Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mga Lihim ng Gabi: Pusong Titanium, #1
Mga Lihim ng Gabi: Pusong Titanium, #1
Mga Lihim ng Gabi: Pusong Titanium, #1
Ebook267 pages3 hours

Mga Lihim ng Gabi: Pusong Titanium, #1

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Isang pathotological truth-teller si Mac. Dahil dito, hindi niya nagawang itanggi na sa unang pagkikita pa lamang ay umibig na siya kay Dessa.

 

Dahil din sa kondisyon niyang ito kaya pinagtiwalaan at naging kaibigan niya ang CEO at president ng Global Foods Corp. na si Ares Delguerra.

Ngunit nang kidnapin ni Ares si Dessa ay isang malaking desisyon ang kailangan niyang gawin.

 

Tutulungan ba niya at pagtatakpan ang krimeng ginawa ni Ares dahil sa pagkakaibigan at utang na loob niya rito? O tatraidurin niya at babaliwalain ang pagkakaibigan nila ni Ares para iligtas at protektahan ang dalagang mahal niya?

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateAug 26, 2023
ISBN9798215577189
Mga Lihim ng Gabi: Pusong Titanium, #1

Read more from Arielle Alia

Related to Mga Lihim ng Gabi

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Mga Lihim ng Gabi

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mga Lihim ng Gabi - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.fMacbook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This novel would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my friend, Emlyn Serdiña who helped me review this novel.

    To the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    And last but not the least, to my mother, Josefina Lindo Alia, who had given me support and love all through the years.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    This novel series was first entitled Lightblades. Pero nang ginagawa ko na ang cover, hindi maganda ang dating ng Lightblades. Parang walang dating. So, nag-isip ako ng bagong series title and I came up with Titanium Hearts or Pusong Titanium. Titanium is one of the hardest metals in the world at bagay na bagay iyon sa pagkatao ng mga character.

    Pusong Titanium is a five-book series. The premise of this series ay tungkol sa Titanium na isang mysterious group, at ang pakikipaglaban nila sa isang powerful and ‘evil’ man named Ares Delguerra.

    Arielle Alia

    PROLOGUE

    Maraming nagsasabi kay Ares Delguerra na matalino siya dahil sa pagkakaroon niya ng 165 IQ. Isa siguro iyon sa dahilan kaya batong-bato siya sa lecture ng teacher nilang si Mr. Ramos. Nagtuturo ito ng history, pero mas tamang sabihin na binabasahan lamang sila ng history book dahil verbatim na mula sa libro ang lecture nito ngayong araw. Mas marami pa ‘ata siyang nalalaman tungkol sa history dahil college books na ang binabasa niya.

    Tumayo siya sa kanyang desk. Dire-diretso siyang naglakad palabas ng classroom. Binaliwala niya ang pagtawag sa kanya ni Mr. Ramos. Wala naman itong magagawa. Hindi siya nito masasaktan o mapagagalitan. He’s only fifteen. At sa klase ng batas sa Pilipinas ngayon, kahit na patayin niya ngayon ang teacher ay ‘di pa rin siya maparurusahan.

    Bukas ay pahahanapin niyang muli ang ninong niyang si Atty. Lacson ng ibang school. A new school that would challenge his mind and keep him interested. Mula nang mag-high school siya ay naka-seven schools na ‘ata siyang nalilipatan. Kung siya ang masusunod, gusto niyang mag-aral na sa ibang bansa. Maybe mas bibigyan siya ng challenge ng mga school doon.

    Unfortunately, ayaw ng Papa niya na mawala siya sa paningin nito. Lagi itong nag-aalala sa kanyang kaligtasan kahit na nag-aaral siya ng martial arts at pagbaril. Naniniwala rin ito na kung hindi siya mababantayan ay baka kung anong kalokohan ang gawin niya. Kaya bukod sa Papa niya ay naging designated bodyguard din niya si Atty. Lacson. Kung talagang gagawa siya ng krimen, nasisigurado niyang hindi niya kakailanganin ang services ng ninong niya dahil ang krimeng gagawin niya ay malinis. Hindi mate-trace sa kanya.

