Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

You Whispered to Me First
You Whispered to Me First
You Whispered to Me First
Ebook231 pages2 hours

You Whispered to Me First

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

A story of how Eysik Contreras found himself getting more than he was asking for on that unexpected time and day when he met Carlo Evanghelista.

Eysik approached Carlo at a bar to make friends. Only he didn't know that he was in for a big surprise. And it all started when Carlo whispered something him.

LanguageTagalog
Release dateSep 30, 2021
ISBN9780463247136
You Whispered to Me First
Author

illtellyoumySins.

I'm a Filipino Writer, freelance Graphic Artist and photography enthusiast. Most of my novels are LGBT-themed but I also write straight couple romances."Be good and be great, always!"

Related to You Whispered to Me First

Related ebooks

Related categories

Reviews for You Whispered to Me First

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    You Whispered to Me First - illtellyoumySins.

    you whispered to me first

    ILLTELLYOUMYSINS.

    Copyright © 2020 illtellyoumySins.

    All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

    First printing edition, 2020

    ISBN: 979-8-65574642-8 (Paperback)

    Google Book ID: 32LCLUH5DFY (Ebook)

    To those who are still looking for their other half, don't lose hope. Wait and be patient.

    1

    CARLO

    SABI NG NANAY KO, noong panahon na naaalala niya pa kung sino ang kanyang asawa at anak, sinabi niya ito sa akin, May tatlong klase ng tao na dadaan sa buhay mo; Taong makalilimutan ka, taong maaalala ka at taong pilit kang kalilimutan ngunit lagi kang maaalala.

    Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga salitang iyon. Baka nga naisip niya lang. Hindi ko naiintindihan. Marahil ay lumala na ang kanyang pagiging makalilimutin. Marahil sa katandaan ay kung anu-ano na ang kanyang sinasabi. Ngunit, isa lang ang sinisigurado ko, sa tatlong taong sinabi niya, ang tatlong tao na iyon ay ako. Sa iisang katawan.

    Pilit kong inaalala kung bakit ba ako nakaupo dito sa bar ngayon, kung saan ang lahat ng tao sa aking paligid ay halos mabaliw na dahil sa kalasingan. Ang iba ay nagtatalunan at kahit na magkanda-suka na sila ay wala pa ring pakialam. Kahit na mapahiya sila sa harap ng maraming tao. Napakatalino talaga ng nag-imbento ng alak; Bata, matanda, kahit na nagfe-feeling bata ay nagawa niyang mapainom.

    Sino nga ba naman ang hindi umiinom?

    Pwede ba kitang makainuman? Napahinto ako sa pagtitig sa babaeng sumasayaw na biglaang sumuka sa gitna ng dance floor malapit sa DJ, na nagpapatugtog naman ng musikang halos ika-sabog na ng aking eardrums. Kung may isang taong hindi mahilig sa maingay na musika, ako 'yon. Mas gugustuhin ko pa na walang madinig kaysa makarinig ng ingay tulad ng nasa aking harapan ngayon. Kung hindi nga lang ako inaya ng aking kapatid ay hindi ako uupo dito ngayon at iinom ng alak.

    Nasaan na nga ba ang magaling kong kapatid?

    Hah? Binuka ko ang aking labi dahil hindi ko nakuha ang kanyang sinabi.

    Can I get you something to drink? Akala niya siguro ay hindi ako nakakaintindi ng tagalog kaya't tr-in-anslate niya pa ito sa Ingles.

    Ano? Kumunot ang aking noo. Nagpanggap akong hindi siya narinig sa pangalawang pagkakataon dahil sa ingay ng paligid. Gusto kong makita ang kanyang magiging reaksyon.

    Can— Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga, Pwede ba kitang makainuman, kako? Napangisi ako dahil naramdaman ko ang pagbuga ng kanyang hininga sa aking tenga. Ang hangin galing sa kanyang labi ay nagbigay ng kakaibang kiliti sa aking balat at isa-isang nagtayuan ang balahibo ko sa katawan.

    Natatawa ko siyang pinagmasdan, Bakit ka natatawa? dagdag pa niya. Ginaya ko ang kanyang ginawa.

    Inilapit ko din ang aking labi sa kanyang tenga, Nakikiliti ako sa hingina mo. Lumayo siya sa akin at ngumiti.

    Cute ka... Umiling ako.

    I'm drunk and I feel numb, Nginitian niya ako at itinaas ang baso ng alak. No, no. I'm drunk. You should drink for me instead. Nginitian niya ako bago tinungga ang lahat ng alak sa baso na inaalok niya lang sa akin kanina.

    Pinanuod ko ang paglunok niya habang iniinom ang alak. Ang sarap pagmasdan ng paggalaw ng kanyang lalamunan. Mayroon siyang magandang leeg, 'yon ang sinisigurado ko. May malaki siyang voice box na para bang gusto kong hawakan. Napangiti ako sa aking sarili. Inaamin ko, lasing na ako. Bakit ko nga naman iisipin na maganda ang leeg ng isang lalaki? Sino ba namang matinong lalaki ang mag-iisip na maganda ang leeg ng isa ring lalaki ng dahil lamang sa pag-inom? Baliw na ba ako?

