunions, pero no choice siya dahil lagi siyang hinihila roon ng mommy niya.

    Sa edad niya ngayong twenty-seven, itinuturing na siya ng lahat bilang isang matandang dalaga. Sa kanya rin bumabagsak ang mga mahihirap na trabaho para sa pag-aasikaso at paghahanda sa kanilang reunion. Sa taong ito, sa kanya ini-assign ang paggawa ng video history ng kanilang buong pamilya. For the past months ay panay ang dating ng pictures, video clips, at letters mula sa lahat ng kamag-anak nila para gamitin niya sa video history ng pamilya Ramiel. Bawat isa rin ay may kung ano-anong request kung paano niya ire-represent ang bawat branch ng pamilya nila.

    Nang sa wakas ay dumating ang araw ng family reunion, excited ang lahat na mapanood ang kanyang ginawa. Isang makeshift theatre na gawa sa malaking tent ang ipinalagay ng Grandpa Harold sa malawak na garden ng ancestral home nila. Ang three hundred plus members ng pamilya nila ay nakaupo na sa harapan ng puting telon kung saan makikita ang video na isang taon din niyang pinaghirapang buuin.

    I tried to put everything na ipinadala ninyo pero sobrang magiging mahaba ang video kaya pinili ko na lamang 'yung pinaka-interesting, paliwanag niya sa lahat. Don’t worry, everyone has been included. So, enjoy watching habang isine-serve ang ating lunch.

    Pagkatapos ng kanyang maikling speech ay dumiretso si Cyra sa table na nasa dulong likuran ng tent. Mula roon ay makikita niya ang reaksyon ng lahat sa kanyang masterpiece.

    Is this seat taken? usisa ng isang pamilyar na boses.

    Agad niyang nakilala ang pinsang si Marcel.

    Marcel?! Napangiti siya. Tapos na ba ang ban sa iyo sa ating family reunion? biro niya rito.

    Natawa ang pinsan bago ito naupo sa tabi niya. Mas matanda sa kanya ng one year ang babae at mas nakakasundo niya ito kumpara sa kapatid niyang si Grace. Pareho kasi ang takbo ng isip nila ni Marcel. Pero mas malakas ang loob nitong suwayin ang tradisyon ng pamilya nila at maparatangan bilang isang black sheep.

    Hindi naman ako nagpunta rito para makipagkumpitensya at makipagpayabangan. I came here dahil nandito ka, pinsan.

    Sipsip! Mula nang maging isang instructor si Marcel sa Blackthorn Academy sa Quezon Province ay bihira na sila nitong magkita. Ngunit in constant communication pa rin sila sa bawat isa sa tulong ng internet at Facebook.

    Ikaw talaga ang sadya ko, giit nito. I have something to tell you na hindi puwedeng paraanin sa e-mail o sa Facebook.

    And that is? usisa niya.

    Isa sa instructors ng Blackthorn Academy is leaving kaya nagkaroon ng opening, at ikaw agad ang una kong naisip na i-recruit.

    Marcel, meron na akong trabaho! And I have just been promoted as senior chemist sa Pharcom Pharmaceuticals!

    Hindi ba’t madalas mong sabihin na naiinggit ka sa klase ng trabaho ko because I get to mold and train boys into becoming real and proper men? Na dahil sa akin, ang natitirang sampung porsiyento ng desirable men in the world ay nadaragdagan?

    Natawa siya.

    Kung magkano man ang sinusuweldo mo ngayon ay siya mo ring matatanggap as one of the sentinels of Blackthorn.

    Sentinels?

    Iyan kasi ang tawag naming mga instructor sa aming sarili, para kakaiba ang dating. Natawa ito.

    Kaya mo ba ako nire-recruit ay dahil gusto mong magkaroon ng partner in crime roon?

    Isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa mga labi nito.

    Not really. You see, ako ang instructor na aalis. You will be taking my position.

    What? Akala ko ba enjoy ka at masaya sa job mong iyan?

    I am. Unfortunately, to be a Blackthorn Sentinel, dapat matibay at walang bahid ang iyong reputasyon sa mata ng tao. Ayokong sirain ang reputasyon at magandang ginagawa ng school para sa mga bata. And that will definitely happen if I continue to teach in that school.

