Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Puso sa Dilim: Pusong Titanium, #4
Puso sa Dilim: Pusong Titanium, #4
Puso sa Dilim: Pusong Titanium, #4
Ebook168 pages1 hour

Puso sa Dilim: Pusong Titanium, #4

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Noong teenager pa si Gazelle ay muntik na siyang mamatay sa kamay ng isang masamang tao.

 

Dahil dito naging matapang siya at lumalaban. Wala na siyang balak pang maging mahina. Hindi siya papayag na muling malagay sa panganib.

 

Ngunit nang matuklasan niya ang  lihim ni Zed ay muli siyang binalot ng takot. Sa pagkakataong ito, hindi lamang panganib ang naka-ambang sa buhay niya dahil sa binata, maging ang puso niya ay mapapahamak sa lalaki!

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateApr 9, 2024
ISBN9798224831326
Puso sa Dilim: Pusong Titanium, #4

Read more from Arielle Alia

Related to Puso sa Dilim

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Puso sa Dilim

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Puso sa Dilim - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This novel would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To the girls and guys of Eternal Equinox, who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    And last, but not the least, to my mother, Josefina Lindo Alia, who had given me support and love all through the years.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    Ang kuwentong ito ni Zedrick ‘Zed’ Ramirez McCallister ay naganap four years after ng disbandment ng Titanium.

    PROLOGUE

    Eleven years ago

    Tumiim ang mga bagang ni Uriel. Nakakuyom na ang mga kamao nito. Animo isa itong bulkan na sasabog. Ngunit batid ni Ares na kailangan niyang galitin pa nang husto ang lalaki. Dahil kung matatabunan ng emosyon ang isip nito, magtatagumpay ang plano niya. Mapalalaya niya si Mia kay Uriel!

    Inilabas ni Ares ang kanyang cell phone.

    I always thought na isa kang perfect gentleman, Uriel, kaya iginalang mo si Mia. But now I know na kaya hindi mo siya magawang angkinin ay dahil wala kang kakayahang paligayahin siya bilang lalaki, pang-iinis niya rito. Unlike myself. Wala akong problema at nagawa kong ipadama sa kanya ang pagiging isang babae.

    You what!? sigaw nito. Lumitaw na ang litid nito sa leeg.

    Itinaas niya ang kanyang cell phone. Ipinakita niya rito ang video ng naganap sa kanila ni Mia matapos niyang kidnapin ang babae.

    Makikita sa video si Mia na nakahiga sa kama. Walang malay ang dalaga habang nakatali ang dalawang kamay nito sa mga bedpost. Naroroon din si Ares at sinisimulan nang hubaran si Mia.

    She is now mine, Uriel. Hindi mo na siya mababawi pa sa akin! pagmamalaki ni Ares.

    Hindi na hinintay pang matapos ni Uriel ang video. Sinugod na nito si Ares!

    You bastard! malakas nitong sigaw.

    Humanda si Ares sa pagsugod ni Uriel. Kasalukuyan silang nasa terrace ng condo niya. Nasa third floor ang condo niya at kung mahuhulog doon si Uriel ay malabong mabuhay pa ito.

    Pero nabigla siya nang maglabas ng baril ang lalaki! Hindi niya inakalang ang isang medical student na kaya lamang nakakapag-aral ay dahil sa scholarship ng itinayo niyang foundation ay makabibili ng baril! He underestimated him!

    Sunod-sunod ang naging pagpapaputok ni Uriel. Dumapa siya sa terrace. Ngunit naramdaman niya ang hapdi sa kanyang tagiliran! Tinamaan siya! But he’s still alive. Time to change plans.

    Kapag pinatay mo ako, hindi mo na makikita pa si Mia! babala niya rito.

    Lumapit ito sa kanya. Pinagtatadyakan nito ang tagiliran niyang tinamaan ng bala. Napasigaw siya sa sobrang sakit.

    Itinutok nito sa ulo niya ang hawak nitong baril.

