Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Isang Sikretong Kasal
Isang Sikretong Kasal
Isang Sikretong Kasal
Ebook106 pages1 hour

Isang Sikretong Kasal

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nayanig ang tahimik at payapang buhay ni Dani nang muling magtagpo ang mga landas nila ni Jude -- isang dating pag-ibig na nagdulot ng sobrang sakit sa kanyang puso at isipan!

Paano pa ba maiiwasan ni Dani na maulit ang paghihirap niya sa mga kamay ni Jude na tila itinakda na ng tadhana? Paano ba natuturuan ang puso na huwag umibig sa taong sasaktan lang siya?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 1, 2018
ISBN9781370006489
Isang Sikretong Kasal
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Isang Sikretong Kasal

Related ebooks

Reviews for Isang Sikretong Kasal

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Isang Sikretong Kasal - Romantique

    CHAPTER ONE

    Ate Dani, puwede ba akong sumama bukas? usisa ng batang lalaki na malaking bulas kaya parang binatilyo na sa unang tingin.

    Hindi pa puwede, sweetie pie, tugon niya. Hinihintay  niya ang reaksiyon nito sa sinadya niyang pagsasabi ng ayaw nitong  palayaw. Naikuwento ng nanay nila kagabi na may nililigawan na raw sa eskuwelahan ang 'binata' nila.

         Si Ate naman, muktol nga agad nito. Huwag mo na akong  tatawaging sweetie pie, nagtutunog buko pie, e. 

         Lumapit siya rito at ginulo ng isang kamay ang buhok nito na diretso ang bagsak. Makintab at malusog ang buhok kaya minsan na itong  nakuhang  madelo sa isang komersyal ng shampoo na pambata noong bata pa ito. Napaka-bibo naman ni Daniel. Manang-mana sa --   

         Hindi na naituloy ni Dani ang iniisip. Sanay ng umilag ang isipan niya sa mga ganitong gunita kaya bigla na lang  niyang  dinampot ang carry-all bag  niya at ang jacket na maong. 

         Aalis   na  pala  ako.  Bukas,  hindi  ka  pa puwede. Mga next week siguro, pangako niya, sabay gusot uli sa buhok nito.   

         Para bang nagbibiro ang pagkakataon nang si Daniel lamang ang lumitaw na tuwid at diretso ang buhok sa pamilya nila. Ang tatay at nanay niya ay parehong kulot, kaya pati siya ay kulot.

         Ipinilig niya nang bahagya ang kanyang ulo habang isinusuot ang helmet.

         Tinapik niya ang dibdib ng jacket. Nandoon ang wallet niya. Balak niyang bumili ng bagong pantalon sa katabing department store ng pinapasukang studio. Hindi siyang puwedeng humarap nang  ganito ang hitsura sa general meeting ngayong umaga. Suot niya ay isang napakaiksing maong short. 

    ‘Sana bukas na ang  tindahan,’ bulong niya sa sarili habang pinapainit ang makina ng motorsiklo. 

         Habang daan, napupuna niyang maraming mata ang nakatutok sa kanyang mga hita at binti na nakalantad dahil hindi inabot ng laylayan ng mahabang jacket na suot niya, naiinis siya sa nag-imbento ng  colorcoding. Kung bakit naman  napatapat pa ngayon ang kotse niya. Bubulong-bulong siya habang  nakakunot ang noo.     

         Sa wakas,  nakarating siya sa studio. Natanaw niya ang guwardiya ng department store na nagbubukas na ng mga bakal na pintuan. Nagtuloy siya sa paradahan ng pinapasukang opisina. Pinili niya ang  katapat  mismo  ng  sekyu  nila,  sa  may gate. 

         Iniwan niya ang motor, matapos isusi ang manibela. Bitbit ang carry-all bag na kulay itim sa isang balikat, naglakad na siya patungong department store.

         Dahil sa pagmamadali, hindi niya napansin ang paparating na sasakyan. Binusinahan siya ng drayber nang tumawid siya nang  walang lingun-lingon. Agad siyang napahinto. Nilinga niya ang  pinanggalingan ng ingay. 

         Isang sulyap lang ang kailangan niya para mapagsino ang nasa likod ng manibela ng pulang kotse. Nakaramdam siya ng panginginig ng mga tuhod at panlalamig  ng buong  katawan. Agad siyang  nagmadali sa pagtawid. Mahahaba ang mga biyas niya kaya madaling  naubos ang disyansix sa pagitan nila ng  bangketa na katapat ng tinutungong establisimiyento. 

         Ramdam niya ang pagsunod ng isang pares ng mga mata sa kanya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok na siya sa loob. Dali-dali niyang iniwan sa counter ang bag at ang helmet niya. 

         Suki na siya rito kaya kabisado niya ang mga posisyon ng mga paninda. Tinanguan niya ang saleslady na malimit umasisti sa kanya. 

         May Levi's? tanong niya rito. 

         Oo, nandito. Pumili ka. Mga bagong dating iyan. Dating size ba? Bilugan medyo punggok ang babae. Sinipat nito ang pigura niya na may halong pananaghili.   

