Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sweet Frenzy: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #4
Sweet Frenzy: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #4
Sweet Frenzy: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #4
Ebook169 pages2 hours

Sweet Frenzy: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #4

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Mapagpaniwala si Aisles sa mga panaginip, hula, anting-anting, talisman at kung ano-ano pang mga bagay na hindi maipapaliwanag ng science.

 

Ang tanging pinahahalagahan naman ni Vid ay logic, science and common sense.

 

Sa kabila nito pareho nilang mahal na mahal ang bawat isa.

 

Ang tanging hadlang sa maayos nilang pag-iibigan ay ang paulit-ulit na panaginip ni Aisles na nagsasabi na kung magkakaroon sila ng relasyon ni Vid ay mamamatay ang binata.

LanguageTagalog
PublisherArielle Alia
Release dateSep 26, 2022
ISBN9798215191415
Sweet Frenzy: Blackthorn Academy: Sentinels Tagalog Edition, #4

Read more from Arielle Alia

Related to Sweet Frenzy

Titles in the series (4)

View More

Related ebooks

Reviews for Sweet Frenzy

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sweet Frenzy - Arielle Alia

    ACKNOWLEDGEMENTS

    This e-book would not be possible without the help and support of a lot of people.

    To my family, specially my mother Mrs. Josefina L. Alia who temporarily served as my editor.

    To my friends, Macy Joy Ann P. Bilangdal, Magdalena Mangulabnan, Raquel Robles, Clarrise G. Rosal, and Emlyn Serdiña who helped me proofread this novel.

    And to the girls and guys of Eternal Equinox who continue to give me support as an independent publisher/writer.

    To all of these people, I give my utmost thanks and gratitude.

    Arielle Alia

    AUTHOR'S NOTE

    Isang bagong batch ng estudyante ang makikilala ninyo sa fourth book ng Blackthorn Academy-Sentinels dahil nag-graduate na ang mga estudyanteng nakapagtapos ng two-year training course. Naririto pa rin ang mga dating estudyante na nakilala ninyo sa first three books ng series.

    Naka-focus naman sa kuwento sa Sentinel na si Sir Vid.

    Arielle Alia

    PROLOGUE

    "R emember, Aisles, who I am and what I am. Huwag mo ring kakalimutan na labis kitang mahal. You will be the last woman I will ever love. Even as I die today, that love will remain," sumpa ng binata.

    Labingtatlong taong gulang pa lamang si Aisles, ngunit naiintindihan niya ang sinasabi ng lalaki. Damang-dama niya ang pag-ibig nito para sa kanya. Hindi niya ito kilala. Maging pangalan nito ay hindi niya alam. Pero batid niya na siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito.

    Tinangka ni Aisles na lapitan ang lalaki. Ngunit sunod-sunod na putok ng baril ang gumulat sa kanya! Tatlong bala ang tumama sa dibdib ng lalaking nagmamahal sa kanya! Pumikit ang mga mata nito at unti-unti itong nahulog sa malalim na bangin!

    Nagsisigaw siya!

    Tuloy-tuloy na bumulusok sa ilalim ng bangin ang lalaki...

    Nagmulat ng mata si Aisles. Nasa loob siya ng kanyang kuwarto. Maliwanag na rin ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Sa kusina ng bahay nila ay naulinigan niya ang boses ni Inay Greta. Mula nang magkaisip siya, nasanay na siyang makagisnan ang animo pagputak nito tuwing umaga. Lagi itong may nakikitang dahilan para salubungin ang umaga ng sermon. Ilang beses din siyang naging sentro ng sermon nito sa umaga dahil noong unang beses na nag-aral siya ay hirap na hirap siyang gumising nang maaga.

    Sa pakikinig niya ngayon, mukhang ang Tatay Bruce naman ang nakakatikim ng litanya. May kinalaman ang topic ngayong umaga sa pagkakaputol ng linya ng telepono nila. Nakalimutan ni Itay Bruce na bayaran iyon.

    Huminga siya nang malalim. Nag-inat-inat. Nagugutom na siya. Pero ayaw niyang lumabas ng kuwarto dahil baka madamay rin siya sa sermon. Simula na ang Christmas break, kaya’t pwede siyang maglagi sa kuwarto niya hanggang alas-otso.

    Nagbalik sa isipan niya ang kanyang panaginip. Napaka-weird noon. Oo nga’t nahihilig na siyang magbasa ng romance books, pero bakit napaka-tragic naman ng ending ng kanyang dream romance?

    Attractive at matangkad 'yung lalaki. Nasa late twenties din ang edad nito. At kung ito ang magiging boyfriend niya, marami tiyak ang maiinggit sa kanya.