    Mula sa kinatatayuan ni Ares ay tinantiya niya ang kakayahan ng dalawang security guards sa gate ng school. Batid niyang pinagbilinan ang mga ito ng Papa niya na huwag siyang papayagang lumabas during school hours. Isang part niya ang gustong subukan ang galing at lakas ng mga ito. Mapatutunayan na rin niya kung may silbi nga ‘yung black belt na nakuha niya noong isang taon sa pinasukan niyang martial arts school.

    Naghikab siya. Tinatamad siya. Gusto niyang matulog. Umikot siya sa likuran ng school kung saan maraming puno. Napansin niya ang ilang mga sanga na malapit sa matataas na pader na nakapaligid sa school compound. Mabilis niyang inakyat ang isa sa mga puno roon. Ginamit niya ang mga sanga para makatalon siya sa ibabaw ng pader at makababa sa sidewalk.

    Patayo siyang bumagsak sa sidewalk. Ang ilang mga pedestrian na naroroon ay napatingin sa kanya. Binaliwala niya ang mga ito. Hula niya ay mayroon siyang one to two hours bago ma-realize ng lahat na wala na siya sa school compound. Napangisi siya nang lumarawan sa isipan niya ang mangyayaring pagpa-panic ng school principal. Tiyak na agad itong tatawag sa Papa niya at kay Atty. Lacson. Masusundan iyon ng pagsugod ng dalawa at pagdaratingan ng mga pulis sa school. Bilang anak ng isa sa pinakamayamang businessman sa Pilipinas, malaki ang possibility na ma-kidnap siya at iyon ang unang iisipin ng lahat. His mother was kidnapped when he was ten years old. Bagama’t nahuli ang mga kidnaper, patay na nang matagpuan ang Mama niya.

    Pinawi niya sa isipan ang alaalang iyon. Sumibad siya nang takbo palayo sa school.

    Tumigil lamang siya sa pagtakbo nang mapagod siya. Huminga siya nang malalim. Iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Naging malinaw sa kanya na napadpad siya sa isang squatters’ area. Napansin din niya ang maraming bunton ng basura sa paligid.

    Matagal na niyang alam ang tungkol sa ganitong mga lugar. Napapanood niya sa TV ang gulong nangyayari sa tuwing ipagigiba ng isang city official ang mga squatter’s area. Walang ipinag-iba ang nakikita niya ngayong itsura ng squatter’s area sa napanood niya sa TV. Ang kaibahan lamang ay ang hindi magandang amoy sa paligid. Nagmumula iyon sa nabubulok na mga basura.

    Putsa kang pusa ka! sigaw ng galit na boses ng isang batang lalaki. Ibalik mo ang ulam namin!

    Napangiti si Ares. Mukhang may nangyayari. Sinusog niya ang pinanggagalingan ng boses. Nakita niya ang isang marusing at payat na binatilyo na hindi nalalayo ang edad sa kanya. Iba’t ibang klaseng mura ang naririnig mula sa bibig nito. Mukhang madadagdagan na naman ang kanyang curse words. Masa-shock tiyak ang Papa niya at si Atty. Lacson kapag ginamit na niya ang mga murang natutunan niya ngayon.

    Tumakbo sa tambakan ng basura ang nagmumurang binatilyo. Hindi ito nag-iisa. Isang dalagita na tulad nitong kulang sa ligo ang kasama nitong humahabol sa isang pusa na may kagat-kagat na isda sa bibig.

    Mabilis tumakbo ang pusa! Tumigil ang binatilyo at kinuha ang isang bagay sa bulsa ng shorts nito. Isa iyong homemade slingshot. Iniumang nito ang slingshot sa pusa. Saglit pa at narinig ang malakas na pagngiyaw ng pusa bago ito humiga sa lupa.

    Mabilis itong nilapitan ng binatilyo. Galit na galit nitong pinagtatadyakan ang pusa!

    Uriel, tama na. Patay na ‘yang pusa, saway rito ng kasamang dalagita.

    Nagbalik sa isipan ni Ares ang nabasa niya tungkol sa pangalang Uriel. Pangalan iyon ng isang archangel. Pero malabong mapagkamalang anghel ang batang nagtataglay ng pangalang Uriel dahil napakabastos ng bibig nito.