         Ibig na tuloy mayamot ni Dani. Magmula pa kaninang  lumabas siya ng bahay, pulos ang katawan niya ang napapagtutuonan ng pansin ng mga  nakakasalubong na mga tao. 

    Ito na lang siguro, tugon  niya matapos  dumampot ng isang nasa ibabaw. Sumulyap siya sa orasan. Medyo late  na ako, miss. Puwede ko na bang isuot? Nasaan ang fitting  room? Pinunit niya ang tag at kumuha ng pera sa wallet.  Iniabot niya sa babae bago tumalikod  patungo sa munting kuwarto.      

         Ilang sandali lang ang inubos niya sa loob ng maliit na espasyo. Kinuha niya ang sukli at ang resibo sa saleslady na nakatayo  sa tabi ng cashier. Nginitian niya ito, pati ang sekyu habang  papalabas siya.  

         Puwedeng artista, ano? Narinig niyang komento ng matandang lalaki sa mga kasamahang empleyada.    

         Malimit siyang  makarinig nang mga ganitong klaseng puna pero hindi siya kailanman nag-ilusyon na puwede siyang humarap sa kamera. Kumbaga, wala siyang ambisyong umalis sa likod ng kamera niya. 

         Katulad nang inaasahan niya, si Dani ang huling dumating sa meeting. Hindi pa naman nag-uumpisa ang  talagang paksa, pero katatapos lamang  na ipakilala ang lahat. 

         Parang lumaki ang ulo  niya at lumutang sa hangin ang buong katawan niya nang makita kung sino ang lalaking  nakatayo sa harapan, katabi ang big boss nila.  

         ‘Tila importanteng kontrata ang isang ito,’ wika niya sa sarili inoobserbahan ang matangkad na lalaking kinakausap ni Boss John. May personal treatment ito kapag malaking tao ang kliyente ng studio. 

         Malaki ang kumpiyansa niya na  mahirap na siyang  matandaan ni Jude Juarez. Siyento porsiyento na ang mga pagbabagong  nangyari sa katauhan niya. Hindi na siya disi-otsong inosente at ignorante. Treinta'y uno na siya. Marami-rami na ding  natutuhan at nararanasan.  

         Ang mahabang buhok na hanggang beywang niya ay ipinaputol  na niya nang sadsad sa anit. Palagi na siyang  nakapantalon at T-shirt o jacket.  Hindi na siya palangiti o palatawa -- sa bahay na lang kapag  kasama ang pamilya niya; pero paminsan-minsan lang siyang nakakapagpahinga doon kaya bihirang  makapag-ehersisyo ang mga kalamnan  niya sa mukha.  

         Gayunpaman, hindi niya inaalis ang dark glasses  niya. Kumuha siya ng notes habang nagpapaliwanag si Boss John sa harapan.  Bale, isang  dosenang kamerista ang nandoon nang umagang iyon. Dalawa o tatlo lamang ang kulang dahil  may  coverage  sa  ibang lugar nang  gayong oras. Tinatanong sila isa-isa kung ano ang  mga schedule  nila para sa susunod na apat na linggo.       

    Hindi na si Dani dahil natawagan na siya ng amo, kagabi pa lang. Kumbaga pormalidad na lang na nandoon siya ngayon. At saka, para na rin makuha niya ang ilan pang impormasyon.    

         Isa lang ang napuna niya, tila hindi  nabanggit man lang  ang pangalan ng magiging kliyente nila, samantalang  matagal-tagal din silang  nagkausap ni Boss John.     

         Nagkakilala sila ni John Cruz, noong isa pa lamang itong camera man sa isa sa mga sikat na channel sa telebisyon. Nag-aaral siya ng photography at cinematography -- uli.

    Ipinagpapatuloy niya ang naudlot na pag-aaral. Nagdaos ng isang  symposium ang binata sa eskuwelahan nila. Kahit na bata pa ito noon,  kinakikitaan na ng kakaibang talento sa pagtuturo. Kaya nga hindi kataka-takang  ang halos lahat ng mga estudyanteng nakadalo sa syposium  ay  nagprisintang  magtrabaho para dito nang itatag na ang studio.

         Mahigit sampung taon na silang magkasama. Kahit na puwede silang  mag-freelancer, lalo na siya, hindi siya lumalabas para magtrabaho. Kapag bakante, namamalagi siya sa bahay para asikasuhin ang pamilya  niya. 

         Lalo na ang kanyang bunsong kapatid na si Daniel...  Napabuntong-hininga  siya.  Hindi  siya dapat nag-iisip nang kung anu-ano. Hindi dapat, kahit na nasa harapan niya ngayon ang lalaking unang  nagpagulo sa isipan niya. Pati sa puso niya.   

        Nagkakilala naman sila ni Jude noong first year college  pa lang siya. Kapapasok pa lamang niya sa isang malayang mundo ng pagiging estudyante sa kolehiyo. Isang hakbang na lang, nasa daidig na siya  ng mga independiyente. Kaya siguro madali siyang nabighani...  

          Patigil-tigil siya sa pag-aaral dahil malimit

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1