Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

My Perfect View Snowfire
My Perfect View Snowfire
My Perfect View Snowfire
Ebook130 pages1 hour

My Perfect View Snowfire

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nang mabigo sa pag-ibig, pinili ni Mae Legaspi na iwan pansamantala ang pagmomodelo para magpahilom ng sugatang puso ngunit nang muling sumabak sa pagmomodelo, pagpo-pose sa men’s magazine ang unang alok na tinanggap niya. Maganda naman siya, mapangahas, at maalindog kaya hindi kataka-takang nagka-interes sa kanya ang yummy, guwapo pero pakialamerong photographer na si Trey Arenas. Sa huling gabi ng kanilang photoshoot ay hindi inaasahang live kissing scene ang naganap sa pagitan nila at sa labis na kahihiyan ay hindi na niya tinangka pang makita ito.
Si TE_Captive_by_U, ang estrangherong lalakeng tumulong sa kanya nang malasing sa bar ay naka-chat at naging ka-MU, nagkaroon ng puwang sa kanyang puso kahit pa hindi niya nasilayan ang mukha nito sa labis na kalasingan. Nang magpasyang mag-eyeball saka naman niya nakita si Trey sa matikas nitong anyo kaya muling nanumbalik sa alaala niya ang pinagsaluhan nilang halik. Ano’ng gagawin niya eh ang lakas talaga ng dating nito sa kanya? Paano na ang ka-date niyang si TE_Captive_by_U...

LanguageTagalog
Release dateFeb 20, 2020
ISBN9780463518410
My Perfect View Snowfire
Author

Sham Villaflores

Self-published author. I began writing when I was in High School, a hobby that became a passion. PUBLISHED BOOKS STANDALONE ?Manipulated Love Affair ?Stealing You Softly SERIES PARADISE PROMISES LAND ADULTHOOD (PPL) ?Fugitive FANTASTIC COMMUNITY (FACO) ?My Perfect View, Snowfire AUDIO BOOK PARADISE PROMISES LAND TEENAGE DAYS ?The Encounter ?The Trials

Read more from Sham Villaflores

Related to My Perfect View Snowfire

Related ebooks

Reviews for My Perfect View Snowfire

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    My Perfect View Snowfire - Sham Villaflores

    My Perfect View

    SNOWFIRE

    BOOK 1

    By: Sham M. Villaflores

    (Author of Manipulate Love Affair & Stealing You Softly)

    Copyright © 2017, Sham M. Villaflores

    No part of this e-book may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronical and mechanical without the permission of the author.

    ALL RIGHTS RESERVED

    This e-book is a work of fiction, a product of author's imagination. Any similarities to existing persons (living or dead), organizations, places, icons or institutions are purely coincidential or were used in the pursuit of creative excellence.

    Editor

    Sham M. Villaflores

    Cover Design/Layout/Sketch

    Sham M. Villaflores

    ACKNOWLEDGEMENTS

    I wanted to give my utmost thanks to Almighty God. My talent in creative writing is a gift from Him so this book would not be possible without Him.

    I'm dedicating this FACO series to my online friends PNA aka Puyaterz_na_Adiktus especially to SNOWFIRE, Chris Mae Lei Legaspi. Thank your for letting me use your username/name and for suggesting the name Trey Ervin.

    To my family, friends, fellow writers, silent readers who keeps believing and supporting me,

    THANK YOU

    :)

    AUTHOR'S NOTE

    Ang My Perfect View, Snowfire ang pangalawang attempt solo novel na sinulat ko pero nauwi sa FACO series dahil ang mga tauhan dito ay kinuha ko mula sa mga naging kaibigan na nakilala ko sa isang socializing network dati. Madalas kaming mag-chat noong panahong tambay ako. Naging espesyal ang mga taong ito sa akin dahil sila ang nagbigay saya at sigla sa malungkot at matamlay na buhay ko noon kaya naisipan ko na gawing inspirasyon ang samahan namin. Take note, pangalan lang nila ang kinuha ko at lahat ng mababasa niyo rito ay puro kathang isip lang.

    Bale ito ang series na tungkol sa nabuong pagkakaibigan sa isang socializing network na tinawag kong FACO or FAntastic COmmunity. Kapag binasa ninyo ito, hindi masyadong nabigyan ng detalye ang FACO dahil sabi ko nga solo novel lang talaga ang balak ko noong sinusulat ko ito long time ago.

    Tipikal na istorya ng nabigo sa pag-ibig na nahirapang bumangon at nahirapang muling magtiwala. Ipapakita sa kuwento 'yong halaga ng may mga taong nandiyan sa panahong nagpapahilom ka ng sugatang puso. Tulad ng pagkakakilala ni Mae sa mga naging kaibigan niya sa FACO, through them, nagagawa niyang tumawa kahit deep inside durog pala ang puso niya.