    Putang inang pusa ka! todo mura nito sabay tadyak muli sa katawan ng hindi na gumagalaw na hayop. Dudurugin ko bawat buto mo! Lahat din ng mga kamag-anak mo ay hahantingin ko at papatayin!

    Natatawa niyang nilapitan ang dalawa.

    Huwag mong masyadong durugin, ‘pag iniluto mo iyan ay hindi na masarap ang lasa ng karne, pagbibiro niya.

    Bumaling sa kanya ang mata ng binatilyo. Hula niya ay nasa fourteen o fifteen ang edad nito.

    Gago ka ba? Bakit ko kakainin iyan eh ang daming galis sa katawan! Baka mamatay pa ako!

    Hindi na niya napigilan pang humalakhak.

    You guys are so funny! At dahil inalis ninyo ang boredom ko, ililibre ko kayo ng pagkain sa isang masarap na fast food!

    Napuno ng pagtataka ang mukha ni Uriel. Noon niya naramdaman ang masusing tingin na ibinibigay sa kanya ng kasama nitong dalagita.

    Ano ang magiging kapalit ng pagbibigay mo sa amin ng pagkain? tanong ng dalagita. Malinaw sa mukha nito at boses ang pagdududa sa kanyang intensyon.

    Pinagmasdan niya nang husto ang dalagita. Mas bata ito kay Uriel. Baka twelve or thirteen years old. Ngunit diretso ito kung tumingin sa kanya. Hindi niya makita rito ang hiya o takot na nakikita niya sa mga estudyanteng nasa mga school na pinapasukan niya. Madungis ang babae at magulo ang buhok, ngunit wala siyang makita ritong pagkaasiwa. Hindi ito nagpapa-cute tulad ng madalas na ginagawa ng mga babaeng nakakaharap niya.

    Libre iyon. Natuwa kasi ako sa inyo.

    Nanatiling nakatitig sa kanya ang dalagita. Sinusuri siya nito nang husto. Pakiramdam niya ay tumatagos ang tingin nito, nilalagpasan ang lahat ng mga pader na ibinalot niya sa sarili para maitago ang kanyang tunay na pagkatao.

    Walang libre sa mundong ito! asik nito.

    Nabigla siya. Ngayon lamang siya pinagtaasan ng boses ng ibang tao. Tanging ang Papa niya ang gumagawa noon ‘pag sinesermunan siya. Ang iba, kahit na mga teacher niya ay takot sa kanya. Nangingilag.

    Sinabi ko nang ililibre ko kayo ng pagkain dahil natuwa ako sa inyo. Pero kung gusto mong dagdagan ang bayad ninyo sa akin, sabihin mo sa akin ang pangalan mo.

    Namaywang ito. At sa ‘di niya maipaliwanag na dahilan ay mas tumindi ang interes niya sa kutong-lupa na ito.

    Niloloko mo ba ako?

    Alangan namang pakainin ko kayo ng libre nang ‘di ko kayo nakikilala. Alam ko nang Uriel ang pangalan ng kasama mo dahil tinawag mo siya sa kanyang pangalan. As for my name, it’s Ares. A-R-E-S. Pangalan iyan ng god of war. At AIR plus eez ang bigkas diyan, hindi Ayress. So, anong pangalan mo?

    Saglit na nagdalawang-isip ang batang babae.

    Mia. Mia Velasco, anito. At ‘pag hindi mo tinotoo ang sinasabi mong pakakainin mo kami ng fast food, lulunurin kita sa pusali! banta nito.

    Natawa si Ares. Si Mia na ‘ata ang pinaka-interesting girl na nakilala niya. Simple lamang ang itsura nito. Ngunit hindi niya maitatangging nagtatago roon ang isang very fiery and independent person na nakakuha agad ng kanyang respeto at paghanga.

    CHAPTER 1

    Disiotso si Mac nang una niyang makilala si Ares Delguerra na noon ay beinte-tres anyos. Naka-amerikana at kurbata ang lalaki. Malinaw sa kilos at pagsasalita na mayaman ito kahit na hindi alam ni Mac na Rolex ang suot nitong relos at ilang milyon ang halaga ng pulang kotseng Ferrari na dinala nito sa talyer na kasalukuyan niyang pinagtatrabahuhan.