    Pero panaginip ba iyon? O isang vision? Nakita ba niya ang isang eksena sa kanyang future kung saan ang lalaking magmamahal nang husto sa kanya ay mamamatay? Kaya ba ito namatay ay dahil minahal siya?

    Kinilabutan siya. Ayaw niya ng ganoong klase ng ending! Kahit sa mga pelikula nga ay hindi niya gusto kapag namamatay 'yung bidang lalaki o babae. Sa kabila ng pagsasabi ng lahat na maganda ang pelikulang Titanic ay hindi niya pinanood iyon. Alam kasi niyang mamamatay lamang at malilibing sa ilalim ng dagat ang bidang lalaki!

    God, please, huwag ninyong gawing tragic ang love story ko! Kung mamamatay o papatayin lamang ang leading man ko, huwag na ninyo akong bigyan ng love story! paanas niyang dasal.

    Aisles! Gising na! malakas na tawag ng Inay Greta niya sa labas ng pintuan ng kanyang kuwarto.

    Bakasyon ngayon, Inay! paalaala niya rito.

    Hindi ka puwedeng magbabad diyan sa kama dahil kailangan nating maglinis at mag-ayos ng bahay ngayon! Bukas darating ang Kuya Xander mo at ang kanyang mga kaibigan! Kahiya-hiya kung makikita nilang marumi at puro agiw ang ating bahay!

    Napabuntunghininga siya. Bakit ba nawala sa isip niya na bakasyon din sa Philippine National Police Academy ang kapatid? Nang pumasok ito sa police academy ay tuwang-tuwa siya. Wala na kasing laging mang-aasar sa kanya since required ito na tumira mismo sa school kasama ang ibang cadets. Hindi na niya maririnig pa ang salitang ‘Manang’ na laging ikinakabit ng kapatid sa pangalan niya. Ngunit hindi niya akalaing mayroong mga bakasyon din sa school na iyon!

    Two weeks ago ay tumawag pa ang kapatid at sinabing dito rin sa bahay nila magpa-Pasko ang mga kaibigan nito sa academy. Napangiwi siya. Para makasundo ng kapatid ang mga bagong kaibigan nito, natitiyak niyang kasing-ugali rin nito ang mga iyon. Baka imbes na isa lamang ang mang-asar sa kanya ngayong Pasko, madagdagan pa! Nineteen na ang kapatid pero hindi pa rin nagma-mature ang pag-iisip!

    Bumangon siya. Binuksan ang pintuan.

    Mag-almusal ka na at marami tayong kailangang gawin, utos ng inay niya. Ayon sa kuya mo ay lima ang kasama niya. Dalawang babae at tatlong lalaki. Kaya bukas ng gabi ay may makaka-share ka sa kuwarto mo.

    Lalo siyang na-depress. Mukhang kakailanganin pa niyang pakisamahan ang mga barkada ng kapatid.

    Maghapon silang naglinis ng bahay at nagbuhat ng mattresses bilang paghahanda sa pagdating ng kapatid at ng mga barkada nito.

    Pagdating ng gabi ay plastado agad siya sa kanyang kama dahil sa pagod. Ngunit ang panaginip niya tungkol sa lalaki ay muling naulit. Higit na mas malinaw at animo totoong-totoo ang panaginip niyang iyon kaya’t nagising siyang nag-iiyak. Ayaw man niyang paniwalaan, animo isa iyong sulyap sa kanyang kinabukasan.

    No! Hindi ako papayag na patayin ang lalaking mamahalin ko! Kung ang nakikita niya ay ang future, ibig sabihin ay maaari pang mabago iyon. Posibleng mailigtas niya ang lalaki!

    Gumaan ang pakiramdam niya. Bumaba siya ng kama. Noon niya napansin na hindi niya naririnig ang regular na pagputak ng kanyang inay. Nagtungo siya sa kusina. Naroroon ang inay niya. Ngunit behaved ito ngayon. Marami ring teenagers na nakaupo sa kanilang hapag-kainan.

    Gising na pala ang aming prinsesa! malakas na sabi ng boses ng Kuya Xander niya.

    Napabaling siya sa kapatid na nakatayo sa may kitchen counter at humihigop ng kape sa mug na hawak nito.

    Akala ko tanghali pa ang dating ninyo? reklamo niya.

    Talagang tanghali kung nag-bus kami. Pero inihatid kami rito ng driver nina Flor gamit ang van nila kaya umabot kami sa almusal. Panay ang tawag ko rito kahapon pero walang sumasagot sa phone. 'Yun pala naputulan kayo. Nasobrahan ka ba sa pagte-telebabad kaya naging ubod laki ang phone bill natin? panunukso nito.