    Ano? Maganda ang leeg ko? Ngumiti siya sa akin. Tinakpan ko ang aking bibig.

    Sinabi ko ba 'yon ng malakas? Natatawa ako at sumandal sa aking kinauupuan, ngunit bigla niyang hinawakan ang aking likuran.

    Ingat ka. Walang sandalan ang inuupuan mo. Mas lumawak ang aking ngiti at hinawakan ang kanyang mukha. Napangiti rin siya at 'di ko mapigilang pagmasadan ang kanyang magandang mukha.

    Ba't ngiti ka ng ngiti, ha? 'Di nga kita kilala eh, ang sabi ko sa lalaki. Pinagmasdan ko ang kanyang pisngi. Ang mainit at mamula-mula niyang pisngi. Ang makinis niyang balat na halos inaasam ko na sana ay maging 'sing kinis din ng aking pisngi.

    Bitawan mo ako. Hindi mo ako kilala. Itinulak ko ang kanyang balikat at pinilit na tumayo.

    Hindi ko pa man din naitutuwid ang aking binti ay tila ba umikot na ang aking mundo. Ang lahat ng tao sa aking paligid ay nawala at napalitan ng mga umiikot na upuan.

    Umiikot ang mga upuan? Wala na. Taob na nga talaga ako.

    Are you okay? Umiling ako.

    'Wag mo akong ini-english. Lasing ako. Tinawanan ko siya habang inaabot ang kanyang kamay. Akala niya siguro ay Amerikano ako. Kani-kanina lang ay kinakausap niya ako sa Tagalog biglaan ba namang nag-English? Iba talaga ang nagagawa ng alak. Kahit ang batang ito ay nagagawa akong kausapin sa Ingles.

    Hawakan mo ako. Matutumba ako. Inabot naman niya ang aking kamay. Ang mga daliri niya ay mahigpit kong kinapitan. Ang mainit niyang palad ay tumama sa aking kamay na nanginginig. Kahit na hindi ko siya kilala ay kinapitan ko siya ng mahigpit at nilapit ang kanyang palad sa aking mukha.

    Ang init ng kamay mo. Hindi ko narinig ang kanyang sinabi ngunit nadinig ko ang kanyang pagtawa.

    Ba't mo ko tinatawanan? Tinitigan ko siya ng maigi ngunit umiikot siya sa aking paningin kaya naman nilapit ko ang aking mukha at laking gulat ko ng tumama ang aking ilong sa kanyang pisngi.

    Ang init ng pisngi mo. Pinilit kong tumayo ng tuwid. Binitawan ko ang kanyang kamay at humawak sa kanyang bewang.

    Wala akong kasiguraduhan kung bewang niya nga ang aking nahawakan ngunit bigla niyang hinatak ang aking kamay.

    Saglit—puwet ko 'yan. Nahihiya niyang sinabi sa akin. Muli ko na namang naramdaman ang kanyang hininga sa aking balat. Tumatama ito sa aking pisngi. Ang sarap sa pakiramdam.

    Sa tingin ko ay madami ka ng nainom. Bakit hindi ka na kaya umuwi at magpahinga? Tumango lamang ako habang pinaglalaruan ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

    Do you want me to go home? Hmm... 'kay. Tinatagan ko ang aking binti at binitiwan ang isa niyang kamay. Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang nakapaikot ang aking kanang kamay sa kanyang bewang.

    Okay ka lang? tanong ko ngunit tila hindi niya nadinig dahil hindi siya sumagot. Okay lang ba sa'yo na nakayakap ako?

    Ah— Naubo siya bago niya pinagpatuloy ang kanyang sasabihin. Okay lang.

    Ang init ng katawan mo. Ang sarap sa pakiramdam, bulong ko habang pilit na binubuksan ang aking cellphone.

    Shit. I can't — fuck. Pilit kong tinatandaan kung ano nga ba ang code ng aking lockscreen ngunit walang numero na pumapasok sa aking ulo.

    Umhh... I can't open my phone, Itinaas ko ang aking ulo. Hindi ko sinasadyang tumama ang aking labi sa kanyang nakabukang bibig.

    Hindi ako gumalaw. Nanatili lamang akong nakatayo habang pinapakiramdaman ng aking basang labi ang kanyang malambot na labi. Nakadilat ang aking mata at pinagmamasdan ang kanyang gulat na reaksyon. Ang kanyang bilugang mata na halos hindi na malaman kung saan titingin.

    Naramdaman kong dumulas ang cellphone sa aking daliri. Sinundan ko ng tingin ang nahulog kong phone at nakita ko itong gumulong malapit sa kanyang sapatos.