    Noong isang linggo ay umulan nang husto at bumaha sa buong Metro Manila. Maraming sasakyan ang lumubog sa baha at nasira. Punuan ang lahat ng talyer at casa. Siguro kung hindi dahil doon ay baka hindi nila naging kliyente si Ares. Sa estado kasi nito ay tiyak na mas pipiliin nitong ipagawa ang kotse nito sa casa ng mga kilalang car manufacturer. Malamang ay puno rin ang mga casa at gusto ng lalaki na maayos agad ang Ferrari nito.

    Kung magagawa mo ang kotse ko bago matapos ang linggong ito ay dodoblehin ko ang bayad, hamon ni Ares kay Mang Gordon, ang may-ari ng talyer.

    Kaya naming i-repair ang kotse mo, Mr. Delguerra, pangako ni Mang Gordon.

    Sa kabila ng mga salita ni Mang Gordon, diskumpiyado si Mac kung magagawa nito iyon. Ubusan ngayon sa tindahan ng car parts at computer na gamit sa mga modernong kotse. Kahit mga second hand car computer ay sobra-sobra na kung presyuhan ng mga dealer.

    Utusan lamang siya sa talyer. Part timer. Tagalinis. Tagabili ng car parts. Bago pa lamang siyang tinuturuan kung paano mag-repair ng kotse at ang tanging kaya niyang gawing mag-isa ay ang mag-ayos ng butas sa gulong ng kotse. Ang masasabi niyang tunay niyang trabaho ay ang pangangalakal. Kapag natapos ang trabaho niya sa talyer ay itinutulak na niya ang kanyang kariton at nangungulekta ng bote, plastic at papel sa mga bahay-bahay at kung saan-saan.

    Oi, Mac! tawag sa kanya ni Mang Ding na isa rin sa mga mekaniko ng talyer. Ihanap mo ng ibang lugar ‘yung kariton mo! Para sa mga customer natin ‘yung lugar na pinaglagyan mo.

    Sorry po. Tumalikod na siya at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang kariton. Itinulak niya iyon palayo sa talyer. Halos nalagay na iyon sa kalsada. Kapag may dumaang pulis ay tiyak na masisita iyon, sasabihing kalat at posibleng kumpiskahin pa. Todo ang dasal niya na sana ay hindi mangyari iyon.

    Pagbabalik niya sa talyer ay napansin niyang sinusuri na siya ng mga mata ni Mr. Delguerra. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. May nagawa ba siyang mali? Binalaan na siya ni Mang Gordon na huwag kakausapin ang mga parokyano nila kung wala rin lamang siyang masasabing maganda.

    Anong trabaho mo rito? usisa ni Mr. Delguerra.

    Napasulyap siya kay Mang Gordon. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

    Tagalinis. Errand boy, tipid niyang sagot.

    Nangangalakal ka rin?

    Tumango siya. Mabilis nang sumingit si Mang Gordon.

    Huwag kayong mag-alala, hindi siya ang gagawa sa kotse ninyo. ‘Yung magaling naming mekaniko ang hahawak doon. Tumutulong lamang siya rito. Part-timer.

    Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Mang Gordon.

    Nagbebenta ka rin ba ng bakal?

    Tumango siya. Saan patungo ang pagtatanong nito?

    Bahagyang tumawa si Mang Gordon.

    Pero hindi niya babakalin ang kotse ninyo! mabilis na sabi ni Mang Gordon.

    Nanatiling nakatingin sa kanya si Mr. Delguerra. Animo sinusukat ang pagkatao niya.

    Ano ang itinatago mo? seryoso nitong tanong sa kanya.

    Wala! mabilis na sagot ni Mang Gordon.