    Buhay ka pa rin, Ares, dahil sinadya kong ‘di ka puruhan! At bago matapos ang gabing ito, sasabihin mo sa akin kung nasaan si Mia! I also promise you na mas matindi pang sakit at paghihirap ang ipadarama ko sa iyo kung patuloy mong itatago sa akin si Mia!

    Sinunggaban niya ang kamay nito na may hawak sa baril! He needed to kill Uriel now! Hindi siya mapaparusahan o makukulong. Malinaw na self-defense ang gagawin niyang pagpatay rito ngayon!

    Ibinaliko niya ang kamay nito para matutok sa ulo ng lalaki ang dulo ng baril. Bago pa nakakilos si Uriel ay kinalabit niya ang gatilyo! Dumiretso sa ulo ng lalaki ang bala! Napahagis ang katawan ni Uriel sa barandilya ng terrace. Dahil wala na itong kakayahan pang pigilan ang sariling katawan, tuloy-tuloy itong nahulog.

    Naulinigan ni Ares ang pagtama ng katawan ni Uriel sa sementadong kalsada. Huminga siya nang malalim. Hawak pa rin niya ang baril. Tiniis niya ang sakit na nararamdaman at pinilit na bumangon. Tinanaw niya si Uriel. Umaagos na ang dugo sa katawan nito. Ang ilang sasakyan sa kalsada ay napatigil. Ilang mga tao sa sidewalk ang naglalapitan na sa hindi kumikilos na si Uriel.

    Hinanap niya ang kanyang cell phone na nabitiwan niya nang tamaan siya ng bala kanina. Nang makita niya ang cell phone ay diretso siyang tumawag sa mga pulis.

    Help me! I have been shot! And I think, napatay ko rin ang taong nagtangka akong patayin, malakas niyang sabi sa nasa kabilang linya.

    CHAPTER 1

    Present Day

    Sa loob ng apat na taon ay nagtrabaho si Zedrick ‘Zed’ Ramirez McCallister sa Operations and Strategy Division (OSD) ng Global Food Corp. Nagsimula siya sa pinakamababang posisyon bilang assistant ngunit ngayon at age twenty-nine years old ay siya na ang head ng division. Masasabing siya rin ang pinakabatang naging division head sa GFC.

    Importante ang trabaho ng OSD dahil ito ang nagpaplano ng future products ng kumpanya at nagma-manage sa quality ng bawat produkto. At bilang head ng OSD, halos wala nang time si Zed sa social life. Sa mga naging miyembro ng Titanium, tanging siya ang wala pa ring asawa ngayon. Kahit girlfriend ay wala siya dahil sa sobrang busy niya.

    Madalas din ay tsina-challenge ng CEO at President ng GFC na si Ares Delguerra ang kanyang kakayahan. At hindi siya ang klase ng tao na inuurungan ang anumang challenge nito. Sa umagang ito ay isang bagong challenge ang ibinigay sa kanya ng lalaki.

    Linggo ngayon at inakala ni Zed na makakapagpahinga siya at makakapag-relax. Balak din niyang manood ng sine para makapag-unwind. Ngunit alas-sais pa lamang ng umaga ay ayaw nang tumigil ang malalakas na katok sa pinto ng kanyang apartment.

    Binuksan niya ang pintuan. Nagtaka siya nang makita si Ares na nakatayo roon. Karga nito ang tatlong taong gulang nitong anak na si Tyr.

    Ninong! masayang bati ni Tyr. Inangat nito ang mga braso at nagpapakarga sa kanya.

    Kinuha niya ang bata.

    Anong ginagawa ninyo rito ni Tyr? mapaghinala niyang usisa kay Ares.

    Magkakaroon kami ng second honeymoon ng mommy ni Tyr kaya’t iiwanan ko siya sa iyo.

    What!? bulalas niya. Noon niya napansin ang maraming mga bag sa may paanan ni Ares. Sinimulan nitong ipasok ang mga iyon sa kanyang apartment.