    Sorry, my phone fell, natatawa kong sabi. Yuyuko na sana ako para pulutin ito nang hawakan niya ang aking kamay at siya na ang yumuko upang abutin ang nahulog na iPhone.

    Code mo? tanong niya. Umiling ako.

    I can't remember. Paulit-ulit akong umiling.

    I can go home. Don't worry. Hinila ko sa kanyang kamay ang cellphone at binulsa ito. Dudulas pa sana ito sa aking kamay nang naramdaman kong ipinasok niya ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon.

    Bumitaw ako sa pagkakakapit sa kanyang katawan at naglakad palayo. Hindi ko inaasahan na bibigay ang aking paa ngunit nanatili pa rin naman akong nakatayo.

    Okay ka lang? Tumango-tango ako.

    Oh? Nandito ka pa rin? Balik ka na do'n. Okay lang ako. Paulit-ulit akong sumenyas na lumayo na siya ngunit hindi ko namamalayan na nasa labas na pala kami ng bar.

    Ipapara kita ng taxi. Saan ka ba nakatira? Umiling-iling ako.

    Hindi ko maalala. Tumitig ako sa kanya. Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat at yumakap sa kanyang katawan.

    Ah! Nasa wallet ko ang address. Kunin mo, nasa bulsa ko. Habang nakayakap ako sa kanyang katawan, pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan ang paghanga sa kanyang mukha. Mula sa mapungay na mga mata, hanggang sa malambot na labi na 'di ko sinasadyang mahalikan kanina.

    Bakit mo 'ko inaalok ng maiinom kanina? Halos magkadikit na ang aming ilong habang kinakausap ko siya. Ang aking kamay ay nakapaikot sa kanyang batok habang nakatayo kami sa labas ng bar. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit namamanhid ang aking buong katawan. Nag-iinit ang aking balat ngunit sa tuwing hahangin ay giniginaw ako. Ang aking kamay ay nanginginig, maging ang tuhod ko ay tila pagod.

    Provincial address 'tong nasa ID mo, Mr. Carlo Evanghelista. Wala kang bahay dito? Hindi ako sumagot. Muli kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi at ipinikit ang aking mga mata.

    Ang init ng kanyang katawan ay ramdam na ramdam ko sa aking balat. Ang bawat paghinga niya ay dama ko sa aking labi at halos malasahan ko ang nainom niya ngayong gabi.

    Meron. Pero kapag nalalasing ako nakakalimutan ko kung sa'n ako nakatira. Tumayo ako ng tuwid at bumitaw sa pagkakayakap sa kanyang katawan.

    Napangiti ako nang may dumaan na taxi sa aming harapan. Pilit kong pinara ito na halos nakaharang na pala ako sa daanan, kaya naman hinatak niya ako upang tumabi.

    Sir, sa Elise Grande po. Napatitig ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

    Hindi naman ako doon nakatira eh. Ngumiti lang siya sa akin.

    Kapag naalala mo na kung saan ka nakatira. Ihahatid kita. Tinulungan niya akong pumasok sa loob ng taxi. Kinalabit ko ang driver at nang lumingon siya sa akin ay ngumiti ako.

    Okay lang buksan natin 'tong bintana? Baka masuka ako sa amoy ng aircon eh. Tumango ang driver kaya naman muli akong ngumiti at pinagmasdan ang lalaking nasa aking tabi.

    Hindi ko namamalayan ang oras habang tumatakbo ang taxi. Pinagmamasdan ko lang siya habang pinipilit na pakalmahin ang aking sarili dahil ayokong sumuka sa loob ng taxi; Una, nakakahiya kapag nasuka ako dito. Baka hindi na niya ako ihatid pauwi. Pangalawa, mabaho ang suka. Kawawa naman si kuya driver kapag nagkalat ako.

    Sa bawat pagtalbog ng taxi ay pinipikit ko ang aking mga mata at humihinga ako ng malalim. Huminto ang taxi sa malaking gate at dumukot ng wallet ang lalaki sa aking tabi. Pinanuod ko ang pag-abot niya ng bayad sa driver.

    Sana ang wallet ko nalang ang kinuhanan mo ng pera. May pangbayad ako. Ngumiti lamang ang lalaki at lumabas ng sasakyan. Gumapang ako palabas at inalalayan niya akong makatayo.

    Mga ilang hakbang at mahilo-hilong pangyayari ang naganap bago niya ako tuluyang mai-upo sa malambot at mainit na higaan. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin kaya naman ngumiti ako.

    Bahay mo 'to? Muli siyang ngumiti sa akin. Inikot ko ang aking tingin sa kanyang condo unit. Mukha namang malinis ito at walang ahas na lalabas kung matutulog man ako dito ngayong gabi.

    Akala ko naman sa mansion ka nakatira, English ka ng English kanina. Puna ko sa lalaking nasa aking harapan.

    "Eh, akala ko mayaman ka

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1