    Marcel, what did you do? Napuno ng pag-aalala ang boses niya.

    Wala pa, bungisngis nito. But I will be doing something that would tarnish the image and the reputation of the academy and the other sentinels. Kaya best way is for me to leave now and find a suitable replacement.

    Anong kasalanan ang gagawin mo? Naintriga siya.

    Kumislap ang mga mata nito.

    I will be marrying one of my students, anas nito.

    Napatanga siya. Ang anumang sasabihin niya ay naunahan ng malakas na sigaw ng kanilang Tiya Conching.

    Dumating na sa part ng family video nila ang tungkol sa pamilya nina Tiya Conching. Kasalukuyang nasa malaking screen ang asawa nitong si Tiyo Darcy. Isang American si Tiyo Darcy at fifteen years nang kasal sa tiyahin. Isinama ni Cyra sa video ang very interesting interview na ginawa niya sa tiyuhin noon.

    I always force myself whenever Conching wants us to have sex. You see, I no longer find her attractive, animo pangungumpisal ni Tiyo Darcy sa video. In fact, I realized, I was never attracted to women. Armand made me realize what I really am. Armand was the only one who made me feel passion!

    Ang interview ni Tiyo Darcy ay nasundan pa ng panglalait at pamimintas ni Rita na asawa naman ng pinsan nilang si Edward sa buong pamilya Ramiel. Ang pagiging matapobre nito ay lumitaw sa video. Natuklasan ng lahat na ang magandang pakikisama nito sa kanila ay kaplastikan lamang. Nagsalita rin sa video si Lola Belen na inamin na isa itong battered wife at ikinatuwa nito ang naging pagkamatay ng kanilang Lolo Joseph.

    Todo gulo at ingay, awayan at iyakan na ang nangyayari sa kanilang buong pamilya sa paglabas ng mga itinatagong baho at sikreto ng lahat.

    What have you done, Cyra? Gulilat si Marcel.

    Ipinakita ko lamang sa mga kamag-anak natin ang totoo. Na higit akong mas masaya sa buhay ko as a single modern woman kaysa sa kanila since most of their marriages are a sham. Nilinaw ko rin that marriage is no guarantee for happiness, walang pagsisisi niyang pahayag.

    I mean, paano mo sila napaamin sa totoo? Natawa si Marcel.

    Ngumiti siya.

    I simply created my own version of a truth serum. Oras na inumin ito ng isang tao, sasagutin niya ng totoo ang lahat ng itatanong mo sa kanya. At after na mawala ang epekto ng serum, hindi na niya matatandaan pa ang mga pinagsasabi niya. Sayang naman kung hindi ko gagamitin ang nalalaman ko bilang isang chemist para ipaglaban ang karapatan kong mabuhay ng naaayon sa gusto kong lifestyle.

    Malakas ang naging tawa ni Marcel.

    You really are perfect for the job of a sentinel, Cyra! At hindi ako titigil hangga’t hindi mo tinatanggap ang alok kong trabaho sa iyo! determinado nitong sabi.

    CHAPTER 1

    Larossa, Quezon Province

    Maraming alam si Cyra pagdating sa paghahalo ng iba’t-ibang chemicals at kung paano lumikha ng iba’t-ibang potions and concoctions. Ngunit engot siya pagdating sa mechanical things tulad ng kanyang kotse. At hindi niya alam kung bakit bigla na lamang tumirik ang kanyang five-year-old Kia Pride.

    Inalis niya ang tingin sa nakabukas na hood ng Kia nang maulinigan niya ang paparating na sasakyan. Isa iyong dark blue Toyota Prius. Nang tumigil ito sa tapat niya ay nakilala niya ang driver bilang si Rageon Vitto, ang headmaster ng Blackthorn Academy. Una niyang nakilala ang lalaki nang interbyuhin siya nito at ng asawa nitong si Trois. Naganap ang interview sa restaurant part ng Club 56 kung saan napag-alaman niyang tumutugtog sa banda ng club bilang gitarista si Trois.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1