    Gusto niyang ingusan ang kapatid ngunit may mga bisita sila. At lahat ay nakatingin sa kanya. Tulad ng inay niya ay nag-behave siya at hindi inilabas ang kanyang katarayan.

    Eto nga pala ang mga barkada ko. Isa-isang itinuro nito ang mga kasama. Si Flor, si Mia at ang tatlong itlog na ito ay sina Joe, Luke at Vid.

    Nagkatawanan ang lahat sa pagtawag ni Xander ng tatlong itlog sa mga kaibigan na halos semi-kalbo ang gupit. Kasi ganoon din ang gupit ng kapatid. Iyon ang required haircut sa academy.

    Bakit mo ini-etsapuwera ang sarili mo? banat ni Vid.

    Nasundan iyon ng malalakas pang tawanan. Ngunit hindi makasali si Aisles sa biruan. Titig na titig kasi ang mga mata niya kay Vid. Parang pamilyar sa kanya ang lalaki.

    Napatanga siya nang ma-realize niya kung bakit pamilyar ang mukha nito. Si Vid ang teenage version ng lalaking napapanaginipan niya! Ibig sabihin, totoo ang kanyang panaginip! In the future, mamahalin siya ni Vid at papatayin din ito!

    CHAPTER 1

    Present Day

    Sa loob ng isang linggong pagtigil ni Aisles sa liblib na bayan ng Santa Fe ay nakabisado na niya ang pasikot-sikot sa gubat na nakapalibot sa munting bayan. Malaki ang pakinabang niya ngayon sa mga impormasyong naipon niya sa pagtigil sa Santa Fe.

    Maghiwa-hiwalay kayo! malakas na sigaw ng boses ni Señor Arnulfo. Imposibleng makatakas siya! May mga bantay ang lahat ng daan palabas ng bayan. Hindi niya kakayaning akyatin ang kabundukan kaya’t nasisigurado kong naririto pa rin siya. Nagtatago lamang.

    Binilisan pa ni Aisles ang pagtakbo. Sa kabila ng panganib sa paligid niya, sumisingit pa rin sa isipan niya ang sermon na makukuha niya sa kanyang Kuya Xander. Tiyak na hindi nito magugustuhan na imbes na nasa bahay siya at nag-e-enjoy ng Christmas vacation ay nandito siya ngayon sa Santa Fe. Pagsasabihan din siya nito na ang isang twenty-two-year-old, single woman ay hindi dapat gumagalang mag-isa sa isang liblib na gubat sa panahon ng kapaskuhan! But then, technically, tapos na ang Pasko. It's already December 30. At kung sakaling mamamatay siya ngayon, hindi na niya maririnig ang sermon ng kapatid. Ngunit mas gugustuhin niyang mapagalitan ng ilang ulit kaysa mamatay sa bayang ito!

    May ilang mga kuweba sa gubat na maaari niyang pagtaguan. Ngunit tiyak na ang unang paghahanapan ng mga taong-bayan ay ang mga kuwebang iyon. She needed to be always on the move. Iligaw ang mga humahabol sa kanya para makabalik siya sa bayan at makuha ang kanyang kotse o kahit na anumang sasakyan na available roon at makaalis sa bayang ito!

    Kung kailangang sagasaan niya ang mga tauhan ni Señor Arnulfo sa daan palabas ng bayan ay gagawin niya! Babanggain niya at sisirain ang anumang barbed wire o kahoy na ihaharang ng mga ito sa daan!

    Walang kuwenta 'yang mga aso mo, Estong! reklamo ng boses ni Mayor Lucas. Kung saan-saan silang direksyon nagpupunta!

    Tahimik siyang napangiti. Batid niyang gagamit ng aso ang mga taong bayan sa pagtugis sa kanya kaya’t pinagpilas-pilas niya ang isa niyang T-shirt at inihagis kung saan-saan. Nagpahid din siya ng dagta ng Talanas upang mabago ang kanyang amoy. Ang halamang Talanas ay isa sa mga native plants sa lugar na ito na itinuturing ng marami bilang damo. Ngunit may kakaibang amoy ang dagta nito na oras na kumapit sa anumang bagay ay mahirap alisin. Malakas ang amoy ng Talanas, medyo maasim at natatabunan ang normal na amoy ng isang tao. At ang dagta ng Talanas sa katawan ni Aisles ay gugulo sa pang-amoy ng mga asong humahabol sa kanya. Totally

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1