    Mang Gordon, tumahimik kayo, mariing utos ni Mr. Delguerra sa matandang lalaki. Natahimik agad ang boss niya. Ibinalik ni Mr. Delguerra ang mapanuring tingin sa kanya. Magaling akong kumilatis ng tao. Isa iyon sa dahilan, kaya’t lahat ng nagtatrabaho sa akin ay magagaling at mapapagkatiwalaan. I can always tell when a person is lying or hiding something from me. Nang utusan ka kanina na ilayo rito ang kariton mo, naramdaman ko nang inilalayo ka sa akin dahil may itinatago ka. Ako rin ang klase ng tao na hindi natatahimik hangga’t ‘di ko natutuklasan ang mga misteryo at sikretong nangyayari sa aking paligid. Now then, tell me, ano ang itinatago mo?

    Napalunok siya.

    Mabuting bata si Mac. Wala siyang criminal record, singit ni Mang Gordon.

    Binaliwala ni Mr. Delguerra ang matandang lalaki. Naglakad na ito palapit sa kanya. Ngayon niya naramdaman nang husto ang lakas ng personalidad nito. Ito ang klase ng taong hindi mo maaaring tanggihan. Dahil ‘pag ginawa mo iyon, mabigat ang magiging kapalit.

    Ano ang itinatago mo? ulit nito.

    Mula pa noong bata siya ay sinikap niyang maging normal. Mula nang magkaisip siya ay wala na siyang nakilalang mga magulang. Ayon sa kuwento ng Lola Ensiang niya ay namatay ang ama niya bago siya isinilang. Ang ina naman niyang nagtrabaho bilang katulong sa Middle East ay nagkasakit at namatay rin noong isang taon pa lamang siya. Tanging ang Lola Ensiang niya ang nakilala niya at siyang nagpalaki sa kanya. Tatlong taon na ang nakararaan mula nang mamatay ang lola niya. Ngunit hindi niya nakakalimutan ang madalas nitong sabihin sa kanya.

    Mac, kung makakasakit lamang sa ibang tao ang sasabihin mo, manahimik ka na lamang para hindi ka mapahamak o masuong sa gulo.

    Sa sitwasyon ngayon, mukhang hindi niya magagamit ang turo ng Lola Ensiang.

    M-May kakaiba akong kondisyon sa isip. Nagsimulang gumaan ang pakiramdam niya.

    Mapurol ang utak mo? Kleptomaniac ka? May psychopathic tendencies ka? panghuhula ni Mr. Delguerra.

    Nagsisimula nang mamutla ang mukha ni Mang Gordon. Hindi niya alam kung magkakaroon pa siya ng trabaho oras na matuklasan ni Mr. Delguerra ang kondisyon niya.

    No, Sir.

    Ano ang problema mo sa isip?

    Huminga siya nang malalim.

    Hindi ko kayang magsinungaling, Sir. Nakakahinga na siya nang maluwag.

    Tumaas ang isang kilay nito. Sinulyapan nito si Mang Gordon.

    Kaya ba takot na takot ang boss mo na kausapin kita ay dahil alam niyang sasabihin mo sa akin ang mga totoong nangyayari rito sa talyer?

    Yes, Sir. Kalmado na siya ngayon. Mula nang magkaisip siya ay hindi na niya kayang magsinungaling. Dahil ‘pag magsisinungaling siya, sumasama ang pakiramdam niya, halos ‘di siya makahinga at naninikip ang dibdib niya. Minsan pa nga ay nasusuka siya. Magiging maayos lamang ang pakiramdam niya kapag totoo na ang sasabihin niya.

    Natawa si Mr. Delguerra.

    This is the first time na nakarinig ako ng ganyang klase ng kondisyon. Most of the time, hirap na hirap magsabi ng totoo ang mga tao. Some of them are even pathological liars. But you claim na hindi mo kayang magsinungaling?

    Nakapagtapos si Mac ng high school kaya nakaiintindi siya ng Ingles. Tumango siya.

    Okay then, let’s have a game. Nakangiti nitong pahayag.

    Nabigla sila ni Mang Gordon nang maglabas ito ng baril sa loob ng business suit nito. Sinimulan nitong alisin ang mga bala ng baril.

    This game is called Russian Roulette, paliwanag nito. "Isang bala lamang ang iiwanan ko. As you can see, my gun is a revolver. Paiikutin ko ang cartridge bago ko kalabitin ang gatilyo. There’s a five in one chance na hindi puputok ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1