Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Victoria: Mga Tagapagmana ng Aragon, #4
Victoria: Mga Tagapagmana ng Aragon, #4
Victoria: Mga Tagapagmana ng Aragon, #4
Ebook136 pages1 hour

Victoria: Mga Tagapagmana ng Aragon, #4

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Napagkaisahan ng tatlong champions ng Aragon na sina Myst, Iria at Darcy na resolbahin muna ang problemang dala ni Isadora Fuentes bago nila ipagpatuloy ang Aragon Tournament.

 

Magkakatulong na isasakatuparan ng tatlong champions ang plano nila para pigilan ang lethal female assassin. Wala silang kamalay-malay na nasa likod ni Isadora ang makapangyarihang Chaos Inc.

 

Dahil dito kinailangang ilagay ni Myst sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay at pag-ibig.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateMay 7, 2023
ISBN9798223886587
Victoria: Mga Tagapagmana ng Aragon, #4

Read more from Arielle Alia

Related authors

Related to Victoria

Titles in the series (1)

View More

Related ebooks

Reviews for Victoria

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Victoria - Arielle Alia

    This e-book is licensed for your personal enjoyment only. This e-book may not be re-sold or given away to other people. If you would like to share this book with another person, please purchase an additional copy for each recipient.

    This e-book is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons living or dead or actual events is entirely coincidental.

    Find out more about the author and her upcoming books online at https://www.facebook.com/pages/Arielle/261797261752

    and

    http://arielle-ebooks.weebly.com

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my mother, Josefina Lindo-Alia, and the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    AUTHOR’S NOTE

    Ang Victoria na tinutukoy sa title ng novel na ito ay hindi isang tao kung hindi ang Victoria Ceremony na ginaganap para ipakilala ang nagwagi sa Aragon Tournament.

    Magpapatuloy sa nobelang ito ang pakikipagsapalaran ng tatlong champions na sina Myst, Darcy at Iria sa buhay at pag-ibig.

    Arielle Alia

    PROLOGUE

    Three months before the Tournament

    Halos magkasabay na dumating sa beach house ang patriarch ng Infantra Family na si Theo at ang patriarch ng Artilla Family na si Jaden. Pareho silang nakatanggap ng text mula sa patriarch ng Pamilya Caballero at unofficial ruler ng Aragon Province na si Craig.

    Sinalubong sila sa pintuan ni Cynthia Caballero, ang ina ni Craig. Isang ER doctor ang babae bago ito nag-specialize sa pagiging surgeon.

    Is he alright? mabilis na usisa ni Theo.

    Tumango si Cynthia.

    Dapat lamang. Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Jaden. Kung may masamang nangyari sa kanya, ako mismo ang sasapak sa kanya. Ako lamang ang maaaring bumugbog sa kanya, pabirong sabi nito.

    Hinihintay niya kayo sa kanyang kuwarto. I gave him some sedatives, so mga ilang minuto lamang ninyo siyang makakausap bago umipekto ang gamot.

    Hindi ba dapat ay nagpapagaling siya sa ospital? usisa ni Theo.

    Iyon din ang sinabi ko sa kanya after patching him up. Kumunot ang noo ni Cynthia. Pero ayaw niyang pagkaguluhan siya ng media. Tiyak daw na magiging front page news sa local newspapers natin at sa social media ang pagkaka-ospital niya. Ayaw niyang lumabas ang kung ano-anong speculations.

    Andito rin ba si Alastair? usisa ni Jaden.

    Gusto sanang bantayan ni Alastair ang anak namin, but Craig made him take over his duties temporarily habang nagpapagaling siya.

    Napatango-tango ang dalawang patriarchs. Dating patriarch ng Caballero si Alastair bago ito nagretiro, kaya’t alam nito ang mga dapat gawin sa ganitong mga sitwasyon. Hindi rin magtataka ang mga tao kung sakali mang si Alastair ang sumipot sa mga meeting ni Craig dahil sa prestige at credentials nito bilang dating Datu ng Aragon at ama ng binata.

    Ilang minuto pa at nakaharap na nila si Craig. Nakaupo ito sa kama nito. Nababalutan ng bandage ang upper torso nito. Base sa nabalitaan nina Theo at Jaden, nasaksak ang binata.

    Accident ba ang nangyari? usisa ni Jaden.

    I don’t think so, ani Theo. Dahil kung aksidente lamang ito, hindi ito ililihim ni Craig.

    Sabay na tumutok ang mga mata ng dalawang patriarchs sa kanilang unofficial ruler.

    Mabilis na nagpaliwanag si Craig.

    It’s an assassination attempt.

    Nahuli na ba ang assassin? If not, I’ll take care of this and hunt him down, seryosong pahayag ni Jaden.

    She. Her name is Isadora Fuentes at dati ko siyang girlfriend.

    Natawa si Theo.

    So, tinangka kang paghigantihan ng babaeng sinaktan mo ang puso?

    It’s more than that. Huminga nang malalim si Craig. Bago itong pagtatangka ni Isadora sa buhay ko, I confronted Gov. Salvador sa nangyaring pagkamatay ni Gov. Ysidro. I knew he was involved, pero wala akong pruweba. After our confrontation, my former ex-girlfriend tried to assassinate me.

