Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Panganib sa Puso
Panganib sa Puso
Panganib sa Puso
Ebook94 pages56 minutes

Panganib sa Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

May plano si Louis. At kailangan niya si Alyanna. Ngunit nagising din ang pagnanasa ng lalaki, kasunod ng paghanga sa babaeng mapagmahal sa pamilya? Paano ba napaibig ang isang pusong nakabalot sa yelo?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJun 28, 2018
ISBN9780463960967
Panganib sa Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Panganib sa Puso

Related ebooks

Reviews for Panganib sa Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Panganib sa Puso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    NAKATAYO si Alyanna Mendiola sa gilid ng isang abandonadong gusali.

    Nakapagkit ang likod at mga palad niya sa pader na pinaitim na ng panahon.

    Nakatutok ang paningin niya sa paanan. Medyo mataas pala ang panggagalingan niya.

    Nang karkulahin niya sa tingin ang apat na palapag kanina, inakala niyang mababa lamang iyon. But her eyes had done a grave mistake in calculation.

    Oh, Diyos ko, makaya ko sana ito! usal niya sa sarili.

    Hindi na niya inisip ang maaaring mangyari kapag di narinig ng nasa Itaas ang panalangin niya.

    She took a number of deep, slow breathes. There was a hushed quiet around her.

    Para bang pigil-hininga rin ang buong paligid.

    Go! Isang pabulong na hiyaw iyon mula sa kanyang likuran.

    Inisip niya ang matatamo kapag natapos na ang pagtalon. Hindi niya makukuha iyon kapag hindi niya nagawa ang trabahong ito.

    Huminga uli siya nang malalim.

    Talon na, Alyanna! utos niya sa sarili.

    Pamaya-maya nga, nakabitin na siya sa ere. Nakasakay na siya sa hangin.

    Her heart was palpitating wildly. Her mind was getting intoxicated with so much oxygen.

    Sumirku-sirko siya para maging mas magaan ang pagbagsak ng katawan sa pinagpatung-patong na kutson.

    Yapus-yapos niya ang mga tuhod nang tila bola siyang lumapag sa ibaba. Tumalbug-talbog muna bago gumulong.

    Cut! Good take! hiyaw ng direktor. Nice, Alyanna!

    Nagtakbuhan palapit ang mga kasama niyang stuntmen. Tinulungan siyang tumindig kahit na kaya naman niya.

    May damage ba siya? sigaw uli ng direktor, kahit na nasa malapit na rin.

    Meron ba, Ali? tanong ni Brutus, ang head stuntman na singkatawan ni Schwarzenneger.

    Umiling siya, gayong liyung-liyo na. Hindi niya aaminin ang mga bukol at mga galos na natamo. Sa pangamba na baka pagpahingahin muna siya sa pagtatrabaho.

    Galos ba 'yan? usisa ng first-aider na binatilyo. Nakatingin sa manggas na kasalukuyang namamantsahan ng sariwang dugo.

    Wala 'to. Malayo sa bituka, tugon niya habang pilit na ngumingiti. Okey lang ako.

    May isang take pa tayo, ha? Okey ka pa talaga? paniniguro ng direktor.

    Opo, Direk.

    Pinilit niyang tumayo mag-isa. Ngunit hindi pa rin siya binitiwan ni Brutus.

    Kaya ko nang maglakad, Brut. Salamat sa pag-aalala, wika niya rito.

    May pagtingin sa kanya ang coach and mentor nila. Ngunit pilit siyang nagbubulag-bulagan.

    She had to ignore his ardent attention. Wala siyang panahon na makipagligawan. Abot hanggang leeg ang kanyang mga responsibilidad.

    It would not be fair to any man, kung idadamay niya agad sa mga problemang pampamilya gayong bago pa nga lang sana magsisimula.

    Atsaka, tiyak naman na walang kukuha sa kanya dahil nga package-deal sila ng mga kapatid niyang pulos mga bata pa.

    Si Alyanna ang panganay sa anim na magkakapatid.

    Kinse anyos siya nang lubusang maulila sa mga magulang. Magmula noon, siya na ang tumayong ama at ina sa tatlong batang lalaki at dalawang batang babae.

    Malaking bulas siya at may malusog na resistensiya kaya nakapasok agad siya sa grupo ni Brutus, bilang isa sa mga stuntwoman.

    Kapitbahay lang nila ang ensayuhan ng mga lalaki at babaeng gumagampan sa mga delikadong eksena sa pelikula, kaya naging madali ang pagpasok niya.

    Dito ka na pumasok, Ali. Mas madali ang pera, lalo na kung masipag at mahusay ka, aya sa kanya ng mabait na lalaki. Maliksi ka naman, e. Siguradong madali ka lang matututo, dugtong pa nito para tuluyan na siyang makumbinsi.

    Sa hitsura lang ito brusko, pero ang kalooban ay ubod ng buti.

    Without hesitation, she accepted the offer.

    Pinili niya ang mapanganib na gawain kaysa naman maging labandera lang siya na katulad ng nasirang ina. O kaya'y maging factory worker na katulad ng namatay na ama.

    She had been the breadwinner for about ten years now.

    At sa awa ng Diyos, hindi pa naman nagutom ang mga ito nang matagal. Medyo kakalam lang muna ang mga bituka, pero nagagawan naman niya agad ng paraan.

    Pa-make-up ka uli, Alyanna, ang pahabol na utos ng direktor. Magpalit ka rin ng costume. Wall-climbing naman ang eksena mo.

    'Nak ng tupa naman 'tong si Direk! reklamo ni Brutus nang nakalayo na ang amo sa pelikulang iyon. Bakit iniunang kunan ang pagtalon? Dapat ay ang wall-climbing muna, hindi ba? Tiyak na pagod ka na ngayon.

    Alam na ni Alyanna kung bakit. Ipinaliwanag na ng direktor iyon kaninang umaga, pagdating pa lang niya.

    Para daw maging mas realistic, wika niya. Tinapik niya sa isang balikat ang kausap. Sige, Brut. Salamat sa concern. Pupunta na ako sa make-up.

    Hindi ka pa kumakain ng lunch, hindi ba?

    Busog pa ako.

    Napailing na lang ang malaking lalaki. Strong woman, pansinin mo naman ako, bulong nito, pero narinig niya nang malinaw.

    Hindi siya nagpahalata. Nagpatuloy siya sa paglakad palayo.

    Ang tutoo, gutom na siya. Nanginginig na ang mga laman niya. Nangangatog na ang mga tuhod niya.

    Ngunit mahihirapan lang siya lalo kapag nakinig siya sa pagkulo ng sikmura.

    Kailangan muna niyang matapos ang susunod na eksena.

    Ay, Alyanna, mabuti't nandito ka na, ang salubong ng malanding bakla na naglalagay ng meyk-ap. Halika na, retokehin na natin ang mukha mo, darling.

    Naupo siya sa isang canvass chair.

    She let her shaking limbs get a rest while fresh make-up was being put on her face. But she dared not close her

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1