    Kung isa naman kayo sa mga katulad ni Trey na may lihim na pinagpapantasyahan, puwede niyong gawing inspirasyon ang mga 'the moves' niya para makuha niyo ang loob ng taong minamahal ninyo. Siguraduhin lang na 'suwabe moves' para hindi matulad kay Trey na imbes makuha ang loob lalo pang na-bad shot kay Mae hahaha.

    Ipapakita sa kuwento na hindi naman mahirap buksan uli ang puso sa panibagong pag-ibig kung hahayaan mo lang na muling magtiwala lalo sa taong matiyagang ipinapakita ito. Ipapakita rin na kapag mahal mo ang isang tao, hindi dapat pinatatagal ang mga bagay-bagay. Kapag naramdaman mo na, sagutin mo na ng 'oo'. Kapag sure ka na siya ang gusto mong pakasalan alukin mo na agad lalo kung pareho na kayong stable sa buhay.

    May mga ilang isyu rin dito ang pinapakita tulad ng tama ba na mag-boyfriend na kung nag-aaral pa tulad ng pagbawal ni Mae sa kapatid niya na mag-boyfriend kasi nag-aaral pa ito. Pati ang tingin ng mga tao sa mga nagpopose sa men's magazine. Medyo harsh lang ang pagkukumpara ko nito sa mga bayarang babae sa dialogue ng isang kontrabida pero sa dulo bumawi naman hahahaha.

    ******

    Again, ihihingi ko na ng tawad ang mga technical errors na mababasa ninyo. Sinusubukan kong i-edit ang mga kuwento ko sa mga paraang alam ko. Hindi ako propesyunal at sa ngayon wala pa akong pang-hire ng totoong editor kaya ako na lang muna.

    ******

    Iyong settings pala ng pictorial ng magazine ni Mae. I'm not even sure kung may falls sa Palawan pero kung wala naman kunwari mayroon na lang. Noong time na sinusulat ko mga kuwento ko wala pa talaga akong kahilig-hilig sa pag-re-research. Although, puwede ko naman i-edit ito. Nanghihinayang naman ako sa eksena so kahit hindi ako sure kung may falls doon hinayaan ko na lang. Don't worry dahil sa new version ng kauna-unahan kong series na Paradise Promises Land, todo research na ako para mas makatotohanan ang dating at para ma-inform na rin ang mga readers. Kumbaga, hindi lang lesson ang makukuha nila, puwedeng trivia kung paano gawin ang mga bagay-bagay o simple facts sa isang lugar.

    TEASER

    Nang mabigo sa pag-ibig, pinili ni Mae Legaspi na iwan pansamantala ang pagmomodelo para magpahilom ng sugatang puso ngunit nang muling sumabak sa pagmomodelo, pagpo-pose sa men’s magazine ang unang alok na tinanggap niya. Maganda naman siya, mapangahas, at maalindog kaya hindi kataka-takang nagka-interes sa kanya ang yummy, guwapo pero pakialamerong photographer na si Trey Arenas. Sa huling gabi ng kanilang photoshoot ay hindi inaasahang live kissing scene ang naganap sa pagitan nila at sa labis na kahihiyan ay hindi na niya tinangka pang makita ito.

    Si TE_Captive_by_U, ang estrangherong lalakeng tumulong sa kanya nang malasing sa bar ay naka-chat at naging ka-MU, nagkaroon ng puwang sa kanyang puso kahit pa hindi niya nasilayan ang mukha nito sa labis na kalasingan. Nang magpasyang mag-eyeball saka naman niya nakita si Trey sa matikas nitong anyo kaya muling nanumbalik sa alaala niya ang pinagsaluhan nilang halik. Ano’ng gagawin niya eh ang lakas talaga ng dating nito sa kanya? Paano na ang ka-date niyang si TE_Captive_by_U

    CHAPTER 1

    Napabalikwas ng bangon si Mae. Bahagyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi tapos sinandal ang likod sa ulunan ng kama at namaluktot yakap ang sarili. Aninag sa mukha nito ang matinding kalungkutan. Napanaginipan na naman niya ang maliligayang sandali na gusto niyang ibaon sa limot pero patuloy siyang minumulto. Ramdam niya pa rin ang kirot sa dibdib. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng masasaganang luha sa kanyang pisngi.

    Napahagulhol siya.

    Hanggang kailan? Iyon ang naglalaro sa kanyang isipan. Hanggang kailan siya magdurusa sa kasawiang dinaranas. Nagmahal siya ng lubos pero nauwi lamang sa pagkabigo.

    Mag-iisang taon na siyang pilit bumabangon. Gusto mang kalimutan ang lahat pero sa tuwing nag-iisa’y naaalala niya ang lahat. Hindi niya malimot ang maliligayang sandali kapiling ang lalaking unang minahal at nagwasak sa kanyang puso.

    Mistula siyang buhay na patay. Nagpapadala sa agos ng buhay.Pilit na nagpapatuloy kahit alam ng puso’t isipang wala nang saysay mabuhay pa.

    Move on. Napakadaling sabihin para sa mga taong hindi nakaranas.

    Maghihilom din ang sugat, anang karamihan. Siguro

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1