    Mukhang hindi ordinaryong revenge plot lamang ito, komento ni Theo.

    Ano bang klase ng mga babae ang nagiging girlfriend mo, Craig? kunwa’y pagalit ni Jaden. Hindi lamang sila nao-obsess sa iyo, pinagtatangkaan ka pang patayin.

    Umiling si Craig.

    Hindi isang ordinaryong babae lamang si Isadora. And this wasn’t the first time she did something like this. Nakatakip ang mukha niya at padded ang itim na damit na suot niya nang pagtangkaan niya akong patayin. Nang maglaban kami, agad kong natiyak na bihasa siya sa pakikipaglaban, at isa siyang professional assassin. Kung hindi ko naaalis ang maskara niya, hindi ko iisiping siya ang ex-girlfriend ko.

    There is a connection between Gov. Salvador and this Isadora, seryosong komento ni Theo.

    Tumango si Craig.

    Wala sa pagkatao ni Gov. Salvador ang ganitong klase ng pagpaplano at aksyon. There are powerful people behind him na nagbayad kay Isadora. And I intend to find out who they are.

    These people, ani Jaden, interesado sila sa Aragon Province.

    Posibleng mga national politician sila na gustong makontrol ang probinsiya natin, ani Theo. Aragon Province and its people have always been independent pagdating sa pagboto. Maging ang ating mga congressmen ay hindi rin kayang basta na lamang pasunurin sa gusto ng marami. Hindi iilang beses na natalo ang isang bill dahil sa pagtutol ng ating mga congressmen. Someone or a group of powerful people want to control us. Nagsimula na ang first step ng plano nila dahil sa pagkapanalo ng kandidatong gusto nila na si Gov. Salvador.

    Mayroon ka na bang plano para mapigilan ang mga taong ito, Craig? usisa ni Jaden.

    Para mapigilan natin sila, kailangan muna natin silang makilala. Malaman ang kanilang kahinaan at lakas.

    How would you do that? Kung ipaaalam mo sa lahat ang intensyon mo, tiyak na matutunugan nila iyon. Makapagtatago sila. Lilinisin nila ang kanilang mga bakas, sabi ni Theo.

    Gagamitin ko ang parating na Aragon Tournament para makilala natin ang ating mga kaaway.

    How? magkasabay na usisa nina Jaden at Theo.

    Gagawin kong part ng quest si Isadora Fuentes. The champions going after Isadora would become the distraction I need para makilala ko ang mga taong nasa likuran ni Gov. Salvador.

    CHAPTER 1

    Present Day

    "No! Hindi ako papayag na gawin mong page si Track!" mariing tutol ni Myst.

    Natawa si Iria. Naintriga si Darcy sa nangyayari. Nang sulyapan niya ang page niyang si Sir Theo at ang page ni Myst na si Chief ay napansin niyang tahimik na nag-o-obserba lamang ang mga ito. Walang balak na makialam.

    My dear, Myst. Hindi mo ito desisyon, desisyon ito ni Track. Kahit na girlfriend o asawa ka pa niya, wala ka pa ring karapatan na magdesisyon para sa kanya.

    Natigilan si Myst. Nanatili namang pinag-aaralan ni Darcy ang sitwasyon at sinusuri ang kaibigan ni Myst. Malinaw na may binabalak si Iria kaya gusto nitong gawing page si Track. At para makapagsagawa ang lalaki ng isang successful rescue kay Myst kahit na ang bantay nito ay si Landon Marshall, malinaw na maabilidad ang una. Importante rin sa buhay nito si Myst kaya nito iniligtas at tinulungan sa predicament ang babae.

    Boyfriend ka ba ni Myst? singit ni Darcy

    Natahimik si Myst. Napansin din niya ang biglang pamumula ng mukha nito. Bumaling ang mga mata ni Track kay Darcy. Best description na masasabi ni Darcy tungkol sa lalaki ay ruggedly handsome. Hindi ito ‘yung tipong pang heartthrob material. Pero bagay itong maging bida sa mga action film. Track had a quiet confidence in him at matikas din ito. Ang mga matang tumutok sa kanya ay bahagyang nakangiti.

    We are friends, sagot ni Track. May professional relationship din kami since ako ang nag-recruit sa kanya para maging test driver ng mga prototype ng mga kotseng ginagawa ng kumpanya namin. Masasabi ring naging personal engineer and designer niya ako since every time na may bago siyang kotse ay ako ang naglalagay ng modifications doon.

    Sa pagkakaalam ni Darcy, matatalino ang mga nagiging engineer. Kung designer pa ito ng kotse, malinaw na very skilled din ito.

    Ugali mo bang basta na lamang sumuong sa panganib para iligtas ang isang kaibigan? Hindi basta-basta ang ginawa mo para mailigtas at maibalik dito si Myst, singit ni Iria.

    Bakit parang naging interrogation na ‘ata ang nangyayari? natatawang komento ni Track.

    Binuksan ni Myst ang pintuan ng hotel room.

    "You can leave anytime you

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1