    Nandito ang lahat ng gamit at toys ni Tyr. Kasama na rin dito ang kanyang vitamins at gatas. Mahilig pa ring uminom ng gatas ang batang iyan.

    Ares! reklamo niya. Hindi ba’t may nanny si Tyr?

    Kinailangang umuwi ni Sonja sa probinsiya nila dahil namatay ang father niya.

    You can still hire yourself a new nanny!

    It would take time para maimbestigahan at pagtiwalaan ko ang magiging nanny ni Tyr. You on the other hand is already here and I trust you.

    At isinabay mo pa ang pagha-honeymoon sa pag-alis ng nanny ni Tyr?

    Of course not! Isang taon ko nang pinaplano ang second honeymoon namin. Ang sumabay ay ‘yung nangyari sa father ng nanny ni Tyr. Since my wife also trusts you, ikaw ang naisip naming pansamantalang mag-alaga kay Tyr. Magandang learning experience ito para kapag nagkaasawa at anak ka na ay alam mo na kung paano maging daddy, natatawa nitong sabi.

    Paano ako magkakaasawa at anak ay masyado akong busy sa pagtatrabaho sa kumpanya mo! paalaala niya rito.

    Gustong mong tulungan kitang makakilala ng babaeng magiging misis mo? usisa nito.

    No, thank you! Baka ipasa mo pa sa akin ang mga ex-girlfriend mo at babaeng hanggang ngayon ay humahabol pa rin sa iyo.

    Malakas ang naging tawa ni Ares. Tinapos na rin nito ang pagpasok ng mga bagahe. Kinuha nito sa kanya si Tyr. Niyakap at hinalikan.

    Be a good boy, Tyr. Huwag mong pasasakitin ang ulo ng Ninong Zed mo.

    Yes, Daddy! masayang sagot ni Tyr.

    Iniabot muli ni Ares ang anak kay Zed.

    Gaano katagal ang second honeymoon ninyo?

    Two weeks.

    Two weeks?! bulalas niya.

    Don’t worry, in three days ay babalik na ang nanny ni Tyr. Susunduin din sila nina Mac at Dessa so you need to take care of Tyr for only three days.

    May trabaho ako for the next three days! Marami akong importanteng meetings at kailangang asikasuhin! reklamo ni Zed.

    Pwede mong dalhin si Tyr sa office. Don’t worry, hindi magagalit ang boss mo kapag may dala kang baby, biro nito. Paano namang magagalit ang boss niya ay si Ares din iyon! Besides, merong day care center para sa mga may anak ang GFC. Just be sure na pupuntahan mo siya once in a while sa day care center para ‘di ka hanapin, bilin nito.

    Bago pa makapagreklamo si Zed ay sumibad na ng alis ang lalaki. Mula sa labas ng pintuan ay natanawan niya ang misis nito na nakatayo sa tabi ng kotse. Kumaway at ngumiti ito sa kanya. Kinawayan at nginitian na rin niya ang babae.

    Nang makaalis na ang mga magulang ni Tyr ay pinagmasdan niya ang batang lalaki.

    So, ano ang gagawin natin ngayon?

    Mall! Punta tayo mall! mungkahi ng bata.

    Napabuntunghininga siya. Three years old pa lamang si Tyr Delguerra pero matatas na itong magsalita. Matalino rin. At kamukhang-kamukha talaga ito ng tatay nito. Tyr looked like a small Ares Delguerra! Mukhang maraming babae rin itong paiibigin at paiiyakin oras na magbinata.

    Alam mo bang ang Tyr ay pangalan din ng god of war? Ares is the god of war of the Greeks. Pero ang Tyr ay pangalan ng god of war sa German Mythology.

    Mit...Mitology? usisa ng bata. Ano ‘yun, Ninong?

    Natawa siya. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ares kapag tinuruan niya ng kung ano-anong mga bagay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1